Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
"Ang cute naman ng baby mo," puri ng kapitbahay nilang nakasalubong ni Irene na mukhang kakagaling lang sa palengke.
"Salamat po," nakangiting pasalamat ni Irene at napasulyap sa anak na natutulog. Namasyal sila habang hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw. Nagmana ang kutis nito sa kaniya.
"Naku! Ang ganda talaga niya. Para siyang manika, siguro pogi ang tatay niyan," puri nito kaya napasimangot si Irene. Bakit ganoon? Kapag may makasalubong siya, ang lakas nilang makapuri na cute ang anak niya sabay tanong ng mukha ng ama.
"Oo nga e. Ang ganda niya, siguro kamukha talaga nito ang ama," dagdag ng kasama nito kaya mas lalong nagngingitngit siya sa galit. Wala man lang bang magbigay ng credit sa kaniya? Hello? Siya kaya ang ina.
"Ano ang name niya?" tanong ng mataba.
"Ariana po," sagot niya. Wala na siyang maisip kaya iyon na ang ipinangalan niya.
"Hindi ba talaga inako ng ama? Naku, kapag makita nun si Ariana, magsisisi 'yon!"
"Oo nga! Siya ang nawalan. Ang ganda kayang bata nito."
"Good morning po!" masiglang bati ng babaeng kakalabas lang ng kanilang bakuran na may dalang apat na buwang sanggol.
"Uy, papainitan din nila ang cute na baby nila," puri ni Aleng Minda at lumapit sa mag-ina.
"Oo, hindi naman kasi tama na puro aircon lang siya. Kailangan din niyang maarawan," sagot ng babae kaya hindi na kumibo si Irene. Nakikipag-compete talaga ito sa kaniya noon pa dahil pareho lang silang maraming nanliligaw sa kanilang street. Subdivision ito pero maliliit lang ang bahay at hindi pareho ang mga desinyo. Lote lang ang binebenta rito noon kaya kaniya-kaniya na silang pagpatayo mg bahay.
"Oo nga pala, may aircon kayo," sabi ni Aleng Minda. Alam ni Irene na siya ang pinaparinggan nito. Wala kasi silang aircon.
"Kailan pa bumaba ng barko ang asawa mo?" tanong ni Aleng Barbara kay Lanie.
"Last week lang po. Mamayang hapon po, dalo kayo ng binyag ng baby ko."
"Wow, bibinyagan na pala siya," ani Aleng Barbara.
"Opo! May budget na talaga ang ama niya. Ganoon kami ka mahal ni Niño. Isa pa, ang pangit naman na umabot pa kamo ng isang taon pero hindi pa nabinyagan ang anak ko," pagmamalaki ni Lanie na halata namang pinaringgan si Irene. Dating manliligaw ni Irene si Niño pero wala siyang gusto sa binata kaya binasted niya. E, sobrang crush pa naman nitong si Lanie si Niño kaya mas lalong na-insecure siya kay Irene. Nang mabuntis nga si Irene, ang asawa nito ang pinaghihinala ng mga kapitbahay na ama ng anak niya.
"Mabuti naman at maayos na ang pagsasama ninyo," sabi ni Aleng Minda na napasulyap kay Irene na ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Hindi ko po hahayaang masira ng anay ang tahanang binuo namin ni Niño!" puno ng determinasyong sagot ni Lanie at tinawag si Irene kaya napalingon ang dalaga.
"Pumunta kayo sa binyag ng anak ko mamaya, marami kaming handa at give aways para sa mga bata at nang maambunan naman kayo ng baby mo!" pag-iimbita nito.
"Sige, pupunta kami ng anak ko. Hindi na namin kailangan ang ipamimigay ninyo, hindi ko tinuturuang maging maarte ang anak ko!" sagot ni Irene. Akala mo kung sinong mayaman. Okay lang na magtalo sila pero ang insultuhin nito ang anak niya? Ibang usapan na yata 'yan?
Pagkapasok nila ng bahay, inilagay niya sa crib ang natutulog na sanggol. Next month, birthday na nito pero wala pa siyang panghanda. Magtatrabaho pa siya. Kahit na cake, salad at spaghetti lang, okay na 'yon basta may handa. Sabay na rin sa binyag. E di sila na ang mahirap!Alas kuwatro ng hapon, binihisan niya ang anak para dumalo sa party. Kapal ng mukha niya e. Tutal, imbitado naman siya.
Pagpasok niya sa bakuran, napatingin ang ibang bisita sa kanila. Alam nilang magkatunggali sila ni Lanie sa lahat ng bagay. Ang ganda ng setup. Maraming balloons na kulay pink at ang ganda rin ng table setting na inilagay sa labas ng bahay. Halos lahat yata ng mga bata, nandito ngayon. Sinadya niyang huwag nanh dumalo sa simbahan dahil ang kulit ni Ariana.
"Mabuti naman at pumunta ka," pasalamat ni Lanie na mukhang nakikipagplastikan lang, "halika, marami kaming masarap na pagkain, pakainin mo ang anak mo at nang mabusog naman. Minsan lang 'to!"
"Salamat, nagugutom na nga talaga kami. Mabuti na lang at inimbitahan mo kami," nakangiting sagot ni Irene. Pakapalan na ng mukha.
Medyo makulit pa si Ariana dahil gumagapang na pero hinahawakan naman niya ito.
"Anak mo 'yan?" tanong ng matandang babaeng bisita na mula pa sa malayong lugar.
"Opo," magalang na sagot ni Irene.
"Ang ganda niya! Parang manika lang," puri nito.
"Buyag po," nakangiting sabi ni Irene. Napansin niya ang pagkasimangot ni Lanie.
"Excuse me, Irene!" wika ng kaibigan ni Lanie na nagsasalita sa gitna ng makiit na stage para sa paglalaro ng mga bata, "tutal nandito ka na rin lang naman, tapatin mo nga kaming lahat at nang magkaalaman na! Ang asawa ba ni Lanie ang ama niyang anak mo?"
Natahimik ang lahat at nakatutok ang mga mata sa kaniya. Mula nang mabuntis siya, tikom ang bibig niya. Sino ba naman ang magdadaldal na minsan lang niyang nakasama ang ama ni Ariana? Si Niño na asawa ni Lanie ay napatakip sa mukha dahil sa kahihiyan.
"Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa inyo? Kahit na ano man siguro ang sasabihin ko, hindi kayo maniniwala," sagot ni Irene, "ipagpatuloy mo ang games. Sayang lang ang program kapag sirain mo sa maling hinala!"
"Ate Lanie? Ang pogi ng bisita mo!" tili ng dalagita na lumapit sa kanila.
"Sino?" tanong ni Lanie at napasulyap sa binatang kakapasok lang sa gate nila. Ang pogi nito. Mukhang mayaman dahil sa porma.
"Artista ba siya?" bulong-bulungan ng nasa paligid.
Nanlaki ang mga mata ni Irene nang nakita si Kean na palapit sa kaniya matapos siyang itinuro ng isang batang lalaki.
"Sino siya?" nagtatakang tanong ni Lanie at hindi maialis ang mukha sa binata.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Irene nang tumigil si Kean sa harapan niya. Sila ang pinagtitinginan ng lahat kaya namula siya.
"Dito ka tinuro ng batang pinagtanungan ko," nahihiyang sagot ni Kean. Ang daming tao. Para lang silang gumagawa ng pelikula dahil sila ang pinagtitinginan. Hindi naman niya akalaing may party pala rito sa loob ng gate na pinasukan niya. Huli na para lumabas muli. Hindi naman niya akalaing mapupuna siya ng mga bisita.
"Ano nga ang kailangan mo?" napipikon na tanong ni Irene at hinagod ang likod ni Ariana nang maramdamang paiyak na ito.
Pinakiramdaman ni Kean ang mga tao sa paligid. Sa kaniya pa rin nakatulala ang mga ito kaya pinilit niyang mapunit ang mga labi para pagtakpan ang pagkapahiya. Bwesit na babaeng 'to! Sa halip na maging masaya dahil nag-effort siyang hanapin ang bahay nito, ito pa ang mapapala niya?
"Dinadalaw ang anak ko!" napipikon na sagot niya at napasulyap sa batang karga ni Irene. Ang cute nito, kamukha niya. Napailing siya. Mali, baka hindi ito ang batang tinutukoy ni Irene pero sana ito na nga talaga dahil ang cute e. Mana talaga sa kaniya noong bata pa siya. Mali! Wala pala talaga silang anak. Bina-blackmail lang siya nito.
"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Irene at napatayo habang bitbit pa rin si Ariana. Nakakahiya na, "halika sa bahay."
Hindi na niya hinintay na makasagot si Kean. Tinalikuran niya ito at lumabas ng bahay nina Lanie kasama ang mga mata ng bisitang nakatingin sa kanila na hindi makapaniwala.
Nakabuntot si Kean sa kaniya habang nakatitig sa batang karga ni Irene na nakatingin sa kaniya. Okay, pareho sila ng mga mata tapos sa kaniya rin nagmana ang hugid ng matangos na ilong.
Pagbukas ng gate ni Irene, kaagad na pumasok si Kean dahil baka pagsarhan siya nito.
Si Kean na ang nagbukas ng pinto dahil mukhang nahihirapan ito dahil sa kargang bata.
"Sino ang kasama mo rito?" tanong niya at iginala ang paningin sa maliit at simpleng bahay. Napatingin siya sa sahig na puno ng laruan ng batang pambabae.
Inilagay ni Irene si Ariana sa crib at ipinasok ang ilang barbie para paglaruan nito.
"Parents ko. Bakit?" tanong ni Irene at naupo sa harapan ni Kean. Okay, guwapo talaga ng mokong pero wala na siyang dapat na habulin dito dahil wala namang pagmamahalang namagitan sa kanila. Tawag ng laman lang talaga ang nangyari nang gabing iyon.
"Siya ba ang tinutukoy mong anak natin?"
"Oo, siya nga. See? Kamukha mo."
Namutla si Kean sa narinig. Alam naman niya kanina pa pero iyong ikumpirma talaga ni Irene, nanlulumo siya.
"H-Hindi pa naman ako sure kung ako talaga ang ama niyan e," sabi niya.
"So? Marami akong nakatalik nang gabing iyon? Ilang Kean ba ang nakasama ko sa loob ng isang madilim at romantic na kuwarto?" salubong ang kilay na sabi ni Irene.
"Ayaw kong maniwala hanggat wala akong patunay!" giit ni Kean. Para na niyang niloloko ang sarili pero kakapit siya sa 1% na hindi nga talaga niya anak ang bata. Mapapatay siya ng kaniyang ama.
"Bahala ka. Hindi ako namimilit. Kung ayaw mo, e di huwag! Hindi na ikaw ang ama kung itatanggi mo!" ani Irene. Nababastusan na siya. Masyado na yatang offensive na sabihin nitong hindi siya ang ama?
"I-Ipa-DNA test natin ang bata," ani Kean.
"Huwag na! Hindi ka naman naniniwala at wala akong pera. Kung hindi mo matatanggap na may anak ka sa akin, e di mas mainam pang walang ama ang anak ko!" Sino ang pinagloloko ng mokong?
"Umuwi ka na!" pagtataboy ni Irene. Pauwi na ang mga magulang niya kaya baka madatnan pa ito. Hanggang ngayon, galit pa rin ang ama niya rito kahit na hindi pa sila nagkita ni Kean. Sino ba namang ama ang matutuwa sa nangyari sa kaniya? Nabawasan lang nang maisilang na niya si Ariana.
Napasulyap si Kean sa dalagang kaharap. Medyo magulo lang ang buhok nito pero ang cute pa rin tingnan.
"Please, masasaksak ka ng papa ko kapag madatnan ka nila rito!" pakiusap ni Irene kaya agad na napatayo ang binata.
"Uuwi na ako pero ipa-DNA test natin ang bata."
"Kapag positive?" nakataas ang kilay na tanong ni Irene.
"L-Let's cross the bridge when we get there," sagot ni Kean at ngayon pa lang, uumpisahan na talaga niya ang pagtawid para hindi na siya manibago sa resulta.
"Uuwi na ako," paalam niya at lumabas. Ne hindi man lang siya inihatid ni Irene sa gate.
Napahawak siya sa dibdib nang paglabas ay marami ang taong nakatingin sa kaniya kaya dedma na naglakad siya sa kung saan iniwan niya ang sasakyan sa hindi kalayuan.
Pagkasakay niya sa porsche, napahampas siya sa manibela.
"Kamukha ko talaga ang anak namin!" naiiyak na sabi niya. Hindi niya ito puwedeng maitanggi kapag dalhin ni Irene sa bahay nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/244224278-288-k245881.jpg)
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...