26

4.5K 156 3
                                    


Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited..
"Bakit nandito ka?" tanong ni Kyler sa anak.
"Dito na muna ako matulog," walang ganang sagot ni Kean.
"Ano ang problema, Kean?"
Nasa veranda ang ama habang nagbabasa ng mga papele na kinakailangan niyang pirmahan.
"Wala naman. Na-miss ko lang kayo." Hinila ng binata ang isang silya at naupo sa tabi ng ama, "dad? Paano po ba maging katulad mo? Iyong successful sa larangan ng negosyo?"
"Bakit ba napapansin ko, mahilig ka na sa negosyo ngayon? E, dati, hindi naman."
"Nagkakaedad na ho kasi ako at napag-isip-isip kong it's time to expand my little knowledge in businesses," sagot ni Kean na napapasulyap sa mga papeles na hawak ng ama.
"Puso, hardwork at family," sagot ni Kyler, "iyan ang kailangan mo para maging matagumpay. Samahan mo rin ng dasal at pasalamat sa Itaas para mas lalong i-blessed ka niya," payo ni Kyler kahit na medyo nanayo ang mga balahibo niya sa topic nila. Masyadong seryoso.
"Paano kung walang family?" tanong ni Kean at napatingin sa malawak na hardin ng mommy niya.
"Para ano at nagtatrabaho ka? Para sa pansarili mo lang?" tanong ng ama at napasulyap kay Kean na mukhang may malalim na iniisip.
"Para sa anak ko, aanak na lang para may pupuntahan ang yaman ko at may magdadala ng apelyido ko," sagot ni Kean at nilaro ng mga daliri ang dinampot na ballpen sa mesa.
"Iyon ba ang gusto mo? Iba pa rin ang may asawa. Pamilya ang rason kunv bakit nagtatagumpay ang isang lalaki," tanong ni Kyler.
"Anak na lang," giit ni Kean, "mag-aanak ako kaya bahala na ang nanay niya sa buhay nito."
"Bakit ba naisip mo ang bagay na 'yan, Kean? May inililihim ka ba sa amin?" kinakabahang tanong ni Kyler. May nagkasakit na sa kanilang pamilya. Hindi kaya namana ni Kean ang leukemia ng isa sa pamilya nila?
"Wala ho. Naisip ko lang na gusto kong magkaroon ng bahay, kotse at savings. Iyong para talaga sa akin," sagot ni Kean.
"Ayaw mo ba ng babae? I-enjoy mo muna ang pagiging binata. Masyado pang maaga para unawain ang bagay-bagay na iyon. May girlfriend ka naman, 'di ba?"
Wala pang naiharap na babae si Kean sa pamilya pero sigurado siyang marami itong babae.
"Wala na," sagot ni Kean, "wala na akong girlfriend, hiniwalayan ko na."
Napatigil si Kyler sa binabasa at mataman na pinagmasdan ang mukha ng anak. Hindi kaya, pusong babae ito? Kaya ayaw nitong mag-asawa at anak na lang ang gusto dahil lalaki talaga ang nais?
"B-Bakit ganiyan kayo 'pag makatingin?" kinakabahang tanong ni Kean dahil para siyang isang bacteria na inuusisa ng ama sa ilalim ng microscope.
"Tapatin mo nga ako, Kean! Bakla ka ba?" prangkang tanong ni Kyler nang magkaliwanagan na.
"Haist!" namumula ang mukha pati tainga na tumayo siya, "huwag ka ngang mag-isip nang ganiyan! Hindi ako bakla! Ayaw ko lang talaga mag-asawa lalo na kung ang ina ng anak ko ay magkaroon ng ibang karelasyon! Ayaw ko talaga! Dinilaan ko na, didilaan pa ng iba? Marami ang babaeng gano'n kaya tiisin ko na lang na walang nanay ang anak ko! Ayaw ko talaga!" paliwanag ni Kean na umuusok na ang ilong. Ne hindi nga niya kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki tapos heto pa talaga ang maisip ng ama niya.
"Ba't napaka-highblood mo? E di wala kung wala!" singhal ni Kyler, "lumayas ka sa harapan ko! Pinapainit mo ang ulo ko!" Pagtataboy niya. Nawala na tuloy ang konsentrasyon niya sa binabasa dahil kay Kean. Impossible namang bakla ito. Subukan lang nito dahil malalagay talaga niya ang anak sa sako.

"Napakamalisyoso mo, dad!"
"Iyon kasi ang nais mong ipahiwatig! Nawala na nga ang problema ko sa pagiging suspetsada ng nanay mo, ikaw na naman? Ayusin mo ang negosyo mo! Ang dami mong drama sa buhay!"
Padabog na bumalik si Kean sa loob ng bahay. Hindi naman kasi nila siya maintindihan. Ang hirap ipaalam na may anak na siya. Paano kung bawiin nila ang allowance, condo at negosyo niya? Saan siya pupulutin? E di mas lalong mawala sa kaniya si Ariana. Hindi puwede iyon.
Alas dos pa lang naman kaya dinalaw niya ang resto bar. Pagdating niya, may iilang tauhan na nandito. Dumiresto siya sa maliit na opisina at pinagmasdan ang tally sheet ng lahat ng kita kahapon.
Tinatago niya ang kapital at ang malinis niyang pera sa isang araw ay inilalaan sa savings ang kalahati at ang kalahati ay sa savings account ni Ariana at gastusin nito. Okay lang kahit na wala siya dahil may allowance pa naman siya mula sa mga magulang.
Bawi na ang kapital niya. Nakatago na iyon sa bangko kaya ang umiikot na lang ay ang tubo niya. Ang iniipong kalahati mula sa kita ay balak niyang ipagpatayo muli ng another business kapag medyo malaki na. Kailangan lang niyang mag-focus at hanggat maari, huwag gastusin ang nasa savings account. Kapag mabawi na naman ang puhunan sa ipapatayong branch ng resto bar, iipunin niya ang lahat ng kita sa dalawang bar hanggang sa makapagpatayo na naman ng panibago. Iyon ang goal niya. Huwag lang talaga siyang mawala sa plano. Ang mahalaga, hindi siya magkakautang.
Alas sais nang maisipan niyang bumalik sa condo pero napadaan siya sa mall kaya bumili siya ng ilang gamit ni Ariana lalo na ang maliit na crib. Alangan naman bitbitin pa niya ang crib mula sa bahay nina Irene.
Pagdating sa condo, nanood siya sa youtube kung paano bihisan, patulugin at paliguan ang mga batang babae.
Kinabukasan, maaga pa ay nasa bahay na siya nina Irene.
"Magandang umaga, Mama," magalang na bati ni Kean at humalik sa pisngi ni Elizabeth na nagwawalis sa bakuran.
"Magandang umaga rin," nakangiting bati ni Elizabeth. Ang pogi talaga ng manugang niya.
"Halika, pasok ka," yaya ni Elizabeth at iniwan saglit ang ginagawa saka pumasok sa bahay.
"Wala pa po ba ang anak ninyo, Ma?" tanong ni Kean.
"Wala pa, baka marami ang parokyano kagabi," tugon ng ginang.
"Magandang umaga ho, Papa," magalang na bati ni Kean kay Jose na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo sa sala.
"Magandang umaga naman, kukunin mo na ba si Ariana?" tanong ni Jose.
"Opo, Pa. Wala ho akong gagawin sa bahay kaya mababantayan ko siya," sagot ni Kean.
Nakaayos na ang gamit ng anak dahil inayos daw ng lola nito kagabi pa kaya madali lang sa kaniya na dalhin ang anak.
Pagdating niya sa condo building, nagpatulong siya sa guard na buhatin ang may kalakihang baby bag habang siya ang nakabitbit kay Ariana.
"Salamat, Kuya," pasalamat ni Kean pagkabukas ng pinto.
Nang makapasok na sila, agad na inilapag niya ang anak sa crib.
"Welcome sa second home mo, Princess Ariana," nakangiting sabi ni Kean habang nakayuko sa anak na nakatingala sa kaniya.
"Da--di!" sambit ni Ariana kaya pumapalakpak ang tainga ni Kean. Tinatawag na siya nitong daddy.
Tumawa siya, "Ako nga ang daddy mo kaya pakabait ka dahil wala si Mommy," pakiusap niya. Ngumiti si Ariana saka naupo at kinuha ang barbie na nasa sahig ng crib.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon