MY GOSH! PANG 5th REVISION KO NA 'TO 😭😭 Nahirapan akong makuha ang gusto kong pagkakagawa ng scenes dito. 🤧 May 30, ko pa 'to inumpisahan, anong petsa na natapos🤣
Kaya 'di rin ako nagbabasa ng mga notif, baka inaaway niyo na ako,😅🤣🤣🤣
Sorry na. 🥺
Lycan LXXII: Ang Kutob
NAKAHALUKIPKIP habang nakasandal sa pader malapit sa pinto ng kanilang silid—seryoso at may nanunukat na tinging nakatingin si Lucien kay Calix. Kasalukuyang nakatalikod ito sa kaniya habang inaayos ang pagkakasuot ng makapal na kulay itim na kapa nito. Siya naman ay tanging isang kulay itim na mahabang pang-ibabang kasuotan lamang ang isinuot. Kung titignan, hindi mapapansin ang panandaliang pagpapakita nito ng kahinaan nito sa kaniya kanina. Pero para magpakita ito ng gano'ng kahinaan sa kaniyang harapan? Imposibleng wala lamang iyon, at hindi maganda ang kaniyang kutob sa kung ano ang maaaring dahilan.
Mabilis niya itong pinagtaasan ng kilay nang sa wakas ay humarap at matuon na ang atensyon nito sa kaniya. Walang emosyon naman nitong sinalubong ang kaniyang mga tingin.
"Baka gusto mong ipaliwanag kung ano ang nangyari kanina?" Ilang segundong nanatili itong nakatingin sa kaniyang mga mata na mayro'ng hindi niya matukoy na emosyon bago ito napailing. "Hindi na importante iyon, aking Luna." ang tugon nito bago nagsimulang lumapit sa kaniya. "Huwag mo nang isipin iyon."
Napaismid siya at tumalim ang tingin kay Calix. "Hindi importante, huh?" Anong tingin nito sa kaniya, tanga? Nahihibang na ito kung tingin nito ay palalagpasin lamang niya ang nangyaring iyon kanina. Para saan pa at naging mate siya nito? " Hindi pa ako manhid para hindi makaramdam, Calix. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kanina?"
"Isang bagay na hindi mo dapat nakita." ang malamig at nakatiim-bagang nitong saad. "Kaya hayaan mo na iyon at kalimutan, dahil kahit anong gawin mo ay wala ka ring makukuhang kahit anong sagot mula sa akin." ang tugon pa nito sabay hapit sa kaniyang beywang nang sandaling makalapit na ito sa kaniya.
"Tungkol ba ito kila Icien? Ceros?" ang 'di papapigil na pag-usisa niya pa. "May kinalaman ba ang mga umatake sa atin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik?"
Nagulat naman siya nang bigla siya nitong bigyan ng isang munting halik sa kaniyang mga labi bago niya naramdaman ang masuyong paghaplos ng kamay nito sa ibabang bahagi ng kaniyang tiyan. Bagama't nananatili pa rin iyong walang umbok ay mapapansin naman na ang tuluyang pagkawala ng kaniyang matigas na mga muscles doon at ang pag-uumpisa ng pagbilog sa ibabang bahagi ng kaniyang puson. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya at pagkaasiwa. Pero kung tingin nito ay malalansi nito ang kaniyang isipan, pwes, nagkakamali ito.
"Calix." ang mariing bigkas niya sa pangalan nito. "Kung-" hindi na niya natuloy pa ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang siya nitong mahigpit na hinawakan sa kaniyang batok at saka siniil ng halik. Napaungol siya bilang protesta habang matalim na nakatingin sa mga mata nitong may kung anong emosyong 'di niya mapangalang nakatingin din sa kaniya. Ilang segundo silang nagsukatan ng tingin bago ito napapikit at mas lalong pinagdikit ang kanilang mga labi.
Malakas niya itong itinulak sa dibdib, ngunit sa halip na magpatinag, pangahas pang nagtungo sa ilalim ng kaniyang pang-upo ang isa nitong kamay at saka siya nito dahan-dahang binuhat. Napasinghap tuloy siya't napakapit sa mga balikat nito. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Calix upang maipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya at mas mapalalim pa ang halik nito.
Napaungol siya nang maramdaman at malasahan ang dila nitong masuyo siyang hinahalina. Pero, hindi siya nagpatinag. Pilit niyang iniiwas ang kaniyang mga labi mula sa mga labi nito dahil alam niyang ginamit lamang nito iyong panggulo upang makalimutan na niya ang kaniyang tanong. Iyon nga lang, pilit din nitong hinahabol ang kaniyang mga labi at ayaw pakawalan.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
