46: PAIN

562 18 2
                                    

KAEL'S POV:

Pagkatapos ng nangyari ay agad akong nakipagkita kay AJ, wala akong pakialam sa itsura ko ngayon. Gulong-gulo na'ko sa lahat kaya ako na mismo ang dumeretso sa condo niya. Galit lang ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa niya, maayos ang usapan namin ngunit trinaydor niya ako.

Pagkarating na pagkarating ko ay kinalabog ko kaagad ang pintuan nito habang sinisigaw ang pangalan niya.

"AJ!! OPEN THE DOOR!" Paulit-ulit na sigaw ko habang walang tigil ang pagkatok ko ng malakas.
"What? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa lolo mo? HAHAHA" Natatawang saad niya kaya mas lalong uminit ang dugo ko.
"Why did you do that ha?! Muntik na naman maatake si Lolo ng dahil sa ginawa mo!" Sigaw ko sa kanya at gulat na gulat naman ito at unti-unti na siyang napapatalikod dahil ngayon niya lang ako makita na magalit ng subra.
"Sana nga nawala na siya eh, siya lang naman ang panira sa'tin." Saad nito kaya muntik ko na siyang mapagbuhatan ng kamay buti nalang napigilan ko ang sarili ko.
"Don't you dare say that! Tandaan mo never naging tayo! Ilang ko pa ba sasabihin sa'yo na itatak mo 'yan sa isipan mo ha? Tangina ang desperada mo naman." Napapailing na sigaw ko nalang sa kanya habang bumubuhos na ang mga luha ko.
"Alam mo ba na ng dahil sa ginawa mo nasira ang tiwala sakin ng pamilya ko? Alam mo ba na ng dahil sa ginawa mo nasira ang reputasyon ng pamilya namin? Alam mo ba na ng dahil sa ginawa mo ay galit na galit na sakin ang pamilya ko? Lalong lalo na ang pamilya ng asawa ko ha?" Panunumbat ko sa kanya at nanghihina na rin ako.
"It's not my fault, it's all your fault remember? Kung hindi ka sana nakipagdeal ng contract kay Ali, hindi mangyayari 'to at hindi ka ikakahiya ng pamilya mo kung naging matino ka sa pagdedesisyon noon. Wag mong isisi lahat sakin dahil ikaw ang nagsimula nito. Pinagpili kita diba? So bakit ako ang sinusugod mo ngayon? Hindi ba dapat ang sarili mo ang sinisisi mo sa lahat ng nangyari?" Sagot ni AJ at bawat bitaw niya mas lalong kumikirot ang puso ko.
"Nasaktin din ako Miks, nagmahal lang din ako. Kaya wag mong isisi lahat sa'kin dahil simula palang ako na yung nandito para sa'yo pero palaging si Ali nalang ang nakikita mo. Nang dahil sa lintik na pangako mo sa'kin noon, umasa ako pero pagkabalik mo iba na pala ang binalikan at ginusto mo. Alam mo bang ilang taon akong naghintay sa'yo? Childish na kung childish pero putangina wag kang mangako kung hindi mo kayang panindigan!" Sigaw niya sakin at napahampas nalang siya sa dibdib ko habang umiiyak na rin.
"Una palang sinabi ko na sa'yo AJ, ikaw ang sumira sa pagkakaibigan na'tin. Linamon ka ng pagkadesperada mo na makuha ako kaya ka nagkakaganyan. Ayusin mo ang sarili mo, sinisira mo lang sarili mo eh. Wag kana umasa dahil hanggang sa huling hininga ko ay si Ali parin ang mamahalin ko at walang magpapabago ron." Huling sinabi ko at agad na akong umalis sa condo niya dahil hindi ko na kayang makipagsumbatan pa sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, naisipan kong pumunta sa mansion nina Ali at nagbabasakaling haharapin niya ako.

"Ali! Please talk to me love!" Pagsisigaw ko sa harapan ng gate nila at wala akong pakialam kung mawalan man ako ng boses basta gusto ko lang makipag-usap sa kanya.

Ilang oras din akong nasa harapan ng gate nila at nagbabasakaling pagbuksan niya ako hanggang sa unti-unti ng bumuhos ang ulan. Hindi ako umalis sa pwesto ko dahil papanindigan ko kung ano man ang ginawa ko.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan nila kaya agad akong tumayo at nagbabasakaling si Ali ang lalabas ngunit nagkamali ako dahil si Manang Lagring ang lumabas.

"Hijo, umuwi kana. Baka magkasakit ka pa." Pag-aalala nitong saad sa akin.
"Hindi po ako aalis manang hangga't hindi ko nakakausap si Ali." Pagmamatigas ko.
"Hijo, bumalik kana lang sa ibang araw. Ayaw kasi nina sir na makita ka sa ngayon." Malumanay na ani ni Manang Lagring.
"It's fine manang, I'll stay here. Alam kong masama ang loob sakin nila Dad ngunit nandito ako para patunayan ang pagmamahal ko sa asawa ko." Tanging tugon ko sa kanga habang walang tigil ang pag-agos ng nga luha ko. Mas lumakas pa ang ulan kaya nilalamig na rin ako dahil kanina pa ako nakababad sa ulan.
"Umuwi kana hijo, sobrang lakas na ng ulan oh." Bilin ni Manang ngunit umiling ako at nginitian siya ng mapait.
"I'm okay manang, pumasok na po kayo sa loob." Mapait na saad ko sa kanya at tumango naman ito at agad na ring pumasok sa loob.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon