Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 51
Unedited..
"Sofia? Wala akong perang pambili. Ikaw na lang ang kumain sa labas," sabi ni Irene. Siyempre mayaman ito. Alangan naman na siya pa ang mag-adjust e, walang-wala nga siya. Umaasa lang siya sa mga magulang niya ngayong tumigil na siya sa pagtatrabaho sa bar. Wala siyang problema kay Ariana dahil sagot ni Kean ang lahat kahit na cool off sila.
"Saan ka ba kumakain?" tanong ni Sofia, "Ayaw ko sa karenderya. Baka magka-hepa ako," maarteng tanong ni Sofia. Oo nga't mahilig siya sa lutong-bahay pero hindi sa karenderya na nasa tabi-tabi lang. Malabo na nga ang mga mata niya, tapos magkakasakit pa siya?"
"Sa canteen. Mas mura ang pagkain," sagot ni Irene.
"Oh, I see," ani Sofia, "E di sa canteen tayo kakain."
Ayun, pumunta sila sa canteen para magtanghalian. Medyo marami na ang nakapila kaya nakipagsiksikan silang dalawa.
"Ito ang mahirap kasi ang daming bumibili rito," sabi ni Sofia at pasimpleng itinulak ang nasa likuran niya. May pila na nga, manunulak pa ang mga ito.
"Sige lang, makakaraos din tayo," sabi ni Irene.
"Ikaw ang pumila, ako ang magbabayad," naiinis na sabi ni Sofia saka inabot ang isang libo rito.
"Sure ka?" tanong ni Irene.
"Oo, bago ko pa makalbo itong nasa likuran ko!" sagot ni Sofia at umalis na sa pila kaya si Irene na ang nagtiyagang bumili. Sinabi naman ni Sofia ang gusto nito kaya bitbit ang tray, hinanap niya ang kaklase dahil puno na ang mga mesa.
"Uy, Irene!" tawag ni Sky at pinapaypay pa siya, "Dito ka, mommy!"
Napasimangot si Irene. Mommy na rin kasi ang tawag ng triplets sa kaniya.
"Dito na tayo, Irene," tawag ni Sofia na nakapuwesto na sa tabi ni Blue. Napilitang lumapit si Irene sa mga ito dahil nandoon din si Kean.
"Kean? Dito ako maupo ha," sabi ni Hattie. Malapit na sana si Irene pero biglang sumulpot si Hattie at naupo sa tabi ni Kean.
"Bahala ka," sagot ni Kean at ipinagpatuloy ang pagkain.
Tumayo si Black na nasa tabi ni Kean. "Dito ka na maupo, Irene." Lumipat si Black sa isang bakanteng umuan kaya walang nagawa si Irene kundi pumagitna kina Kean at Black habang kaharap sina Blue, Sofia at Sky. So bale, napagitnaan nila ni Hattie si Kean.
"Kean? Birthday ng parents ko next week, pumunta ka raw," maarteng sabi ni Hattie habang nakatingin kay Kean.
"Susubukan ko pero hindi ko maipangako," sagot ni Kean kaya sumimangot si Irene. Ne hindi nga siya pinapansin at kinakausap ng binata tapos kapag si Hattie, panay ang sagot nito?
Ang ingay sa paligid dahil sa mga estudyante pero boses lang nina Kean at Hattie ang naririnig ni Irene. Ang mga kasamahan sa mesa ay palipat-lipat ang tingin sa kanila. Kapag kasi titingnan, parang sina Kean at Hattie ang magkasintahan dahil mas inilapit ni Hattie ang upuan kay Kean.
"Kean? Gusto mo itong adobong manok?" malambing na tanong ni Hattie kay Kean at inilagay ang isang pirasong hita ng manok sa plato ni Kean, "Sa 'yo na lang kasi alam kong paborito mo ang ganiyang part."
Napahigpit ang hawak ni Irene sa damit niya. Sumusobra na talaga itong si Hattie. Si Kean naman, parang wala lang. Mas gusto pa nga yata nito na nilalandi ni Hattie sa harapan niya.
Nakatitig lang si Kean sa plato at hindi ginagalaw ang pagkain. Ipinagpatuloy ni Irene nag pagkain. Nai-stress siya sa katabi. Sayang ang adobong sitaw na inabot sa kaniya ni Black kung hindi lang niya kakainin kaya ibinuhos niya ito sa plato at inihalo sa kanin.Napatigil siya nang kunin ni Kean ang plato niya.
"Problema mo?" naiinis na tanong niya.
Inilapit ni Kean ang plato nito sa kaniya. Swap sila.
"Palit tayo ng pagkain. Na-miss ko ang sitaw. Isa pa, paborito mo ang hita ng adobong manok kaya kumain ka nang marami," walang ganang sagot ni Kean at ibinaba ang plato ni Irene sa mesa saka sinimulan nang kumain.
Patay-malisya naman ang triplets at si Sofia ay walang pakialam pero si Hattie, napanganga sa ginawa ni Kean.
"O? Ano pa ang hinihintay mo, Irene? Gusto mo, subuan kita?" pormal na tanong ni Kean kaya naiilang na kinuha ni Irene at kutsara't tinidor saka kinain ang pagkain ni Kean. Ayaw sana niyang kainin ang ulam na binigay ni Hattie pero wala siyang magawa. Baka kung ano pa ang masabi ng mga kasama kaya patay-malisya na rin siyang kumain.
Tumayo si Hattie, "Busog na 'ko, mauna na ako sa inyo!" paalam nito at bago pa man maka-react ang mga nasa mesa, tumalikod na siya at padabog na umalis kaya napangiti si Irene.
"Hay, salamat at umalis na ang bruha," wika ni Sofia na kanina pa niya gustong sampalin ng mainit na kanin ang mukha ni Hattie. Ang landi ng boses nito.
Napasulyap si Irene kay Kean na maganang kumakain. Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain nang tumingin din sa kaniya si Kean.
Hindi niya alam kung kakampi ba talaga niya ito? O kalaban.
Nang matapos silang kumain, sununod si Kean kay Irene habang si Sofia ay sumama muna sa triplets sa tambayan para makausap sina Erika at Lyn.
"Saan ka pupunta?" naiilang na tanong ni Irene kay Kean. Sinasabayan siya nito sa paglalakad pero hindi kinakausap.
"Ihahatid ka," sagot ni Kean.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong ni Irene at tumingala sa binata.
"Hindi ako galit sa 'yo. Binibigyan lang kita ng kalayaang masigurado ang nararamdaman mo sa akin at sa ibang lalaki," seryosong sagot ng binata.
"Mahal kita, Kean. Kung nagkamali man ako, sana mapatawad mo ako. Oo, naguguluhan ako that night dahil biglaan ang nangyari pero sigurado naman ako na ikaw ang mahal ko," sabi ni Irene pero hindi nabago ang ekspresyon ng mukha ni Kean.
"Halika na, wala akong panahong pakinggan ang paliwanag mo," ani Kean.
"Kean, makinig ka--"
"Hindi mo ako naiintindihan, Irene!" mariing sabi ni Kean at tumigil sa paglalakad para harapin siya. Mabuti na lang dahil walang gaanong estudyante sa hallway dahil lunch time pa, "Hindi ak kagaya ng ibang lalaki na isang sorry lang, oo kagaad at nagkabati sila kaagad ng syota nila pero after ng ilang days, mag-aaway na naman dahil hindi naman pala talaga lubusang napatawad at nakalimutan. Nasaktan ako, inaamin ko. Natamaan ang ego ko bilang lalaki. I hate to see you na may kahalikang lalaki o may humahalik na ibabang lalaki. For how many times, uulit-ulitin kong sasabihin sa 'yo na ayaw kong may kahati. Gusto ko akin ka lang pero sa nasaksihan ko, ipinaramdam mo sa akin na anytime, puwede kang maagaw ng iba sa akin. Ayaw ko ng ganu'n. Ayaw kitang maging ganoon dahil espesyal ka sa buhay ko. Ayaw kitang ipamigay o ipahiram sa iba kaya sana, matuto ka ring maging loyal at tapat sa akin!" mahabang paliwanag ni Kean kaya napakagat si Irene sa ibabang labi. Gusto niyang umiyak at yakapin si Kean pero ayon sa mga mata nito, galit pa rin ito sa kaniya.
"N-Natatakot ako na baka iiwan mo ako," pag-amin ni Irene habang nakayuko. Marami ang nag-aabang ng breakup nila at paano kung tuluyan na nga siyang iwan nito dahil lang sa isang pagkakamali niya? Ang tanga niya para ipagpalit si Kean sa iba kung mahal naman talaga niya ito nang sobra.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomansaMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...