Remember nung napaisip ako kung red flag scene or green flag scene ba yung gagawin ko after matalo at mamarkahan ni Calix si Lucien? Pero green flag scene yung napili ko.
Well, ito yung red flag scene hahaha. Mas bagay kasi kay Ceros since siya talaga ang mas ruthless and wild sa kanilang dalawa ni Calix.
Lycan LXVI: Ceros*Icien (II)
MARIING napadaing sa sakit si Icien matapos inis na kagatin ni Ceros ang kaniyang ibabang labi nang hindi niya ito bigyan ng permisong pasukin ang kaniyang bibig. Ngunit kahit na gano'n, hindi pa rin niya ibinuka ang kaniyang mga labi at sa halip ay mas lalo pa niyang pinagdikit ang mga iyon. Naisin man niya itong itulak palayo ay hindi niya magawa dahil sa utos nitong pumipigil sa kaniyang mga kamay. Pero hindi naman ibig sabihin non ay hahayaan niya itong dominahin siya ng ganun-ganun lang
Hindi nito gustuhan ang kaniyang ginawa, at bilang pagbabanta, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang batok. Sinabayan pa nito iyon nang pagpapakawala ng matapang nitong pheromones direkta patungo sa kaniya. Naiinis siyang napamura sa kaniyang isipan nang maramdaman ang panginginig ng kaniyang katawan habang pilit na nilalabanan ang matapang nitong pheromones. Sinubukan niyang magpakawala ng sarili niyang pheromones subalit, nang sandaling gawin niya iyon ay isang nakakatakot na pag-angil ang narinig niya mula kay Ceros. Natigilan siya at nanigas ang buong katawan. Isang sumusukong pag-ungol ang nais biglang kumawala mula sa kaniyang lalamunan na kaniya lamang mabilis na pinigilan.
Dito niya napagtanto at sa kaniyang pagkatakot — naramdaman — na ang taong nasa harapan niya ngayon ay kaniyang alpha. Mula nang matalo sila nito, kinikilala na ito ng kaniyang instinto bilang kaniyang alpha. Bawat parte ng katawan niya ay inutusan siyang sumuko rito. Pagsilbihan at gawin ang lahat ng ipag-uutos nito. At ang tanging pumipigil lamang sa kaniyang gawin iyon ng mga sandaling iyon ay ang kaniyang pride bilang isang alpha.
Hindi. ang mariin niyang pagtanggi sa kaniyang isipan.
Hindi siya maaaring sumuko. Oras na sumuko siya, alam niyang katapusan na rin ng kaniyang kalayaan. Habang buhay na siyang magiging sunud-sunuran lamang rito, at iyon ang hindi niya maaaring hayaang mangyari. Nang maramdaman nitong wala pa rin siyang planong pagbigay ito. Marahas nitong hinila patalikod ang kaniyang buhok. Napasinghap siya't napauwang ang mga labi.
Napaungol siya kasunod nang pagdaing sa sakit matapos marahas na sipsipin ni Ceros ang kaniyang dila at saka iyon mariing kinagat hanggang sa kapwa na nila nalasahan ang kaniyang dugo. Lalo pang humigpit ang pagkakasabunot nito sa kaniyang batok habang ang kamay nitong nasa kaniyang beywang ay mas lalong pinagdikit ang ibabang bahagi ng kanilang mga katawan.
Lumalim pa ang halik nito at mas lalong naging mapusok, marahas at mapang-angkin. Ang tangi lamang niyang kayang gawin ay subukang itaboy ang mapanggalugad nitong dila at mapaungol. Sa tuwing napapasuko naman nito ang kaniyang dila, isang nasisiyahang malalim na pag-ungol ang naririnig niya mula rito, at sa kaniyang pagkahiya, dumidiretso iyon sa kaniyang ari at nagbibigay ng kakaibang init at pangangailangan.
Malalim siyang napasinghap at sunod-sunod na napaubo nang sa wakas ay pakawalan na ni Ceros ang kaniyang mga labi. Nagulat naman siya nang biglang marahas na sapuhin ni Ceros ang kaniyang panga at sapilitan siyang pinatingin rito.
"Sabihin mo kung kanino ka nabibilang, aking Luna." ang paos at malalim nitong saad habang matiim itong nakatingin sa kaniyang mga mata.
"Sabihin mong sa akin ka lang." ang dagdag pa nito.
Napalunok naman siya dahil sa tindi ng emosyong kaniyang nakikita sa mga mata nito. Na animo'y pinahihiwatig na isang maling sagot lamang niya ay tiyak magsisisi siya. Pilit siyang mayabang na napangisi.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
