3 YEARS AGO....
ALI'S POV:
That night when I passed out, dali-dali akong binuhat ni Dad at dumeretso sa hospital while Mom hugging me at the back seat inside of our car. My dad tried his best para makarating kami kaagad sa Hospital and I was still unconscious that time. Luckily when we got there, the doctors immediately see me. Ang kaibigan pala ni Daddy ang nagasikaso sa akin at kaagad siyang nagcarry out for investigation para malaman kung bakit bigla akong nagkaganun.
Habang nasa loob parin ako at walang malay ay tinawag ni Doc si Dad para kausapin sa kalagayan ko.
"Rico, wala ba kayong napapansin sa kanya nitong mga nakaraang araw o buwan? Her skin was too pale and I saw some bruises earlier." Tanong ng Doctor sa ama ni Ali.
"Nothing doc and wala naman siyang sinasabi sa amin pero nahahalata kong madalas siyang manghina." Sagot ng kanyang ama.
"Ok thank you for the info, it seems like symptoms ng leukemia ang sakit ni Ali but I'm gonna ask my hematologists friend to make sure na tama ang akala ko. Mauna muna ako." Saad ng kaibigang doctor ni Rico kaya tumango nalang ito habang nag-aalala sa anak.
"Okay, thank you!" Pasasalamat ni Rico sa doctor.Pagpasok sa loob ni Rico ay kaagad niyang ikinuwento sa kanyang asawa ang naging usapan nila ng Doctor na nagdulot ng labis na pag-aalala nila sa anak na ngayon ay wala pa ring malay. Nagpaalam mun ang mommy ni Ali para kumuha ng gagamitin ng kanilang anak sa hospital, pumayag naman ang ama nito at siya muna ang nagbabantay dito.
Habang nagaayos ng gamit na dadalhin ni Ysabel sa Hospital ay may napansin siyang bote ng gamot na nakatago sa likod ng study table ni Ali. Dali-dali niya naman itong kinuha at binasa kung para saan ito, may mga prescription paper din na nakalagay sa baba ng botelya kaya agad siyang nagtaka kung para saan ang mga ito.
"Manang, may napapansin po ba kayo kay Ali nitong nakaraang araw o buwan?" Usisang tanong ng ina nito habang hawak-hawak ang botelya ng gamot.
"Oum madalas po siyang manghina, mapagot at bigla-bigla pong nahihilo Ma'am." Sagot ng katulong nila na kasama niya sa pagaayos ng damit ni Ali.
"Wala ba siyang sinasabi sa'yo na kahit ano?" Tanong ulit ng ina niya.
"Wala naman po ma'am, tinatanong ko po siya pero sabi niya ayos lang daw po siya." Saad ng katulong kaya tumango nalang ito.Dali-dali siyang nagpunta sa Hospital dala-dala ang mga reseta at gamot na nakita sa kwarto ni Ali at agad niya itong ipinakita sa Doctor ng anak. Sakto naman ang dating ng kilala nilang Doctor at may kasama itong isa pang Doctor.
"Rico, Ysabel, siya pala si Doc. Sanchez. Isa siya sa pinakamagaling na Hematologists dito." Pagpapakilala nito sa kasamang doctor.
"Good evening Mr. & Mrs. Arceta, what can I do for you?" Malumanay na tanong ng babaeng doctor.
"Ipapatingin po sana namin si Ali sa inyo Doc, sabi kasi ng asawa ko kayo raw ang specialized doctor para dito." Magalang na tugon ng kanyang ina.
"Ali? Amaliah Arceta?" Tanong ng doctor atsaka lumapit sa kama kung nasaan si Ali.
"Yes doc, how did you know her?" Takang tanong ng ama nito.
"Actually she's been my patient for 3 months." Sagot ni Doc. Sanchez na ikinagulat ng mga magulang niya.
"H-huh? Ano pong sakit niya doc?" Naiiyak na tanong ng ina nito habang yakap yakap ang braso ng asawa na nakatayo sa sabi nito.
"Ma'am, I'm sorry pero kung hindi makakayanan ni Ali ay wala na po tayong magagawa. I adviced her to tell you about this but she didn't agree. Nasa high risk po ang anak niyo Stage 4 Leukemia kaya as soon as possible ay kinakailangan na itong maagapan bago pa mahuli ang lahat." Seryosong advice ng doctor kaya mas nangingiligid na rin ang luha ng kanyang ama dahil sa narinig.
"I can suggest you to my friend abroad Mr. Arceta if you want to, she's most well-known and magaling siyang doctor especially at her case." Suhesyon ng doctor kaya nag-isip muna ang mga magulang nito.
"Sige po doc, basta gumaling lang si Ali kahit ilang milyon pa ang magastos namin." Pagpayag ng ama nito at hindi na nagdalawang isip pa sa sinabi kaya tumango ang doctor.
BINABASA MO ANG
HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORY
RomanceMikhael Abraham Lim (Mikha) who came from a rich and famous family in the Philippines wherein he will pretend to be poor as a transferee for the upcoming School Year. Amaliah Quinn Arceta (Aiah) who also came from a rich family who always bullies pe...