47

4K 100 0
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  47

Unedited...
"Daddy? Okay ka lang ba?" tanong ni Irene kay Kean. Ang tahimik kasi nito habang naghihiwa ng gulay.
Lumapit siya sa binata at hindi mapigilang ngumiti.
"Daddy? Matulog ka na muna. Ako na ang maghihiwa niyan," sabi ni Irene. Kakauwi lang nito galing sa resto. Alas siyete na ng gabi pero hindi pa sila nakapaghanda ng hapunan dahil ang taas ng lagnat ni Ariana kanina kaya pagdating ni Kean, hindi pa siya nakapagluto.
"Ako na. Hindi ako inaantok. Ang aga pa nga e," sagot ni Kean. Balak niyang magluto ng menudo.
"Pasensiya ka na kung hindi ako nakapagluto," paumanhin ni Irene. Nakapagsaing naman siya sa rice cooker pero hindi niya magalaw-galaw ang ulam dahil panay ang iyak ni Ariana.
"Okay lang, Mommy. Bantayan mo muna si Princess," sabi ni Kean, "kumusta na siya?"
"Okay lang, humupa na ang lagnat niya," sagot ni Irene.
"Ipa-checkup natin bukas," wika ni Kean. Kinuha ni Irene ang ibang pansahog at hinugasan.
"Sige. Wala ka bang pupuntahan?" tanong ng dalaga.
"Wala naman. Ikaw?"
"Wala rin," sagot ni Irene at niyakap si Kean mula sa likuran, "Thank you sa pag-alaga sa amin ni Baby Ariana," bulong ni Irene. Mahal siya ni Kean at sa mga ipinapakita nito sa kanila ni Ariana, masasabi niyang napakasuwerte nilang mag-ina.
Humarap si Kean at hinawakan siya sa magkabilang balikat, "Lahat ng pagod ko ay nawawala kapag madatnan ko kayo sa bahay na ito. Mahal ko kayo, mommy," sagot ni Kean at niyakap si Irene. Kanina lang, pagod na pagod siya pero ngayong nandito na siya sa bahay, nanumbalik ang buong lakas niya nang makita niya ito.
"Mommy? Inaaway ka pa ba sa classroom ninyo?" tanong ni Kean at hinapit ito sa bewang.
Umiling si Irene, "Hindi na."
"Mommy? Pakasal na tayo," wika nu Kean na ikinagulat ni Irene. Tama ba ang narinig niya? Mula nang magsama sila, hindi pa siya nakarinig mula kay Kean tungkol sa kasal. Never pa nilang napag-usapan ito dahil ang sabi ng pamilya nila, saka na kapag makapagtapos na ang isa sa kanila sa kolehiyo.
"Gusto ko lang kasi makasigurong akin ka na talaga at para hindi na tayo mapaghiwalay pa ng mga taong nakapaligid sa atin," wika ni Kean. Kasal na lang din naman ang kulang sa kanila.
"H-Hindi naman porket kasal na tayo, hindi na tayo magkahiwalay pa. Kahit walang kasal-kasal, kung mahal natin ang isa't isa, hindi tayo mapaghiwalay ng tadhana," sabi ni Irene at tiningala si Kean na napasimangot.
"Iba pa rin kapag may blessing mula sa simbahan. Kung sigurado na tayo, bakit pa natin papatagalin pa? May baby naman tayo," sagot ni Kean. Ayaw ba siyang pakasalan ni Irene? Parang ang sakit naman yata nu'n? Hindi ba nito alam na marami ang gustong mapikot siya?

"Hindi naman sa ganu'n. Handa kitang pakasalan kahit na anumang oras. Ang kulang lang sa atin, pera. Pero kung gusto mo talagang magpakasal tayo, sino ako para tutulan ka? E, pangarap ko namang makasal sa 'yo," sagot ni Irene na sinusubukang itago ang saya na nararamdaman pero hindi rin niya mailihim dahil sa mga labi't nga mata.
"Talaga?" kumikislap ang mga matang tanong ni Kean, "Magpapakasal na tayo, mommy? Payag ka na?"
"Oo, payag na payag ako, daddy," natatawang sagot ni Irene.
"Yes!" masayang sabi ni Kean at mahigpit na niyakap ang kasintahan, "magiging asawa na talaga kita. Akin ka na, Irene."
"Sa abogado lang muna o sa mayor?" tanong ni Irene at niyakap si Kean.
"Gusto ko sa simbahan," sagot ni Kean at napakagat sa ibabang labi.
"Pero wala pa tayong pera. Pareho pa tayong nag-aaral," sabi ni Irene.
"May savings ako. Kakausapin ko sina Daddy na kahit isang milyon lang. Hindi naman kailangan mahal talaga. Ang mahalaga lang naman, ang sinumpaan natin sa harap ng Diyos at mga bisita, 'di ba?" sagot ni Kean. Ito na yata ang pinakamasayang kasagutan na natanggap niya. Napangiti siya. Ne wala man lang silang singsing. On the spot lang naman kasi ang proposal niya. Dapat sa Dec pa talaga niya balak na mag-propose.
"Hindi ka ba nagsasawang magluto?" tanong ni Irene nang ipinagpatuloy ni Kean ang ginagawa.
"Hindi naman. Masaya ako sa pagluluto," sagot ng binata. Ang pinsan niyang si Aron, masarap din 'yon magluto lalo na kapag seafoods. Nasa Rodriguez yata niya namana. Well, maliban na lang talaga sa Tita Ann niya.
"Wait, tumatawag si Kuya Gelo," sabi ni Irene at dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Hello, Kuya?" sabi ni Irene nang sagutin ang tawag saka hinila ang isang upuan saka naupo sa mesa habang nanonood kay Kean.
Tinimpla ni Kean ang niluluto pero ang tainga ay nakikinig kay Irene na wiling-wili sa pakikipag-usap kay Angelo.
"Kuya? May problema ka ba?" tanong ni Irene sa kausap.
Ipinagpatuloy ni Kean ang paghalo sa menudo. Kunwari, wala siyang naririnig. Kunwari, pamilya lang ni Irene ang kausap nito para hindi siya masaktan.
Iniwan niya ang ginagawa at pumunta sa kuwarto para tingnan si Ariana. Isa pa, ayaw niyang makita ang pag-alala sa mga mata ni Irene.
Tumabi siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito. Marami pa naman ang tubig sa niluluto kaya mamaya na niya babalikan.
"Kean?" tawag ni Irene nang pumasok sa kuwarto, "May problema ka ba? Kanina ka pa matamlay."
Sinipat ni Irene ang leeg nito pero hindi naman mainit.
"Wala naman. Medyo pagod lang ako," sagot ni Kean at hinatak ang kasintahan pahiga sa kama saka mahigpit na niyakap.
"Daddy, magising si Ariana," nakanagiting sabi ni Irene nang malanghap ang mainit at mabango nitong hininga.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon