Habang naiwan ang apat sa sala ay agad naman nilang kinamusta si Ali kung ayos na ba siya."Kamusta na ang pakiramdam mo Ali?" Paunang tanong ni Mavis.
"Ayos na'ko guys, don't worry." Pagpapanatag naman ni Ali.
"Kung hindi dahil kay Gian, hindi pa namin malalaman." Singit naman ni Sienna.
"Tangina talaga ng AJ na 'yun, ngayon nagkasugat kana." Naiinis na bitaw ni Audrey kaya napatingin si Ali kung bakit niya alam na siya ang dahilan ng mga pasa at sugat niya.
"How did you know?" Pagtatakang tanong ni Ali kaya napailing nalang ang tatlo.
"Nakita kani ni France kanina, pinapatanong kung kamusta kana. Naikwento niya rin ang bangayan niyo ni AJ." Saad ni Audrey kaya napahinga nalang ng malalim si Ali.
"Ali, magsabi ka naman samin oh. Nag-aalala na kami sa'yo kung alam mo lang." Ani naman ni Mavis.
"Kaya nga, wag kang mahiyang magsabi sa'min. Lagi lang kaming nandito para sa'yo." Dugtong naman ni Sienna.
"Thank you guys." Nakangiti namang sagot ni Ali at tumango naman ang tatlo at ngitnitian din siya pabalik.
"Anyways, kamusta naman kayo ni Kael?" Pag-iiba ng usapan ni Sienna kaya napatingin si Ali kay Mavis at tinanguan lang siya nito bilang senyales.
"We're fine." Sagot naman ni Ali.Sakto namang paparating na si Kael kaya tumahimik na sila at hindi na nila tinuliy ang iba pa nilang mga katanungan kay Ali.
"Thank you, love!" Nangiting ani ni Ali kay Kael, tinabihan naman siya ni Kael pagkatapos niyang maibaba ang mga meryenda.
"Oh guys, why did you stop?" Tanong ni Kael.
"Feel at home, di naman na kayo iba sa'min eh." Mainit na pagtanggap nito sa mga kaibigan.
"Ang bongga niyo naman magpameryenda, goldilocks agad?" Pagbibiro ni Audrey kaya napatawa sila.
"Sorry, 'yan nalang kasi ang natira na stock dito sa bahay HAHAHA." paumanhin naman ni Kael.
"Pati juice jusko, galing ba 'to abroad?" Dugtong din ni Mavis kaya mas napangiti ang mag-asawa.
"Kumain na nga lang kayo HAHAHA, pakipot pa kayo eh." Deretso namang bitaw ni Ali at dali-dali naman silang kumuha.
"Pakahumble naman ng mag-asawang 'to, paampon nga ako. Baka ito na ang chance ko para tumaba." Biro naman ni Sienna sabay kagat sa goldilocks bread.
"Anyways, thank you for visiting us." Nakangiti namang saad ni Ali kaya ngumiti rin pabalik ang tatlo.
"You're always welcome here, kaya anytime you can come." Nakangiti namang alok ni Kael sa kanila at nagkatitigan naman ang tatlo at bakas sa mukha nila ang saya.
"Ayon naman pala eh, kung ganito ba naman kasarap mga pagkain dito kahit araw-araw pa'kong bumalik dito." Energetikong sabi ni Audrey kaya napatawa sila.
"Nagkalintikan na nga, nakukuha na ang ugali ng nobyo niya." Napapailing nalang si Mavis habang sinasabi ito.
"Wag mo na ipaalala, LQ kami ngayon." Simangot na sagot ni Audrey kaya napatawa ang mga ito.Ilang oras din sila sa bahay nila Ali at masaya silang nagkwentuhan at kaagad na ring nagpaalam dahil may pupuntahan pa sila. Mainit din silang namaalam sa mag-asawa at nagpasalamat sa mainit nilang pagtanggap sakanila kahit biglaan. Agad namang niligpit ni Ali ang pinagkainan nila kanina at tinulungan narin siya ni Kael.
"Thanks. Mauna na'ko sa taas." Paalam ni Ali pagkatapos nilang magligpit sa sala.
"Wait, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Pagtigil at pag-aalalang tanong ni Kael.
"Yeah, kaya ko na 'to." Sagot ni Ali at hindi na ito nag-abalang lumingon pa.
'I'm sorry, my love.' Bulong ni Kael sa sarili habang tinitignan si Ali na papataas.Natulog nalang ulit si Ali dahil medyo masama pa ang pakiramdam niya. Dere-deretso na rin ang tulog niya at hindi na niya namalayan pa ang oras na gabi na pala. Bumaba na ito para uminom ng tubig at makapaglutona rin. Nakita naman niya si Kael na nasa sala ulit ito kaya hindi na siya nag-abalang tumingin sa kanya at nagtuloy-tuloy nalang sa kusina.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...