22

576 19 0
                                    


CHAPTER   22

Unedited...
"Okay ka na ba rito? Kapag nagkaproblema ka, tumawag ka lang sa amin," nag-aalalang tanong ni Yna. Makalat si Kyler at sa tingin niya ay mahihirapan ito pero kung para sa future ng anak, hahayaan niya lang ito.
"Mom? Okay lang po ako," natatawang sabi ni Kean.
"Kapag mag-isa na lang 'yan, matututo rin siya. Hayaan nating mamuhay siyang mag-isa," sabi ni Kyler. At least nabawasan ang sakit niya sa ulo. Sa tingin niya, maglilinis naman ito lalo na kapag wala nang katulong. Mahirap din sanayin ang mga anak na mamuhay sa karangyaan.
"Thanks, Dad. Mabuti at naiintindihan mo po ako," pasalamat ni Kean.
"Tandaan mo, huwag mong sirain ang tiwala namin lalo na sa negosyo. Oras na gawin mo ulit na lodging house ang resto bar, ipapasara ko ulit 'yon, maliwanag?" pagbabanta ni Kyler. Mabuti na at nagkaliwanagan sila.
"Yes, po."
Ano pa nga ba ang maireklamo niya? Nakuha na niya ang gusto. Ang kailangan na lang niya ay kung paano iyon palalaguin. Basta kailangang naka-set na sa utak niya ang susunod na hakbang.
"Anak? Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Mag-vitamins ka palagi at higit sa lahat, magsabi ka sa akin kung may sakit ka para mapuntahan kita rito, okay?" mangiyak-ngiyak na bilin ng ina.
"Tama na nga po, Mommy. Nasa Pilipinas pa rin ako at isang oras lang ang layo ng condo na ito sa bahay natin kaya huwag na nga kayong magdrama ng ganiyan," saway ni Kean. Makapag-drama ang ina, akala mo e, sa ibang planeta siya lumipat.
Nang makauwi ang mga magulang, nagbihis na siya para pumasok. Um-absent siya ngayong umaga dahil lilipat na siya. Kahapon pa naayos ng nga tauhan ang buong condo kaya ready for occupancy na ito. May mini sala, mini kitchen, at makakapal na kulay. Malawak na ang 300 sq/m.
"This is life!" wika niya at padipang nahiga sa king sized bed.
Dalawa ang kuwarto nito at sa kabila ay balak niyang tulugan ni Baby Ariana. Napangiti siya. Excited na siyang makasama ang anak lalo na sa pagtulog.
Pasado alas dose na nang umalis siya sa bahay. Wala siyang ganang kumain kaya sa tambayan na lang siya makikain kapag sumpungin siya ng gutom.
Pababa na siya ng kotse nang makita niyang naglalakad sina Alwyn at Irene kaya mabilis siyang lumapit sa dalawa.
"Alwyn!" tawag niya kaya lumingon ang dalawa.
"O? Ba't ngayon ka lang? Hinahanap ka ng triplets kanina, maniningil na raw si Sky," sabi ni Alwyn kaya sumimangot si Kean. Gago rin 'to! Kailangan talagang ipaalam na may utang siya? Sa harap pa ni Irene?
"Babayaran ko 'yon mamaya! May interest pa!" napipikong sagot niya. Ang ganda ng araw niya, sinira lang ni Alwyn. Napasulyap siya kay Irene na parang naputulan ng dila habang nakayuko.
"Saan kayo galing? Nag-date?" tanong ni Kean para sa dalawa. Bahala na kung sino ang sasagot.
"Kumain," sagot ni Alwyn. Nakita niya si Irene na patungo sa canteen kaya niyaya niya itong kumain sa labas para may kasama siya.
"Date na rin 'yon," sagot ni Kean. Deny pa 'tong dalawa, e, gano'n din 'yon.
"Date nga," pagsang-ayon na lang ni Alwyn na hindi ikinatuwa ni Kean. Sinungaling talaga sila
"Alwyn, hinahanap daw tayo ni Jerome!" sabi ni Black nang makasalubong nila.
"Saan siya?" tanong ni Alwyn.
"Pool area," sagot ni Black at napasulyap kay Irene na naiilang na hindi alam kung titigil din ba o ipagpatuloy ang paglalakad.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Alwyn.
"Huwag ka nang bumalik," pabulong na sagot ni Kean pero hindi nasa malayo na si Alwyn kasama si Black.
Ipinagpatuloy ni Irene ang paglalakad. Napansin niyang sinasabayan siya ni Kean.
"Araw-araw na yata ang date ninyo ni Alwyn," puna ni Kean. Sa tuwing makikita niya si Irene, nakabuntot ang asungot na si Alwyn.
"Wala kasi akong kasama kanina at wala rin siya," sagot ng dalaga. Ilang gabi siyang hindi pinapatulog ng sinabi ni Kean na hihiramin nito si Ariana. Takot talaga siya na baka itakas nito ang anak nila kapag pumayag siya. Marami ang gano'n. Kapag nagkataon, hihingi talaga siya ng tulong kay Tulfo.
"Ah, gano'n pala 'yon," sabi ni Kean na umarko ang kanang kilay, "lahat pala ng lalaking walang kasama, isasama mo kapag mag-isa ka!"
"Lumayo ka nga sa akin! Baka kung ano pa ang isipin ng mga estudyante!" pagtataboy ni Irene. Nagiging irrational na ang pag-iisip ni Kean
"Hayaan mo silang mag-isip dahil may utak din naman sila," sagot ni Kean na binilisan din ang paglakad. Kapag si Alwyn ang kasama, masaya pa ito pero kapag siya, ang lakas makataboy ni Irene na para bang may nakakahawa siyang sakit. Ang unfair lang.
"Saan ka ba pupunta? Iba ang building mo, 'di ba?" tanong ni Irene na paakyat na ng hagdan.
"Sa classroom ninyo," sagot ni Kean, "may masama ba kung pupunta ako sa building ninyo? Dadalawin ko si Sofia."
"Hello, Kean!" sabay na bati ng dalawang babae na makakasalubong nila sa gitna ng hagdan.
"Hi," nakangiting bati rin ng binata. Nasa mood siya makipagbati sa mga ito. Dagdag pogi points din.
"Mabuti ka pa, marunong bumati. Bakit si Alwyn, hindi man lang kayang ngumiti?" nakasimangot na sabi ng babae kaya tumigil ang binata.
"Mas pogi raw ang nakangiti," ani Kean.
"Oo nga, mas pogi ka," kinikilig na sabi ng isang estudyante at napatitig sa guwapong mukha ng kaharap. Gosh! Minsan lang mangyari itong kinausap sila ni Kean. Tinatalon-talon tuloy ang heart niya.
Ipinagpatuloy ni Irene ang pag-akyat. Alangan namang titigil din siya. Feeling close lang? Baka isipin pa nila, magkasama sila ni Kean e, nakikisabay lang ito sa kaniya.
"Salamat, guys." Ang lapad ng ngiti ni Kean. Pati ng dalawang tainga niya ay pumalakpak. Pogi raw siya kaysa kay Alwyn. These girls deserve his genuine smile. Pinapasaya siya ng mga ito e.
"Kyaaah! Pa-autograph!" hindi magkukumahog na kinuha ng pinaka-chubby ang notebook sa shoulder bag. Ang sarap ng ngiti ni Kean. Ang sarap pang magpahalik. Kahit may boyfriend na siya, hindi mapigilang humanga siya kay Kean. Ang suwerte naman ng babaeng nakakasama nito.
Kean? Buntisin mo na lang kaya ako para malahian din ako ng ka-pogi-an mo," biro ng babae kaya napatigil si Irene sa paglalakad.
"Ay, bet. Ako rin, Kean. Gusto ko rin ng baby galing sa 'yo," natatawang pabiro din ng isa. Hinintay ni Irene ang isasagot ng mokong. Baka hindi lang niya alam, may mga panganay pa pala ang mokong sa ibang babae.

Tumawa muna si Kean bago sumagot, "Gustuhin ko man, hindi puwede e. Isa lang talaga ang gusto kong maging nanay ng mga anak ko," napakamot sa ulo na sagot ni Kean. Ano ang akala ng mga ito? Palahian lang siya? Naghihirap ma nga siya kay Ariana, dagdagan pa ng mga ito? Kung hindi lang siya pinuri, masisigawan talaga niya ang mga hipon na 'to. Sexy sila pero sa anim sila, dalawa lang talaga ang may hitsura, mga chubby pa. Well? Puwede na. Kahit na chubby, at least may hitsura. Napailing siya. Napaka-judgmental yata niya sa mga ito. Pero may amoks din naman silang lahat.
"Si Hattie lang?" natatawang tukso ng isa kaya naghiyawan ang mga ito.
"H-Ha?" natarantang wika ni Kean. Napansin niyang wala na si Irene sa tabi, "excuse lang, guys. Nagmamadali ako," paalam niya saka nilagpasan ang mga ito para habulin si Irene.
"Irene! Sandali!" sigaw niya at patakbong hinabol ang dalaga.
"Ang bilis mo naman. Palagi ka na lang nawawala," reklamo niya habang hinihingal.
"May kausap ka naman kanina kaya nauna na ako," sagot ng dalaga. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya? o maiinis sa sagot ni Kean sa grupong nakausap kanina.
"Palagi ka na lang nawawala," reklamo ni Kean.
Hindi na umimik pa ang dalaga dahil medyo marami-rami na silang nakakasalubong.
"Dumistansiya ka, baka kung ano na naman ang isipin nila!" pabulong na sabi niya.
"Nagpapahalata ka kasi masyado!" bulong na sagot ni Kean, "boyfriend mo si Alwyn kaya walang masama kung magkasama tayo. Masyado kang apektado."
"Hindi ko boyfriend si Alwyn!" Napupuno na siya kay Kean.
"Nag-three hours nga kayo e," pabulong na sabi ni Kean at nanggigigil na sinulyapan si Irene.
"Siya nga pala, nakalipat na ako sa condo kanina," aniya.
Napatigil si Irene at hinarap ang binatang seryoso ang mga mata.
"C-Congrats," bati ng dalaga pero may sumibol na takot sa puso niya.
"Thanks. Ipapaalam ko na si Ariana kina Papa," sagot ni Kean.
"M-May kukunin ka bang magbabantay?" nauutal na tanong ni Irene.
"Wala pa," sagot ni Kean at napasulyap kay Irene, "kung gusto mo, ikaw na lang."
Napabuntonghininga si Irene. Paano kung malaman ni Hattie? Paano kung pupunta ito sa condo niya at mahuli sila?
"M-May trabaho ako sa bar," sagot ni Irene.
"Babayaran kita," sagot ni Kean pero naningkit ang mga mata nang mapansing naningkit din ang mga mata ni Irene. Ayaw yata nito, "kung ayaw mo, okay lang. Hahanap na lang ako ng iba para hindi naman ako makaistorbo at para may time ka na kay Alwyn mo!"
Wala nang kumibo sa kanilang dalawa habang naglalakad. Mukhang ayaw talaga ni Irene.
Malapit na sila sa classroom nang may humarang kay Irene.
"Gaano ka totoo na may baby ka na?" tanong ng isang estudyante. Ang lakas pa ng boses nito kaya narinig ng mga nasa paligid. Kahit si Kean ay tumigil din sa paglakad.
Blangko ang mukha ni Irene nakakatitig lang sa babaeng humarang sa kaniya.
"Alam na ba ito ni Alwyn?" usisa nito. Ang iba ay inaabangan din ang isasagot ni Irene.
"Bakit inilihim mo? Para mabingwit si Alwyn? Hindi ka na nahiya!" naiinis na sumbat ng isa na akala mo siya, ito ang nagpapakain kay Irene.
"Hoy!" sabat ni Kean nang mapansing nagpa-panic ang mga mata ni Irene.
"Tsismis lang ba ang atupagin ninyo?"
"S-Sorry, Kean, nagtatanong lang. May narinig kasi kaming may anak na siya dahil may nakakita na minsan silang lumabas na mag-ina," agad na depensa ng babae.
"May anak siya o wala, buhay niya iyon! Ang pag-aaral ang atupagin ninyo, hindi ang buhay ng ibang tao!"
Hinila na niya si Irene papasok sa classroom nito. May nakalusot nang balita. Baka mamaya, malalaman na nila ang totoo na siya ang ama. Hanggat maari, pipigilan nila ang tsismis. Kakausapin niya si Irene mamaya.
"Kean!" bati ni Sofia nang makita siya.
"Hello, kumusta ka na?" bati rin ni Kean at napasulyap kay Irene na wala sa sariling naglakad patungo sa upuan.
"Irene, totoo ba ang sabi nilang may anak ka na?" tanong ni Isabella kaya napatingin si Kean kay Irene na nakaupo na.
"Grabe, hindi alam ni Alwyn na may anak ka na. Paano mo nagawang ilihim iyon sa kasintahan mo?" tanong din ni Charlyn. Lahat ng kaklase ay naintriga sa mga narinig.
"Sino ba naman ang aamin? E di iiwan siya ni Alwyn. Kawawa naman, ganda lang kasi ang puhunan, poor naman!"
Napatayo si Irene sabay hampas sa desk ng upuan kaya nagulat silang lahat, "Pakialam ninyo sa buhay ko? Oo, may anak ako! Oo, single mom ako! Pero kayo ba ang nagpapakain sa aming mag-ina? Kayo ba ang nagpapaaral sa akin at bumubuhay sa amin para pakialaman ninyo ang buhay ko? E ano kung single mom ako? Nalinis na ang maitim na budhi ninyo?" galit na sabi niya at naikuyom ang kamao. Masusuntok talaga niya ang mga ito.
"Pero inilihim mo pa rin sa lahat na may anak ka na lalo na kay Alwyn!" giit ni Isabella.
"O? Nilihim ko nga ba? Bakit? Kailangan ko pa ba kayong isasahin para ipaalam sa inyo na may anak na ako? Walang nagtatanong kaya para ano na ipaalam ko sa inyo? Pabida lang?" matapang na sagot ni Irene.
"F-Friend..." sambit ni Maura at hinagod sa likod si Irene para kumalma.
"Kung ang mga magulang ko ay tanggap ang pagiging disgrasyada ko, sino kayo para husgahan ang pagkatao ko?" taas noong tanong niya. Ganito na ba ang mundo? Ganito na ba kakitid mag-isip ang mga tao?
Hindi umimik ang mga kaklase.
"Hindi ko hinihingi na tanggapin ninyo ako, pero pakiusap, huwag ninyong idamay ang anak ko rito dahil wala kayong alam at hindi ninyo naranasan ang hirap na pinagdaanan ko!" sagot niya saka kinuha ang bag at lumabas sa classroom.
"A-Alis na ako, Sofia, may klase pa ako," paalam ni Kean.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon