chapter 5

649 18 0
                                    


CHAPTER  5

Unedited...
"Anak ka talaga ng dagat!" pagmumura ni Kean at napasabunot sa buhok. Nasa kuwarto siya, hawak ang papel na nagpapatunay na isa na siyang ama. Sa edad na bente uno anyos, may panganay na siya.
"Fuck! Peste na buhay 'to!" Sinuntok niya ang malambot na kama kaya at pabagsak na inihiga ang katawan tsaka iniunan ang ulo sa mga palad.
Hindi siya gumalaw. Tanging mga mata lang ang kinikisap niya. Gusto niyang maglaro ng patayan dahil talagang patay siya sa ama kapag malaman ng mga ito. Humihinga at kumikisap ang mga mata pero ayaw talaga niyang gumalaw. Tinatamad din siyang mag-isip.
"Kean!" sigaw ni Yna kaya napaupo bigla ang binata.
"Mommy naman! Ba't ka sumisigaw?" tanong niya na nakahawak pa sa dibdib. Magkakaroon yata siya ng nerbiyos sa sigaw ng ina.
"Akala ko, patay ka na! Kanina pa ako tawag nang tawag pero hindi ka sumasagot!" naiinia na sagot ni Yna at naupo sa tabi ng anak.
"Ano po ba kasi ang kailangan mo?" naiiritang tanong niya sa ina. Wala siyang panahon para makipag-usap kahit kanino lalo na sa pamilya. Gusto niyang maglaro ng patay-patayan.
"Baby?" nakalabing tawag ni Yna at niyakap ang anak, "na-miss kita. Palagi ka na lang wala sa bahay. Puro ka na lang barkada."
"Lumabayan mo nga ako, Mom! Ang tanda mo na, yayakap-yakap ka pa!"
"Ang sama mong anak! Bakit ganiyan ka? Noon naman, gusto mong palagi kitang kayakap pero ngayon, ayaw mo na?" pagtatampong sabi ni Yna. Noong bata pa ito, sa kuwarto nila madalas na natutulog si Kean pero ngayon, kahit yakap at halik, ayaw na ng anak.
"Matanda na ako. Iba noon at iba ngayon! Maghunos dili ka nga po!" pagsisinuplado niya. Kung saan may problema siya, saka pa nagkaganito ang ina.
"Palibhasa iba na ang yumayakap at humahalik sa 'yo!" reklamo ng ina, "hindi ka na kasi virgin kaya nagkakaganiyan ka na!"
"Haist! Mommy? Masakit sa tainga ang boses mo!"
Natigilan si Yna sa sinabi ng anak. Sinigawan siya nito? Pagalit na dinampot niya ang unan at pinaghahampas ang anak.
"Sinisigawan mo na akong bata ka?"
"Aww! Mommy, tama na!" pakiusap ni Kean at tumalon sa kabilang side ng kama.
"Ganiyan ba kita pinalaki?"
"Sorry na po. Mom naman, may problema ako pero ganiyan ka pa. Ayaw ko nga pong makipag-usap kahit kanino. Intindihin mo na lang ako," paumanhin niya.
"M-May problema ka? M-May nabuntis ka ba?" agad na tanong ni Yna. Iyan lang ang maisip niyang problema nito.
"W-Wala a," tanggi ni Kean at iniwas ang mga mata, "ang dami na kasing projects kaya medyo gipit na ako."
"Hindi pa ba kasya ang dalawang daan mo araw-araw? Aba, hindi na yata tama iyan, Kean!" sabat ni Kyler na kakapasok lang. Napadaan siya nang marinig ang usapan ng mag-ina.
"Daddy naman," reklamo ng anak, "sina Sky, limang daan ang baon nila everyday pero sa amin ni Keana, dalawang daan lang?"
"Huwag mong ikumpara ang mga pinsan mo sa inyo!" galit na sabi ni Kyler.
"Paano hindi? E, kulang nga ang dalawang daan!"
"Libre na ang pang gasolina mo, may pagkain kayo sa tambayan, ano pa ba ang binibili mo?"
"May snacks naman kami. Nakakasawa na rin kumain sa tambayan dahil paulit-ulit lang ang ulam. Minsan napapasama pa sa barkada kapag gumala. Kulang talaga ang dalawang daan!" mahabang depensa niya. Okay lang sana kung hindi mamahalin ang mga pinapasukan nilang restaurant. Malaki ang baon ng mga pinsan pero mas malaki ang savings nila ni Keana.

"Pagkasyahin mo! Kung may reklamo ka, magtrabaho ka para alam mo kung gaano kahirap maghanap ng pera!"
"Kuripot lang talaga kayo!" giit niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" singhal ni Kyler na naikuyom ang kamao. Makareklamo ito, akala mo sila ang naghahanap ng buto.
"Wala ho. Please naman, gusto kong mapag-isa! Masakit ang ulo ko at malapit na akong mabaliw kapag kaharap ko kayo ni Mommy!" prangka niyang sagot. Totoo, wala talagang makakatulong sa kaniya ngayon kundi ang kapayapaan at katahimikan sa utak niya.
"Kapag may kailangan ka, huwag mo kaming kausapin!" mataray na sabi ng ina at hinila ang kamay ng asawa, "tara na, hubby, iiwan na natin siya!"
Nang maisara ang pinto, kaagad na tumakbo si Kean palapit sa pintuan para i-lock ito dahil ayaw talaga niya ng istorbo.
---------------
Naglalakad si Irene patungo sa classroom nang magsimulang mag-ingay ang paligid.
Paglingon niya, si Kean na kakababa lang sa itim na porsche ang apple of their eyes. Nang-eengganyo rin kasi ang mokong, nakabukas pa ang dalawang butones sa itaas ng polo nito kaya nasisilip ang matipuno nitong dibdib na tila kay sarap humimlay.
" Kumusta na kaya ang DNA result?" tanong niya. Wala pa naman siyang balita rito. Hindi naman niya malapitan ang binata para makausap dahil mailap ito sa kaniya. Apat na araw na ang nakalipas matapos nilang ipasailalim si Ariana sa DNA paternity testing. Itinakas pa nga niya sa mga magulang ang anak. Ang sabi niya, mamamasyal lang sila sa clubhouse.
Nagkasalubong ang mga mata nila ni Kean kaya inirapan niya ito. Sinimangutan din siya ng binata at ne hindi man lang ngumiti sa mga bumabati rito.
"Kean!" tawag ni Sofia at lumapit sa binata, "kumusta? May pinabigay pala si Mommy sa daddy mo!" sabi nito.
"KSP!" bulong ni Irene. Mula nang magkabangayan sila ni Sofia dahil sa sitting arrangement, itinuturing na niya itong kaaway. Alam naman niyang ganoon din ito sa kaniya.
"Talaga? Salamat naman!" sabi ni Kean na labas sa ilong ang kaligayahan. Sino ba ang sasaya kung nasa tabi-tabi lang ang problema?
"Pasyal ka sa bahay, isama mo si Keana," pang-imbita nito. Malapit din ang pamilya nila sa mga Montemayor.
"Sige, susubukan ko," walang ganang sagot niya.
"Kean? Sa debut ko, isa ka eighteen roses ko ha," parang batang sabi ni Sofia.
"E di kayo na ang close!" bulong ni Irene habang papalayo sa mga ito.
"Bagay pala sila ni Sofia, ano?" narinig niyang sabi ng isang babaeng estudyante sa likuran niya.
"Pareho lang naman silang mayaman," segunda ng kasama.
"Mayaman din naman tayo kaya huwag kang mawalan ng pag-asa, masungkit mo rin si Kean. Kapag kasi magkaroon ka ng pagkakataon, sunggaban mo na!"

"Adik ka! Papabuntis ako sa kaniya!"
Binilisan na ni Irene ang paglalakad. Kapag ganitong usapan, siya ang natatamaan ng balang hindi naman sa kaniya ipinaputok.
" Paano kaya kapag malaman nilang may anak na si Kean sa akin? Baka saksakin nila ako," bulong ng isip niya. Akala nila, madali lang maging ina ng anak nito?
Pagpasok niya sa classroom, naupo siya sa tabi ni Maura.
"Bakit ang aga-aga, ganiyan ang mukha mo?" tanong nito habang nagme-makeup.
"Wala naman. May nakita lang akong hindi kanais-nais sa labas kanina," sagot niya. Wala na siyang cellphone para paglaruan dahil nawasak noong hinablot siya ni Kean sa tree park. Alangan naman unahin pa niyang ipagawa kaysa sa gatas ng anak niya.
"Ang suwerte ni Sofia, close sila ni Kean," naiinggit na sabi ng nasa unahan nila nang pumasok ang dalaga kasama si Kean.
"Oo nga, sila na kaya?" patanong na pagsang-ayon ng isa nilang kaklase.
"Hindi naman sila bagay!" pabulong na wika ni Maura.
"Hindi nga," pagsang-ayon ni Irene. Hindi naman sa bitter siya pero wala talagang chemistry.
"Kami ang bagay," bulong ni Maura na nakangiti kaya hinayaan na lang ni Irene ang pagpantasya ng kaibigan.
Isang mahabang araw para kay Irene ang araw na ito dahil hanggang alas singko ang pasok nila. Nakapagpahinga lang sila kaninang lunch time.

"Uuwi na ako," paalam ni Maura nang tumawag ang ama na nasa labas na ng gate ito.

"Ingat!" sagot ni Irene saka dumaan muna sa Library para mag-research ng assignment dahil mamaya, mawawalan na siya ng time na gawin dahil kay Ariana. Siya ang tigabantay kapag makauwi na siya.
Hindi pa siya tapos pero mag-aalas sais na kaya hiniram na lang niya ang libro para madala sa bahay.

Paglabas niya sa school gate, naglakad-lakad muna siya para makapagpara ng pampasaherong jeep. Kapag ganitong oras, puno na at pahirapan sa pagsakay. Hindi kagaya ng schoolmates niya, may mga sasakyan. Pero may iilan din na piniling mag-commute na lang. Nagmamahal na rin ang gasolina. Nakailamg jeep na siyanb pinara pero wala talagang bakante.
Tumigil ang itim na sasakyan sa tapat niya saka bumukas ang pinto.
"Sakay na!"

Napatitig lang siya kay Kean sa driver's seat.
"Sasakay ka o kakaladkarin pa kita?" pagbabanta nito.
"Umalis ka na!"

"Sakay na sabi!" naiinip na sabi nito. Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata na parang nakadroga lang. Baka naka-drugs nga ito.
"Sumakay ka na! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!" makahulugang sabi ni Kean kaya napilitan siyang sumakay. Kailangan pa pala niyang tanungin ito tungkol sa DNA result.
Ang ganda ng sasakyan nito, may higaan sa likuran at may closet pa. Malaki siguro ang pagpaayos ng mokong pero kahit isang pirasong damit, walang naibigay para sa anak nila.

"Bakit mo ako pinasakay?"
"Maawain ako sa pulubi kaya naawa ako sa 'yo. Para kang tangang para nang para sa mga sasakyan e, hindi ka naman sumasakay."

"Hindi ko ugaling sumakay sa puno na at nagbabayad naman ako ng tama pero kalahating puwet ko lang ang kasya!" naiinis na sagot niya. Ganiyan ang mga driver minsan, kahit puno na, sige pa rin. Tatawag pa rin ng pasahero para magsisiksikan ang mga pasahero. Pero hindi naman lahat ng driver.

Tumahimik na si Kean, paminsan-minsan ay napapasulyap kay Irene na nakatingin sa labas ng bintana.

"Kumusta pala ang result ng DNA? Malamang positive," siguradong saad ni Irene. Kapag magkamali lang ang result, peke talaga ang doctor na sumagawa nu'n.
"W-Wala pa," sagot ni Kean at napahigpit ang pagkahawak sa manibela.
"Positive 'yon! Anak mo talaga--"
"Huwag mo nang ipaalala dahil baka makabangga tayo!" Tumaas na ang boses nito kaya tumahimik na siya.
Wala silang kibuan hanggang sa makarating sa bahay nila. Magtatakip silim na kaya marami ang mga batang naglalaro sa kalsada at mga dalagang pauwi galing sa pag-ikot-ikot sa buong subdivision.
"Hindi na ako bababa dahil marami ang tsismosa sa lugar na ito!" ani Kean. Pagod na siyang papakin ng mga mata nila.
"Salamat sa paghatid. Ayaw mong makita ang anak mo?"
"Wala akong anak!" tanggi ni Kean kahit na ang totoo, nagu-guilty siya. Huwag muna ngayon. Hindi pa niya matatanggap ang katotohanan. Tatanggapin naman niya pero magluluksa muna siya ng ilang araw para makapag-isip nang maayos kung ano ang dapat na gagawin.
"Irene," tawag niya saka may inabot ang malaking supot sa dalaga.
"Ano 'to?" tanong ni Irene at sinilip ang nasa supot.
"Gatas. B-Baka maubusan siya ng gatas kasi nag-aaral ka pa. K-Kawawa naman ang anak mo," sagot ni Kean at napalunok ng laway.
Naningkit ang mga mata ni Irene at patulak sa dibdib na ibinalik niya nito ang gatas.
"Pasensiya ka na, hindi ako humihingi ng tulong sa mayayamang katulad mo. Kung hindi mo anak si Ariana, walang rason para magbigay ka ng gatas!" taas noong sabi niya saka binuksan ang pinto saka pabagsak na isinara. Akala nito, maghahabol siya? No way!

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon