Lycan LXVII: Ceros*Icien (III)

1K 52 8
                                        


Ito na po ang new update! 😊

Lycan LXVII: Ceros*Icien (III)


Napatingin naman siya sa matipuno nitong dibdib at napalunok nang mapatitig sa kulay tanso nitong mga utong. Nais niya iyong kagatin at punuin ng kaniyang mga marka. Nais niya itong malasahan at matikman. Nakagat niya ang kaniyang mga labi at namumungay ang mga matang muling ibinalik ang paningin sa madilim na mga mata ni Ceros. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa likod ng kaniyang mga tuhod. At sa kaniyang pagkatakot, mas lalo niya pang ibinuka ang kaniyang mga hita.

May parte ng kaniyang utak ang pilit pa ring nagpoprotesta. Pero ng mga sandaling iyon, wala na siyang pakielam. Dahil ang tanging ang nais niya lamang ng mga sandaling iyon, ay ang alpha na nasa harapan niya ngayon.

"Bakit hindi mo ipakita sa akin kung kanino ako nabibilang."

NAGTAMA ang kanilang mga mata. Nagpapatagisan at kapwa nababalot sa matinding pagnanasa. Ilang segundong namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago naramdaman ni Icien ang pagkawala ng bisa ng utos ni Ceros. Ibig sabihin, sa mga sandaling iyon, malaya na niyang magagawa ang nais niya. Napangisi siya. Binasa ang kaniyang mga labi habang dahan-dahan niyang binibitiwan ang kaniyang mga binti. Pagkatapos ay naghahamon niya itong tinignan.

"Lumapit ka't ipakita mo kung bakit ako nararapat sumuko sa'yo, aking alpha." ang maangas at puno nang hamong saad pa niya.

"At huwag puro salita lamang."

Lalo namang lumawak ang kaniyang pagngisi nang makita ang pagtagis ng mga panga nito kasabay nang pag-aalab ng pulang mga mata nito. Isang maangas na ngisi na rin ang unti-unting sumilay sa mga labi nito habang animo'y isang mandaragit na dahan-dahang lumalapit sa kaniya.

Nakangisi niya itong pinanood.

Alam na niya ang susunod nitong gawin, at kung iniisip nitong tuluyan na siyang sumusuko—pwes! Nagkakamali ito. Nakangisi niyang hinintay ang susunod nitong kilos at nang sandali ngang sinubukan siya nitong kubabawan. Mabilis niyang pinagpalit ang kanilang posisyon at ito ngayon ang nasa kaniyang ilalim sa halip na siya. Hinuli niya kaagad ang mga kamay nito at marahas na ipiniin sa magkabilang gilid ng ulo nito. Napasinghap at napatitig sa kaniya si Ceros.

Mahina siyang natawa.

Tuwang-tuwa habang pinapanood kung paanong nanlaki ang mga butas ng ilong nito at tumalim ang mga matang tumingin sa kaniya. Isang mayabang na ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi sabay lapit ng kaniyang mukha sa mukha ni Ceros. Ang mga mata niya'y may pilyong kislap at kung hindi nga lang niya nararamdaman ang matigas na umbok sa kaniyang pang-upo, iisipin niyang galit ito sa kaniyang ginawa.

"Pero iyon ay kung kaya mo, aking alpha." ang panunudyo niya pa kay Ceros sabay upo sa bukol na nasa pagitan ng mga hita nito.

Napaungol ito at mariing naikuyom ang mga kamay. Naghintay siyang gamitin nito ang marka ng pagka-alipin upang pigilan siya. Ngunit nang nanatili lamang itong tahimik habang matalim na nakatingin sa kaniyang mga mata. Napalitan ng isang pilyong ngiti ang kaniyang ngisi.

"Icien..." ang nagbabanta subalit paos nitong sambit sa kaniyang pangalan, tila ba sobra ang ginagawa nitong pagilan ang sarili na itulak siya at pagpalitin ang kanilang mga puwesto. "Huwag mo itong pagsisisihan mamaya-"

"Tahimik." ang paos niyang pagputol sa sasabihin nito. "O ako ang aangkin sa'yo, mahal na Hari."

Biglang nanigas sa tensyon ang buong katawan nito habang gulat na nakatingin sa kaniya. Nang-aakit niya itong nginitian bago ibinaling ang kaniyang mga mata sa kanang balikat nito. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at saka siya niya marahang kinagat ang kaniyang ibabang labi.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon