40

532 16 0
                                    



CHAPTER   40

Unedited...
"Mom? Hindi ba puwedeng pakisamahan naman ninyo si Irene?" pakiusap ni Kean sa ina.
"Gagawin ko naman iyon pero sinigawan mo ako!" galit na sabi ni Yna sa anak. Tama ba na taasan siya ng boses ni Kean dahil lang sa iniwan nila ang kasintahan nito sa loob ng bahay noong isang araw?
"Mommy naman. Mali naman kasi ang ginawa ninyo ni Keana. Naniwala ka naman kaagad sa mga pinagsasabi nila na hindi mo muna kami pinakinggan. Sino ang hindi magalit?" paliwanag ni Kean.
"Oo, mali na kung mali ang ginawa ko! Pero ako lang ba? Ako lang ba ang ina na hindi nagustuhan ang girlfriend ng anak nila sa unang pagkikita?" tanong ni Yna. Ang sama talaga ng loob niya sa ginawa ng anak. Hindi porket may pamilya na ito, gano'n-gano'n na lang siya kung singhalan nito.
"Kung ayaw ninyo kay Irene, wala na akong magagawa pero hindi ninyo kami mapaghiwalay!" seryosong sagot ni Kean kaya napaupo si Yna at malungkot na nakatingala sa anak.
"Wala naman akong sinabing hiwalayan mo siya. Ang sa akin lang naman, hindi ko siya gusto dahil girlfriend siya ng kaibigan mo. Isa pa, may girlfriend ka naman sabi ng daddy mo. Paano si Hattie? Para ka rin bang si Tito Tyron mo na biglang may anak sa labas?" tanong ni Yna. Noong panahong malaman nilang may anak pala sa labas si Tyron, sobrang nasaktan sila para kay Aira. As in galit na galit sila ni Ann sa kapatid. Oo, kapatid nila si Tyron pero kaibigan din nila si Aira.
"Iba si Tito Tyron at iba ako. Mommy, mahal ko si Irene! Wala na kami ni Hattie at huwag mo na siyang ipilit sa akin! Isa pa, mas mahal ni Tito Tyron si Tita Aira. Huwag na nating ibalik ang nakaraan ng barkada ninyo sa buhay ko dahil magkaiba kami!" Mahabang paliwanag ni Kean. Hindi siya mapagpasensiyang tao at madali siyang mapikon. Ang pinakaayaw niya ay ang paulit-ulit na paliwanag.
"Tatanggapin ko ang apo ko pero sa ngayon, huwag mo munang ipakita sa akin ang babae mo dahil naiinis ako sa inasal mo!" ani Yna na umuusok ang ilong. Hindi siya nauunawaan ng anak at hindi rin niya maintindihan ang inaasal nito.
"Umalis ka na sa harapan ko, Kean!" pagtataboy niya.
"Buwesit!" bulong ni Kean at sinuntok ang pinto bago lumabas. Gusto niyang magpalabas ng sama ng loob. Bakit ba mahirap pakiusapan ng ina niya?
Dumiretso siya kina Irene dahil nasa bahay na raw ito. Ito lang ang nakapagpawala ng galit niya.
Pagpasok niya, nasa sala na ang mag-ina niya.
"Hello, Daddy!" nakangiting bati ni Irene at hinahawakan ang kamay ng anak nila para kumaway kay Kean.
"Hi," nakangiting bati ni Kean at naupo sa tabi ni Irene. Inakbayan niya ito at hinalikan sa pisngi.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Irene. Nakangiti pero iba naman ang isinisigaw ng mga mata nito.
"Galing ako sa bahay," ani Kean kaya napabuntonghininga si Irene. Mukhang alam na niya kung ano ang dahilan ng pagkasira ng modo nito.
Hinawakan niya ang kamay ni Kean, "Dhie? Okay lang, naiintindihan ko ang parents mo. Ganoon talaga," sabi ni Irene. Hindi naman bigdeal sa kaniya. Iniisip lang niya na darating ang araw, magugustuhan din siya ng mga ito kapag makilala na siya ng mga ito nang lubusan.
"Pero mali pa rin na husgahan ka ni Mommy dahil lang sa sinabi ni Keana!" naiinis na sabi ni Kean.
Pinisil ni Irene ang kamay ng binata at ngumiti. Masaya siya dahil pinaninindigan ni Kean ang pagiging kasintahan niya ata ama ng anak nila.
"Hindi natin mapipilit ang mommy mo na magustuhan ako sa una. Normal lang iyon. Ikaw ang nakakaalam kaya ikaw na lang ang umintindi. Kean, mommy pa rin iyon. Siya ang nagsilang sa 'yo. Siya ang nag-alaga sa 'yo mula pa ng nasa tiyan ka pa niya. Ayaw ka lang niyang mapunta sa maling tao kaya iyon kaagad ang naipakita at nasabi niya," mahinahong sabi ni Irene. Niyakap siya ni Kean kasama na rin si Ariana na nasa kandungan niya.

"Ayaw ko lang talaga, Mommy, na husgahan ka ng mga tao dahil lang sa trabaho mo. Ayaw ko ng ganoon," sabi ni Kean at isiniksik ang mukha sa maliit na braso ni Irene.
"Normal na sa tao ang pagiging judgmental lalo na sa mga babae. Ipakita na lang natin na hindi ako kagaya ng iniisip nila. Pero Kean, makipag-ayos ka sa pamilya mo."
Dinala ni Kean ang kamay ni Irene sa mga labi niya at masuyong hinalikan, "Basta, kaya natin 'to, Mommy. Huwag lang ninyo akong iwan ni Ariana, makakaya natin 'to."
Ngumiti si Irene, "Oo naman. Wala namang makakasira sa bahay kapag matibay ang haligi, 'di ba?"
Sa ngayon, kampante siya kay Kean. Sana ay huwag lang itong magbago at magsawa sa kanila ni Ariana. Mahirap talaga sa umpisa pero hindi maglaon, paunti-unti rin silang matutong sumabay sa agos ng buhay. Siguro ganoon nga siguro kapag nag-uumpisa pa lang kayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasang-ayon ang sitwasyon sa inyong mag-asawa.
"Mommy?" malambing na tawag ni Kean at napasulyap kay Ariana na natutulog na.
"Hmmm?"
"Pahinging kiss, isa lang," bulong ni Kean at hinawakan si Irene sa baba.
"B-Baka dumating sina--"
"Dapat nga, nagse-sex na tayo. May anak naman tayo pero kiss lang, pinagdadamot mo pa!" parang batang nagtatampo ni Kean. Ilang beses na siyang humihingi ng kiss kay Irene. Pumapayag naman ito pero iyong napipilitan lang.
"Ay, kasalanan ko ba kung hindi mo iyon ginagawa kapag nasa condo mo tayo?" depensa ni Irene. Panay request ng mokong pero hanggang kiss lang naman. Ang lakas lang maglambing sa kaniya pero hanggang do'n lang si Kean. Okay, babae siya at sabi nga nito, may anak na sila kaya kahit paano, umaasa naman siya. Or mas tamang sabihing, handa siya sa ganiyang bagay basta mag-ingat lang sila ni Kean. Isa pa, lahat ng nasa paligid, iyan ang iniisip sa kanila pero hindi lang nila ginagawa. Pagtingin niya kay Kean, ang lapad ng ngiti ng mokong.
"Mommy? Ibig sabihin, kapag nasa condo tayo, puwede na tayong mag boom boom paw?" nagniningning ang mga mata ni Kean saka napakagat pa ito sa ibabang labi.
"W-Wala akong sinabing ganiyan," tanggi ni Irene na kinakabahan sa mga ngiti ng kaharap.
"Kakasabi mo lang e," ani Kean na hindi pa rin nabubura ang mga ngiti.
"Wala ah," tanggi ng dalaga.
"Mommy? Ganoon na rin 'yon," ani Kean at kinalabit si Irene nang talikuran siya pero hindi naman makatayo dahil kalong nito ang natutulog na anak nila.
"Mommy Irene? Puwede na sa Sabado, ha."
"Kean!" saway ni Irene at pinandilatan ang kasintahan. Alam niyang pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Kailangan ba talagang pag-usapan nila ang ganito?
"Hmm? Mommy? Excited na ako," bulong ni Kean at iniunan ang ulo sa balikat ni Irene saka pasimpleng kinagat ito. Shit, three days na lang. Excited na sila ng alaga niya.
"Kean naman! Tumigil ka!" naiinis na sabi ni Irene at tinulak ito palayo sa kaniya. Pinagsisisihan tuloy niya kung bakit pa niya nasabi iyon. Nagka-idea tuloy ang mokong.
"Boom boom paw," bulong ni Kean habang nakatingin kay Irene.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Irene.
"Term ng parents at kaibigan ko para hindi mahalata ng mga tao," sabi ni Kean sabay kindat kay Irene.
"I hate you!" pagsisinuplada ni Irene.
"I love you most!" sagot ni Kean. Narinig nila ang pagdating ng mga magulang ni Irene. Hindi naman lock ang pinto kaya hindi na sila tumayo para pagbuksan ang mga ito.
"Magandang hapon po, Mama, Papa," magalang na bati ni Kean at tumayo.
"Magandang hapon naman," nakangiting bati rin ni Elizabeth. Ang aliwalas ng mukha ng magkasintahan. Bilang ina, masaya siya para sa anak.
"Ang ganda mo po, Mama. Mana sa 'yo ang mag-ina ko," puri ni Kean kaya tumawa si Elizabeth.
"Naku, binobola mo pa ako," kinikilig na sabi ng ginang. Ang tanda na niya pero charismatic kasi ng ama ng apo niya.
"Nagpapabola ka naman," sabat ni Jose kaya natawa si Irene habang nakikinig sa kanila.
"Totoo po 'yon. Kamukha mo po kasi si Irene," sagot ni Kean. Maganda naman talaga ang ina ni Irene.
Tumayo si Irene kaya kinuha ni Kean si Ariana saka dinala sa kuwarto.
"Mamaya pa 'yan magising," wika ni Irene na sinundan ang mag-ama niya.
"Hayaan mo na siyang magpahinga," wika ni Kean at kinapit sa bewang si Irene.
"K-Kean..."
"I love you," bulong ni Kean at hinalikan si Irene sa mga labi na tinugon naman ng dalaga hanggang sa lumalim ang halikan nila.
"Uhmmm..." ungol ni Irene nang sipsipin ng binata ang katas ng dila niya.
Hinihingal na tumigil si Kean, "M-Mommy, b-baka--"
"Umuwi ka na, gumagabi na," pagtataboy ni Irene dahil baka bumigay pa siya.
"Basta sa Sabado, Mommy, ha," nakangiting saad ni Kean na ikinapula ng magkabilang pisngi ng dalaga.
"Umuwi ka na!" nakasimangot na pagtataboy ni Irene pero todo ngiti pa rin si Kean na lumabas ng kuwarto ng mag-ina niya saka nagpaalam sa mag-asawang uuwi na.
---------------
Kalat na sa buong Westbridge ang relasyon nina Kean at Irene pero walang inaamin at walang dine-deny ang dalawa. Basta masaya lang silang magkasama. Marami ang nag-iisip na baka si Kean ang ama ng anak ni Irene pero hanggat walang inaamin ang dalawa, nanatili itong kuro-kuro sa isip ng lahat.
"Kean? Birthday ni Mommy next week, ano ang regalo mo?" tanong ni Keana nang matapos ang klase nila at nasa tambayan na sila.
"Wala pa akong maisip," sagot ni Kean at naupo sa mahabang sofa katabi ng kakambal niya.
"Kean naman, kailan ka pa hindi nag-iisip ng ipanregalo mo sa nanay natin?" naiinis na tanong ni Keana dahil parang balewala lang dito ang pinakaespesyal na araw ng kanilang ina.
"Marami naman siyang gamit kaya hindi na niya kailangan ng regalo natin," sagot ni Kean. Puno na nga ang drawer ng mommy niya ng alahas. May pera naman ang mga ito kaya ang ipanregalo niya, ibibili na lang niya ng laruan ni Ariana.
"Ano ba ang ikinagalit mo? Dahil ba sa babaeng iyon? Kean naman, hindi mo ba puwedeng unawain ang mommy natin? Nabigla lang iyon na may anak ka na!" galit na sabi ni Keana.
"Pero hindi naman yata tama ang ipinakita ninyo kay Irene?" sagot ni Kean. Ito talaga ang may pakana ng lahat. Kung hindi ito naging madaldal, e di sana okay pa ang mommy nila at si Irene.
"Bakit? Ano ba ang tama? Ikaw, ngayon mo lang 'yan nakilala ang babaeng 'yan, ne hindi mo pa nga siya lubusang kilala tapos ganyanin mo pa ang mommy natin dahil lang sa kaniya? Matitiis mo si Mommy?" galit na sumbat ni Keana. Parang nag-iba na si Kean. Ne hindi na nga siya nito kinakausap kahit magkaklase sila at ne hindi man lang tinatanong kung kumusta na ba ang mga magulang nila.
"Kaunting unawa lang naman ang hinihingi ko mula sa inyo! Wala na kayong pinagkaiba sa mga mapanghusga sa paaralang ito!" ani Kean.
"Kaunting intindi rin sana ang ibigay mo, Kean! Paano magustuhan ng pamilya 'yang Irene na 'yan kung iyan din kaagad ang ipinakita ninyo? Matuto kayong makisama!" singhal ni Keana at nang hindi na makatiis ay binatukan niya ang kakambal.
"Hindi porket iyon na ang pinakita namin sa babae mo, mawala na rin ang galang mo sa Mommy natin!"
Tumahimik si Kean kaya galit na tumayo si Keana at namewang sa harapan ng kakambal.
"M-Mula ngayon, h-hindi na kita kapatid! H-Hindi na kita mahal! K-Kalimutan ko nang m-magkambal tayo! M-Magsama kayo ng babae mo!" umiiyak na sabi ni Keana saka lumabas ng tambayan.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon