CHAPTER 42
Unedited...
"W-Wala pa ba si Kean?" naiiyak na tanong ni Yna. Kaarawan nila ni Ann ngayon pero hindi nila pinagsabay ang handaan dahil ayaw ni Kyler na magkasama sila dahil na rin kay Dylan. Matagal nang tapos ang isyu pero gusto lang nilang makaiwas sa gulo lalo na't hindi pa nakaka-move on si Skyler sa inis kay Dylan. Hapon ang celebration niya at gabi naman ang kay Ann.
"Huwag mo nang asahan ang lalaking 'yon!" galit na sabi ni Keana. Kanina pa nag-uumpisa ang party pero ne anino ng kakambal, wala.
"P-Pero--"
"Bahala ka. Alam niyang espesyal ang araw na ito pero hindi siya sumipot! Kung mahalaga siya sa 'yo, kahit harangin man siya ng mga maute, hahanap at hahanap 'yon ng paraan para makadalo!" ani Keana. Sumusobra na talaga si Kean. Kung hindi nito kayang pahalagahan ang ina nila, bahala ito.
"B-Baka na-traffic lang," nag-aalalang wika ni Yna. Kanina pa niya tinatawagan si Kean pero off ang cellphone nito. Hinahanap na nga siya ng ibang kamag-anak pero hindi nila alam kung saan si Kean. Siyempre, alam nilang nasa babae nito pero mas pinili na lang nilang magsawalang kibo.
"Ang tindi ng trapik e, mula Mindanao hanggang dito ba ang biyahe niya at kada kanto at matindi ang traffic?" bulalas ni Keana. Akala niya, okay na sila ni Kean pero birthday ng mommy nila, wala pa ito. O baka naman wala itong planong dumalo?
Malungkot na naupo si Yna sa upuan at pinagmasdan ang mga bisitang nasa hardin. Hindi na ba siya mahal ng anak? Tuluyan na ba silang iniwan nito para sa bago nitong pamilya?
Biglang may tumakip sa mga mata niya.
"Kean?" masayang hula niya. Tinanggal nito ang mga kamay kaya mabilis na lumingon siya pero napalis ang mga ngiti nang si Kyler ang nakita.
"Wala pa ba si Kean?" tanong ni Yna.
"Haist! Ako ang nandito tapos siya ang hanapin mo?" nakasimangot na sabi ni Kyler at inabot ang bulaklak sa kaniya. "Happy birthday, wifey!"
Hinalikan siya ni Kyler sa mga labi kaya medyo nabawasan ang pagdaramdam niya.
"Maging masaya ka nga! Birthday mo ngayon!" wika ni Kyler dahil hindi maipinta ang mukha ng asawa.
"P-Pero wala pa ang anak natin," malungkot na sagot ni Yna.
"Mommy!" masiglang bati ni Kean na bitbit ang anak at kasama si Irene. Sakto namang dumating ang mga kaibigan ni Kyler kaya iniwan muna niya ang mga ito.
"Kean! Anak ko!" Mabilis na tumayo si Yna at sinalubong ang anak, "D-Dumating ka!"
"Mommy naman. Pumasok pa kami kaninang umaga dahil may long quiz, ang traffic pa at nahirapan kaming pumili ng damit na ipasuot sa anak namin," sagot ni Kean at niyakap ang ina.
"A-Akala ko, hindi mo na ako naalala," nakangiting sabi ni Yna at pinahidan ang mga luha. Binaba ni Kean si Ariana dahil nagpupumiglas sa kaniya.
"Lo--la!" wika ni Ariana na inosenteng nakatingala kay Yna.
"Kyaaah! Tinawag niya akong lola?" tili ni Yna at kinurot si Ariana sa pisngi, "Ang ganda mo, kamukha kita." Ang ganda nito tingnan sa kulay pink lemonade na damit at may hairpin pa sa kanan. Para itong manika. Ang pinkish pa ng pisngi niya kaya ang sarap kurutin.
"H-Happy birthday po," magalang na bati ni Irene at nakipagbeso-beso kay Yna at inabot ang regalong bitbit kay Yna.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ni Yna at kinuha ang regalo.
"Mabuti naman at dumating ka!" naiinis na sabi ni Keana nang lumapit.
"Oo naman!" nakangiting sabi ni Kean at niyakap ang kapatid saka bumulong, "Huwag ka nang magtampo, may limang milyon ka naman."
"I hate you!" nakasimangot na sabi ni Keana at tinalikuran sila pero kaagad namang bumalik nang makita si Alwyn na papasok at may bitbit ding regalo.
"Boyfriend mo," bulong ni Kean sabay nguso kay Alwyb.
"Shut up! It was just a deal! Pakyu ka!" pabulong na pagmumura ni Keana dahil baka marinig sila ng ina.
"Sama ng ugali mo," natatawang sabi ni Kean.
"Akin na ang apo ko," sabi ni Yna at binuhat si Ariana, "Pakainin mo muna ang girlfriend mo."
Nilayasan na sila ni Yna at dinala si Ariana sa mga amega nito para ibida ang magandang apo.
Inakbayan ni Kean si Irene.
"Kakain muna kami, baka gusto mong sumama?" nakangising tanong ni Kean sa kakambal.
"Bahala ka!" Nakabusangot itong iniwan sila kaya napailing na lang si Kean.
"Mommy? Kain tayo," yaya ni Kean nang mapansing tahimik si Irene. Alam niyang agaw-eksena sila at nagtataka ang mga tao kung bakit may bitbit siyang anak, "Huwag kang mahiya. Hindi naman kita iiwan."
"P-Pasensiya na, hindi lang ako sanay," paumanhin ni Irene. Mayayaman ang mga bisita. Sa suot pa lang nila, makikita na. Mahinhing kumilos, nagpapatalbugan ng damit at alahas, at bawat galaw ay tantiyado.
"Hayaan mo na sila. Hindi naman yan sila masaya dahil hindi malaya," bulong ni Kean nang makitang nakatitig ito sa isang grupo ng kababaihang nag-uusap. Mga mayayamang takot gumalaw o magsalita nang hindi naaayon sa halaga ng yaman nila. Mga babaeng kailangan may limit ang lahat ng gagawin dahil takot na matawag na hampaslupa.
Iginiya niya si Irene sa table ng mga kaibigan at naupo sila sa pagitan nina Blue at Black.
"Yow!" nakangiting bati ni Aron.
"Long time no see," bati ni Kean. Nag-transfer si Aron sa CTU kaya minsan na lang sila magkita.
"Oo nga, na-miss ko kayo," nakangiting sagot ni Aron at nagtatanong ang mga matang tiningnan si Irene.
"Kasintahan ko, si Irene. Mommy? Si Aron pala, pinsan ko," pagpakilala ni Kean at napasulyap sa kasintahang maganda.
"Hi," nakangiting bati ni Irene. Naririnig na niya ang pangalan ni Aron dahil pambansang atleta ito sa larangan ng swimming. Hindi niya kayang kumurap. Ang guwapo ni Aron. Medyo payat lang pero ang tangos ng ilong at matangkad din. Napapalibutan siya ng heartthrobs.
Naramdaman niya ang paghawak ni Kean sa baba niya para humarap sa kaniya, "Si Alwyn lang kaya huwag mong ipasama si Aron sa listahan ng pinagseselosan ko!" naiinis na bulong ni Kean. Walang kurap talaga kung makatitig sa pinsan niya e.
Ngumiti si Irene at bumulong kay Kean, "Humahanga lang ako pero ikaw ang pinakaguwapo sa kanilang lahat."
Napakagat si Kean sa ibabang labi at isinandig ang ulo sa balikat ni Blue habang nakangiting nakatitig kay Irene.
"Ang guwapo ko talaga sabi niya," bulong ni Kean. Lulukso na yata ang puso niya sa papuri ni Irene. Ang sabihin niyang siya ang pinakaguwapo, sobrang saya na niya.
Napayuko si Irene. Totoo naman ang sinabi niya. Sa lahat sa kanila, si Kean naman talaga ang pinakaguwapo sa kaniya. Muling napasulyap siya kay Kean, nakangiti ito habang nagniningning ang mga mata na nakatitig sa kaniya.
Bakit ganito? Ilusyunada na ba siya kapag sabihin niyang pakiramdam niya, siya rin ang pinakamagandang babae ngayon sa party na ito? Iyon kasi ang nakasalamin sa mga mata ni Kean.
"Ang OA!" bulong ni Black habang nakatitig sa pinsan. Rinig na rinig niya ang bulungan ng dalawa.
"Ano ang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Blue at tinulak ang ulo ng pinsan palayo sa balikat niya.
"Wala!" Inayos ni Kean ang pagkakaupo. Nakalimutan kasi niyang nasa party pala sila. Akala niya, pader ang balikat ni Blue kaya napasandal siya. Nagiging OA na siya. Kasalanan din 'to ni Irene. Ginagawa siyang bakla kapag purihin siya nito.
"Aron ko!" malakas na tawag ng babaeng palapit sa kanila kaya napatingin ang mga bisita rito.
"Aron ko!" nakalabing tawag nito na tila mangiyak-ngiyak pa. Napasulyap si Irene sa dalaga. Ang arte nito maglakad na para bang ito ang reyna ng party.
"Patay kang bata ka!" natatawang sabi ni Kean kaya napayuko si Aron at napakuyom ang kamao.
"Mandy!" nakangiting bati ni Sky at tumayo saka hinalikan sa pisngi ang bisitang dumating.
"Mabuti naman at hindi ko nakita ang bakeshop na 'yon dito!" maarteng sabi ni Mandy at naupo sa tabi ni Aron. Nakataas ang kilay na pinagmasdan niya ang babaeng nasa tabi ni Kean.
"Aron ko 'to, so backoff!" sita niya kaya namumula na naman sa galit ang pisngi ni Aron.
"Ginagawa mo rito, Mandy?" bulong ni Aron na silang nasa table lang ang nakakarinig.
"Go to hell daw sabi ni Mommy, so I'm here. Enjoying this party habang katabi si Satan!" matapang na sagot ni Mandy kaya ngingiti-ngiti na lang silang nasa table.
"Hindi ka ba titigil?" saway ni Aron.
"Kapag tumigil ang mundo, tuloy ang laban sa imperyo, Stupidman!"
"Umalis ka sa harapan ko!"
"Huwag mo akong itaboy! Kung gusto mong bumili ng panis na monay sa bakeshop, wala akong pakialam!" galit na sagot ni Mandy kaya tumayo si Aron.
"Excuse us!" paumanhin ni Aron at nanggigigil na hila palayo sa kanila si Mandy.
"Girlfriend niya?" bulong ni Irene kay Kean habang nakatingin sa dalawang papalayo.
"Ewan ko. Mortal na magkalaban naman 'yang dalawa," sagot ni Kean at nilagyan ng pagkain ang plato ni Irene. Sanay na sila kina Aron at Mandy. Isang malaking himala lang ang pag-asa nila para magkakasundo ang dalawa.
Habang nakikipag-usap, napansin ni Irene na may ilang estudyanteng taga Westbridge na dumalo kaya ang sama ng tingin ng mga ito sa kaniya. Iyong ipinapakita nilang hindi siya nababagay sa lugar na ito. Pero hindi umaalis sa tabi niya si Kean kaya naging maagaan lang sa kaniya ang lahat.
"Uwi na tayo?" tanong ni Kean kay Irene. Hindi na talaga nasauli sa kanila si Ariana.
"Ikaw? Hindi mo ba patapusin ang party?" tanong ni Irene. Kaunti na lang ang mga bisita. Ang mga kaibigan nito ay nagpapaalam na para lumipat kina Ann.
"Pagod na ako," sagot ni Kean at hinila si Irene palapit sa mga magulang.
"Mom? Uuwi na po kami," paalam ni Kean. Nasa hardin sila at hinahabol ni Yna ang apo dahil gusto nitong mahuli ang mga puting paru-paro.
"Ang likot na niya. Mabilis nang tumakbo," wika ni Yna habang tahimik na nakatingin sa kanila si Kyler.
"Mom? Uuwi na po kami. Pagod na si Ariana," paalam ulit ni Kean at binuhat ang anak.
"Dito na lang kayo matulog, may kuwarto ka naman dito," nakasimangot na sagot ni Yna kaya napakamot si Kean sa ulo.
"Kasi po--"
"Dito na lang kayo matulog, Irene. May kuwarto si Kean dito kaya gamitin ninyo iyon. May mga damit akong hindi naisuot at may mga damit pa si Keana noong baby pa siya kaya puwedeng isuot iyon ng apo ko," sabi ni Yna na si Irene ang hinarap.
Hindi alam ni Irene ang isasagot. Nahihiya siya.
"Birthday ko naman, bakit ayaw ninyo akong pagbigyan?" naiiyak na tanong ni Yna.
"Sige po, dito na kami matutulog," pagpayag ni Irene. Nahihiya siyang kasama ang mga ito. Parang sumisikip ang mundo niya pero kailangan niyang sanayin dahil lola ito ng anak niya at pamilya ito ng lalaking mahal niya.
"Salamat!" tuwang-tuwa na sabi ni Yna at kinuha ang apo kay Kean, "Pabibihisan ko lang ang apo ko, naiinitan na siya sa damit niya."
Hinila na niya si Kyler papasok sa bahay. Sumunod naman ang dalawa.
"Are you sure na rito tayo matutulog?" tanong ni Kean at inakbayan ang kasintahan.
"Okay lang, para makasama mo naman ang mommy mo," sagot ni Irene.
"Mommy?" tawag ni Kean at hinapit si Irene sa bewang saka niyakap, "Salamat sa pag-intindi."
Ngumiti si Irene, "Wala iyon. Dapat lang na bigyan mo rin ng time ang pamilya mo lalo na ang mommy mo."
Tinapik niya ang likod ni Kean. Kumalas ito sa pagkakayakap at nakangiting hinila na siya papasok sa loob.
"B-Bakit nakangiti ka?" tanong ni Irene nang tumingala ay ang lapad pa rin ng ngiti ni Kean na para bang may iniisip itong kalokohan na ito lang din anv nakakaalam.
"Wala," sagot ng binata at sumeryoso ang mukha. Pasimpleng pinahid niya ang mga palad sa pantalon dahil namamawis siya sa kaba pero mas excited siya. Magkakatabi sila ni Irene mamaya sa iisang kama. Damn!
" This is my night," bulong ni Kean at sinulyapan ang kasintahan. Ang ganda ni Irene, napakainosente ang mukha nito na para bang isang Anghel na bumaba sa lupa para maanakan lang niya. Salamat na lang kay San Pedro at pinayagan itong makababa.
Pasimpleng kinagat ni Kean ang kanang hintuturo. Magiging inosente pa kaya ito mamaya? Napalunok siya ng laway. Bigla siyang nanlamig sa naisip. Shit, Sabado pa naman bukas.
A/N:
Story nina Aron at Mandy ay nasa " Oh Mandy".
Tapos na iyon kaya sa mga ayaw mabitin, basahin na lang ninyo works ko. Salamat
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
Любовные романыMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...