25: JOY AND SADNESS

452 12 2
                                    

4th year college na sila ngayon at ipinagpatuloy pa rin ang kanilang course na kinuha. Nanliligaw na si Nico kay Mavis ngayon at sina JR at Audrey naman ay nasa indenial stage pa sila. Sina Gian at Sienna naman ay masaya pa rin sa isa't isa gaya nila Ali na nanatiling konteto sa isa't isa at nanatiling matatag pa rin ang relasyon nila. Sa journey nila bilang College students ay marami silang napagtanto na hindi lahat ay biro.

Habang nagrereview sina Ali at Audrey sa kanilang classroom dahil may exam sila sa susunod na subject ay biglang napansin ni Audrey na ang putla ni Ali.

"Ali, okay ka lang? Ang putla mo." Pag-alalang tanong nito sa kaibigan.
"Yeah, I'm fine. Nahihilo lang ako kunti." Sagot nito at halata sa boses nito na nanghihina.
"Tara muna sa clinic, samahan na kita. Baka mahimatay ka pa jan lagot ako kay Kael." Pagkumbinsi nito.
"Please don't tell him about this. Magreview nalang muna tayo, don't worry nakainom na'ko ng gamot kanina." Saad ni Ali kaya napatango nalang si Audrey kahit na nag-aalinlangan ito.

Noong nakaraang linggo pa na nanghihina si Ali at minsan ay nahihirapan din itong huminga. Hinayaan niya na lamang ito dahil baka pagod lang ito dahil halos araw-araw ay puyat siya sa pag-aaral. Lagi rin na may nakahandang gamot sa bag niya incase na sumpungin siya. Hindi niya rin ito sinasabi kay Kael at pinipilit niyang maging ok kapag kasama si Kael para hindi na ito mag-alala.

Mas mabigat at mas marami na kasi ang mga requirments at exam nila kumpara noong nakaraang school year dahil magtatapos na sila ngayon. Nago-OJT din sila kay mas doble ang pagod at sikap na kakailangin nila.

Sa pagdaan ng mga araw ay mas humina ang katawan ni Ali at lagi itong namumutla kahit na gumagamit ito ng make-up ay halata pa rin. Hindi naman napansin ng iba maging si Kael dahil nagpapanggap itong malakas kung kasama sila at tanging si Audrey lang ang nakakapansin sa kanya dahil magkklase sila.

"Hoi Ali, tell me the truth and I promise hindi ko sasabihin sa iba. Ang putla-putla mo kasi ilang linggo na 'yan tsaka sa tingin ko hindi na 'yan normal." She confronted Ali with a serious tone of voice kaya napatingin si Ali sa kanya.
"Hindi ko alam Audrey." Pagsasabi naman ng totoo ni Ali.
"But nagpacheck-up kana ba? Tsaka may nakita akong pasa sa braso mo kanina nong itinaas mo ang damit mo sa gilid." Tanong na pag-alala nito.

May mga pasa na kasi si Ali simula nong bigla siyang namutla. Ninonormalize niya lang ito kaya hindi siya masyadong nag-aalala.

"Ah wala lang 'to, nasagi ko kasi yung study table ko nung may pinulot ako. Eto naman masyadong OA." biro ni Ali para di masyadong seryoso ang usapan nila.
"Gaga, shempre nahahalata ko lalo na matagal ka ng ganyan. Alam ko namang nagpapanggap kang malakas kapag kasama natin sila eh." Saad ulit ni Audrey dahil hindi ito kumbinsido.

Nanahimik nalang si Ali at itinuloy nalang ang pagbabasa dahil malapit na ang final exam nila at isang buwan nalang ay graduation na. Abala silang lahat dahil marami pa silang kailangang ihabol na requirments pati ang thesis nila.

Sinundo ni Kael si Ali para sana surpresahin siya bago sila tuluyang mabusy sa pagrereview next week dahil matagal-tagal na rin simula nong huli silang lumabas.

"Teh, andyan na ang bebe mo." Ani ni Audrey nang makita si Kael na nakatayong nakangiti sa harap ng pinto nila.
"Huh?" Pagtatakang tanong ni Ali dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman silang plano ngayon.

Pinuntahan naman kaagad ni Ali si Kael sa labas at niyakap ito.

"What are you doing here love? May nakalimutan ba'ko na lakad natin?" Pagtatakang tanong ni Ali kay Kael ngunit ngumiti lang ito.
"Wala love, I just want to surprise you. I miss you!" Sagot nito at niyakap ulit ang nobya ng mahigpit.
"I miss you too love!" Tugon naman ni Ali habang yakap-yakap din si Kael at hinalikan siya ni Kael sa noo.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon