Lycan LXX: Kieran
MARAHAS na napasinghap ng hangin si Lucien habang gulat na napatitig sa matipunong hubad na dibdib ni Calix. Mahigpit siyang napakapit sa malambot at makapal na kumot na nakataklob sa kaniyang katawan habang pilit na kinakalma ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Napamura siya. Nakatulog pala siya? Pero ano 'yon? Bakit gano'n ang kaniyang napanaginipan? Sa dami-rami ng kaniyang maaaring mapanaginipan ay gano'n pa? Nahihibang na ba siya?
Bigla naman siyang napaigtad nang gumalaw si Calix at humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Dito naman napansin ni Lucien na kasalukuyang padapang nakahiga siya ngayon sa katawan ni Calix habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa kaniyang balikat hanggang sa kaniyang braso. Habang ang kaliwang hita niya ay nasa pagitan ng mga hita ni Calix. Kapwa sila wala nang saplot kung kaya't hindi niya mapigilang pamulahan ng kaniyang mga pisngi nang maramdaman ang alaga nitong nakadikit sa kaniyang kaliwang singit.
Muli siyang napamura nang maramdaman ang pag-iinit ng kaniyang katawan nang maalala niya ang kaniyang napanaginipan. Mabuti na lang talaga at mukhang mahimbing ang pagtulog nito kung kaya't hindi nito ramdam ang naninigas niyang ari na nasa pagitan ng kanilang mga katawan. Namumula ang kaniyang mukhang dahan-dahan siyang tumayo upang magpalamig ng katawan. Ngunit gano'n na lang siya natigilan matapos maramdaman ang pagtagas ng isang munting likido mula sa kaniyang lagusan patungo sa kaniyang mga hita.
Parang gusto niya biglang lamunin na lang ng lupa dahil sa labis-labis na kahihiyang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nang bahagyang kumalma na siya. Saka na siya marahan na umalis mula sa bisig Calix at maingat na kumilos upang hindi niya ito magising. Nakahinga naman siya nang maluwag nang matagumpay na siyang makarating sa paliguan nang hindi nagigising si Calix. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dagli-dagli siyang naligo ng malamig na tubig.
Sa kasamaang palad, halos nilalamig na siya't lahat-lahat ay hindi pa rin humuhupa ang init na kaniyang nararamdaman. Inis pa siyang napaungol nang maramdaman ang muling pagtagas ng malapot na likido pababa sa kaniyang mga hita. Inis siyang napamura habang marahas na naisandal sa malamig na batong pader ang kaniyang noo. Mariin siyang napapikit bago niya sinimulang laruin ang kaniyang alaga.
Hindi niya naman mapigilang makaramdam ng pagkahiya dahil batid niyang hindi lamang tungkol sa panaginip niyang iyon kung bakit siya nagkakaganito. Alam naman niyang normal lamang ang kaniyang nararanasan ngayon. Mate niya si Calix at ilang araw niya rin itong halos hindi nakita. Bilang isang submissive sa kanilang relasyon. Alam niyang natural lamang itong reaksyon ng kaniyang katawan—ang manabik sa kaniyang dominante. Pero lintik lang! Hindi siya sanay! At mas lalong hindi niya matanggap na ginugusto na rin niya si Calix kung kaya't nagkakaganito siya! Pero gano'n nga ba talaga? Ginugusto na niya nga ba ito?
Hindi naman kasi siya tanga para hindi pa iyon mapagtanto. Hindi naman ito mangyayari kung tulad pa rin sa dati na wala siyang pakielam rito. Hindi naman siya nananabik ng ganito kay Calix nang dahil lamang hindi siya nito pinapansin ng ilang araw kung wala pa rin siyang pakielam dito tulad noon. Sadyang hindi lang niya matanggap. Hindi niya matanggap na namimiss niya ito. Na, nananabik siya rito't hinahanap na niya ang presensya nito. Hindi. Hindi maaari.
At hindi nito iyong maaaring malaman.
Nasisiphayo siyang napaungol nang kahit anong gawing paglalaro niya sa kaniyang sarili ay wala pa ring nangyari, at sa halip, ay mas lalo pa nga yatang tumindi ang init na kaniyang nararamdaman. Anak naman ng pitung put pitong tupa! Ano bang gusto ng katawan niyang mangyari?!
Napasinghap siya—
"Anong—!"
—at napaigtad sa gulat nang biglang may isang mainit at pamilyar na kamay ang humaplos sa kaniyang galit na galit na alaga.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
