35: TIME HAS COME

557 22 4
                                    

Simula nong araw na bumisita ang Lola't Lola nila ay bumalik na naman sa dati si Kael. Bumalik narin si Kael sa dati niyang pinagtutulugan ngunit ang mga gamit niya ay nasa master's bedroom na, baka kasi bumalik na naman ang mga ito sa bahay nila at baka biglaan na naman. Muntikan na rin kasi sila mabuking noon kaya nagdoble ingat na siya. May mga gabi na ring hindi umuuwi si Kael sa bahay nila, sa condo siya nagpapalipas ng gabi at doon umiinom. Ayaw niya kasing makita siya ni Ali na uminom at ayaw niyang umuwing lasing doon baka dahil kung ano pa ang masabi niya sa asawa.

Bumisita naman si Ali sa mga magulang nito dahil matagal narin simula nong nakita at nakausap sila. Nagpaalam siya kay Kael na doon muna siya matutulog at pumayag naman si Kael.

"Hi dad! Mom!" Masigla kong bungad sa kanila pagpasok ko sa bahay.
"Oh nak ba't andito ka? May nangyari ba?" Takang tanong ni Mommy sakin ngunit lumapit ako sa kanila at dali-daling yumakap.
"Wala po, gusto ko lang kayong isurprise! Surprisee!! I miss you both!!"masayang sigaw ko kaya napatawa naman sila.
"Kung wala ka pang asawa, iisipin ko na talagang bata ka pa nak." Pang-aasar sakin ni Daddy.
"Bakit dad? Hindi niyo na ba ako baby? Ganyan na kayo sakin ha." Pagtatampong sabi ko sa kanila kaya napatawa ulit sila.
"Ano ba ang gusto ng baby namin na yan? Hmm?" Malambing na panunuyo sakin ni Dad.
"Kayo po hahaha!" Banat ko sa kanila.
"Haynaku kang bata ka, kahit kailan talaga." Napailing nalang si mom dahil sa kakulitan ko.

Sakto naman ang pagpasok ni Manang Lagring galing sa labas kaya pumunta siya kaagad sa direksyon namin.

"Iah, namiss kita. Kamusta na kayo ni Kael?" Masayang bati sakin ni Manang Lagring.
"Halinga po kayo dito! Namiss ko kayo!" Masayang ani ko sa kanya at dali-dali siyang niyakap. Masayang kaming pinagmamasdan nila Dad dahil alam nilang malapit ako sa matanda.
"Wala paring pinagbago, fresh na fresh ka parin." Pambobola sakin ni Manang Lagring.
"Shempre Manang, minsan lang 'to malapit na naman kaming magisa sa exam HAHAHA." natatawang kong tugon sa kanya kaya napatawa siya.
"Oh siya, mauna muna ako." Paalam nito at niyakap ko ulit siya bago umalis.
"Manang Lagring, nga pala ako magluluto mamaya." Nakangiting sabi ni mommy at tumango naman si Manang.
"Tulungan na kita mom." Saad ko sa kanya kaya ngumiti ito.
"Hindi na anak, magrelax ka nalang muna tsaka magbonding kayo ng dad mo." Pagtangging nakangiti sakin ni mommy kaya tumango nalang ako.
"Sus, ayaw mo lang na malaman ni Iah ang recipe mo." Asar ni daddy kay mom.
"Shempre mahirap na." Banat naman ni mom na ikinatawa ko.

Ilang saglit lang ay nagtungo na si mom sa kusina upang magluto, nakaalalay naman ang mga katulong sa kanya sa pagluluto. Habang kami ni Dad ay naiwan dito sa sala at masayang nagkkwentuhan gaya nong bata pa ako.

"Kamusta po kayo dad?" Pagbubukas ko ng usapan.
"Ayos naman anak, ikaw? Kamusta kayo ni Mikhael?" Tugon ni Dad sakin at napangiti ng pilit sa kanya.
"Ayos lang din naman po." Sagot ko sakanya.
"Pansensya kana anak ha kung nilagay kita sa posisyon na yan."paumanhin sakin ni Daddy.
"Naku wala lang po yun, btw kamusta na po ang company?"tanong ko sa kanya at agad siyang napangiti.
"Bumalik na sa sigla ang company anak, laging bumisita rin ang asawa mo doon. Napakabait at responsableng bata, hindi ko nga alam kung papaano niya napagsasabay ang lahat eh." Masayang kwento ni Dad at ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Kael ay biglang sumaya ang puso ko.
"Ano naman po ginagawa niya don?" Usisa kong tanong sa kanya dahil wala akong alam na bumibisita pala siya doon dahil wala naman siyang sinasabi.
"Hindi ko alam anak basta lagi niyang kinakalabit ang mga computers at inaayos din ang mga sira. Napakalaking tulong non nak, marami kasing nasira na nakatambak sa bodega. Labis nga ang pagsisisi ko kung bakit ko siya pinapaalis sa buhay mo noon, nakokonsensya ako sa bawat pagngiti at pagtulong niya samin ng bukal sa loob niya." Kwento ni Dad na halatang bilib na bilib ito kay Kael kaya napapaluha nalang ako na sa wakas ay maayos na ang trato nila sa isa't isa.
"Alam kong hindi pa kayo nagkakaayos anak, alam kong nagpapanggap lang kayo sa harapan namin tuwing may family dinner tayo. Anak wag mo sanang susukuan ang asawa mo, intindihin mo siya at pahabain mo pa ang pasensya mo. Dadating din ang panahon na mapatawad ka niya, ako nga kinaya niyang patawarin sa kabila ng pagbabanta at pagbabawal ko sakanya noon. Anak, unti-unti kong nakikita ang pagbabago niya dahil napansin kong gumaganda na rin ang trato niya sa ibang tao noon kasi sabi ng tito Rico mo ay pinagiinitan niya lahat." Kwento sakin ni daddy sabay haplos sa likod ko.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon