1 month nalang ang natitira bago maend contract sina Ali at Kael kaya sinusulit na ni Ali ito, pinapkita niya ang kanyang tunay na pagmamahal kay Kael at ganuun din si Kael. Balak sana nilang magbakasyon sa huling isang linggo nila at doon na nila pag-uusapan kung ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang relasyon o habang buhay na silang magpapanggap.
Next week na rin ang birthday ni Lolo Martin at nais niya sanang pumunta ang dalawa para makasama sila sa pagpplano para sa kanyang paparating na birthday. Nais niya kasing mabuo ang kanyang kaarawan ng masaya kasama ang dalawang pinakamamahal niyang mga Apo na sina Ali at Kael. Pumayag naman ang dalawa na pupunta sila sa mansyon sa susunod na araw dahil may inaaasikaso pa sila sa kani-kanilang mga trabaho.
Lunch break na kaya naisipan ni Ali na yayain ang kanyang mga kaibigan na kumain sa resto nila Sienna, matagal na rin kasi simula ng nagkita-kita sila dahil sa hectic schedules nila. Pumayag naman ang tatlo kaya agad na siyang nagtungo sa resto ni Sienna at nadatdan niyang nandun na ang mga ito at siya nalang ang hinihintay.
"Musta?" Ani ni Ali sabay upo sa tabi ng mga kaibigan niya.
"Eto ayos naman, super busy sa trabaho." Kwento ni Mavis.
"Same, buti nga naisipan mo 'to. Namiss ko na kayo eh." Banggit naman ni Audrey.
"Ako naman, ayos lang din kahit na laging pagod sa pag-asikaso rito sa resto." Saad naman ni Sienna.
"Ikaw ba?" Balik na tanong ni Mavis.
"Maayos din ako, ang gaan nga nitong mga nakaraan na buwan eh." Kwento naman ni Ali.
"Eh kamusta naman kayo ni Mikhael?" Kuryuso namang tanong ni Sienna.
"Ok na ok kami sa ngayon guys." Nakangiting sagot ni Ali.
"Kaya pala ang lamig ng ulo mong mag-aya ha, libre mo ba 'to Ali?" Biro ni Sienna.
"Yapp, order all you want. My treat." Masayang saad ni Ali kaya nagsiapir'an ang tatlo sa saya.
"Big time na talaga 'tong frenny ko na 'to." Birong banggit ni Sienna.Nag-order na sila sa menu kaagad dahil dalawang oras lang ang break nila. Masaya namang nagkkwentuhan ang apat habang kumakain.
"Ali btw, ininvite kami ni Lolo Martin sa birthday niya. Birthday niya pala next week?" Sambit ni Mavis kaya napatango si Ali.
"Ah yes, actually gusto niyang pumunta kami ni Kael para makasali sa pagpplano para sa birthday ni Lolo." Kwento naman ni Ali.
"Ohh.." sabay-sabay namang sabi ng tatlo habang nakikinig ng taimtim kay Ali habang kumakain.
"Love na love talaga kayo ni Lolo Martin no? CEO ng Mikhaliah." Natutuwang saad ni Sienna.
"Btw Ali, paano yung contract niyo ni Kael? Diba malapit na 3rd wedding anniversary niyo?" Hindi na napigilan pa ni Audrey na mapatanong dahil kanina pa ito curious tungkol dito. Napatigil naman saglit si Ali dahil sa realization.
"Oum yeah, about that maayos naman ang naging usapan namin ni Kael. Sinusulit nalang namin ang natitirang isang buwan and we're actually planning to go on a vacation 1 week before the contract ends. Sa ngayon, hindi muna namin iisipin yun." Nakangiting sagot ni Ali ngunit halata sa boses nito ang lungkot.
"Basta if you need anything, just call us hmkay?" Saad naman ni Mavis.
"Yes guys, thank you! Sige na kain na tayo HAHAHAHA." Alok ni Ali kaya nagtawanan sila at nagpatuloy na sa pagkain.Pagkatapos nilang kumakain ay nagpaalam na si Ali na mauuna na at magkikita-kita nalang ulit sila sa birthday ni Lolo Martin. Excited na rin ang tatlo dahil tuwing birthday ni Lolo Martin ay laging may inihahandang surpresa sina Ali at Kael sa kanya. Lahat ay nageenjoy lalo na't masayahing tao si Lolo Martin, ang lahat ay mainit na winewelcome.
"Alam niyo? Bilib ako sa kaibigan nating yun." Simula ni Sienna dahil nauna ng umalis si Ali.
"Oo nga 'no? Akalain mo mahigit 7 years siyang nagpakatatag para sa kanila ni Kael kahit ganun pa ang sinapit niya noon." Saad naman ni Audrey.
"Sana nga sa pagkakataong ito, sila na talaga. Sana wala ng pagsubok at pasakit ang susubok sa relasyon nila, sana pagbigyan na sila ng tadhana." Dugtong naman ni Sienna.
"I hope so, para naman worth it ang kakaship mo sa kanila. Ang bilis ng panahon 13 years na pala ang lumipas simula nong inaasar-asar pa natin sila, ngayon naging komplikado na ang lahat at humantong pa sa contract na 'yun." Ani ni Audrey.
"Kaya nga, parang kailan lang. Malapit na tayong mag30 years old pero wala pa tayong mga anak HAHAHAHA." Natatawang biro ni Mavis kaya napatawa ang dalawa.
"Malay mo, malapit na." Birong sagot naman ni Audrey.
"You mean sina Ali? O kayo?" Lutang na tanong ni Sienna dahil hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Imposible namang walang nangyari sa kanila sa loob ng tatlong taon na 'yun." Paninindig ni Audrey.
"Luhh, grabe naman kayo sa kanila." Pagdedepensa ni Sienna.
"Kala mo naman hindi kinikilig HAHAHAHA." Asar ni Mavis kay Sienna kaya agad itong ngumiti na abot tenga.
"Oo na, tama na kayo mga ate ko HAHAHAHA." Natatawang pagsang-ayon ni Sienna kaya agad silang nagtawanan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...