23: RS ERA

407 10 1
                                    

Ilang araw matapos ko sinagot si Kael ay mas naging clingy at mapagmahal pa ito sa akin. Araw-araw namang nahuhulog ang loob ko sa kanya sa bawat assurance na binibigay niya sa'kin. Hinding-hindi talaga ako nagkamali na sagutin siya dahil deserve niya naman ito dahil sadyang halos nasa kanya na lahat, caring, loving, gentleman, respectful, protective, handsome, mature, understanding, kind, honest, supportive, funny and etc. Wala na'kong hihilingin pa sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat-lahat.

Pagkabasa ko sa chats niya ay kaagad akong gumayak dahil baka mamaya nandigo na yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkabasa ko sa chats niya ay kaagad akong gumayak dahil baka mamaya nandigo na yun. Hayaan ko nga siya manuyo, once a month lang naman ako magtampo sa kanya kay sulitin na.

Sakto namang pagkabihis ko ay may narinig na akong sasakyan sa labas at doorbell. Tinawag kaagad ako ni Manang Lagring na may tao sa baba.

"Iah! May bisita ka." Sigaw ni Manang Lagring.
"Pababa na po Manang." Sagot naman ni Ali kaya dali-dali na nitong kinuha ang bag niya at bumaba na.

Pagkababa niya ay nakita niya si Kael na nakaupo sa sofa nila habang pinagmamasdan siyang bumababa sa hagdan. Nakablack polo shirt at black slacks ito ngayon na pinaresan niya sa puti nitong sapatos.

"You're so pretty, Love." Compliment nito ngunit sinungitan ko lang.
"Manang Lagring, una na po kami." Paalam ni Ali at inuhan niya si Kael.

Akma sanang hahawakan na ni Ali ang door knob ngunit inunahan siya ni Kael at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thanks." Tipid lang na sagot ni Ali.

Pagkasara ni Kael ang pinto ay dali-dali naman itong pumunta sa sasakyan niya at pinagbuksan ulit si Ali ngunit dumeretso si Ali sa likod at binuksan ang pinto.

"Love, sorry na kase. Joke lang 'yun." Panunuyo ni Kael at nilalambing si Ali.

Napatigil si Ali sa malambing na tono ng boses ni Kael kaya ginamit na ni Kael ang tyansa kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Ali at isinara ang pinto at pinaupo siya sa passenger seat. Kusa naman ng umupo si Ali sa passenger seat dahil hindi rin niya naman matiis si Kael.

"Love?" Maamong tawag ni Kael kay Ali.
"Hm?" Tugon nito.
"Nagtatampo ka pa rin po ba?" Malambing na tanong nito ngunit hindi umimik si Ali at deretso lang ang tingin nito sa harap.

Pilit na pinipigilan ni Ali ang bumigay dahil sa pinaggagawa at pinagsasabi ni Kael sa kanya para lang masuyo siya. Hindi naman nagsasawa si Kael na suyuin siya dahil minsan lang ito magtampo at sa tuwing malapit lang ang period nito biglang magtatampo, kahit pa 'nong nililigawan palang siya ni Kael kaya alam na alam na niya kung bakit bigla-bigla itong magtatampo.

"I already know the reason love, tara Ice Cream muna tayo." Nakangiti nitong saad bago inandar ang kotse.

'Oh this man really knows me well talaga.' Saad ni Ali sa kanyang isipan at napangiti nalang ito sa passenger mirror at napangiti ng palihim.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon