44

565 16 1
                                    


CHAPTER   44

Unedited...
"Kumusta ang tulog mo, mabuti naman ba?" tanong ni Yna nang bumaba sila ni Kean. Actually, lunch time na.
"O-Opo, Tita," magalang na sagot ni Irene kahit na hindi naman talaga. Malambot ang kama, mabango ang kuwarto at malakas ang aircon pero kapag hot ang katabi niya, sino ba ang makakatulog lalo na't panay kalabit sa kaniya? Wala naman siyang choice dahil ang landi ni Kean. Bukas ang ilaw kaya kitang-kita niya kung paano mang-akit ito. Babae lang siya at kahit paano, may kalandian din naman kapag si Kean ang pinag-uusapan.
Hinila ni Kean ang upuan para makaupo si Irene.
"Sarap na sarap sila. Kita mo, tinanghali na," sabat ni Keana na sinusubuan si Ariana ng pagkain. Siya ang nagpapakahirap sa pag-alaga sa bata tapos silang dalawa, nagpapakasarap lang sa loob ng kuwarto.
"Pasensiya na kung ngayon lang kami bumaba," paumanhin ni Kean, "Actually, firstime lang naming nagkasama sa iisang kuwarto kaya sinulit ko na."
Napayuko si Irene at kinurot sa hita si Kean. Nahihiya siya. Kailangan ba talagang ipaalam sa mga ito na ngayon lang sila nagkasama? Pasimpleng tiningnan niya ang tatlong kaharap. Ang daddy ni Kean, tahimik na kumakain. Si Keana naman ay sinusubuan pa rin si Ariana na nakaupo sa baby high chair.
Muli siyang napayuko dahil napatulala ang mommy ni Kean.
"K-Kean? Bata pa kayo. Alam mo na, dapat mag-family planning kayo. Sinasabi ko na sa 'yo, bawal pa sundan si Ariana. Okay na muna siya."
"Hindi naman po. Siyempre bawal pang sundan. Alam ko po iyon," sagot ni Kean.
"Mabuti naman," sabi ni Yna.
"Natitiis mo si Kean?" tanong ni Keana. "Paano? Kung ako sa 'yo, iiwan ko na siya dahil ew! Wala kang mapapala sa kaniya!" nandidiring sabi ni Keana.
"Mas ew ka! Kung ako kay Alwyn, pepektusan na kita sa ugali mong mas masama pa sa baho mo!" sabat ni Kean. Makapanlait ang kakambal niya, akala mo kung sinong maganda. E, ang pangit naman nito.
"Subukan lang niyang pektusan ako at puputulin ko ang kaligayahan niya!" matapang na sagot ni Keana. Badtrip siya kay Alwyn mula pa kagabi. Ah, hindi. Mula pa nang tumuntong ito sa Westbridge.
"Tapang mo pero kapag nandito si Alwyn, umuurong din ang dila mo!" ani Kean.
"Tumahimik na kayo!" saway ni Kyler, "mula nu'ng bata pa kayo, pag-aaway sa hapag-kainan ang alam ninyo tapos hanggang ngayon, ganu'n pa rin? Hindi na kayo natuto a!"
Natahimik ang kambal. Nitong mga nakaraang araw, naging tahimik na ang ama nila dahil sa nalaman tungkol kay Kean. Kahit si Yna, hindi rin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng asawa.
"Dad? Okay lang po bang magpatayo ako ng bagong negosyo?" tanong ni Kean. Sana lang ay payagan siya ng ama. Ilang taon na lang ay mag-aaral na si Ariana.
"Tapusin mo muna ang pag-aaral mo," sagot ni Kyler na hindi nasa plato ang mga mata.
"Pero dad--"
"Kumain na kayo. Huwag ninyong sirain ang modo sa harap ng grasya!" wika ni Kyler kaya natahimik na si Kean.
Pinakiramdaman lang ni Irene ang mga ito. Kapag usaping pamilya, ayaw niyang sumabat para makisawsaw. Mataas ang respeto niya sa mga Villafuerte at hanggat maari, ayaw niyang magkaroon ng iringan sa kanila. Sana lang ay dumating ang araw na matanggap siya nang buo ng mga ito.
Matapos nilang magtanghalian, nag-usap muna sila sa veranda pero si Keana ay nagpaalam na aalis. Isinama nito si Ariana pero hindi alam kung saan papupunta.

Si Kyler ay umalis din dahi may aasikasuhin pa ito sa opisina.
"Saan si Keana nagpunta?" tanong ni Kean sa ina.
"Malay ko. Kayo ang nagkausap bago siya umalis," sagot ni Yna.
"Sabi niya, mamasyal lang," sagot ni Kean kaya hindi maiwasang mabahala ni Irene. Paano kung itinakas na ni Keana ang anak niya? Paano kung sa sobrang galit sa kaniya, pati si Ariana ay pinagbuntungan nito.
"Malilintikan talaga siya kapag may mangyaring masama sa anak ko!" sabi ni Kean at tinawagan ang kakambal.
"Irene? Ano ang balak ninyo ni Kean?" tanong ni Yna.
"T-Tapusin ko lang po ang pag-aaral ko,"magalang na sagot ng dalaga.
"Mabuti. Huwag lang talaga kayong magkaanak ulit ha. Okay na muna si Ariana. Basta kaya naman ninyo. Isa pa, ngayon lang 'yan nagseryoso si Kean, huwag mo sanang i-pressure siya," paalala ni Yna. Pang ilang beses na ba niyang sinabi na bawal mabuntis? Mula pa kagabi, ito na ang bukambibig niya. Mahirap naman kasi kapag dagdagan na nioa kaagad si Ariana. Ang bata pa nito at wala pa sa tama ang lahat. Kumbaga, nag-uumpisa pa lang sila. Minsan na silang nadapa, sana huwag nang tuluyang malugmok sa putik. Sana marunong naman bumangon ang dalawa para sa anak nila.
"Opo," tipid na sagot ni Irene. Wala namang pressure na nagaganap. Marunong naman siyang makuntento at magtipid. Basta nagbibigay ng pangangailangan nila si Kean, okay na sa kaniya. Hindi naman siya naghahangad nang sobra na hindi kaya.
"Mabuti naman at umuwi ka na," wika ni Kean nang makitang papasok si Keana bitbit si Ariana.
"Ang kulit mo kasi. Akala mo, nakawin ko na ang anak mo!" wika ni Keana at ibinigay sa kakambal ang anak nito. Binilhan lang niya ng sapatos at damit ang pamangkin sa pinakamalapit na mall pero ang kulit nila. Tawag nang tawag na akala mo, kinidnap na niya ang pamangkin.
"Malay ko ba kung balak mong kidnapin ang anak ko," sagot ni Kean.
"Kidnapin? Bakit? Mayaman ka ba?" pang-iinsulto ni Keana at padabog na pumasok.
"Mom? Uuwi na po kami ni Irene," paalam ni Kean. Gusto na niyang makatakas sa mga ito.
"Mamaya na. May regalo pa ako sa inyo ni Irene," sagot ni Yna. Kanina pa niya iyon in-order pero hanggang ngayon, wala pa.
"Nag-abala pa po kayo?" tanong ni Kean.
"Oo naman. Isa pa, gusto ko talagang bigyan kayo ng regalo," sagot ni Yna para kahit paano, maramdaman naman ng dalawa na hindi siya pabayang ina. Mahal niya si Kean at mahal niya si Ariana. Si Irene? Hindi pa niya alam. Baka someday, magiging okay rin sila kapag makita na niya ang tunay na ugali nito. Bilang ina, gusto niyang makasigurado. Baka mamaya, bait-baitan lang pala ito. Siyempre tao lang siya. Basta masaya ang anak niya, susuportahan niya pero kapag hindi na tama, doon na siya mangingialam.
Alas kuwatro na nang dumating ang regalo ni Yna.
"Mom? Uwi na po kami. Salamat sa regalo mo," pasalamat ni Kean na nakaakbay kay Irene na bitbit na si Ariana.
"Wala iyon. Pero naman ng ama mo ang pinambayad ko," humahagikhik na sagot ni Yna. May sariling pera naman siya pero sinusumpong siya ng pagkakuripot niya.
"Magagalit si Daddy."
"Mahal ako no'n!" proud na sagot ni Yna, "Kita mo, hanggang ngayon, hindi niya ako iniiwan."
"Abuso ka talaga, Mommy!" sagot ni Kean at humalik sa pisngi ng ina bago umalis.
Habang nasa biyahe, nag-iisip si Irene kung saan patungo ang relasyon nila ni Kean na hindi pinag-iisipan.
"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Kean habang nagmamaneho nang marinig ang malalim na buntonghininga ni Irene. Nakaupo si Ariana sa tabi ni Irene. Tahimik pero nakatingin sa kaniya.
"Wala. Ang kinabukasan natin. Kung saan nga ba tayo hahantong gayong wala naman tayong solidong plano," sagot ni Irene na nakatingin sa labas ng bintana.
"Mahalaga pa ba iyon? Kung magkasama naman tayo?" tanong ni Kean.
"Iba pa rin ang handa lalo na't may anak na tayo," sagot ng dalaga at napasulyap sa rearview mirror. Ang guwapo naman ng driver nila ni Ariana.
"Hayaan mo na ang bukas, i-enjoy na lang muna natin kung anong mayroon tayong tatlo ngayon. Basta mahal ko kayo, tandaan mo 'yan."
"Mahal din kita," sagot ni Irene kaya napangiti si Kean. Wala nang mas sasaya pa habang nagmamaneho kapag alam mong mahal na pamilya mo ang iyong pinagmamaneho.
"Mommy? Daan muna tayo sa palengke, bibili lang tayo ng pagkain natin," sabi ni Kean nang itigil ang sasakyan saka tinanggal ang seatbelt. Bumaba siya at pinagbuksan ang kaniyang mag-ina.
"Ako na ang magbitbit kay Ariana," sabi ni Irene at binuhat ang anak nila.
"Sure ka?" tanong ni Kean. Tumango si Irene kaya inakbayan niya ito papasok sa mall.
Sa grocery store sila dumiretso.
"Mommy? Kuha lang ako ng trolley," paalam ni Kean nang nasa fruit section na sila.
"Guys, gusto ko ng starberries," maarteng sabi ng babaeng nasa likuran ni Irene kasama ang tatlong barkada nito.
"Excuse me, Miss? Puwedeng tumabi ka? Kitang may namimili rin," pagtataray ng isang nakapusod ang buhok kaya napatabi si Irene. Magaganda ang mga ito na mukhang rich kid.
"Ow? Hindi ba't siya ang babae nina Alwyn at Kean?" maarteng sabi ng isa at tinitigan ang batang buhat ni Irene.
"Grabe ka naman makapanglait," saway ng kaibigan nito, "Isa-isa lang. Mahirap namang magpatuhog nang sabay."
Tumawa silang apat kaya biglang kumulo ang dugo ni Irene.
"Huwag ninyo akong insultuhin sa harapan ng anak ko!" sagot ni Irene. Kung wala lang si Ariana, kanina pa niya kinalbo ang apat na 'to.
"Bakit? Ayaw ba niyang malaman na malandi ang ina niya?" pagtataray ng mataba sa kanilang apat na nagmumukhang kabute sa katawan nitong mataba na nga, pandak pa.
"Kung hindi ninyo kayang irespeto ang mag-ina ko, mas mainam pang itikom ninyo ang bibig ninyo bago ko pa matahi ito!" galit na sabi ni Kean na nasa likuran nilang apat.
"K-Kean..." nauutal na sabi ng mataba nang lumapit si Kean kay Irenr at inakbayan ito.
"Taga Westbridge kayo, tama?" tanong ni Kean na madilim ang mukha, "Ako ang ama ng anak ng babaeng iniinsulto ninyo. Ako lang ang lalaking nakatuhog sa kaniya at higit sa lahat, seryoso ako sa kaniya kaya sana, bigyan ninyo siya ng respeto kahit na wala kayo niyan sa sarili ninyo!"
"K-Kuwan... I-Ikaw ba talaga ang ama niyan?" tanong ng nakapusod ang buhok.
"Hindi ko ugaling sagutin ang tanong ng mga walang kuwentang tao sa buhay ko pero alang-alang sa pagiging tsismosa ninyo, oo. Ako nga ang ama ng anak ni Irene kaya umalis kayo sa harapan ko! Panira kayo ng family namin!" matapang na sagot ni Kean na nakasalubong ang mga kilay.
Napayuko si Irene. E? Ang cute ni Kean kapag galit dahil sa pagtatanggol sa kanilang mag-ina. Noon, ang pangit-pangit ng tingin niya sa sarili pero mula nang magtapat si Kean sa kaniya, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

"S-Sorry." Sabay-sabay na paumanhin ng apat at naghihilaan na palayo sa kanila.
"Mommy? Bili na tayo ng pagkain. Hayaan mo na sila. Inggit lang sila kasi pogi ang asawa mo," pagmamayabang ni Kean kaya tumawa si Irene.
"Ang hangin dito sa mall," biro ni Irene.
"Guwapo ako kasi ikaw ang kasama ko," nakangiting sabi ni Kean at dinampot ang red apple para ilagay sa trolley.
"Okay lang ba sa 'yo na kasama kami ni Ariana? Baka mawalan ka ng fans niyan," nakangiting tanong ni Irene.
Hindi nakakabawas ng kaguwapuha ang pagiging responsableng ama," proud na sagot ni Kean at mabilis na hinalikan si Irene sa mga labi, "Mas pogi ako kapag kasama ko kayo ni Ariana."
-----------------
Pagdating sa condo, nakatulog kaagad si Ariana dahil sa pagod.
"Kean? Bakit dala mo 'yang unan mo?" tanong ni Irene.
"Dito na ako matutulog, mommy," sagot ng binata at kinindatan siya.
"K-Kean kasi--"
"Nagkatabi na tayo kaya huwag ka nang mahiya. Ang sarap kaya matulog na katabi ka. Promise, mommy."
"Ikaw lang naman ang nasarapan!" nakasimangot na sabi ni Irene.
"Nasarapan ka rin naman ah," ani Kean na todo ngiti. Sinusubukan niyang magseryoso pero traidor talaga ng mga labi niya.
Naupo siya at pinagmasdan ang dalagang nakatayo sa harapan niya. Ang ganda talaga ni Irene. Kaya hindi siya nagsasawang pagmasdan ito e.
"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Irene. OA na siguro siya kasi parang natutunaw siya sa mga titig ni Kean. Ang daming babaeng pinapangarap na mapansin nito pero mapalad siya dahil isa siya sa mga babaeng nakasaksi kung paano humanga ang mga mata ni Kean.
"Mommy? Tulog si Ariana," bulong ni Kean at hinawakan ang mga kamay ng kasintahang nakatayo.
"So?" tanong ni Irene. Iba kasi ang kinang ng mga mata nito.
"Boom boom paw tayo," nakangiting sabi ni Kean at hinila si Irene para maupo sa kandungan niya.
"Kean, ano ba!" bulong ni Irene dahil baka magising si Ariana. Sinubukan niya makawala sa mga kamay ni Kean pero ang higpit ng yakap nito.
"Sige na, mommy, please. Two rounds lang."
Tumayo ang balahibo ni Irene sa mainit na hininga nitong dumampi sa batok niya.
"Kagabi, one round lang ang hiningi mo, pero nakaanim ka!" naiinis na sabi ni Irene. Ngayon naman, two rounds na ang hinihirit ng mokong. Putiks, makailan kaya si Kean kapag humingi pa ng tatlo at apat?
"Biro lang," pagbawi ni Kean dahil mukhang tutupuan ng sungay si Irene, "Mamayang gabi na lang kapag mahimbing na ang tulog ng anak natin para sulit."
Tumayo si Irene at inayos ang suot. Ang kulit talaga ni Kean kapag silang dalawa lang.
"Mommy? Buksan natin ang regalo ni Mommy Yna," excited na sabi ni Kean.  Naka-girftwrapper pa ito na kasing laki ng box ng 21 inches na TV ang gift.
"Sige," sagot ni Irene at naupo sa tabi ng kasintahan. Curious siya sa regalo ng ina nito. Ang saya nga niya dahil binigyan pa sila ng regalo. Ibig sabihin, medyo okay na siya rito. Sana lang talaga ay makuha niya ang loob ng ina ni Kean. Ang hirap naman kasi na kalaban mo ang pamilya ng mahal mo lalo na ang ina nito. Sabi nga nila, kalabanin mo lang ang nanay mo, huwag lang ang biyenan mo.
Excited na binuksan ni Kean ang box habang nakatingin lang si Irene sa kaniya.
"Damn!" ani Kean nang makita ang laman ng box. Ilang beses pa siyang kumurap pero hindi siya puwedeng magkamali. Puro condom ang laman ng malaking box.
Namumula ang pisnging kinuha ni Irene ang card at binasa ang nakasulat.

"Isang condom sa bawat putok.

Isang condom para ligtas sa pagbili ng gatas.

Isang box ng condom para sa malibog kong anak."

Nagmamahal,

Yna Rodriguez Villafuerte

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon