32

5.2K 148 2
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  32

Unedited...
"Nasaan si Alwyn?" tanong ni Kean nang pumasok sa tambayan.
"Lunes na Lunes, si Alwyn ang hinahanap mo? Kumain ka na muna ng tanghalian," sagot ni Sky.
"Busog pa ako. Basta sagutin nga ninyo ako, nasaan si Alwyn?" ulit ni Kean.
Bumukas ang pinto ng isang kuwarto at lumabas si Black.
"Nakita mo si Alwyn?" tanong ni Kean sa pinsan na mukhang kakagising lang.
"Bumili ng bulaklak," tinatamad na sagot ni Black at dumiretso sa ref para kumuha ng tubig.
"Ano ang gagawin niya sa bulaklak?" tanong ni Kean at nilapitan si Black na naupo na sa mesa habang umiinom ng malamig na tubig sa baso.
"May bibigyan," ani Black.
"S-Sino?" usisa ni Kean. Wala rin si Irene sa classroom nila. Hindi kaya magkasama ang dalawa?
"Sino sa tingin mo?" balik-tanong ni Black na ikinasalubong ng kilay ni Kean.
"Pabida talaga ang Alwyn na 'yon e!"
"Ano ba ang problema mo kung magbibigay siya ng bulaklak sa ibang tao? E, sa mahal naman yata niya 'yong bibigyan niya," mahabang sagot ni Black pero blangko ang mukhang nakatitig sa mukha ng pinsan.
"Hindi ka hinihingal sa sinabi mo? Mahaba na 'yon, Black. Baka magkasakit ka," tanong ni Kean pero pinalampas lang siya ni Black. Ang haba ng sinabi, hindi pa niya nagustuhan.
"Ano kaya ang gagawin niya sa bulaklak?" tanong ni Kean sa sarili na naupo sa harapan ni Black.
"Kean? Musta na raw ang resto mo? Lugi na ba?" tanong ni Keana nang lumapit sa kanila.
"Kumikita pa naman," sagot ni Kean at kinuha ang cellphone para tawagan si Irene.
"Bibisitahin ni Dad mamayang hapon ang resto. Kapag lugi, ipapasara daw niya," wika ni Keana at kumuha ng apple sa ibabaw ng mesa saka naupo sa tabi ng kakambal.
"Tumahimik ka nga!" saway ni Kean pero hindi mapakali dahil hindi sinasagot ni Irene ang tawag niya kanina pa.
" Saan kaya siya dinala ng hayop na 'yon?" bulong niya habang nakatitig sa cellphone tapos hinarap si Keana.
"Nakita mo ba si Alwyn?" tanong niya kay Keana.
"Kasama niya ang girlfriend niya, sumakay sa kotse niya at hindi ko na alam kung saan pumunta. Pakialam ko sa kaniya!" sagot ni Keana at kinagat ang pulang mansanas.
"Keana? May gusto ka pa ba kay Jerome?" tanong ni Kean. Si Black ay nakikinig lang sa kambal na pinsan dahil hinihintay niya si Nathalie.
"Crush ko lang 'yon dahil ampogi niya pero crush lang naman, bakit?" tanong ni Keana. Noong una, nahihiya pa siyang umamin pero ngayon, hindi na. Nasanay na siya at kahit si Jerome, ngingiti-ngiti lang ito kapag tuksuhin sila.
"Si Alwyn, hindi mo siya gusto?"
Napasimangot si Keana sa tanong ng kakambal.
"Para ano? Natutuyuan ako ng dugo sa boring na iyon! Wala namang dapat kagustuhan sa kaniya dahil maliban sa suplado, mayabang pa!" sagot ni Kean at nanggigigil na kinagat ang apple.
"May ibang mahal na si Alwyn kaya naka-move on na siya kay Keana," sabat ni Black.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, 'Insan!" mabilis na sagot ni Kean. Minsan lang talaga 'to makapagdaldal si Black, iyong hindi pa maganda. Sana huwag na lang magsalita para wala silang problema. Bastos ni Black e.

Tumayo si Black at lumabas na para sunduin si Nathalie dahil hanggang ngayon, wala pa ito.
"Keana? Puwede bang makiusap? May hihingiin lang sana akong pabor sa 'yo," seryosong wika ni Kean sa kakambal.
"Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita mo," sagot ni Keana at inubos na ang apple. Kambal sila kaya kilala na niya si Kean kahit na magkakabaliktad man ang bituka nito.
"Seryoso 'to, kambal," ani Kean kaya napatigil si Keana sa pagkagat ng apple at itinapon ito sa basurahang nasa likuran lang nila.
"Ano ang nakataya rito?" tanong ni Keana. Mukhang hindi nga basta-basta ang hinihiling ng kakambal.
"Buhay ko," sagot ni Kean kaya napataas ang kaliwang kilay ni Keana.
"Sabihin mo na bago magbago ang isip ko," ani Keana.
"Sagutin mo na si Alwyn," wika ni Kean kaya mabilis na lumipad ang kanang palad ni Keana sa ulo ng kakambal.
"Shit! Ba't ka nananapak?" singhal ni Kean at sinipa ang paa ng upuan ng kakambal.
"Seryoso ba tayo rito, Kean?"
"Seryoso ako! Pak yu ka!" sagot ni Kean. Kung hindi lang babae ang kakambal, suntok talaga ang igaganti niya.
"May girlfriend na 'yung tao, at ayaw ko talaga sa kaniya!" taas noong sabi ni Keana.
"E di agawin mo! Basta gusto ko si Alwyn para sa 'yo!" giit ni Kean. Si Keana lang talaga ang makakatulong sa kaniya sa problema niya.
"Ayaw ko! Hindi ikaw ang may puso! Hindi ikaw ang makikisama kay Alwyn kundi ako!" mabilis na tanggi ni Keana.
"Pakisamahan ko rin naman siya! Sige na kasi! Agawin mo lang naman siya sa girlfriend niya at subukan mong maging kayo kahit isang linggo lang!"
"Gagawin mo pa akong masama? Hell, no! Never! Ako magiging third party? Pak yu ka rin!" singhal ni Keana. Sila na lang ang naiwan dito sa tambayan kaya okay lang magmurahan. Ganiyan naman sila e.
"Sige, bibigay ko sa 'yo limang milyon sa savings account ko basta agawin mo lang si Alwyn kahit one month lang!"
Natigilan si Keana. Tama ba ang narinig niya? Ang kuripot niyang kakambal, magbibigay ng limang milyon kapag mabigay na ang perang para sa kanila?
"Akala ko ba, isang linggo lang?" tanong ni Keana.
"Masyadong halata ang isang linggo. One month na para mag-enjoy naman si Alwyn!" ani Kean.
"Paano ang kasunduan? Baka mamaya, hindi mo ibibigay," nagdududang tanong ni Keana.
"Magpagawa tayo sa abogado, ako ang bahala. Basta payag ka na?" tanong ni Kean.
"Okay, sabi mo 'yan, ha," wika ni Keana. Excited na siya sa limang milyon.
"Okay. Totoo 'yan. Gawin pa nating witness ang mga abogado ng pamilya pero secret lang natin 'to kina Mommy," sabi ni Kean.
"Deal!" nakangiting pagpayag ni Keana.
Paglabas ng kambal, saka naman pumasok sina Alwyn at Irene na may bitbit na mga bulaklak.
"Ano ang gagawin n'yo riyan?" tanong ni Kean na kay Irene nakatingin.
"Ipapadala sa isang taga Wesbridge na namatay kahapon dahil sa hazing ng frat," sagot ni Alwyn at inilapag ang bulaklak. Napasulyap si Kean kay Irene. Maliban sa bag, wala na itong iba pang hawak.
"Sino ang nag-utos sa inyo na bumili niyan?" tanong ni Kean na napatingin sa tatlong bouquet ng pampatay na bulaklak.
"Si Black, bakit?" tanong ni Alwyn. Himala, kinakausap siya ni Kean ngayon? Napansin niya si Keana na pumasok sa kuwarto nito pero inirapan pa muna siya bago isara ang pinto. Maldita talaga! Kung alam lang niyang ganito ang ugali ni Keana, hindi na sana siya nanligaw pa rito noon.

"Bastos din ang ugali ni Black e! Siya ang dapat na nireregaluhan ng bulaklak na 'yan!" naiinis na sabi ni Kean.
"Alis na ako, Alwyn," paalam ni Irene na hindi makatingin ng diretso kay Kean. Mukhang may sumpong na naman ito.
"Sabay na ako," sabat ni Kean at hinarap si Alwyn.
"Hintayin mo si Black, may iuutos daw sa 'yo," sabi niya kay Alwyn at sumunod na kay Irene palabas ng tambayan nila.
"Bakit ka sumama kay Alwyn?" tanong ni Kean na sinasabayan si Irene sa paglalakad.
"Wala naman akong pasok. Kean? Puwede bang lumayo ka naman nang kaunti dahil baka matsismis na naman tayo," pakiusap ng dalaga.
"Ayaw ko!" sagot ni Kean at mas lalong dumikit pa kay Irene kaya nagkikiskisan na ang mga braso nila.
"Ano ba ang problema mo?" naiiritang tanong ni Irene na tumigil sa paglalakad bago pa sila mapunta sa mataong lugar.
"Ikaw ang problema ko!"
"Akala ko ba, okay na tayo, Kean? Bakit ganito ka na naman?" tanong ni Irene.
"Akala ko nga okay na tayo mula nang ihatid kita kagabi sa bahay ninyo pero hindi pala. Sumama ka na naman kay Alwyn kanina!" sagot ni Kean na matindi ang pagpipigil sa sarili para hindi masigawan si Irene.
"Wala namang masama kung samahan ko si Alwyn, 'di ba? Para naman iyon sa isang namatay na estudyante," depensa ng dalaga.
"Ayaw ko ngang sumama ka parati kay Alwyn!"
"Ano ba ang problema mo kay Alwyn?" mahina pero naha-highblood na tanong ni Irene. Wala talaga siyang makitang mali.
Nakakainsultong tumawa si Kean at hinarap siya, "Hindi mo naintindihan ang mga pinagsasabi ko noong nakaraang araw, tama ba ako?"
"Ano 'yon?" inosenteng tanong ni Irene.
"Ay putang ina na babae 'to!" malutong na pagmura ni Kean. Napuno na talaga ang pasensiya niya. Kapag ito ang kaharap niya, napapamura talaga siya kahit na sabihing nagpapakatino pa siya.
"Ano ba, Kean!" reklamo ni Irene nang mahigpit na hinawakan siya nito sa braso.
"Ayaw ko ngang kasama mo si Alwyn dahil nagseselos ako! Ilang beses ko bang sabihin na nagseselos ako? Huwag mo na akong paulit-uliting paaminin dahil hindi ko kaya! Ayaw ko talagang may kahati sa 'yo! Dapat solo lang kita! Dapat akin lang kayo ni Ariana! Akala mo, madali lang umamin na nagseselos ako? Hayop talaga kayo ni Alwyn!" nanggigigil na sabi ni Kean na kulang na lang ay durugin niya ang braso ni Irene. Bakit ba ang manhid nito?
"B-Bakit ka ba nagseselos?" nauutal na tanong ni Irene. Galit na galit si Kean pero bakit natutuwa pa siya? Ang cute kasi nito dahil pati magkabilang tainga, namumula pa.
Umiwas si Kean ng mga mata saka binitiwan ang dalaga. Kaasar talaga!
"Bakit ka nga nagseselos?" ulit na tanong ni Irene.
"Bakit ba ako magseselos?" sagot ni Kean at sinalubong ang mga mata ni Irene.
"H-Hindi ko alam, bakit nga ba?" kinakabahang tanong ng dalaga. Hinawakan ni Kean ang magkabilang kamay niya saka tinitigan siya sa mga mata. Gusto niyang umiwas pero parang may magnet sa mga mata ni Kean kaya nahihila nito ang mga mata niyang makipagtitigan dito.
Nang magtama ang kanilang mga mata, hindi lang yata puso niya ang natunaw kundi pati kaluluwa niya. Kinakabahan na nasisiyahan siya sa nakikita sa mga mata ni Kean. Tama ba ang pagkabasa niya sa nakasulat sa mga mata ng binata? Parang gusto niyang paniwalaan ito.
"K-Kean..." hiyaw ng bibig at puso ni Irene.
"I-Irene... Sana huwag ka nang sumama palagi kay Alwyn dahil nagseselos talaga ako, sumasakit ang puso ko na para bang sinasaksak sa tuwing makikita ko kayong magkasama. Gusto kong umiyak sa inis pero pinipigilan ko lang. Ang sakit kasi gusto kong akin ka lang pero pakiramdam ko, inaagaw ka talaga ni Alwyn sa akin," napipilitang pag-amin ni Kean kahit na labag sa kalooban. Basta naiiyak talaga siya. Hanggang ngayon, ramdam pa niya ang hapdi sa puso e.
"Huwag ka na kasing sumama sa kaniya, may anak na tayo dapat--" nag-aalinlangang wika niya kaya napatingala si Irene sa binatang namumutla at namamawis ang noo.
"Dapat?" ulit ni Irene para ipagpatuloy nito ang nais sasabihin. Nanlalambot siya na hindi alam ang gagawin. Malinaw naman sa pandinig niya ang mga sinasabi ni Kean pero hindi pa talaga umakyat sa utak niya ang lahat.
"D-Dapat, t-tayo na lang," puno ng sinciridad na wika ni Kean kaya napanganga ang dalaga. Tama ba ang lahat ng narinig niya? Totoo ba ang lahat ng ito? Kasi kung totoo, gusto niyang tumili.
"I-Irene--"
"Ano ang ginagawa pa ninyo rito? Akala ko ba nakaalis na kayo?" nagtatakang tanong ni Alwyn na papalapit sa dalawa kaya agad na hinila ni Irene ang mga kamay kay Kean.
"M-Mauna na a-ako, late na ako," parang robot na paalam ni Irene. Para siyang nakalutang sa ulap habang naglalakad. Kahit na pigilan man niya, hindi talaga niya mapigilang mapangiti. Pinapaasa ba siya ni Kean? Bakit parang gusto niyang umasa?

 Pinapaasa ba siya ni Kean? Bakit parang gusto niyang umasa?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon