Got A Baby with School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 9
Unedited...
Halos lahat ng kapitbahay nila ay nasa maliit na bakuran nina Irene.
"Pa? Bakit parang isang buong barangay ang nandito?" pabulong na tanong ni Irene nang hilain ang am para ilayo sa mga bisita.
"Ewan ko, nang dumating ako, ganito na kadami," sagot ng ama.
"Si Mama talaga!" bulong ni Irene. Ganito ang ina niya, kapag may handaan, iniimbita ang kahit na sinong makasalubong sa daan.
"Patay tayo, kaunti lang ang handa," nag-aalalang wika ni Irene. Pumasok siya sa bahay at kinuha si Ariana sa ina para bihisan. Ang cute nito sa kulay puting bestida katerno ng puting na laso sa buhok. Napangiti siya. Nagmistulang Anghel ito habang kalong na ng mama niya.
"Ang ganda naman ng damit ng apo ko, mukhang mamahalin," puri ni Elizabeth habang nakatitig sa apo.
"Mabuti na lang dahil may inabot ang ama niya," sabi ni Irene. Kahapon, pasimpleng inabangan siya ni Kean sa kabilang kanto na malapit sa paaralan para ibigay ang isusuot ng anak nila.
"Ma? Ang daming tao sa labas. Baka mamaya pag-uwi natin, wala na tayong ipakain sa kanila," naiinis na sabi niya.
"Maraming tinapay sa kabilang kanto, magpapa-reserve ako," masayang sabi ni Elizabeth. Binyag ito ng apo at kaarawan na rin kaya dapat lang na marami ang bisita.
"Ma? Alam ko hong excited kayo pero sana inisip ninyo na kaunti lang ang handa natin!" sabi niya. Nagbigay naman siya ng invitation pero kaunti lang. Pati sa kabilang kanto, dumayo pa sa kanila. Squatters area na sa kabila at maraming kakilala ang nanay niya kaya ayun, imbitado yata lahat.
"Hayaan mo na, minsan lang naman ito."
"Haist! Hindi na kami uuwi pagkatapos ng binyag sa simbahan!" pagmamaktol niya saka lumabas.
"Uy, binyag na pala ng baby mo, I'm sure marami kayong handa," sabi ni Lanie na nakataas ang isang sulok ng labi. Malalaki ang tarpaulin para sa birthday party at binyag ni Ariana pero ilang pagkain lang ang nakikita sa mesa.
"Kaunti nga lang e. Okay lang, alam ko namang hindi ka patay-gutom para kumain sa handa ng anak ko?" panupalpal niya.
"Yeah, naaawa lang ako. Nasaan na pala ang ama niya? Balita ko, iyon ang pumunta noon sa binyag ng baby ko?" usisa nito.
"Busy siya kaya hindi makakadalo!" sabi niya at tinalikuran ito patungo sa inakupahang sasakyan ng ama para gawing service patungo sa simbahan.
Pagdating nila sa simbahan, marami rin ang kasabayang magpapabinyag.
Nasa gitna sila ng row ng upuan sa simbahan. Napasulyap si Irene sa mga magulang na excited para binyagan ang anak nila. Napayakap siya kay Ariana. Ang sama man pero may kaunting inggit na sumilay sa puso niya. Hindi ito ang pinangarap niya. Never in her life na gustong maging single parent. Sabi niya noon, gagawin niya ang lahat para mabuo ang pamilya niya pero ngayong nasa ganitong sitwasyon na siya, iba pala. Wala siyang choice kundi yakapin ang realidad para maging masaya. Kung ito ang nakatadhana, wala siyang magagawa.
"Hi," nakangiting bati ng babae na nasa unahan nila na bisita ng ibang magpapabinyag dahil hinila ni Ariana ang buhok nito.
"Sorry, Miss," paumanhin ni Irene at sinimangutan si Ariana, "bad 'yong ginawa mo ha. Bad!" sabi niya pero tumawa lang ang anak.
"Ang cute mo naman, baby. Magpapabinyag ka rin pala. Nasaan si Daddy mo?" puri ng babaeng ka edad lang ni Irene.
Natigilan si Irene. Ano kaya ang isasagot niya? Na nambababae ang tarantadong ama nito? Pero aaminin niya, hindi pa nauubos ang gatas ni Ariana, may inaabot na ito sa kaniya. S-26 pa.Napasulyap siya sa taong naupo sa tabi niya.
"Hi, sorry late si Daddy," bulong ni Kean sa anak na nakayuko dahil ang laking bulas nito habang titig na titig sa anak na nakatitig din sa kaniya.
"Ang ganda mo talaga, mana ka sa Daddy mo," bulong niya kaya ngumiti si Ariana pero nag-quiet sign si Kean para hindi tumawa si Ariana.
Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Irene sa lalaking nasa tabi na busy sa pag-ulit sa anak nila. Ang kinis ng mukha nito na walang bakas na nagkaroon ito ng tigyawat at mapupula pa ang mga labing rason kung bakit nahuhumaling ang kababaihang halikan ito. Well, she tasted it at good kisser nga ang loko. Nakakadala kaya nga nabuo si Ariana. Napailing si Irene, kung anu-ano na ang iniisip niya.
"B-Bakit ka nandito?" bulong niya.
"Bakit? Bawal ba? Siyempre binyag ng anak ko kaya dapat lang na nandito ako. Mahirap nang iba ang tatayo bilang ama," sagot nito kaya tumahimik na si Irene at napatingin sa mga tao sa paligid.
Parang naiihi siya nang mapansing sila na lang ang tinitingnan nila. Nakakahiya tuloy dahil nasa loob sila ng simbahan. May iilan pa na kumukuha ng litrato nito dahil mas guwapo pa raw sa nakita nilang artista.
"Bagay talaga sa baby ko ang damit niya," sabi ni Kean at mahinang kinurot ang namumulang pisngi ng anak nila.
Naiilang naman si Irene dahil sa pagkadikit ng balat ng braso nito sa braso niya. Hindi naman sa maarte siya pero hindi lang siya sanay.
"Kaya pala ang ganda ng bata, pogi pala talaga ang ama," bulong ng babae sa likuran nila kaya sumimangot si Irene. Napapitlag siya nang inilapit ni Kean ang mukha sa tainga niya.
"Narinig mo 'yon? Ang ganda raw ni Ariana dahil pogi ako. Nasaan ka roon?" nakangising sabim ni Kean kaya pasimpleng siniko niya. Tama nga ang sabi nila, na mas marami pa ang demonyo kaysa sa Anghel sa loob ng simbahan at isa na sa mga demonyong iyon si Kean. Ne hindi man lang marunong makinig sa pari. Mas pinapakinggan pa nito ang mga tsismosa't malalandi sa likuran nila.
After ng binyag, nag-picture taking sila. Ang akala ni Irene ay aalis na si Kean pero game ito na magpa-picture gamit ang digicam. Siya rin ang nangingibabaw sa gitna ng altar dahil siya ang pinakamatangkad na bisita. Sa tangkad pa naman ba nito na 6'2" kaya nagmumukha siyang basketball player. Nagba-basket naman pala ito sa school nila.
"Mag-family picture kayong tatlo," sabi ng ina ni Irene at tinulak ang anak para lumapit kay Kean.
"Ayaw ko po," tanggi ni Irene pero hindi siya nakakibo nang akbayan siya ni Kean.
"We're friends naman kaya walang masama. Huwag kang gumawa ng rason para pagtsismisan tayo," bulong ni Kean kaya napilitang ngumiti na lang si Irene sa photographer na binayaran ng ama.
Palabas na sila ng simbahan, hindi maiwasang mapasulyap si Lanie sa kanila. Kanina pa ito naiirita dahil hindi man lang sila pinapansin. She's planning to steal the spotlight kaya todo bihis sila ng anak kaso napurnada nang dumating ang guwapong nilalang na mula yata sa planeta ng mga guwapo."Irene?" malanding tawag niya kaya napalingon sina Irene na bitbit si Ariana, "sa amin na kayo sumabay, baka mamawis ang anak mo sa kotseng inarkilalhan ninyo," malanding sabi niya at napasulyap kay Kean. Marami namang lalaki na porma lang pero seaman ang asawa niya kaya alam niyang may maipagmayabang siya.
Napatingin sa kanila ang mga taong bisita ng ibang nagpabinyag dahil sa lakas ng boses. Mga mayayaman din ang mga ito. Sabi nila, kapag may kasabay kang magpabinyag, nagkakaroon ng competition ang mga bata balang araw.
"Huwag na, sanay sa init ang anak ko," sabi ni Irene at nginitian ito kahit na nanliliit siya, "salamat na lang sa offer."
"Are you sure, Ren?" nag-aalalang tanong ni Niño kaya sumimangot si Lanie. Mukhang may gusto pa yata ang asawa niya kay Irene.
"Yes, sure!" sabat ni Kean na nakasalubong ang kilay. Kanina pa niya pinapakinggan ang usapan nila at hindi niya gusto ang tabas ng dila ni Lanie lalo na't involved ang anak niya. "Mas malakas ang aircon ng sasakyan ko kaya sinisigurado ko sa inyong hindi pagpawisan ang mag-ina ko!"
Hinawakan niya si Irene sa braso at iginiya palapit sa limousine niyang kanina pa tinitingnan ng mga tao at inaabangan kung sino ang may-ari. Binuksan ang pinto sa backseat at hinarap si Irene.
"Sumakay na kayo, brand new 'to!" sabi ni Kean kaya napanganga ang mga taong nasa paligid lalo na si Lanie.
Walang imik na sumakay si Irene. Sumenyas si Kean sa mga magulang ng dalaga na sumakay na rin pero tumanggi ang mga ito dahil sa inarkilahan na lang silang sasakyan sasakay.
Habang nasa biyahe, tahimik lang si Irene at hinihele ang anak nilang inaantok na.
Tahimik lang din si Kean pero nakasimangot habang nagmamaneho. Pagtigil ni Kean sa bahay nila, bumaba ito at pinagbuksan sila.
" Himala, gentleman ang mokong," bulong niya.
"Akin na si Ariana," sabi ng binata at kinuha sa kaniya ang natutulog na anak. Buti naman dahil kanina pa nangangawit ang mga kamay ng dalaga.
Pagbukas ng maliit na gate, nagulat si Irene sa nakita. May mga table at maraming party baloons. May mahabang mesa rin na puno ng party food. May malaking five layers cake na may iba't ibang flavor sa gitna at may dalawang lechong baboy na may kagat pang apple.
"Saan galing ang mga pagkain?" wala sa sariling tanong niya.
"Nagpa-cater ako," sagot ni Kean. Kaya na-late siya sa pagpunta sa simbahan dahil sinamahan pa niya ang mga ito sa pagdala ng pagkain dahil baka maligaw at pagdating nila, wala pa ang mga pagkain.
"B-Bakit?" wala sa sariling tanong niya habang naglalakad palapit sa mga magulang.
"Anak ko ang bibinyagan. Alangan naman pabayaan ko lang na wala siyang handa at pagugutuman ang mga bisita," sagot ni Kean. Ang mag tsismosa nilang kapitbahay, napatitig kay Kean. As in titig na titig talaga na para bang kahit pores sa mukha nito ay nakikita nila.
Sakto namang nagising si Ariana kaya nagpa-picture ulit sila. Game naman si Kean. Ang iba, hindi na sa bata nagpapa-picture kundi kay Kean na.
Napasulyap si Kean kay Irene na nakaupo sa isang tabi at mukhang malalim ang iniisip.
In fairness, may hitsura ito, hindi na siya lugi kung ito man ang inanakan niya. Bagay sa kaniya ang bilugan at mapupungay na mga mata sa bilugang mukha nito. Ang tangos din ng ilong kaya kahit na hindi sa kay Kean nagmana ang ilong ni Ariana, tatangos pa rin ito dahil sa ina.
"Ehem," pagtikhim ni kean sa likuran ni Irene kaya umayos sa pagkakaupo ang dalaga, "ang lalim yata ng iniisip mo?"
"Hindi lang ako makapaniwala na marami ang handa ng anak ko," sagot ni Irene habang nakatitig sa anak na nakipagsayawan sa mga kaedad nitong bata. Minsan ay natutumba pero nandiyan naman ang mama niya para gumabay.
"'Yan lang ang makakaya ko," wika ni Kean na may bahid na lungkot sa boses. Kung matatanggap lang sana ng mga magulang si Ariana, mabibigyan pa niya ang anak ng mas magarbong party.
"Salamat pa rin, Kean," wika ng dalaga. Na-appreciate niya ang ginawa nito.
"Tama nang drama, enjoy mo na lang ang party ni Ariana dahil bayad na 'yan. Sige na, aalis na ako, may date pa ako," paalam ni Kean.
"Date?" ulit ni Irene.
"O? Bakit parang gulat na gulat ka? Wala na ba akong karapatang makipag-date sa iba? Usapan naman natin, maging responsable muna ako sa anak natin at malaya na akong gawin ang lahat ng gusto ko. Wala nang pakialaman sa buhay ng bawat isa," agad na depensa ni Kean. Kanina pa siya tinatawagan ni Hattie. Gusto pa naman niya ito dahil sexy at maganda. Mahirap nang maunahan pa siya ng mga kaibigan.
"Masyado kang defensive. Umalis ka na nga! Salamat sa pagdalo sa binyag at birthday ni Ariana," pagtataboy ni Irene.
"Welcome. Tss! Salamat din dahil apelyido ko na ang dala ng anak ko!" sabi ni Kean. Naayos na nila ang birth certificate ni Ariana sa NSO. Nag-change to Villafuerte na siya. Nagbayad lang naman sila at pirma sa Municipyo.
Lumayo na si Kean sa kaniya at naglakad palapit sa kaniyang mga magulang para magpaalam. Napabuntonghininga siya. Oo nga pala, si Ariana lang ang dahilan kung bakit kinakausap siya nito, pero okay na rin ito sa kaniya. Hindi naman siya naghahabol at wala siyang pakialam sa buhay ni Kean.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...