13

553 17 0
                                    


CHAPTER  13

Unedited...
"Bakit parang ang lungkot mo?"
Napatingala si Irene sa taong nakatayo sa harapan niya. Nasa tree park siya at hinihintay si Maura.
"Alwyn, ikaw pala," mahinang wika niya.
"May iba ka pa bang inaasahan?" tanong ng binata at naupo sa tabi niya.
"Hinihintay ko lang si Maura, may binili lang siya sa labas," sagot niya. Medyo naaasiwa siya dahil sa iilang estudyante na nakatingin sa kanila.
"Kaibigan mo ba siya?"
"Oo," nakangiting sagot ni Irene, "wala ka bang klase?"
"Meron naman pero mamaya pa. May thirty minutes break kaya naisip kong magpahinga muna rito," sagot ni Alwyn na napasulyap kay Irene. Hindi siya palakausap sa ibang estudyante kaya may pagkamisteryoso ang dating niya sa mga ito. Masuwerte ka na kapag kausapin ka ni Alwyn.
"Alwyn? Punta ka raw sa tambayan sabi ni Black!" nakasimangot na sabi ng babaeng palapit sa kanila.
"Bakit?"
"Malay ko! Tanong mo kay Black tutal, pareho naman kayong maiksi ang dila!' pagsisinuplada ni Keana at tinalikuran na ito.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Irene.
"Siya ba? Si Keana," walang ganang sagot ni Alwyn.
"Sino ba talaga sa kanila ni Hattie ang kasintahan ni Kean?" tanong niya.
Nagtataka si Irene nang tumawa si Alwyn. Ngayon lang ito tumawa ng ganito kaya napanganga siya. Ang guwapo ni Alwyn. Nagmumukha itong mabait.
"Si Hattie..."
"Hindi ba si Keana ang fiancée ni Kean? Okay lang ba sa kanila na dalawa sila?" tanong niya. Kaya nga okay lang na itago nila na may anak sila dahil baka madamay pa si Ariana kapag nagkagulo ang mga babae ng mokong.
"Sino ang may sabi sa 'yong finacée ni Kean si Keana? E, kambal sila."
"Buwesit!" bulong ni Irene. Ilang beses na ba niyang nabanggit si Keana kay Kean? Pero hindi man lang siya tinama ng mokong? Hinayaan lang nitong isipin niya na mag-fiancée sila ni Keana? Ito pala ang tinutukoy ni Kean na hiniraman ng damit noonf binyag ni Ariana.
"Akala ko kasi, magkasintahan sila," sagot ni Irene. Niloloko lang pala siya ni Keana noon. Alam kaya nito na may anak sila ni Kean?
"Ganun lang talaga si Keana sa kakambal niya, masyadong malambing dahil isip bata," sabi ni Alwyn na naniningkit ang mga mata. Paano, hindi talaga sila magkakasundo kahit kailan.
"Akala ko talaga magkasintahan sila," sabi ni Irene.
"Hindi. Sige, mauna na ako, Irene?' paalam ni Alwyn at tinapik siya sa balikat, "sa susunod naman."
"S-Salamat sa time, Alwyn," nahihiyang pasalamat niya. Sila na ang pinagpipiyestahan ng mga estudyanteng padami na nang padami rito sa tree park.
"Sa uulitin, Irene," nakangiting sabi mg binata at naglakad na palabas ng tree park. Lihim na napangiti si Irene. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigang mayaman na lalaki.
"Irene! Ang sama mo!" nakasimangot na sabi ni Maura, "pinatalikod mo lang ako tapos nakipagkita ka na kay Alwyn!"
"Hindi ko naman alam na nandito pala siya. Ang tagal mo kasing bumalik kaya hindi kita napakilala sa kaniya," natatawang sabi niya. Wrong timing talaga ito.
"Nextime, hindi na ako aalis sa tabi ni para mapakilala mo ako kay Kean!" sabi ni Maura. Sising-sisi talaga siya kung bakit umalis pa siya. E di sana, friends na sila ni Alwyn.

"Huwag kang mag-alala, ite-text kita kapag mag-usap ulit kami," sabi niya. Nawala rin sa isip niya na ipaalam kay Maura na kasama niya si Alwyn. Ang sarap kasing kausap ng binata.
"Alam mo ba, sabi nila, iilan lang daw ang kinakausap ni Alwyn kaya ang suwerte mo pa rin, friend. How to be you po?" naiinggit sabi ni Maura.
"Loka ka! Friends lang talaga kami."
"Hmm? Paano kung ligawan ka niya?"
"Ano ka ba, ang lawak naman ng imahinasyon mo. Hindi mangyayari iyon," sagot ni Irene. Impossible.
"Bakit? Ayaw mo? Ang pogi at yaman ni Alwyn, choosy ka pa," anito.
"Hindi nga kasi friends lang talaga kami," giit ni Irene.
"Wait..." sabi ni Maura na tila napapaisip pa, "alam ba niyang may anak ka na? I mean, na single mother ka?"
"Hindi pa," sagot ni Irene, "Mau? Puwede bang secret lang natin na may baby na ako?" pakiusap niya. Hindi naman sa ikinakahiya niya pero baka kapag malaman ng iba, hahalungkatin nila ang nakaraan niya at matuklasan pa nilang si Kean ang ama. Tiyak, malaking problema ito kapag nagkataon.
"Hmmm? Ayaw mong maudlot ang panliligaw ni Alwyn?" usisa ni Maura.
"Hindi a," tanggi ni Irene, "wala ngang balak na manligaw iyon. Nakikipagkaibigan lang talaga si Alywn."
"Walang balak? Paano kung meron? Paano kung manligaw siya sa 'yo? Sasagutin mo ba? Ililihim mo ba ang anak mo sa pagkagalaga?" Dinaig pa yata ni Maura ang detective kung makausisa sa kaniya.
"Hindi. Kung magka-boyfriend man ako, gusto kong malaman niya ang totoong may anak na ako," seryosong sagot ni Irene. Kung mahal ka ng isang tao, matatanggap ka niya kahit na gaano man kadilim ang nakaraan mo.
"Very well said, candidate number one!" natatawang sabi ni Maura.
"Loka! Halika na nga, balik na tayo sa classroom," yaya ni Irene at tumayo na.
"Alam mo bang ikaw ang topic ng halos lahat ng estudyante ngayon?" tanong ni Maura habang naglalakad sila.
"Bakit ako? Dahil na naman ba kay Hattie?" naiinis na tanong ni Irene. Mula nang makabangga niya si Hattie, naging magulo na ang buhay niya. Dagdagan pa na kasintahan ito ni Kean. Ano kaya ang gagawin ng bruha kapag matuklasan nitong may anak sila ni Kean? Hmm? Bahala sila!
"Nope," sagot ni Maura, "nang dahil kay Alwyn. Kalat na nanliligaw sa 'yo si Alwyn."
Nanlaki ang mga mata ni Irene at hinarap si Maura, "Seriously? May gano'ng balita? Pero alam mo ang totoo, Maura. Wala talaga, 'di ba?"
"Wala nga ba talaga?" nagdududang tanong ng kaibigan.
"Oo naman! Wala talaga!" sagot ni Irene.
"Alam mo, kadududa ang pakipaglapit ni Alwyn sa 'yo. Baka naman may tinatago kayo?"
"Wala nga talaga. Pati ba naman ikaw?" halos lalabas na ang kaluluwa niya dahil sa pagpaliwanag dito.
"Oo na, wala na," pagsuko ni Maura dahil mukhang nagsasabi naman ng totoo si Irene, "saan na ba kasi ang ama ng anak mo?"
"Huwag ba natin siyang pag-usapan, may sarili na siyang buhay!" pag-iwas ni Irene ng usapan. Hanggat maaari, ayaw niyang isama si Kean o kahit pangalan man lang nito sa pang-araw-araw niyang buhay. Basta responsable ito kay Ariana at hindi siya pinapakialaman, wala silang problema.
Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ang tawag.
"Hello? Sino 'to?" tanong niya dahil hindi naka-register ang number sa phonebook.

"Maliban sa akin, sino pa ba ang nakakaalam ng number na 'to para tanungin mo kung sino ang tumatawag?" singhal ng nasa kabilang linya kaya napalayo niya ang cellphone sa tainga. Sa pagkasuplado nito, alam niyang si Kean ang kinakausap.
"Ano ang kailangan mo?" tanong niya habang sinasabayan si Maura sa paglalakad.
"Saan ka?"
"Sa school."
"Alam ko! Saan ka sa school?"
"Bakit?"
"Pasa mo picture ni Ariana sa akin!"
"Mamaya. Ma-late na ako, bye na!" nagmamadaling sabi niya at tinapos ang tawag.
"Wow, may iPhone 7 ka na rin, bago a!" puna ni Maura. Ang alam niya, 3310 lang ang gamit ni Irene dahil wala itong pera.
"M-Mahal nagbigay lang sa akin," sagot ni Irene.
"Tatay ng anak mo?"
"Y-Yes," sagot niya. Hindi naman kapani-paniwala kung i-deny niya dahil mahirap lang sila.
"Mukhang mayaman siya," sabi ni Maura. Hindi naman basta-basta lang ang lalaki kung ibibigay lang nito ang iPhone sa babaeng wala na sila.
"Para sa anak namin, gusto niyang kunan ko ng litrato si Ariana," nakangiting sagot niya. Puno na nga ng photos ni Ariana ang cellphone.
Muling tumunog ang cellphone niya kaya nanggigigil na sinagot niya.
"Mamaya na tayo mag-usap!" bungad niya kay Kean.
"Kinakausap kita kaya huwag mo akong patayan! Huwag kang bastos, Irene!" pasigaw na sabi ni Kean sa kabilang linya.
"Ouch!" daing ni Irene nang mabunggo sa isang estudyante. Mabuti na lang dahil nasalo niya amg cellphone na titilapon na naman sana pero siya naman itong natumba dahil nawalan ng balanse ang katawan.
"Tanga ka ba?" singhal ng babae.
"S-Sorry, hindi ko sinasadya," paumanhin ni Irene saka napatayo habang nakahawak sa balakang. Ang sakit ng pagkakaupo niya. Aminado siyang mali naman talaga siya.
"Kaya marami kang nakakalaban dahil ang tanga mo!" sabi nito kaya napatikom ang bibig ni Irene.
"Hindi niya sinasadya," sabat ni Maura.
"Talaga? Kaibigan ka ba niya? Kakampihan mo pa siya? Kung sabagay, pareho lang kayong tanga!"
"Huwag mo siyang idamay!" saway ni Irene. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante.
"Sa susunod na aanga-anga ka pa, makakatikim ka na talaga sa akin!" pagbabanta ng babae. Hindi na nagsalita si Irene pero nakakasakit lang ng damdamin. Siya na nga ang natumba, siya pa ang may kasalanan kaya hindi siya makasagot.
"Ano ang nangyayari rito?" Napatabi ang mga estudyante para mabigyan ng daan si Kean na papalapit sa kanila. Nasa bulsa ang kaliwang kamay nito at inaayos naman ng kanang kamay ang kuwelyo na nakatitig kay Irene habang naglalakad. Naasiwa tuloy si Irene kaya umiwas siya ng tingin.
"May ginawa ka naman bang kasalanan?" tanong ni Kean.
"Wala, hindi ko naman sinasadya," depensa ni Irene.
"Kean? Sinasadya talaga niyang banggain ako. Lahat na lang yata ng estudyante rito, inaaway niya," sabat ng babae kaya napatitig si Irene dito. Ngayon niya lang napansin ang makapal na mga labi nito at dilat na dilat ang mga mata na para bang mata ng alien.
"Ano na naman ang kasalanan niya sa 'yo para awayin mo siya?" seryosong tanong ni Kean kay Irene.
"Wala. Aksidente lang talaga ang pagkabangga ko kasi may kausap ako sa cellphone kanina," sagot ni Irene.
Sinalubong niya ang mga mata ni Kean. Alam niyang hindi naman siya kakampihan ng mokong. Kaaway nga ang turing nito sa kaniya kahit pa na siya ang ina ng anak nito. Nag-aabang lang ang mga estudyante na pagalitan siya ni Kean.
"Ikaw babae," sabi ni Kean at humarap sa nakabangga ni Irene, "nakita mo namang may kausap siya at mababangga ka na niya, hindi ka pa umiwas?"
"H-Ha? H-Hindi ko siya nakita," agad na depensa ng babae.
"Hindi mo siya nakita? Ibig sabihin, ikaw ang tatanga-tanga?" tanong ni Kean kaya gumuhit ang pagkabigla sa mukha nito, "may kinakausap siya sa cellphone kaya busy siya. Ikaw na walang ginagawa sana ikaw ang umiwas."
Napataas ang kanang kilay ni Irene. Tama ba ang naririnig niya? Dinepensahan siya ni Kean?
Nagsimulang mag-ingay na parang mga bubuyog sa paligid nila.
"Tama na nga 'yan! Bati na kayong dalawa dahil pareho lang naman pala kayong may kasalanan," pagpatuloy ni Kean.
"Pero siya talaga--"
"Ano ang gusto ninyo? Magbabati kayo o ipapatawag ko kayong dalawa sa guidance?" wika ni Kean.
"Okay, wala na iyon!" napipilitang sabi ng babae kaya nakahinga nang maluwag si Irene.
Hinarap siya ni Kean, "Natumba ka, 'di ba? Halika na sa clinic," yaya nito.
"O-Okay na--" Irene
"Kapag may mangyaring masama sa iyo, mga pinsan ko malalagot dahil sila ang nagmamay-ari ng paaralang ito!" sabi ni Kean kaya walang nagawa si Irene kundi sumunod sa binata. Hinahanap niya si Maura pero wala na ang kaibigan.
Pagkapasok nila sa clinic naupo sila habang hinihintay ang nurse na may inaasikaso sa loob ng maliit na silid.
"Salamat pala," pasalamat ni Irene sa binata.
"Ginawa ko lang iyon para magkasama tayo. Akin na ang cellphone, ipasa ko ang videos at pictures ni Ariana," bulong ni Kean kaya sumimangot si Irene. Akala niya totoong kinampihan na siya nito.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon