Title: Got A Baby With School Heartthrob
Author: Sha_sha0808
Chapter 2
Unedited..."Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Maura.
"Wala."
"Mayaman din siguro kayo, ano?" tanong ni Maura pero umiling si Irene.
"Nasa abroad lang ang kapatid ng papa ko at wala siyang anak kaya pinaaral niya ako," sagot niya. Hindi sila ganoon kayaman. Sapat lang para makapasok at mapaaral sa mataas na unibersidad ng Pilipinas dahil CPA sa Canada ang tita niya. Si Tita Menerva rin niya ang nagbigay ng puhunan sa mga magulang para makapagpatayo ng maliit na negosyo para sa araw-araw na pangangailangan. Magaling lang mag-manage ang parents niya kaya napalago.
"Ah... Ganoon ba?"
"Oo," sagot niya at napasulyap sa original na Gucci bag nito, "ikaw talaga ang mayaman."
"Hindi naman, may hacienda lang kami sa probinsya at businessman ang dad ko," sagot ni Maura.
Kumain na sila ng tanghalian. Puno ang canteen pero nakasingit pa sila dahil may nagbigay ng table. Sa labas na lang daw kakain ang mga ito.
"Ang daming pogi rito sa Westbridge, noh?" kinikilig na sabi ni Maura.
"Oo nga, ang dami," pagsang-ayon ni Irene pero isang mukha lang naman talaga ang nasa utak niya, si Kean. Paano kaya kapag nalaman nitong may anak na sila? Matutuwa kaya ito? O baka magalit dahil nilihim niya?
"Bahala na, basta ipapaalam ko sa kaniya!" bulong niya. Naghahanap lang siya ng tamang tiyempo. Kahapon, hindi niya nakausap ang binata dahil hindi na niya ito nakita.
"Saan kaya tumatambay ang mga hearthrobs," tanong niya kay Maura. Tumigil ito sa pagkain ng mechado at nag-isip.
"Ang alam ko, may tambayan ang mga ganiyan sa school lalo na't may-ari ng school na ito ang iilan sa kanila.
"Ah, mahirap sigurong makausap wika o makita, ano?" tanong niya.
"Sinabi mo pa! Para silang celebrities sa school na ito, makita mo pero hindi mo makausap. Unless, may kailangan talaga sila sa 'yo," sagot ni Maura.
"Oo nga e, ang hirap. Dapat talaga sadyain mo sila," aniya. Ang hirap makausap si Kean lalo na't kapag nasa labas, marami pa ang nagkakandarapa sa kaniyang first year students.
"Hayaan mo, after two to three months, okay na 'yan. Mostly lang naman na nagkakandarapa talaga sa kanila ay mga first year pa lang pero ang matagal na, ordinaryong estudyante na lang sila."
Ipinagpatuloy na ni Irene ang pagkain. Mayamaya pa'y umingay ang paligid.
"Kyaaaah! Ang pogi!" tili ng mga babae sa apat na kakapasok lang.
Bumilis ang tibok ni Irene nang makita si Kean kasama ang triplets.
Si Sky, tawa nang tawa habang kausap si Blue habang si Black naman ay naiinip na nakasunod sa kanila.
"Iniwan na ninyo ako!" sigaw ng babaeng patakbong lumapit sa kanila, "nakakainis kayo!" Umabre siete pa ang kamay nito kay Kean.
"Ay, may girlfriend na pala ang isa sa kanila," malungkot na sabi ng nasa kabilang table.
"Sa guwapo nilang 'yan, impossibleng wala. Mahirap umasa, bes!" sabat ng katabi nila.
Nanlulumong ipinagpatuloy ni Irene ang pagkain pero nang maalala ang anak, agad na tumayo siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Maura pero tuloy-tuloy lang siya sa apat.
"Kean!" sigaw niya kaya napatingin ang mga estudyante sa kaniya ay hinihintay ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...