Lycan LXVIII: Ceros*Icien (IV)

1.1K 55 23
                                        

Sorry. Nabusy ang loka 😅

Anyway!

More or less 10 chapters to go!! We're currently on Chapter 68, probably, max na kung aabot ng chapter 85, then Epilogue, then series two na!! (Ibang main character na po ang mayro'n sa book 2, although nandoon pa rin sila Lucien and Calix. Sa mga susunod chapter, malalaman niyo kung sino ang bida sa next book.)

Originally, 3 book series 'to, kaso yung book 2 na lang ang naaalala ko ang plot. But let see... Baka along the way, maalala ko yung plot ng pangatlong book.

Lycan LXVIII: Ceros*Icien (IV)


NAGISING si Icien dahil sa nararamdamang matinding pagkauhaw. Sinubukan niyang bumangon subalit, sa halip na makatayo ay nanghihinang napaungol siya dahil sa labis na pagkapagod at pananakit ng katawan. Napamura siya. Demonyo talaga ang hayup na 'yon! Talagang hindi ako tinigilan! Buwisit! Ilang araw na ba? Araw-arawin ba naman ng gago. Ang nayayamot niyang singhal sa kaniyang isipan habang pinakiramdaman ang paligid. Hinahanap ang isang pamilyar na presensya at noong hindi niya maramdaman si Ceros, nagtatakang iminulat niya ang kaniyang mga mata. Napakunot ang kaniyang noo. Himala. ang saad niya sa sarili. Wala ata ito ngayon.

Sa mga nakalipas na araw, wala yatang sandaling nilubayan siya nito. Tuwing magigising siya, kung hindi siya nito paiinumin at pakakainin, ay nasa ibabaw niya ito at inaangkin siya. Tanging pagtulog nga lang yata ang kaniya pahinga. Minsan pa nga, nagigising siyang nasa loob niya ito, nasa kaniyang ibabaw o likuran, umuungol habang malalalim ang mga pag-ulos. Masakit na ang buo niyang katawan at puno ng mga kagat, lalo na ang kaniyang leeg at mga singit. Talagang tinotoo nito ang sinabi nitong hindi na siya makakalabas ng lugar na iyon.

Nanghihina man, pinilit niya pa ring makabangon. Isang basong tubig naman ang nakita niyang nakapatong sa isang malapad na bato sa kaniyang gawing kanan. Sa tabi non ay may isang maliit na buslo ng mga hugis bilog na prutas. Muli niyang iginala ang kaniyang paningin sa buong paligid, sinisigurado kung wala nga si Ceros sa loob ng kuwebang iyon. Nang makatiyak, nagpakawala siya ng isang maluwag na buntong hininga. Mabuti naman tinigilan na din siya nito sa wakas.

Nangingiwi naman niyang nilapitan ang basong may tubig at kaagad iyong ininom. Kumain na rin siya ng ilang prutas upang makabawi ng lakas kahit papaano at makapag-isip ng paraan kung paano siya mapipilit si Ceros na bumalik na sa kanilang mundo. Sa kasamaang palad, hindi pa man din siya nakakapag-umpisang mag-isip, eh, naramdaman na niya ang papalapit nitong presensya patungo sa kuwebang kinaroonan niya. Napabuntong hininga na lang siya.

Bagama't malayo-layo pa ito, ramdam na niya kaagad ito dahil sa ganap ng selyado ang marka nito sa kaniya. Kahit ilang kilometro pa ang layo nila sa isa't isa ay may kakayahan na silang maramdaman agad ang presensya ng isa't isa. Tahimik na lang niyang inubos ang mga prutas na iniwan nito at hinintay ang pagdating nito. Makalipas pa ng ilang minuto naramdaman na niya ang pagdating ni Ceros sa tapat ng kuweba. Mukhang bagong ligo ito base sa amoy ng ilog na kaniyang naaamoy mula rito. Napakunot ang kaniyang noo matapos mapansin ang 'di nito magandang mood, at lalo pang nangunot ang kaniyang noo nang malanghap sa hangin ang ibang amoy ng lobo na nakahalo sa amoy ni Ceros. Na kahit naligo na ito ay hindi pa rin iyon nabura. Hindi lang isa, o dalawa, o tatlo, ang kaniyang naamoy, dahil mukhang nasa humigit sampu ang mga iyon.

Nakipagkita ba ito sa ibang mga lobo? Pero bakit parang may kung anong nararamdaman siyang hindi maganda? Lalo pang naging masama ang kutob niya nang masamyo ang ilang emosyong nakadikit sa amoy Ng mga lobong nakasalamuha ni Ceros.

Takot, pagkabalisa, at galit.

May nangyari bang hindi maganda?

Tahimik niyang hinintay ang pagdating ni Ceros. Nakaupo siya sa malambot na sapin habang nakapatong ang kanang braso niya sa nakataas niyang kanang tuhod. Nakatapis naman mula sa kaniyang beywang hanggang sa kaniyang mga paa ang isang makapal na kumot. Sa ayos ng kaniyang postura at sa maangas na presensyang kaniyang pinapakawalan. Para siyang isang mabangis na hayop na hinihintay mahulog sa kaniyang bitag ang kaniyang biktima.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon