8: THE DEAL

648 18 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas at medyo nagkakasundo na ang dalawa. Nakakaadjust na siguro sila sa isa't isa kaya medyo komportable sa sila kapag magkasama at mag-uusap. Nahalata ito ng mga kaibigan nila kaya minsan ay naasar pa rin ngunit nasanay na rin ang dalawa sa kakulitan ng mga kaibigan nila.

---AT THE LABORATORY---

Nasa Science Lab sila ngayon para sa isang experiment sa last subject nila. Habang ginagawa ang experiment ay kinakailangan nilang irecord ang mga observations nila at ippresent nila ito bukas. Magkagrupo ulit sila Miks at Ali dahil wala rin silang magawa dahil ang mga kaibigan nila ay magkakapareha na rin at isa pa ay wala namang ibang kaclose na iba si Ali maliban kay Miks.

"Ali, tayo nalang." Tanong ni Kael ng mapuntahan na niya si Ali.
"Huh?" Pagtatakang tanong ni Ali.
"I mean, partner nalang tayo mukhang magkakapartner na naman ang anim eh." Paliwanag naman ni Kael dahil napansin nitong hindi nagets agad ni Ali ang kanyang ibig sabihin.

Sinasadya talaga ng anim na sila ang magkakapartner tuwing may dual group para mapagbati nila ang dalawa bilang Mikhalaiah shippers, gagawin nila ang lahat. Hindi lang to ang dahilan dahil may mga lihim na pagtingin na rin ang anim sa isa't isa.

"Ok. Wala naman na'kong choice eh." Pabirong sagot ni Ali na siyang dahilan para tumaas ang isang kilay ni Kael.
"Wow ah? Edi thank you." Seryosong sagot naman ni Kael kaya nagtawanan na lamang sila at dumeretso na sa kanilang pwesto para makapagsimula na.

Natapos na ang Experiment nila ngunit hindi pa nila naffinalize ang mga observations and need pa nilang sagutan ang Guided Questions sa Activity.

"Hey, hindi ka pa ba uuwi? Nakaalis na silang lahat." Tanong ni Ali kay Kael dahil abala pa rin ito.
"Not yet. If-finalize ko muna to bago ako umuwi." Nakayuko pa rin si Kael sa mga papers sa table ng lab na agad namang napansin ni Ali kaya lumapit ito.
"I'll help you nalang, mas mabilis matapos para naman may ambag ako jan. Baka mamaya sabihin mo pang wala akong ambag." Pagboboluntaryo naman ni Ali habang binibiro si Kael at tumango ito bilang sagot sabay turo sa upuang bakante sa tabi niya.

Alas sais na ng hapon at namatay na lahat ng ilaw sa buong campus at tanging mga poste ng ilaw lang ang makikita sa labas. Hindi rin alam ng dalawa na sira pala ang door knob sa Science Lab at hindi na namalayang sumara ang pintuan kanina dahil abalang-abala sila sa pagtapos ng kanilang Activity.

"Sh*t, hindi ko na namalayan ang oras." Sabi ni Ali ng biglang namatay ang mga ilaw.
"Tara na, baka malock'an pa tayo sa gate." Pag-aaya naman ni Kael kaya agad na nilang inayos lahat ng mga gamit nila at nagtungo na sa pintuan.

Habang binubuksan ni Kael ang pintuan ay hindi niya ito mabuksan kaya pinipilit niya pa rin ito ngunit ayaw talaga.

"Hey, sira ang door knob. Pero susubukan ko pa ring buksan." Saad ni Kael habang pilit na pinapakalma ang sarili at para hindi mag-alala lalo si Ali.
"Whattt??" Sigaw ni Ali sa narinig at agad itong napaupo dahil di niya alam ang kanyang gagawin.

Nagulat si Ali dahil may takot siya sa dilim at hindi niya ito makakayanan kung hanggang umaga pa sila sa loob ng lab.

"May battery ka pa ba? Palowbat na ako 3% nalang." Pagtatanong ni Kael at napaupo na sa tabi ni Ali dahil ayaw talagang magbukas ng pinto.
"Wala na nadead bat kanina." Mahinang sabi ni Ali habang pinilipit ang sarili na huwag matakot.

Agad namang napansin ni Kael na natatakot si Ali kaya pinagaan ang loob ng kasama.

"Hey, natatakot ka ba?" Tanong ni Kael sa kasama dahil kanina pa ito tahimik.
"Oum." Tipid na mahinang sagot naman ni Ali kaya agad na nag-isip si Kael ng sasabihin para pagaanin ang loob nito.
"Alam mo? Ganyan na ganyan ako noon." Panimula nito at napatingin naman ang dalaga sa kanya.
"Takot na takot akong malock noon lalo na noong naranasan ko na mismo. Kahit pa na sinasabi ng iba na normal lang matakot. Kasi hindi naman nating maccontrol ang emotions natin minsan eh." Paninimula ni Kael.
"Lahat ng tao may iba't ibang weakness, siguro minsan ang iba pinapakita nila na matapang sila ngunit sa loob nila ay durog na durog na sila. Kaya kung natatakot ka, huwag kang magdadalawang-isip na ipakita sa akin dahil hindi ko naman ipagkalalat sa iba." Dagdag ni Kael kaya natahimik at napaisip ang dalaga sa sinabi nito.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon