Lycan LXXI: Ang Pagluha.

1.2K 49 36
                                        

Lycan LXXI: Ang Pagluha.


"NAPADALAW ka yata Lucien?"

Ang tanong ni Kieran na siyang biglang nagpabalik sa diwa ni Lucien sa kasalukuyan. Takang napakunot ang noo ni Lucien nang pakiramdam niya ay parang mayro'n siyang nakalimutan na kung ano. Pasimple niyang iginala ang kaniyang paningin sa paligid. Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng kulungan ni Kieran gaya ng huli niyang naalala. Wala naman siyang nararamdamang kung anong kakaiba sa paligid. Pero bakit gano'n? Bakit parang....

Parang nablanko sandali ang kaniyang isipan?

"Lucien?" ang muling pagpukaw ni Kieran sa kaniyang atensyon.

Napatingin siya kay Kieran. Kaagad namang sumalubong sa kaniya ang kulay itim nitong mga mata na kung makatingin ay animo'y kayang makita maging ang kaniyang kaluluwa. Maayos na uling nakapusod ang mahaba nitong makintab at malambot na kulay itim na buhok. Saglit niya itong pinagmamasdan. Wala nang anumang bakas ng sugat, galos o pasa ang maputlang maputi at makinis nitong balat. Bumalik na ang dati nitong taglay na nakakaakit na alindog. Kung hindi lamang niya alam na isa itong lalaki ay mapagkakamalan niya itong babae ngayon.

"May problema ba?" ang tanong nito gamit ang isang nakakahalinang tinig. Bagama't hindi naman gano'n kalambot ang tinig nito ay hindi rin naman ito gano'ng kalalaking-lalaking pakinggan.

"Huh? Ah. W-wala. Wala. Gusto lamang sana kitang kamustahin."

Natigilan siya. Oo nga. Naparito siya dahil.... Naguguluhang napatingin siya kay Kieran.

"Pasensya na. Hindi ko alam kung bakit... Bakit.... Palaging nawawala sa isipan ko ang pakawalan ka mula rito."

Bakit nga ba? Bakit pakiramdam niya may kung ano talagang nangyayari sa kaniya? Napangiti naman si Kieran sa kaniya.

"Kagagawan ko iyon, Lucien." ang mahinang pag-amin nito na hindi naman narinig ni Lucien.

"Huh?"

"Nag-away na naman ba kayo ng Hari?" ang mabilis nitong pagbabago ng kanilang usapan.

Napaismid naman si Lucien at inis na napahalukipkip nang maalala si Calix at ang pheromones na samyo niya rito kahapon.

"Ah. Nag-away nga kayo." ang naiiling at nakangising ani nito.

"Kailan ba kami nagkaayos? Baka nakakalimutan mo ang sitwasyon naming dalawa."

Bahagya namang natigilan si Lucien nang makita ang biglang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Kieran. Bigla itong naging seryoso at tila may isang bagay na hindi nais maalala. Napaiwas ito nang tingin at blanko ang mga matang napatingin sa malayo.

"Hmm. Oo nga naman, kahit kailan ay hindi magiging maayos ang isang mate bond na sapilitang binuo." ang tila makahulugang saad nito. "Pero gano'n nga ba talaga ang sitwasyon niyong dalawa?" ang biglang dugtong nito sabay seryosong lumingon sa kaniya.

Muling bumalik sa mga labi nito ang isang mapanuksong ngisi at animo'y hindi nagdaan sa mukha nito ang ekspresyong pinakita nito kanina. Pinili na lamang iyong hindi pansinin ni Lucien at mas nakuha ang atensyon niya ng huli nitong sinabi. Anong ibig nitong sabihin?

"Alam nating parehong hindi ka hahantong sa sitwasyong ito kung hindi po talaga ito gustong mangyari, munting alpha." ang makahulugang saad nito bago ito napatingin sa kaniyang tiyan.

Wala sa sariling napahigpit ang pagkakahalukipkip niya nang mapansin niya iyon. Suot-suot naman niya ang kaniyang makapal na kulay pilak na kapa. Impossible naman sigurong alam nitong buntis siya, ano? Ang kinabahang tanong niya sa sarili. Pero ano daw ang sinabi nito? Pinapalabas ba nitong hinayaan din niyang humantong siya ganitong sitwasyon dahil ginusto niya?

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon