Entry #2

846 18 14
                                        

Author's Note:

IF matuloy ang day off ko bukas, bukas ang update sa Fighting for Dominance. Pero kung mamove sa Friday. Sa Friday po ang update.

Anyway!

Need your thoughts again, guys! 🥺

Please comment kung ano tingin niyo sa plot na 'to. Malaking tulong ang mga comment niyo sa akin. 🥺 Thank you!

Trouble

Description

Naging matalik na magkaibigan sina Nico at Mionel noong mga bata pa sila, pero dahil sa isang pangyayaring sangkot ang mga magulang ni Mionel, lahat ng koneksyon nilang dalawa ay naputol. Hanggang sa makalipas ng labing isang taon, kinailangan ng tulong ng pamilya ni Mionel upang maprotektahan siya mula sa isang dominanteng alpha at maimpluwensyang tao.

Hindi lubos akalain ng dalawa na muling magtatagpo ang kanilang mga landas, at sa muli nilang pagtatagpo, muli rin kayang manumbalik ang dati nilang pagkakaibigan o baka ibang klaseng koneksyon na ang mabubuo sa pagkakataong ito?

Lalo't isa sa mga paraan upang mapatigil nila ang taong ayaw tigilan si Mionel, ay kinakailangan nilang dalawang magpanggap na magkarelasyon.

Prologue

TAHIMIK na naglalaro sa kaniyang cellphone si Nico habang hinihintay nilang magkakaibigan ang pagdating ni Rizza, ang nag-iisang princesa sa kanilang grupo. Mayro'n daw kasi itong ipapakilalang lalaki sa kanila. Kasalukuyan silang nasa isang restobar na pagmamay-ari ng kaibigan nilang si Ezekiel. Prente siyang nakasandal sa sandalan ng inuupuan nilang L shape na sofa habang seryosong nakatutok sa nilalaro niyang online games nang bigla na lamang magsalita ang katabi niyang si Robin.

"Woah, tol. Look— may kasama si Rizza na bagong lalaki! Kilala niyo ba? New boylet ba niya iyan? Naku! Kailangan pala nating paalisin si Kiel! " ang seryosong ani nito bago bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Pero malayo ang looks niya sa typical na type ni Rizza na badboy image eh, kaya imposible. Kung Kay Nico, p'wede pa. Ganyan na ganyan mga tipo niya sa babae eh. Singkit. Maputi. Kulot at may malalim na dimple."

"Ayan, pre! 'Di ka kasi nakikinig, 'di ba, sinabi niya kahapon na mayro'n siyang ipapakilalang bago niyang kaibigan? Yung nagligtas daw sa kaniya kahapon do'n sa makulit niyang ex?" tugon naman ni Rowan na may kasama pang pagbatok kay Robin.

Bigla namang napaangat ang tingin ni Nico matapos marinig ang sinabi ni Robin. Mabilis siyang napatingin sa direksyon kung saan nakatingin sina Robin at Rowan. Kaagad naman niyang nakita si Rizza na mayro'ng kasamaang isang may katangkarang chinitong lalaki. Ang una kaagad niyang napansin dito ay ang nakangiti nitong mapupula at maninipis na mga labi. Isang malalim na dimple din sa kanang pisngi nito ang agaw pansin. May kung ano itong sinabi kay Rizza na ikinatawa nito. Mas lalo pang iniangat ni Nico ang kaniyang tingin upang mas makita niya ang mukha nito, at totoo nga, ang physical nitong itsura ang mga kadalasang itsura ng mga babaeng nakaka-one night stand niya paminsan-minsan. He's an Alpha, pero madalas mga beta na babae ang tipo niya at alam 'yon ng kaniyang mga kaibigan.

Mestiso ang lalaking kasama ni Rizza, almond shape ang mga mata, malago ang may kakulutang kulay tsokolateng buhok at boyish na facial feature. Not to manly, not to feminine also, saktong boyish lang. Bagama't may pagkabalingkitan ang katawan nito, pansin pa rin naman ang pagiging firm ng mga muscles sa mga balikat at braso nito. Nakasuot ang lalaki ng isang kulay khaki na sleevesless na plain shirt at isang medyo maluwag na kulay gray na pants. May dalawang silver ring din na hikaw ito sa tungki ng kanan nitong tenga. Nakangising siniko siya ni Robin nang mapansin ang kaniyang pagtitig sa lalaki.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon