38

5K 143 2
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  38

Unedited...
"Black? Saan si Alwyn?" tanong ni Kean at naupo sa tabi ng pinsan.
"Bakit ba si Alwyn na lang parati ang hinahanap mo?" tanong ni Black. Silang dalawa lang ang nasa tambayan ngayon.
"Wala akong kailangan sa iba. Gusto ko lang itanong kung nasaan siya dahil balita ko, nagkasama sila ni Keana sa isang party," ani Kean.
"Wala. Baka nasa kasintahan niya," tinatamad na sagot ni Black at nahiga sa mahabang sofa.
"Wala siyang kasintahan," pagtatama ni Kean.
"Irene," wika ni Black.
"Walang sila! Paulit-ulit kong sinasabing wala silang relasyon! Akala ko ba, ikaw ang pinakamatalino sa inyong magkapatid? Bakit ang bobo mo ngayon?" naiiritang sabi ni Kean. Ang hina magpick-up ni Black ngayon.
"E di wala. Ang alam ko, may boyfriend si Irene at malamang, si Alwyn din ang ama ng anak niya," mahinang sagot ni Black at ipinikit ang mga mata pero agad na napabangon nang hampasin ni Kean ng cushion.
"Ikaw Black, napakatsismoso mo pero wala sa lugar! Ke lalaki mong tao, gumagawa ka ng kuwento! Bakla ka ba?" tanong niya. Nagdududa na siya e. Kung wala lang si Nathalie, iisipin talaga niyang bakla ang pinsan. Pero hindi naman dahil ang laki ng abs nito.
"Ang daldal mo! Ikaw nga 'tong may anak pero tinatago mo naman sa publiko! Kahit sa mga magulang mo, ayaw mong ipaalam. Ngayon, sino sa atin ang bakla, Kean?" napipikon na sagot ni Black. Minsan lang siyang pumatol sa pinsan pero ngayon, nasagad na siya kay Kean lalo na't kasarian na niya ang pinag-uusapan. Hindi siya bakla! Hindi na! Hindi na talaga!
"A-Alam na nina Daddy kahapon kaya huwag kang makialam sa buhay ko! Hindi ko naman ikinakahiya ang mag-ina ko! Gusto ko lang talaga ng privacy!" salubong ang kilay na depensa ni Kean. Alangan naman ipagsigawan niya sa lahat na may anak na siya. Hayaan na lang ang taong humusga at kapag magtanong, e di sagutin niya.
"Ba't hindi ka kaya gumaya kay Blue na ipinagmalaki ang anak niya?"
"Si Blue ay si Blue! Si Kean ako. Ang sitwasyon at pag-uugali namin ni Blue ay magkaiba! Sikat siya, mas pogi ako! Huwag mo nga kaming ikumpara dahil magkaiba kami! Hindi lahat ng ama at pare-pareho. Mahal niya si Avery noon pa. Ako, ngayon ko lang minahal ang nanay ng anak ko kaya tumahimik ka!" mahabang saad ni Kean. Kung ipinagsigawan ni Blue sa buong mundo ang pagiging single dad nito, e di ipagsigawan niya. Artista naman kasi ito. Lahat ng kilos niya ay bantay-sarado ng mga paparazzi.
"Huwag mo 'kong kausapin!" pagsisinuplado ni Black at naglakad patungo sa silid upang matulog. Ang hirap pakisamahan ni Kean gayong ayaw naman nitong umamin.
Nang mag-isa na lang, tinawagan niya si Irene. Papunta raw ito sa canteen kaya nakampante naman siya kahit paano. At least walang Alwyn sa paligid nito. Selos na selos talaga siya kay Alwyn kahit na wala naman daw silang relasyon. Pero kapag ang mga pinsan niya ang kausap ni Irene, wala namang selos. Basta huwag kay Alwyn.
Tatayo na sana si Kean pero bumukas ang pinto at pumasok sina Blue, Sky at Alwyn.
"Wala pala si Ate Yana," sabi ni Alwyn.
"Wala tayong masarap na pagkain," sabi ni Sky.
"Sa canteen na lang tayo kakain," suhestiyon ni Blue na nanlalalim ang mga mata dahil kulang pa sa tulog.
"Sige," pagsang-ayon ni Kean. Nandoon si Irene kaya magkikita sila.
--------------
"Friend? Kumusta na kayo ng tatay ng baby mo?" tanong ni Maura nang lumapit sa kaniya.
"Okay lang, nagkaayos na kami," sagot ni Irene na pinagmasdan ang kaibigan. Paano kaya nito nasikmurang kausapin siya pero kapag tumalikod, siya naman ang tinitira sa iba? Thanks God, paaga pa niyang natuklasan ang tunay na pagkatao nito.
"Really? So? Ibig sabihin, nagkabalikan na kayo?" masiglang tanong nito.
"Gusto mo?" nakangiting tanong ni Irene. Plastic na ba siya? Kagaya na ba siya ni Maura na fake friend kung makipagplastikan din siya sa plastic pala na kaibigan niya? Sa totoo lang, mas pipiliin pa niyang magkaroon ng harapang kalaban kaysa sa sinasaksak siya patalikod. Ang hirap. Ang sakit pala na traidorin siya ng itinuring niyang bestfriend.
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Maura, "kasi, iba pa rin kapag buo kayo, 'di ba? Iba pa rin 'yong ang ama talaga ng anak mo ang makatuluyan mo," sagot ni Maura. Totoo ang saya na nadarama niya. At least available na si Alwyn. May chance na silang makalapit dito.
"Ah, we're doing our best para maayos ang lahat," ani Irene.
"I'm happy for you!" tili ni Maura.
"Thank you," pasalamat ni Irene.
"Irene? Mauna na kami ha. Sa labas kami kakain," paalam ni Maura nang tinawag siya nina Isabela at Charlyn.
"Sofia? Hindi ka sasama?" tanong ni Maura.
"Masama ang pakiramdam ko, kayo na lang," sagot ni Sofia. Napatingin si Irene kay Isabela. Kitang-kita niya kung paano tumirik ang mga mata nito nang tumalikod si Sofia.
Nang makalabas na sila, tumayo si Irene. Binuksan ni Sofia ang bag at sa kasamaang palad ay nahulog ang mga ballpen niya.
Tumigil si Irene at pinagmasdan si Sofia habang nakayuko. Una nitong pinulot ang lapis na nasa malayo. Napataas ang kilay ni Irene nang kinapkap pa nito ang ballpen na nasa harapan lang niya hanggang sa tuluyan na nitong dinampot.
"Okay ka lang?" tanong ni Irene pero hindi niya maiwasang hindi magtaka.
"Pakialam mo? Umalis ka na nga!" pagtataboy ni Sofia at napahawak sa sumasakit na ulo.
"Dalhin kita sa clinic," sabi ni Irene.
"Hindi na kailangan!" pagmamatigas ni Sofia at tumayo.
"Sofia!" tili ni Irene at agad na inalalayan ang kaklase nang muntik na itong matumba. Sumaklolo naman ang iba nilang kaklase.
"Buhatin na kita," sabi ng kaklase nila. Sa sobrang hilo, hindi na ito nakatanggi pa. Sumunod naman si Irene sa clinic.
Pagdating sa clinic, saktong nandoon ang school doctor nila. Ang lalaking kaklase ay nagpaalam na aalis na dahil kanina pa ito nagugutom kaya si Irene na lang ang naiwan.
"Hindi ba't sinabi na ng opthalmologist mo na magsuot ka ng eyeglasses o contact lens?" tanong ng doctor na kamag-anak ni Sofia. Ayaw naman nitong magpa-laser eye surgery.
"E, ayaw ko. Nagmumukha akong manang at hindi ako sanay sa contact lense," sagot ni Sofia.
"Saan ka ba nakaupo sa classroom ninyo?" tanong ng doctor kaya napatingin si Sofia kay Irene.
"Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na!" pagtataboy niya kay Irene. Galit siya kay Irene. Akala mo kung sinong umasta. Ne hindi man lang marunong magtanong kung bakit gusto niyang makipagpalitan.
"Masasanay ka rin. Dapat sa likuran ka nakaupo. Alam mo namang farsighted ka," sabi ng doctor.
Nagulat si Irene sa narinig. Hindi niya alam na farsighted pala si Sofia. Tumayo siya nang mapansing nagbabaga na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Oo nga pala, medyo malayo siya kay Sofia kaya malinaw siya sa paningin nito.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon