Bukas na ang update sa Fighting for Dominance. Hindi ako masatisfy-satisfy sa nagawa kong chapter today. Nakailang ulit na ako at bago ng scenes pero ligwak talaga. Parang may mali or what. 🤔 Magdouble update na lang po ako bukas.
Anyway!
Sooooo..... Ito ang dahilan kung bakit matagal akong walang paramdam hahaha. Nag brainstorming ako ng mga plot dahil gusto kong magpasa Ng manuscripts sa Black Ink. May 31, 2025 Kasi ang deadline guys. 😭
Baka p'wedeng makahingi Ng opinion niyo hahaha... Comment lang po kayo kung tingin niyo eh ok 'tong first entry ko. Mayro'n pa akong isa, Esper Guide universe naman. Ipo-post ko rin dito yung prologue and first chapter.
Sa ngayon, ito munang omegaverse (sports) story.
Mate With Me (Alpha x Omega)
Walong na ang nakakalipas mula noong huli makita ni Kael Devega ang dati niyang ka-teamate sa baseball team sa highschool na si Cole Cuevas. Kilalang pinaka mabangis ang kanilang battery noong kasagsagan ng kanilang highschool career. Subalit, sa huling taon nila sa highschool at pagiging champion sa loob ng tatlong taon, laking gulat na lang ng lahat nang bigla na lamang magquit sa baseball at highschool si Kael. Lubha itong ikinabigla at ikinagalit ni Cole dahilan upang putulin nito ang lahat ng koneksyon namamagitan sa kanilang dalawa.
Kaya gano'n na lang ang pagkagulat ni Kael nang bigla na lamang nagpunta si Cole sa kaniyang condo unit upang papirmahin siya ng kontrata para maging main catcher ng team nito. Hindi lang iyon! Dahil napilitan pa siyang pumasok sa isang pekeng relasyon dahil lamang ginamit siyang palusot ni Cole sa ama nito upang tigilan na ito ng ama sa pag-set up nito ng arrange marriage!
Prologue
MARIING napalunok ng kaniyang laway si Kael. Ang kaniyang kulay itim na bilugang mga mata ay mas lalo pang namilog dahil sa labis na pagkagulat. Parang tangang nakauwang pa ang kaniyang mga labi habang titig na titig sa taong nasa harapan ng kaniyang condominium unit ngayon. Hindi lubos makapaniwalang muli niyang makikita ang taong nasa harapan niya ngayon makalipas ng walong taon. Pero ano ang ginagawa nito rito sa kaniyang condo unit? Wala siyang naalalang maaaring maging dahilan ng pagbisita nito sa kaniya dahil matagal na silang walang anumang komunikasyon mula sa isa't isa.
At paano nito nalaman kung saan siya nakatira? Eh halos limang araw pa lang ang nakakalipas magmula noong lumipat siya rito. Napailing siya sa kaniyang isipan. Nakalimutan niya. Isa nga pala itong Cuevas, at isang alpha. They always gets what they want.
Ngunit 'di tulad noon, na maitim pa ito dahil sa kabibilad nila sa araw, ngayon ay halos mahiya na ang kaniyang kutis dahil sa kakinisan at kaputian ng balat nito. Maging ang kulay tansong naka-undercut at medyo magulong istilo nitong buhok ay mukhang napakalambot at alagang-alaga sa mga mamahaling produkto. Bahagyang namumula ang mga pisngi at ang cute nitong maliit na ilong na bumagay sa boyish features ng mukha nito. Ang hindi nga lang nagbago sa mukha nito ay ang nakakatakot at parang pusang kulay amber nitong mga mata na mas lalo pang pinalitaw ng nagsisihabaang mga pilik-mata nito. Kung hindi nga lamang ito sikat, sa malamang ay hindi na niya ito nakilala pa.
Muling napalunok ng kaniyang laway si Kael nang mas lalong tumalim ang tinging ipinupukol sa kaniya ng dati niyang ka-teamate sa baseball noong highschool habang maangas itong nakapamulsa at nakatingala sa kaniya. Matangkad kasi siya rito ng ilang pulgada. Nakasuot lamang ito ng isang kulay khaki na medyo maluwang na sleeveless T shirt at isang kulay grey na pants. Sa sobrang simple ng suot at ayos nito, animo'y nangapit-bahay lamang ito.
Napukaw naman ng dala-dala nitong isang brown na envelope ang kaniyang atensyon. Bagama't 'di hamak na mas matangkad siya rito at mas malaki ang pangangatawan. Napaatras pa rin siya sa takot nang walang pag-aalinlangang biglang humakbang ito papasok sa loob ng kaniyang condo. Pero dahil dito, aksidente niyang nasamyo ang pamilyar nitong matamis at musky na amoy.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
