22: GOOD REVENGE

420 11 1
                                    

Nanalo sina Ali at Kael sa research congress at halos tapos na lahat dahil ang final exam nalang ang hinintay nila. Mas nangunguna si Ali sa klase at ranking dahil mas tinutukan niya pa ito at kunti lang naman ang lamang nila ni Kael, abala kasi si Kael sa pagppractice noon ngunit nagawa niya paring imaintain ng mataas ang kanyang grado.

"Congrats guys! Treat naman jan!" Parinig ni JR habang dumidikit-dikit kay Kael.
"Eh-ehem!" Sabay-sabay namang sabi ng lima.
"Saan niyo ba gusto?" Tanong ni Ali habang nakangiti dahil sa kakulitan ng mga kaibigan nila.
"Kayo na bahala, nakakahiya naman kung kami pa magsasabi baka sabihin niyong demanding kami." Pagbibiro ni Nico kay Ali kaya napatawa nalang si Ali.
"Pero pwede naman kahit mix and match sa lang sa Jollibee." Dugtong nito kaya binatukan siya ni Gian nasa likod niya habang naglalakad.
"Wow, ikaw din nagsuggest. Angas!" Natatawang saad ni Gian kay Nico sabay palapak kaya napakamot nalang si Nico.
"Tara na nga, inistress niyo pa ang nililigawan ko." Pagsuway ni Kael tsaka inakbayan si Ali sa balikat.
"Yan ang ship ko, dumadamoves na." Kinikilig na ani ni Sie.
"Sanaols nalang no?" Seryosong pabiro na ani ni Mav kaya napatawa nalang ang dalawa.
"Nico, daldal ka nang daldal yung uyab mo naiinip na sa bagal mo!" Biro ni Kael sa kaibigan niya kaya bigla itong lumapit kay Mav.
"JR, hinhintay ka ni Audrey oh." Sabat naman ni Ali kaya napatingin sakanya ng masama si Aud.
"Tsk. Wag na baka mabigwasan ko pa yan." Pagtataboy ni Audrey ngunit tumakbo papunta sa kanya si JR kaya wala na itong nagawa.
"Sus, tiklop ka rin pala eh." Sabat ni Sie kaya natawa ang lahat.

Nagtungo na sila sa Jollibee at sa sasakyan ni Kael at Nico sila sumakay. Pinagbuksan ni Kael si Ali at nagukat naman ang dalawa kaya nang-asar nalang ang mga ito.

"Nu bayan, hanggang dito ba naman naglalandian kayo." Bitaw ni JR pagpasok ni Kael kaya napailing nalang ito ng nakangiti.
"Bilis naman magheal ng mundo, from School Bully to Passenger Princess real quick ang atake mo teh." Dugtong na asar ni Audrey.
"Whatever. You're just inggit." Pambabara ni Ali kay Audrey.
"Yabang ha! Tse!" Pikon na sagit nito tsaka tumingin nalang sa labas.

Natatawa nalang ang dalawang lalake dahil sa asaran ng magkaibigan at hinayaan nalang nila ito. Pagkadating nila ay nagorder at kumain na sila at pagkatapos ay umuwi na rin.

"Ah guys, sabay nalang kami kila Nico nakaSUV naman sila eh." Paalam ni JR kila Kael at Ali at agad naman silang tumango.

Agad na umuwi ang mga kaibigan nila pagkatapos makapagpaalam sa isa't isa at ang naiwan nalang ay ang dalawa. Napagdesisyunan muna ni Kael na dalhin si Ali sa pinakapaborito nitong lugar. Nasa passenger seat si Ali habang sina JR at Audrey ay nasa likod.

"Ali tara, may pupuntahan tayo." Pag-aaya nito kaya tumango si Ali ng nakangiti.
"Where?" Curious na tanong nito ngunit ngumiti lang si Kael at pinagbuksan siya ng pinto .
"Misteryoso mo naman today Mr. Lim." Biro nito pagkapasok ni Kael sa sasakyan.
"Last name basis na ulit? Just call me love." Pilyo nitong sambit kaya napahampas sa kanya ng mahina si Ali.
"Okay, loveyy!" Tugon nito at biglang iwas ang tingin dahil nahihiya pa ito.

Kaagad naman silang nagtungo sa isang napakagandang tanawin at sakto naman ang malapit na paglubog ng araw. Halatang si Kael lang ang nakakaalam sa lugar na ito dahil walang masyadong tao dito at kabahayan. Tanging malinis na kulay berdeng damo lang ang makikita rito at pwedeng-pwedeng pagpicnic'an.

 Tanging malinis na kulay berdeng damo lang ang makikita rito at pwedeng-pwedeng pagpicnic'an

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon