18

4.7K 165 1
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  18

Unedited...
"Ilang mundo ang bumagsak sa 'yo?" tanong ni Keana.
"Ilan ba ang mundo sa mundo?" tanong ni Kean nang maupo sa mahabang sofa sa harapan ng kakambal.
"Ang suplado mo!" reklamo ni Keana.
"Huwag mo akong kausapin!" walang ganang sagot ni Kean at nahiga at inunan ang ulo sa dalawang kamay habang nakatulalang nakatitig sa kisame. Nasa patay-patayan mode na naman ito.
"Kean!" tawag ni Keana pero hindi sumasagot ang binata, "Kean naman! May pakiusap ako sa 'yo!"
Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin sumasagot si Kean kahit na dilat pa rin ang mga mata. Ganito ang binata kapag may problema o kapag trip lang niya.
"Play dead ka na naman?" singhal ni Keana. Kapag ganito, wala itong ibang naririnig at nakikita. Talent na yata ng kakambal kaya wala siyang magawa, "matuluyan ka sana!" bulong niya.
Wala na. Tuluyan nang ipinikit ni Kean ang mga mata at nagtutulog-tulugan at nagpatay-patayan.
"Bakit ang tahimik n'yo yata?" tanong ni Erika nang pumasok.
"Sino ba ang makakausap ko rito? Ang taong nagpapatay-patayan?" salubong ang kilay na sagot ni Keana at napasulyap sa kakambal.
"Paano kaya 'pag makipag-boomboom paw si Kean at sa kalagitnaan pa lang, nag-play dead na siya?" natatawang sabi ni Erika. Sanay na sila sa ganitong talent ni Kean.
"Hayaan mo siya!" sabi ni Keana, "Ate Erika? Merienda tayo," yaya ng daga.
"Tapos ako magbabayad?" panunuya ni Erika. Sanay na siya sa pinsan. Walang araw na hindi ito nagpapalibre sa kanila.
"Mayaman ka naman. May fiancé ka naman, e. Mayaman naman si Kuya Drei," sagot ni Keana. Engaged na ito at nali-livein na sa bahay nina Drei Bautista.
"Duh! Kuripot ng mokong!" she rolled her eyes.
"Sus, ayaw mo lang manlibre e. Ate? Kumusta? Masakit ba kapag--"
"Virgin pa ako!" giit ni Erika. Wala talagang naniniwala na virgin pa siya. Kung sabagay, ganiyan naman ang turing ng mga tao sa kanila ni Lyn, kahit walang boyfriend, hindi na raw virgin dahil magaslaw kumilos.
"Wee?" -Keana.
"O, e di ikaw na ang virgin!" naiinis na sabi ni Erika, "sagutin mo na si Alwyn para may ka-boomboom paw ka na."
"Ayoko nga! May nililigawa ang mokong e. Isa pa, hindi ko siya bet!" tanggi ni Keana. Para ano?
"Sino ang gusto mo? Si Jerome? Playboy rin 'yon! Sinusulot yata si Julie kay Aron!" ani Erika.
"Bahala sila! Crush ko lang naman si Jerome e!" napakasimangot na sagot ni Keana. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit siya ipinagtulakan kay Alwyn. Ayaw talaga niya sa mga taong seryoso at hindi marunong ngumiti. Parang tatay lang.
"Oo, sige na nga. Ilibre na kita basta kapag dumating ang monthly allowance ninyo, ako naman ang ilibre mo," pagsang-ayon ni Erika. Naaawa rin naman siya sa kambal. Silang dalawa na nga lang pero kaunti lang ang ibinibigay ng mga magulang. Sa kagaya nilang branded ang gamit, kulang ang 300 pesos araw-araw. Mahal kaya ng ballpen nilang parker.
"Yes! I love you talaga, Ate Erika!" tuwang-tuwa na sabi ni Keana at niyakap ang pinsan.
Narinig ni Kean ang pagsara ng pinto pero wala siyang ganang imulat ang mga mata. May problema siya, marami. At hindi niya alam kung paano solusyunan ang lahat ng ito. Basta si Ariana, kailangan may pambili ng gatas.

"Ang bata ko pa para maging ama. Puwede bang sumuko muna?" sariling konsensiya lang naman niya ang kinakausap. Ganito lang siya kapag gustong takasan saglit ang problema.
-------------
"Wee? Totoong hindi nanliligaw sa 'yo si Alwyn?" hindi naniniwalang tanong ni Maura. Kanina pa siya kinukulit nito dahil nakita siya nito na kasama si Alwyn.
"Oo nga. Nakasabay lang talaga kami dahil dito rin ang building nila," sagot ni Irene.
"Hmm? Kung ako sa 'yo, sunggaban mo na."
"Baliw ka talaga, Maura," napailing na sabi niya. Kakatapos lang ng klase nila at may free time pa na thirty minutes.
"Mau? Kain tayo sa canteen," yaya ni Isabel na lumapit sa kanila.
"Halika, Irene, kain tayo," yaya ni Maura na tumayo.
"Do you really need to bring her?" maarteng tanong ni Charlyn. Nasa likuran nito si Sofia na naiinip sa kakahintay sa kanila.
"Hindi na ako sasama, busog pa ako at isa pa, nagtitipid," sabi ni Irene. As if na gusto niyang makasama ang mga ito. Tipid talaga siya ngayon dahil may 500 pesos pa siyang utang kay Kean. Baka mamaya pa siya makadelihensiya sa tip ng costumers sa bar.
"Halina nga kayo!" naiinis na yaya ni Sofia at nauna nang lumabas.
"Nagalit na si Boss," bulong ni Charlyn.
"Hayaan ninyo siya! Gusto niya siya lang parati ang masusunod!" napupunong sagot ni Isabel. Sunod-sunuran lang sila kay Sofia mula noon. Kung hindi lang ito mayaman, hindi nila kakaibiganin. Mamahalin ang gamit e, kaya friends na sila. Isa pa, sikat ka kapag friend mo siya. Ang lawak kaya ng hacienda ng mga Montemayor sa probinsya.
Wala siyang magawa kaya kinuha niya ang cellphone sa bag para magbasa na lang ng Wattpad. Dalawa sa stories niya sa Library ang may update na kaya napangiti siya. E? Puro R-18 ang laman ng Library niya. Minsan na nga lang siya nakapag-vote dahil walang wifi o load. Silent reader lang siya. Basta may update, masaya na siya.
"Ay," wika niya nang makita ang wallet ni Alwyn sa bag. Nahulog nito kanina dahil sa sobrang pagmamadali. Ne hindi na niya naabutan para isauli kaya tinagi na muna niya.
Tumayo siya para lumabas sa classroom. Hindi niya alam kung saan puwedeng mahagilap si Alwyn pero umaasa siyang makasalubong niya ito. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga estudyante dahil baka kung ano pa ang sasabihin ng mga ito.
"Sky!' tawag niya sa binata nang makita ang triplets. Sana lang ay matatandaan siya nito para hindi siya magmukhang kawawa sa mga makakita sa kanila.
"Irene!" bulalas ni Sky nang lingunin siya. Si Blue ay nagtatanong ang mga mata sa kapatid kung sino siya. Si Black ay wala lang, blangko pa rin ang mukha.
"H-Hi," naiilang na bati niya, "nakita mo ba si Alwyn?"
"Uy, hinahanap ang boyfriend," nakangising tukso ni Sky.
"Girlfriend siya ni Alwyn?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Blue.
"Busy ka kasi sa career mo kaya outdated ka na sa mga kaibigan mo," sagot ni Sky.
"H-Hindi ko siya boyfriend, magkaibigan lang kami ni Alwyn," depensa ng dalaga na nahihiya dahil may mga nakatingin na sa kanila.
"Tingnan mo sa tambayan, baka nandoon lang 'yon," sabat ni Black nang mapansing namumula na sa hiya ang magkabilang pisngi ni Irene. Nakakaunawa naman siya dahil ito rin ang nararanasan ni Nathalie kapag magkasama sila. Madalas ding ma-bully ang kasintahan noon.
"Salamat," pasalamat ni Irene at tumuloy na sa paglalakad. Gusto sana niyang ibigay na lang ang wallet sa triplets pero baka kung ano pa ang isipin ng mga ito. Baka pagbintangan pa siyang ninakaw niya. Mas okay na kapag idiretso niya kay Alwyn para makapaliwanag pa siya. Mahirap lang siya pero hindi niya magawang magnakaw para may maipakain sa anak niya.

Kinakabahang kumatok siya pero walang bumukas kaya inulit niya at mas malakas. Laking pasalamat niya nang pinagbuksan siya.
"Magandang araw ho," bati niya sa medyo may edad na babae.
"Magandang umaga rin, ano ang sadya mo, ineng?" tanong ni Ate Yana, "pasok ka."
"Si Alwyn nandiyan ho ba?" tanong niya at pumasok.
"Hindi ko alam, kakalabas ko lang sa kusina. Katukin mo na lang sa kuwarto nila," sabi ng cook nila, "sandali, nagluluto pa ako." Paalam nito at agad na tumakbo papunta sa kusina nang maisara ang pinto.
Firstime niyang pumasok dito. Hindi ito kagaya ng inaasahan niyang simpleng tambayan lang. Malawak pala rito sa loob na may ilang kuwarto dahil sa nakikita niyang pintuan. Mukhang bahay pala ang loob nito dahil may sala, kusina at kuwarto.
Natigilan siya nang makita si Kean na natutulog sa mahabang sofa. Curious siya kaya dahan-dahan siyang lumapit dito dahil baka magising niya. Nakatayo siya sa harapan ng binata at pinagmasdan ang guwapong mukha nito. Ang ganda ng kilay, matangos ang ilong na namana ng anak nila at ang pula ng mga labi. Bahagyang nakabuka ang bibig kaya nakikita niya ang mapuputi at pantay-pantay na pang itaas na ngipin.
Hindi nakakasawa ang kaguwapuhan nito lalo na ngayong natutulog. Parang nakangiti lang at tila 'kay bait tingnan.
Napabuntonghininga siya. Oo, unang kita pa lang niya kay Kean noon, crush na niya. Sino ba ang hindi? Guwapo, matangkad at mukhang mabango. Kaya nga hindi siya nagdalawang isip nang yayain siya nito sa kuwarto. Ngayong  nakikilala na niya ito, nawawalan naman siya ng pag-asang mabuo ang kanilang pamilya. May usapan sila at alam niyang nag-ienjoy si Kean sa sitwasyon nila. Sino ba ang hindi? Malaya ito.
"Ba't nakatitig ka sa akin?"
Muntik na siyang mapatalon nang magsalita si Kean na nakadilat na ang mga mata.
"G-Gusto sana kitang g-gisingin," kinakabahang sagot niya lalo na't bumangon ang binata, "...pero g-gising ka na pala."
"Ba't nauutal ka?" tanong ni Kean na hindi inaalis ang mga mata sa mukha ni Irene. Namumutla ito kaya alam niyang may nagawa itong kasalanan sa kaniya. Ano kaya iyon? Tinatamad na siyang mag-play dead nang marinig niya ang boses ni Irene. Nagmulat lang siya para ikumpirma kung tama ang narinig niya at hindi nga siya nagkamali, nakatayo ito sa harapan niya na nakatulalang nakatitig sa kaniyang mukha na para bang 'kay lalim ng iniisip.
"Wala!" nakasalubong ang kilay na sagot ni Irene at sinubukan niyang maging maayos ang kilos sa harapan nito.
"Pinagnanasaan mo ba ako habang natutulog?" prangkang tanong ng binata.
"Kapal mo!" mabilis na singhal ni Irene.
"Ang lakas ng boses mo. Ba't mo ko tinititigan? Para kasing hinahalay mo na ako kanina," nakangiting tanong ni Kean nang namutla si Irene.
"Kapal mo! Nagdadalawang isip lang ako kung gisingin ba kita o hindi! Huwag ka ngang feeler diyan!" pagsisinuplada niya.
"Normal lang naman na magka-crush ka sa akin dahil pogi talaga ako."
"Hindi ka pogi!" giit ni Irene.
"Sabi ng mga mata mo kanina, ako ang pinakaguwapong nilalang na nakita mo," wika ni Kean na hindi pa rin maalis ang mga ngiti sa labi, "kaya nga nagpabuntis ka kasi ang ganda ng lahi ko."
"Hinahanap ko si Alwyn!" sagot ni Irene dahil ayaw na niyang makipagtalo.
Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ni Keanm, "Bakit mo hinahanap si Alwyn? Siya ba ang tatay ng anak mo?"
"May ibibigay ako sa kaniya!" naiinis na sagot ni Irene kaya sumalubong ang kilay ni Kean.
"Ano ang ibibigay mo kay Alwyn?"
"Wala ka na roon!" Napipikon na si Irene dahil ang daming tanong ni Kean.
"Ano ang ibibigay mo sa pangit na iyon!" ulit ni Kean. Isa na lang. Kapag hindi pa ito sasagot, papalabasin na talaga niya si Irene.
"Puso ko, bakit? May reklamo?" napipikon na sagot ng dalaga. Napakatsismoso nito.
Biglang dumilim ang mukha ni Kean. Pati na yata paningin niya, dumilim din.
"Ulitin mo ang sinabi mo, Irene!" mahina pero puno ng takot na tanong ni Kean.
"B-Biro lang," sagot ng dalaga na napakagat sa ibabang labi. Umiba na kasi ang anyo ni Kean, "isasauli ko lang ang wallet ni Alwyn dahil nahulog niya kanina sa sobrang pagmamadali," sagot niya at inabot kay Kean kahit na nanginginig ang mga kamay niya. Galit yata ito sa kaniya? Hindi naman niya sinasadyang magising ito kanina. Ang hirap talagang biruin ang taong gising.
"Umalis ka na!" Utos ni Kean nang pagalit na hablutin ang wallet kay Irene.
"S-Sige..." mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo palabas si Irene.
Itinapon ni Kean ang wallet ni Alwyn sa mesa kaya nagsihulog ang ibang laman ng wallet nito.
Tumayo siya para kumuha ng ice cream sa kusina nang sa gano'n ay lumamig naman ang ulo niya.
Wala siya sa modong mag-play dead. Gusto niyang sila na naman ang ma-dead.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon