Lycan LXIX: Ang Damdamin

745 38 7
                                        

Lycan LXIX: Ang Damdamin.


TATLONG ARAW NA. Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang simulang iwasan si Lucien ni Calix. Tatlong araw na niya itong halos hindi nakikita. Matutulog siya nang wala ito at gigising siyang wala na rin ito sa kaniyang tabi. Tatlong araw na rin siyang kumakain ng mag-isa at tatlong araw na rin siyang buryong-buryo sa kanilang silid dahil hindi na naman siya nito pinapayagang lumabas. Nang dahil lang sa hindi niya ito pinagbibigyan sa gusto nito noong nakaraang araw ay bigla-bigla na lang siya nitong tatatratuhin ng ganito? Aba! Sino ba ito sa akala nito? At ano daw ang sabi nito matapos niya itong tanggihan?

'Hindi ka maaaring lumabas ng silid na ito hangga't hindi ka umaakto bilang isang aking mate at luna, Lucien.'

Ang kapal naman ng mukha nito para magdemand ng gano'n sa kaniya. Mapakla siyang napatawa habang naglalakad patungo sa paliguan. Tingin ba nito ay malaki itong kawalan sa kaniya? Hindi! At wala siyang pakielam dito! Tignan lang nito at ito ang rin ang unang susuko sa pinaggagagawa nitong kalokohan. Siya na ang inaakusahan—siya pa 'tong manunuyo? At bakit naman ito magtatampo? Anong karapatan nitong magtampo gayong ito naman ang pumilit sa kaniyang pumasok sa relasyong ito! Isa pa, wala naman talaga siyang ginawang masama. Tumulong lang naman siya. Alangan namang hayaan lang niya ang dalagang omega na iyon?

Napaismid siya nang maalalang hindi nga pala ito umuwi kagabi.

At talagang hindi pa ito umuwi kagabi, huh? ang nagpupuyos sa galit na saad ni Lucien sa kaniyang isipan bago siya padabog na lumublob sa maligamgam na tubig. Wala kasi siyang natagpuang anumang bakas nito sa kanilang higaan kaninang umaga.

Kung kaya naman pala siya nitong layuan ng ganito katagal, sana noon pa nito iyon ginawa! Hindi yung halos bente kuwatro oras itong palaging nasa tabi niya! Nakakasakal! P'wede naman palang ganito, hindi pa ginawa noon. Natapos na lang siya lahat-lahat maligo ay nananatili pa ring iritable ang kaniyang pakiramdam. Hindi maipinta ang kaniyang mukha habang kumukuha siya ng mahabang pang-ibabang kasuotan mula sa lagayan ng mga damit ni Calix. Sunod niyang kinuha at isinuot ang kaniyang kulay pilak na kapa na nakasabit sa pader malapit sa pinto.

Aalis siya. Wala naman ito para pigilan siya. At kung inaakala nitong mananatili lang siya sa silid nilang iyon gaya ng utos nito. Pwes! Nagkakamali ito. Malas lang nito at pinawalang bisa na nito ang marka ng pagka-alipin nito sa kaniya. Salubong ang dalawa niyang kilay na binuksan ang pinto ng kanilang silid. Hindi na siya nagtaka nang may maramdaman siyang mga kawal mula sa 'di kalayuan. Kaagad naalerto ang mga ito nang marinig ang marahas at padabog niyang pagbukas ng pinto.

Napangisi siya.

Subukan lang siyang pigilan ng mga ito at talagang ang mga ito ang sasalo ng nararamdaman niyang galit.

Pero bakit nga ba parang galit na galit ata siya? Ano ba ang ikinagagalit niya? Hindi ba't dapat ay masaya siyang hindi na ito nakabantay sa kaniya? Sunod-sunod siyang napailing. Bakit pa ba siya nag-aaksaya ng oras na isipin ito? Malinaw naman nang ayaw siya nitong makita. Kung gusto siya nitong iwasan, edi mabuti! Mas magagawa niya ang gusto niya ng walang nakabuntot sa kaniya. Inis niyang nasuklay gamit ang kaniyang kamay ang medyo basa-basa niya pang abuhing buhok. Medyo mahaba na iyon at lagpas na sa kaniyang batok dahil matagal-tagal na rin mula noong huling napagupitan niya iyon.

Napasinghay siya. Naiirita. Naguguluhan. Hindi niya malaman kung bakit hindi siya mapakali.

Palabas na sana siya ng pasilyong patungo sa kanilang silid nang bigla niyang maramdaman ang presensya ni Calix. Hindi tuloy mapigilang mapaismid ni Lucien. Galing naman talaga. Ngayon ay bigla-bigla na lang itong darating dahil lamang lumabas siya ng kanilang silid? Aba! Ayos din ang isang 'to ah. Mabilis niyang binago ang kaniyang direksyon at sa halip na lumiko pakaliwa kung nasaan ang daan palabas ng palasyo at nagmumula ang presensya ni Calix, ay kumanan na lang siya at napagpasyahang sa silid-aklatan na lang muna tumambay.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon