34

768 22 0
                                    


CHAPTER  34

Unedited...
"Duh? Ayaw ko kay Sofia. Ang arte niya tapos feeling maganda pa!" sabi ni Isabela at isinara ang pinto ng powder room.
"Me too! Akala mo marami ang nagkakagusto sa kaniya," pagsang-ayon ni Charlyn.
"Baliw kayong dalawa!" natatawang sabi ni Maura at inilapag ang bag saka naghanap ng eyeliner, "akala ko, friends talaga kayo."
"Mayaman lang siya at malakas ang kapit sa mga Villafuerte, noh!" sagot ni Charlyn at dinagdagan ang foundation, "eh, ikaw? Hindi ka ba nagsasawa kay Irene? Ang pobre kaya niya!"
"Sawa na rin," sagot ni Maura, "kaso malakas din ang kapit kina Alwyn at palagi pa siyang kinakampihan ng triplets kaya todo pakipagplastikan ako."
"I knew it!" natatawang sabi ni Isabela.
"Yeah, nadadamay ako sa ka-cheap-an niya. Nasusuka na rin ako sa pagmumukha niya pero ganoon talaga, minsan kailangan nating magbait-baitan sa mga taong basahan!" nandidiring sabi ni Maura, "isa pa, matapang siya para kalabanin si Sofia!"
"Sinabi mo pa! Burn silang dalawa!" wika ni Charlyn.
"Nakakahiya na nga na may kaibigan kuno ako na sa bar nagtatrabaho tapos single mom pa, yuck!" diring-diri na sabi ni Maura.
Matapos nilang mag-retouch, lumabas na ang tatlo.
Nang nasigurado ni Irene na wala na ang mga ito, lumabas siya sa isang cubicle.
"Hayop ka, Maura!" bulong niya na naikuyom ang kamao. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Sa lahat ng taong magtatraidor sa kaniya, ang taong itinuring pa niyang kaibigan. Kaya siguro nalaman ng lahat na sa bar siya nagtatrabaho dahil din dito. Ito lang naman ang nakakaalam na sa bar siya nagtatrabaho.
Nang lumabas siya, hindi niya mapigilang mapaisip habang naglalakad. Ang sakit lang dahil itinuring niya itong tunay na kaibigan.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Alwyn na nakasalubong niya kaya napaatras siya bigla.
"Mukha ba akong nakakatakot?" natatawang tanong ni Alwyn na napatingin sa mga napaatras na mga paa ni Irene.
"Sorry, nagulat lang ako," paumanhin ng dalaga. Mukhang na-offend yata si Alwyn.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo," nakangiting tanong ni Alwyn.
"Hindi naman, medyo lang," sagot ni Irene at nginitian ang kaharap. Mabilis na napalinga siya sa paligid nang maalala si Kean. Wala ito kaya nagpapasalamat siya.
"A-Alwyn, nagmamadali ako," sabi niya bago na naman sila mahuli ng ama ng anak niya. Baka mamaya, masigawan na naman siya ni Kean dahil nagseselos daw ito. Napangiti siya. E? Ang cute ni Kean kapag magselos.
" Paano kaya kiligin ang mokong?" tanong ni Irene. Hindi pa niya ito nakitang kiligin. Parati na lang siyang tinataasan ng boses. O baka naman wala talagang kilig sa katawan si Kean.
"Sige--"
"Alwyn!" tawag ni Keana na papalapit sa kanila kaya napalingon ang dalawa.
"Mauna na ako, Alwyn," paalam ni Irene at dali-daling umalis.
"Bakit?" salubong ang kilay na tanong ng binata.
"Alwyn? Puwede bang magpasama sa 'yo mamayang gabi?" nakangiting sagot ng dalaga na para bang ang bait-bait nito tingnan pero hindi talaga mawala ang pagiging isip bata nito.

"Si Jerome ang yayain mo, huwag ako!" pagsisinuplado ni Alwyn at tinalikuran si Keana. Sawa na siya rito. Kung ayaw nito sa kaniya, e di huwag.
"Alwyn, sandali!" wika ni Keana at pinigilan ang binata sa kanang braso saka mabilis na pumunta sa harapan nito.
"Ikaw naman, parang hindi ka kaibigan ng mga pinsan ko. Ayaw ni Jerome kaya ikaw na lang. Isa pa, gusto ko ring makausap ka para magkakilala pa tayo," malumanay na sabi ni Keana.
Napatitig si Alwyn sa dalaga na nakatingala sa kaniya. Nakikiusap pa ang mga mata nito. Nanindig ang balahibo niya nang dumausdos ang kamay ni Keana sa braso niya.
"Siguraduhin mo lang na wala kang masamang balak na gawin sa akin dahil isinusumpa ko, malalagot ka talaga sa akin!" pagbabanta ni Alwyn. Minsan lang siyang kinakausap ni Keana. Magmula nang tinangka niyang ligawan ito, kinaiinisan na siya nito. Okay, sa unang tingin, ang cute nga nito pero nang hindi maglaon, saka niya natuklasan ang kagaspangan ng ugali nito.
"Payag ka na?" masiglang tanong ni Keana na puno ng pag-asa ang mga mata.
"Sige, basta wala kang kalokohang gagawin," pagpayag ni Alwyn.
"Yehey! Wala talaga, promise. Gusto ko lang ng iscort sa party dahil lahat ng pinsan ko ay busy. Hindi ko naman maaasahan si Kean dahil busy ang mokong sa bar niya," masayang sagot ni Keana na pumapakpak pa.
"Okay," ani Alwyn.
------------
"Irene? Saan ka kakain?" tanong ni Maura.
"Sa canteen," walang ganang sagot ni Irene.
"Mau? Kakain kami sa labas, sasama ka?" tanong ni Charlyn.
"Halina kayo, nagugutom na ako!"nakasalubong ang kilay na sabi ni Sofia at tinaasan ng kilay si Irene pero dedma lang ang dalaga. At least, hayagaan ang pagkadisgusto ni Sofia sa kaniya. An open enemy is better than a close friend who's talking about her behind her back. And with that, Maura is more dangerous than Sofia.
"Sa kanila ka na sumama, wala akong perang pambili," sabi ni Irene. Para ano pa na sasama siya kay Maura?  A real situation will always expose a fake friend.
"Wala naman siyang pera kaya bilisan na ninyo!" naiiritang sabi ni Sofia at nauna nang lumabas.
"Bilisan na raw natin sabi ni Señorita," bulong ni Isabela at mabilis na sumama kay Sofia. Ganoon din si Charlyn.
"Sure ka? Gusto ko rin kasing kumain sa labas, sawa na kasi ako sa paulit-ulit na pagkain sa canteen. Sorry talaga, friend," nag-aalalang tanong ni Maura kaya ngumiti si Irene. Kung hindi lang niya narinig ang usapan ng mga ito kanina sa powder room, masasabi niyang tunay nga niyang kaibigan si Maura dahil sa galing ng pagdrama nito.
"Sure ako. Sa isang dukhang kagaya ko, nasasarapan ako ng pagkain sa canteen," sagot ni Irene. She wants to slap Maura pero magsasayang lang siya ng oras.
"Salamat sa pag-intindi," nakangiting sabi ni Maura at mabilis na lumabas. Napabuntonghininga si Irene. Well? Good luck kay Sofia sa pakikipagplastikan ng tatlo sa kaniya. Who cares? She deserves it. Well, that's life. Mag-iingat na lang siya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya 'cause the saddest thing about betrayal is that it never comes from our enemies. It comes from someone whom we called "a friend". She didn't lose a friend, she only realized, she never had one. And Maura will never be.
Naglakad siya patungo sa canteen. Nang makarating, dumiretso siya sa counter para pumila.
May iilang nagpaparinig sa kaniya pero wala siyang makipaalam. Sa tagal na nilang ginagawa ito, she already memorized the art of dedma. As long it doesn't ruin her life, let the gossips make some noise.
Bitbit ang tray na may pagkain, naghanap siya ng mauupuan pero puno at ang canteen.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon