28: UNEXPECTED ENCOUNTER

425 14 1
                                    

Ilang buwan na laging umaga ng umuuwi si Kael at lagi itong lasing kaya ang kanyang pamilya ay labis na nagaalala na sa kanya. May inutusang private driver at guard ang ama nito para sa anak para mapanatili parin ang kaligtasan ni Kael lalo pa't hindi nila kayang pigilin ito. Lagi rin nilang naririnig na umiiyak at nagsisigaw sa kwarto niya lalo na kapag lasing ito. Wala namang magawa ang mga magulang niya maging ang lolo niya ay hindi na niya pinapakinggan, dumadalaw naman minsan ang mga kaibigan niya para bisitahin siya pero madalas ay hindi ito kumikibo.

Isang araw umaga na dumating si Kael at sakto namang nasa sala na ang kanyang Lolo na nakaupo.

"Kael,inumaga kana naman?" Pag-aalalang tanong ng kanyang Lolo.
"It's fine lo, I miss her hehe." Lasing na boses nito at tumatawa pa.
"Apo, tigilan mo na ang kakainom mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo." Saad ng kanyang lolo ngunit tumawa lang si Kael.
"Hindi niyo po kasi alam ang sakit na nararamdaman ko ngayon, ang babaeng minahal ko ay ginamit at sinaktan lang ako." Naiiyak nitong sabi at medyo tumataas na ang boses niya.
"Apo, huminahon ka. Pakinggan mo naman kami oh, hindi ka naman ganyan dati." Pakikiusap ng kanyang lolo ngunit umiling at tumawa lang ng peke si Kael.
"HAHAHA dati? Paano ko pa ibabalik yung dati kung siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto ngayon Lo? Sige nga." Pangunguwestyon ni Kael sa kanyang Lolo.
"Kael! Sirang-sira na ang buhay mo!" Hindi na nakapagpigil pa ang kanyang Lolo at nasigawan na ang kanyang apo.
"Matagal ng wasak at sira Lo, simula nong iniwan niya ako." Naiiyak nitong saad.
"Kael, apo please. Tumigil kana, kami ang nahihirapan para sa'yo apo ko." Mahinang pakiusap ng kanyang lolo habang nakahawak ito sa kanyang dibdib dahil sumisikip na naman.

Hindi na makatayo ng deretso si Kael at medyo malabo na rin ang pangin nito. Dederetso na sana siya sa taas para matulog na ngunit biglang natumba ang Lolo niya at agad niya itong nilapitan.

"Loo!! I'm sorryyy! Wake up lo please!!" Naiiyak na sigaw ni Kael habang yinuyugyog ang matanda.
"Mom!!..Dad!!..Manang!! Helpp!" Sigaw na paghingi ng tulong ni Kael.

Narinig naman kaagad nila at nadatnan nilang nakahandusay ang matanda sa kandungan ni Kael kaya dali-dali na silang nagtungo sa Hospital.

"Dad please, si Lolo. Save him please dad, mom." Pakiusap ni Kael habang umiiyak ito.
"Maiwan kana dito Kael, mukhang wala kapa sa wisyo. Mag-uusap tayo sa susunod."seryosong bitaw ng kanyang ama at tuluyan ng binuhat ang matanda palabas.
"Dad I'm sorry, I didn't mean it." Seryosong paghingi ng tawad ni Kael ngunit naiwan na siya sa loob habang umiiyak parin at sinisi ang sarili.

Kaagad na nahimasmasan si Kael dahil sa nangyari at sinisisi ang sarili sa nangyari sa kanyang Lolo. Napasundok nalang siya sa sahig dahil sa nangyari at hindi sana mangyayari yun kung inayos niya ang kanyang buhay at nakinig siya sa kanila.

"Lo, I'm sorry. I promise babawi ako, magbabago na'ko." Bulong nito at tumayo na.

-------------

Nasa emergency room ngayon ang Lim Family at hinihintay nila ang balita kung ano ba ang nangyari sa matandang Lim. Kinakabahan sila at hindi rin maiwasan ng ama ni Kael na sisihin siya sa nangyari. Pabalik-balik sa paglalakad ang ama nito habang ang dalawang babae ay magkayap at pinipilit na pakalmahin ang mga sarili nila.

"Doc, ano pong nangyari kay Dad?" Agad na tanong ni Dominic sa doctor paglakabas na pagkalabas nila.
"He's stable now but we still need to monitor him lalo na't muntik na naman siyang macardiac arrest kanina. Also Mr. Lim, pakiiwasan ang mga nakakastress sa kanya dahil humihina na ang puso ng ama niyo." Saad ng doctor at saka tinapik ang balikat nito.
"Son, yung lolo mo. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya." Naiiyak na sabi ng matang Lim kay Dominic kaya agad niya itong niyakap at hinalikan sa noo para pakalmahin ito.
"Don't worry, mom. Walang mangyayari kay Dad." Pagpapakalma at pagkumbinsi nito sa ina na kanina pa nag-alala.
"Hon, uwi muna ako para kumuha ng gamit ni Dad. Babalik din ako kaagad." Paalam naman ng kanyang asawa at niyakap din ito bago umalis.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon