29

4.7K 150 6
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  29

Unedited..
"Ano ba ang mali sa ginawa ng anak ko?" tanong ni Kyler kay Miss Legaspi. Siya ang in-charged ngayon sa guidance dahil nagbakasyon si Misis Pormilos.
"Ano? Muntik na siyang makapatay ng estudyante!" sagot ni Miss Legaspi. Kaninang umaga pa niya pinapatawag ang mga ito pero ngayong alas tre na ng hapon dumating.
"Elsa naman, kasalanan naman daw ng estudyanteng iyon kung ba't siya nasakal ng anak ko," sagot ni Kyler.
"Kasalanan?" Tumaas na ang boses ni Elsa, "hindi tama na pumatay siya ng tao--"
"Muntik lang makapatay, grabe ka naman," sabat ni Yna na nakaupo sa tabi ng asawa. Ayaw talaga niya sa babaeng 'to dahil ang taray. Ang taas pa ng kilay nito minsan. Palibahasa walang lovelife.
"E di muntik nang makapatay! Pero mali pa rin ang ginawa ng anak ninyo. Kung gusto niya ng disiplina, dapat idaan niya sa mabuting usapan!"
Tahimik lang ang mga magulang ng lalaking sinakal ni Kean. Takot lang nila sa mga Villafuerte.
"Bakit ba kasi mahilig manghusga ang mga estudyante ninyo? Walang silbi ang pagtuturo ninyo rito!" reklamo ni Kyler.
"Nagtuturo ang guro sa mga anak ninyo, Kyler! Nasa kanila na 'yan kung paano i-apply sa buhay! Isa pa, hindi lahat ng oras, isisi ninyo sa mga guro ang ugali ng anak ninyo dahil may obligasyon din kayo sa kanila bilang mga magulang!" giit ni Elsa na napipikon na kay Kyler. Mula noon, barumbado na ang triplets. Akala niya, tapos na siya sa mga ito pero ngayon, ang mga anak naman nila ang nagpapasaway rito sa Westbridge.
"Misis," sabi ni Kyler, "kung may nagawa man ang anak ko sa anak ninyo, pagpasensiyahan na ninyo. Kilala naman ninyo kaming mga Villafuerte, 'di ba? Kapag may inaaping babae, hindi namin kayang tumingin o makinig lang. Nanay ka rin, paano kung husgahan ka? Okay lang ba sa inyo iyon?"
Natigilan ang babae. Ang guwapo pa rin kasi ni Kyler. Noong college sila, crush niya ito. Naging saksi siya kung paano habulin ni Yna ang binata. Sa bandang huli, sila pa rin pala ang magkatuluyan.
"Wala iyon, Kyler, hayaan ninyo, pagsabihan namin ang anak namin," sagot ng ginang kaya tumango si Kyler dahil pasimpleng pinipisil na ni Yna ang kamay niya.
Matapos nilang mag-usap, dumiretso ang mag-asawa sa tambayan.
"Tita Yna!" nakangiting bati ni Sky at humalik kay Yna.
"Mom!" bati ni Keana at humalik din sa ina.
"Si Kean?" tanong ni Yna.
"Sa kuwarto po, natutulog," magalang na sagot ni Sky.
"Keana, bantayan mo ang kapatid mo, ha. Kapag may ginawa pa 'yang kalokohan, pati ikaw tatanggalan ko ng allowance!" pagbabanta ni Kyler.
"Why me? Si Kean lang naman ang may kasalanan, ah!" naiinis na sagot ni Keana.
"Kambal kayo dapat na bantayan ninyo ang isa't isa!" sagot ni Kyler, "alis na kami, may pupuntahan pa ako."
Pasalampak na naupo si Keana sa sofa. Pinandilatan niya si Sky na nakangisi sa kaniya.
"Nang-aasar ka na naman, Sky!" galit na sabi niya.
"Wala namang masama kung ngumiti ako dahil may naalala lang ako," depensa ni Sky at napatingin sa pintuan nang bumukas at pumasok sina Alwyn kasama sina Blue at Black.
Sakto namang lumabas din si Kean sa kuwarto na halatang kakagising lang dahil namumula pa ang mga mata nito.
"Kean? Sabi ni Daddy, kapag gumawa ka pa raw ng kalokohan, babawiin niya ang resto bar mo," pananakot ni Keana. Alam niyang mahalaga sa kapatid ang resto kaya ito ang gagamitin niya para tumino naman ito.

"Walang masama sa ginawa ko. Nararapat lang sa lalaking iyon ang ginawa ko!" giit ni Kean.
"Muntik ka nang makapatay! Paano kung hindi kita napigilan?" sabat ni Alwyn kaya sa kaniya naman tumingin si Kean.
"So? Bayani ka na niyan? Dahil sa 'yo, hindi ako naging killer, gano'n ba 'yon?" tanong ni Kean at naikuyom ang kamao. E, kung ito na lang kaya ang patayin niya?
Ang pinsang triplets ay palipat-lipat ang mga mata sa kanila na hindi naiintindihan kung ano ang nangyayari.
"Hindi naman sa gano'n. Mali ang interpretasyon mo!" agad na depensa ni Alwyn. Ano ba ang problema nila ni Kean? Pakiramdam niya, wala na siyang nagawang tama rito.
"E di ikaw ang tama! Wala akong panahon para makipag-usap sa isang katulad mo!" galit na sabi ni Kean saka lumabas ng tambayan. Hindi an siya tatambay pa rito kung palagi lang din naman niya nakikita si Alwyn.
"Kean! Kean!"
Napalingon siya kay Hattie na papalapit sa kaniya habang tinatawag ang pangalan niya.
"Ano ang kailangan mo?" tinatamad na tanong ni Kean.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Hattie.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa," walang ganang sagot ni Kean. Bakit ba ang kulit nito?
"Iiwan mo ako nang gano'n-gano'n na lang? Kean naman, mahal kita!"
"Marami pa ang nagmamahal sa 'yo," giit ni Kean. Never pa siyang nag-recycle ng kasintahan. Oras na makipaghiwalay siya, hiwalay na talaga.
"Pero ikaw lang ang mahal ko," giit ni Hattie.
"Hindi na kita mahal!"
"Dahil ba kay Irene? Dahil ba sa pokpok na 'yon?"
Tumindig ang magkabilang tainga ni Kean sa narinig.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" malamig ang boses na sabi ng binata habang humahakbang palapit kay Hattie. Napapaatras naman ang dalaga.
"D-Dahil sa kaniya," natatakot na ulit ni Hattie. Parang lalamunin siya ng buo ni Kean.
"Hindi pokpok si Irene! Hindi ganoon ang ina ng anak ko!" mahina pero may diin na sabi ni Kean. Malakas ang hinala niyang ito ang may kagagawan ng poster ni Irene.
"P-Pero sa bar siya nagtatrabaho! Marami ang gumagamit sa katawan niya! Boyfriend pa niya ang kaibigan mong si Al--"
"Tumigil ka!" singhal ni Kean kaya nanlamig ang buong katawan ni Hattie lalo na nang hawakan siya ng binata sa kanang braso.
"Makinig ka, Hattie! Huwag mong husgahan ang pagkatao ni Irene dahil hindi mo siya natira! Sa ating dalawa, ako lang ang makapaghusga sa kaniya at sinisiguro ko sa 'yong birhen pa siya nang makuha ko!" galit na sabi ni Kean at sinalubong ang natatakot na mga mata ng ex-girlfriend. Kung hindi lang mali ang manakit ng babae, kanina pa ito tumilapon sa pader.
"Tinanggap kita nang buo kahit na hindi ko alam kung ilang lalaki ang nakatira na sa 'yo bago ako! Sabi mo, pangalawa ako pero pangalawa nga lang ba? Kahit isang dosena pa 'yang tumira sa 'yo, palaging pangalawa naman ang sinasabi ninyo sa hindi naka-devirginize sa inyo! Ngayon, kung ayaw mong ipahiya kita sa buong Westbridge, tigilan mo na si Irene dahil ako mismo ang magpapahiya sa 'yo!" pagbabanta ni Kean at pinakawalan ang braso nito saka tinalikuran si Hattie. Alam niyang may iilang nakakakita sa kanila pero sigurado naman siyang walang nakakarinig sa usapan nila.
--------------------
Naglalakad palapit sa parking lot si Kean nang makita niya si Irene kasama ni Alwyn. Nasa labas sila ng kotse ni Alwyn kaya binilisan niya ang paglalakad nang mapansing bubuksan na ni Alwyn ang pinto para pasakayin ang dalaga.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon