CHAPTER 8Unedited...
"Isa pa 'to!" reklamo ni Kean nang mabasa ang text ni Irene. Kagabi, nag-exchange number sila para kung may kailangan ito, madali lang siyang makontak. At kapag gusto niyang makausap ang anak, matatawagan lang niya ito. Laking pasalamat niya dahil lumabas siya sa bahay nila na walang galos.
"Magpapabinyag lang, wala pang maihanda?" bulong niya pero naalalang wala rin pala siyang pera. Nasa mga magulang ang savings account niya. Hindi naman magamit ang credit card dahil malalaman ng mga ito kung ano ang pinag-uutang niya.
"Kean!" pasigaw na tawag ni Keana habang tumatakbo palapit.
"Huwag ka ngang sigaw nang sigaw, nakakarindi ka!" saway niya.
"Kean? Kailangan ko ng pera," nakalabing sabi ng dalaga at niyakap ang braso niya.
"Wala rin akong pera, alam mo 'yon!"
"May project tayo next day, mga five k ang babayaran," ani Keana.
"So?" nakataas ang kilay na sabi ng binata.
"Gawin nating fifteen thousand," bulong nito. Umaandar na naman ang kalokohan ng kapatid pero nagkaroon siya ng idea.
"Oo nga, 'noh? May utak ka rin pala minsan!" sabi niya saka ginulo ang buhok nito. Okay sana ang business niya last year pero pinasara ng mga magulang dahil dinadalhan lang daw niya ng mga babae niya at ginagawang motel ang resto bar. Sayang ang kita niya.
"Basta secret lang natin ha," pakiusap ni Jaira. Kulang pa nga ito para sa gustong bilhin kaya hahanap pa siya ng paraan.
"Sige. Basta kapag magkaroon ka ng pera, pahiram din ako," sabi ni Kean. Maliban sa 200 pesos na daily allowance, may 20k monthly allowance rin sila kaya iyon ang aasahan niya para sa pagpabinyag ng anak. Sana lang ay magkasya.
"Sige! Gosh! I love you na talaga!" parang batang sabi ni Keana at niyakap ang braso ng kakambal.
Napahinto si Kean nang makitang makakasalubong nila si Irene na kasama ang babaeng palagi nitong kasama.
"Hey!" tawag ni Keana nang magkasalubong na nga sila, "hindi ba ikaw 'yong sa canteen?"
"Oo," sagot ni Irene at napasulyap sa kamay ni Keana na pumupulupot sa braso ni Kean, "hindi ba't ikaw ang fiancée ni Kean?"
Tumawa si Keana at niyakap ang bewang ni Kean, "Yes, ako nga!"
"Ah, sige." Tumango si Irene at nilagpasan sila.
"Aw!" daing ni Keana nang batukan ng kakambal.
"Lumayo ka nga! Kapit ka nang kapit! Para kang tuko!" Tinulak niya si Keana para makalayo sa kaniya at inayos ang nagusot na damit. Kapag magkasama sila, palagi na lang itonv napagkamalan na kasintahan niya. Todo ngisi naman ito at umaarte na para bang magkasintahan talaga sila.
"Ang arte mo! Nagyayakapan naman tayo sa tiyan ni Mommy ng siyam na buwan ah!" wika ni Keana at sinimangutan ang kakambal.
"Alangan naman babalik pa tayo roon para magyakapan lang! Nakakairita ka na e!" singhal niya at ipinagpatuloy ang paglakad."Ang kapal mo! Akala mo gusto rin kitang makasama? Ew lang!" maarteng sabi ni Keana.
"Puwes, lumayo ka sa akin! I hate the idea of fucking my twin!" naiinis na sabi niya at binilisan ang paglalakad.
"Yuck! Ew lang, Kean! Me? Fucking you? The fuck!" nandidiring sabat ni Keana. Ewan ba niya kung ba't pinagkakaguluhan ng mga babae ang kakambal niyang ito. Wala namang dating at hindi naman guwapo.
----------
"Irene? Mamasyal tayo mamaya sa mall," yaya ni Maura.
"Wala akong pera at isa pa, may trabaho ako mamayang gabi," sagot ni Irene.
"Ano ba 'yan, wala ba talaga?" tanong ni Mau.
"Oo, pobre lang ako. Kita mo, kahit cellphone, wala ako. Pinagtitiisan ko lang itong N3310 ng papa ko."
Hanggang ngayon, hindi pa niya napaayos ang nasirang cellphone. Pasalamat na lang siya dahil may extra pa ang ama para kahit paano, may pangtawag o text siya.
"Ganoon ba talaga kayo kahirap?" pabulong na tanong ni Laura at napasulyap sa bag ni Irene. Original naman ang Gucci bag nito.
"Oo nga. Original lang ang ibang gamit ko dahil sa pa-package ng tita ko sa ibang bansa pero second hand lang ang mga ito.
"Ay, nagkukunwari ka lang e," hindi naniniwalang sabi ni Maura.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta ako, nagsasabi ako ng totoo," wika ni Irene. Para ano na magkunwari siyang mayaman? Baka mamaya, mapagastos pa siya sa mga ito.
Natahimik sila nang pumasok ang grupo nina Sofia.
"Gosh! Ayaw ko talagang makipagkaibigan sa mga mahihirap! Hindi naman sa pang-aano pero ang iba sa kanila, magnanakaw!" maarteng sabi ni Charlyn dahil ninakawan sila ng katulong kahapon.
"Hindi naman lahat," sabat ni Sofia, "but almost."
Napataas ang isang sulok ng labi ni Irene. Nasusuya siya. Hindi lahat ng mahihirap, magnanakaw. Kagaya na lang niya, marunong siyang magtiis at magsumikap para may pantustos sa pangangailangan ng anak.
" Mas marami ang mayayamang magnanakaw,"
bulong niya. Of course, lalo na sa kaban ng bayan. At least ang mahihirap, kapag magnakaw, gutom at pagkain lang ang dahilan pero ang mayayaman? Luho ang rason kung bakit sila nagnanakaw sa mga mahihirap na Pilipino. But of course, hindi naman lahat. May yumayaman talaga dahil sa pagsisikap at may mahihirap na nagnanakaw dahil sabog sa droga.
"Maura? Kayo pala ang may-ari ng Katarina Salon? Favorite namin ng mom ko," maarteng sabi ni Isabela.
"Talaga?" masayang sabi ni Maura.
"Yeah, alam mo naman si Momsie, kahit na medyo gors na, fashionista pa rin," sabi ni Isabela kaya ayun, nag-uusap na sina Maura at Isabel.
Wala namang problema si Irene sa dalawa, kay Sofia lang talaga
Pagkatapos ng klase, hindi sumama si Maura sa kaniya dahil kakain daw ito sa labas kasama sina Isabel kaya mag-isa siyang tumungo sa canteen. Mura lang kaysa sa fastfoods kaso mahal pa rin sa isang kagaya niya. Wala naman siyang choice. Nextime, magbabaon na lang siya.
Matapos niyang mag-order, naupo siya sa pinakadulong table na walang estudyante. Medyo malapit na rin naman kasi sa CR ng canteen kaya walang gaanong kumakain. Ang aarte kasi ng mga estudyante.
Maganang kumain siya ng isang tortang talong at isang order ng kanin. Kulang sana pero 50 pesos lang ang budget niya. Sa ulam pa lang, 35 pesos na ang lahat ng klase ng gulay at 15 ang isang scoop ng kanin.
Napatingin siya sa lalaking naupo sa harapan niya.
"Bakit ka nandito?" poker face na tanong ng dalaga.
"Kunwari, hindi tayo magkakilala," mahinang sagot ni Kean na at sinipsip ang dalang milkshake.
"Ano ang kailangan mo?" parang tangang tanong niya habang nakayuko. Nagmumukha tuloy siyang uto-uto.
"Ano pa ba ang kulang sa binyag ni Princess Ariana?" tanong ni Kean. Nakatalikod siya sa mga estudyante. Tinatakpan naman nig malapad na likod niya si Irene kaya hindi mahahalatang nag-uusap sila.
"Invitation letter, cake, ice cream, giveaways at damit niya," sagot ni Irene.
"Ayon lang? Ako na ang magpapagawa ng invitation letter, magbibigay na lang ako ng pera para sa kulang at sa damit, maraming damit si Keana sa bahay kaya hahanap ako. Ikaw na lang ang bahalang pumili kung ano ang isusuot ni Princess," mahabang sabi ng binata.
"Walang Princess ng pangalan ni Ariana, masyado nang mahaba," pagtatama ni Irene.
"Alam ko. Ang slow mo. Sa pamilya namin, kahit walang Princess sa pangalan, princess pa rin ang tawag namin sa mga babae namin!" wika ni Kean kaya pinandilatan lang siya ni Irene.
"May kulang pa ba?" tanong nito na titig na titig kay Irene na kumakain.
"Wala na. Umalis ka na nga! Hindi ako sanay kumain na may nakamasid!" pagtataboy ng dalaga. Nakukuha na nito ang pansin ng iilang estudyante. In fairness, kina-career ng mokong ang binyag ng anak nila. Akala niya, sosolohin na naman niya. Hindi na niya inusisa kung sino si Keana. Baka nakakabatang kapatid nito. Wala naman siyang idea sa pamilya nito maliban sa isa itong Villafuerte.
Sa tuwing mapatingin siya sa mukha ni Kean, ang mukha ng anak nila ang nakikita niya.
"Send mo sa akin pic ni Ariana," sabi ni Kean.
"Sira cellphone ko. Kung may camera lang sana itong thirty three ten na gamit ko, walang problema!" naiinis na sagot niya. Gusto pa naman niyang picture-an palagi ang mukha ng anak. Panira lang talaga itong si Kean!
"Pobre ka talaga!" panunuya nito kaya napahigpit ang pagkahawak ni Irene ng tinidor.
"Kung wala ka nang sasabihin, lumayas ka sa harapan ko dahil baka sa lalamunan ko isaksak ang tinidor na ito!" galit na sabi niya pero napangisi lang si Kean.
"Huwag sanang mamana ng anak ko ang pagkapikon mo," pang-aasar pa ng binata.
"Kean!" tawag ng babaeng papalapit sa kanila, "how are you?"
Pasimpleng hinangod ni Irene ang babae. Maganda ito, sexy at sopistikada.
"I'm fine," sagot ni Kean.
"Kilala mo siya?" Inginuso nito si Irene na nakaupo sa harapan ni Kean.
"H-Hindi ah. Maupo ka muna, Hattie."
Ito ang bago niyang prospect pero naantala lang dahil sa pasabog niton si Irene.
" Kapal ng mukha! Pakialam ko kung i-deny mo ako!"
bulong ni Irene at ipinagpatuloy ang pagkain. May finacée na ito pero nagawa pang la ipaglandian sa ibabang babae.
"Thanks," sabi nito at naupo sa katabi ni Kean na nasa harapan ni Irene.
"Ba't dito ka? Akala ko magkakilala kayo," tanong nito kaya napakamot si Kean sa ulo.
"Wala nang space kanina kaya rito na ako naupo," sagot ni Kean at nagbabanta ang mga mata kay Irene na tumahimik ito.
"Ah, akala ko new girlfriend mo," nakangiting sabi ni Hattie na para bang nakahinga nang maluwag.
"Wala pa akong girlfriend," sagot ni Kean kaya napataas ang isang kilay ni Irene.
"Anak lang," dagdag ni Irene sa isip. Nabubuwesit lang siya dahil sa harapan pa niya mismo magsinungaling ang mokong.
"Ahm... Kean? My friends have a table doon sa dulo, lipat tayo," yaya ni Hattie at tumayo.
"Sure!" pagsang-ayon ni Kean at tumayo saka walang paalam na iniwan si Irene.
"Bahala ka sa buhay mo!" bulong ni Irene nang malayo na ang dalawa. May usapan sila, ayaw niyang himasukan ang pribadong buhay ng ama ng kaniyang anak. Huwag lang talagang lumabag ito sa kasunduan nila tungkol sa kanilang anak.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...