CHAPTER 33
Unedited...
"Kapag pinabayaan mo ang resto bar mo, babawiin ko sa 'yo at magdildil ka ng asin!" pagbabanta ni Kyler sa anak.
"Maayos na nga po, 'di ba? Okay naman ang lahat at wala na akong dinadalang babae roon," sagot ni Kean. Binisita sila ng ama para kumustahin ang grades niya. Kahapon ay binisita rin nila ni Yna ang negosyo nitong si Kean at wala pang lugi. Hindi kagaya noon, pati capital ay nadudukot nito.
"Kean?" tawag ni Hattie nang pumasok sa tambayan. Natigilan ito nang makita ang ama ng binata pero agad namang ngumiti.
"Magandang umaga po," magalang na bati ng dalaga.
"Morning, may kailangan ka kay Kean?" tanong ni Kyler at napasulyap sa anak.
"G-Gusto ko lang ho sana siyang makausap," sagot ni Hattie.
"You look familiar, have we met before?" nakakunot ang noong tanong ni Kyler na pinipilit ang sariling maalala kung saan niya nakita ang dalaga.
"Minsan na po tayong nagkasama sa isang business party ng parents kong may oil company," natutuwang sagot ni Hattie. Naalala pa siya nito? Sana lang.
"Ah, yes, ikaw iyong ang daughter ni Manuel Carbon?"
"Yes po," nakangiting sagot ni Hattie.
Seryosong nakikinig lang si Kean sa dalawa. E ano naman ngayon kung magkakilala ang parents nila?
"Ang ganda mo na lalo. Magkaibigan ba kayo ni Kean?" nagdududang tanong ni Kyler.
"Sakto lang," sabat ni Kean na kulang na lang ay itataboy niya ang ama.
"Boyfriend ko po siya," sagot ni Hattir kaya napanganga si Kean.
"Mauna na ako, marami pang pupuntahan ang mommy mo," paalam ni Kyler sa anak at tumayo na saka hinarap si Hattie, "ikaw na ang bahala sa anak ko, madalas may topak 'yan kaya pagpasensiyahan mo na."
"Hindi ko siya girlfriend," pagtatama ni Kean.
"Wala ka namang inaamin," wika ni Kyler na halatang hindi naniniwala sa anak.
"Break na nga kami!" giit ni Kean pero isinara na ng ama ang pinto kaya si Hattie ang hinarap niya.
"Bakit mo iyon sinabi?"
"Dahil boyfriend pa rin kita. Hindi ako papayag sa breakup natin," determinadong sagot ni Hattie. Ipaparamdam niya kay Kean na handa niyang tanggapin ang lahat tungkol dito. Na mas karapat-dapat siya kaysa sa ibang babae.
"Ayaw ko na sa 'yo!" napipikon na wika ni Kean.
"Hindi kita bibitawan!" giit ni Hattie.
"Ako na nga ang bibitaw, Hattie. Magkaroon ka naman nang kaunting pride sa sarili mo!" Malapit na siyang ma-ulol sa dalagang kagarap.
"Bakit ba? Dahil ba kay Irene? Dahil ba sa babaeng girlfriend ni Alwyn? Dahil lang ba may anak kayo kaya nagkakaganiyan ka na?" galit na tanong ni Hattie.
"Alam kong girfriend na siya ni Alwyn kaya huwag mo nang ipaalala!"
"Kung gayon, bakit mo pa rin ako hiwalayan? Tanggap kita at tanggap siya ni Alwyn! Ano pa ba ang problema roon?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"Ang problema, hindi na kita mahal! Ang problema, hindi ko matatanggap na may Alwyn na siya!" matapang na sagot ni Kean at sinalubong ang nagtatanong na mga mata ni Hattie.
"A-Ano ang ibig m-mong sabihin, Kean?" naiiyak na tanong ni Hattie.
"Umalis ka na bago pa kita ipagtabuyan," mahinang sagot ni Kean at tinalikuran ang dalaga para pumasok sa kuwarto niya.Nanghihinang lumabas si Hattie sa tambayan ng mga ito na hindi makapaniwala sa narinig. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit na lumaban sa relasyong siya na lang ang kumakapit.
Nakita niya si Irene na kasama ni Maura kaya dali-dali siyang nilapitan ito.
"Irene!" sigaw niya kaya tumigil ang dalawa.
"Ako ba ang tinatawag niya?" tanong ni Irene kay Maura nang makitang papalapit si Hattie at hindi maipinta ang mukha. Parang susugod ito sa giyera.
"Oo, ikaw na disgrayada!" matapang na wika ni Hattie kaya napatingin sa kanila ang mga estudyante.
"Ano ang problema mo kung disgrasyada ako?" galit na tanong ni Irene. Heto na naman sila. Palagi na lang ang pagiging disgrasyadang ina niya ang napupuna ng tao. Kung sabagay, sa sampung ginawa ng isang tao, ang isang pagkakamali lang ang nakikita ng mga ito.
"Kasi malandi ka!"
"Mas malandi ka!" pagtatanggol ni Maura sa kaibigan.
"Huwag kang makialam dito, isa ka pa!" galit na sabi ni Hattie kay Maura.
"Mkialam ako dahil kaibigan ko ang binabangga mo!" matapang na pakipagsagutan ni Maura.
"Mau, tama na. Huwag na nating patulan," saway ni Irene at hinila na palayo ang kaibigan pero agad na hinila ni Hattie ang buhok niya.
"Huwag mo akong talikuran habang kinakausap kita!" nanggigigil na sabi ni Hattie.
"Bitiwan mo ako!" ani Irene sabay tulak kay Hattie palayo sa kaniya pero dahil hila pa rin nito ang buhok niya, sabay silang natumba.
"Ayaw mong bumitiw, ha!" sigaw ni Irene at hinablot din ang buhok nito kaya nagpupukutan na sila. Ang mga lalaki ay nagtatawanan pa saka nagche-cheer sa kanila na parang nanonood lang ng dalawang gagambang nag-aaway.
"Tumigil na kayo!" dumadagundong na saway ni Alwyn kasama ang triplets pero mukhang hindi nakikinig ang dalawa dahil patuloy pa ring nagsasabunutan ang mga ito.
"Ayaw ninyong tumigil? Papatalsikin ko kayo sa paaralang ito!" pagbabanta ni Blur kaya mabilis na tumayo ang dalawa habang hinihingal.
"Siya kasi! May anak na pero malandi pa!" agad na depensa ni Hattie na hindi pa rin humuhupa ang galit. Pero aaminin niya, medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagsabunot sa babaeng rason kung bakit nasira ang relasyon nila ni Kean.
"So, kayo lang na mga walang anak ang may karapatang lumandi?" matapang na wika ni Irene. Gusto pa niyang makaganti. Gusto pa niyang kalbuhin si Hattie. Ano na naman ang rason kung bakit siya nito sinugod. At siya, malandi? Parang baliktad yata?
"Tama na! Sumusobra na kayong dalawa!" saway ni Blue. Sila na naman ang pinapalibutan ng mga estudyante.
"Ano ang nangyayari dito?" nagtatakang tanong ni Kean nang makalapit at napapikit nang makita sina Irene at Hattie. Gulo na naman.
"Kailan pa kayo titigil?" galit na tanong ni Kean pero napasulyap kay Irene na walang pasabing tinalikuran sila.
"Irene!" tawag ni Alwyn at hinabol ang dalaga.
"Haist! Pakialamero talaga!" bulong ni Kean.
"Hayaan mo na. Normal lang naman na i-comfort niya ang kasintahan niya," walang kabuhay-buhay na wika ni Black kaya siya naman ang hinarap ni Kean.
"Ikaw Black, namumuro ka na! Ang dami mo nang kasalanan sa akin!"
"Bakit?" naka-poker face na tanong ni Black.
"Pinsan ba kita?" tanong ni Kean.
"Kung puwede nga lang na hindi na," walang ganang sagot ni Black at naglakad palayo sa kanila.Wala sa sariling naglakad si Kean papunta sa classroom nila. Pagdating niya, nagle-lecture na ang guro kaya pinandilatan siya ng kakambal.
Hindi talaga siya mapakali. Kailangan niyang makausap si Irene kaya nang matapos ang klase, nauna siyang lumabas at tumungo sa classroom nina Irene.
"Kean!" nakangiting bati ni Sofia..
"Hello, Sofia!" nakangiting bati rin ng binata at hinanap ng mga mata si Irene. Nakaupo ito at kinakalikot ang cellphone.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Sofia.
"Gusto ko lang makausap si Irene," tinatamad na sagot ni Kean at nilapitan ang dalaga saka hinablot ito sa braso.
"Shit! Ano ba, Kean!" naiinis na sabi ni Irene. Busy siya sa panonood ng photos ng anak pero nagulat siya nang hablutin siya ni Kean sa braso.
"Usap tayo!" seryosong wika ni Kean at pinatayo siya.
"May gagawin pa--"
"Ayaw mo ng pangalawang eskandalo, 'di ba?"
Napabuntonghininga si Irene. Ang gulo na nga ng buhay niya, nagkakaroon pa ng literal na gulo araw-araw.
Para makaiwas sa public scandal ay tsismis, sumama na siya kay Kean. Sa rooftop siya nito dinala.
Nang isarado ng binata ang pinto, naglakad si Irene palapit sa mahabang bench at naupo.
"Irene? Bakit ba ayaw mong lumayo kay Alwyn?" napipikon na tanong ni Kean at naupo sa tabi ni Irene.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," sagot ni Irene.
"Kanina, magkasama naman kayo."
"Hindi kami magkasama! Lumapit lang siya dahil sinugod na nga ako ng girlfriend mo!" sagot ni Irene.
"Hinabol ka niya! Hinintay mo siya! Kitang-kita ko, sabay kayong naglakad palayo sa akin!" singhal ni Kean. Sarap tirisin ni Irene.
"Sabay lang naman, ano ang masama roon?"
"Nag-usap na tayo na layuan mo na siya dahil nagseselos ako!" giit ni Kean. Dalawang beses na niyang inamin at pangatlo na nga ngayon, "kailangan ba talagang kailangan kitang i-remind? Namimihasa ka na!"
"Kean, naguguluhan na ako sa 'yo! Minsan, pinaparamdam mo sa akin na may gusto ka sa akin pero minsan, inaaway mo ako," naguguluhang sabi ni Irene.
"Hindi kita gusto!" sagot ni Kean at napayuko.
Tumahimik si Irene. Ang hirap talaga kapag assumera ka. Ang sakit kapag umasa. Papakiligin tapos sasampalin ng katotohanang wala pala itong gusto sa kaniya.
"M-Mahal kita," pabulong na dagdag ni Kean habang nakatingin sa mga paa niya.
Napaharap si Irene kay Kean pero nakayuko ito habang pinapatunog ang mga daliri. Nagha-hallucinate na ba siya at may naririnig siya na kung anu-ano? Baka masyado lang siyang umasa kaya naririnig niya ang gustong sabihin ni Kean sa kaniya.
"Gusto kitang makasama. Gusto kitang makita palagi. Gusto kong nasa tabi lang kita. Gusto kong akin ka lang. Gusto kong nasa condo ko lang kayo ng anak natin. Gusto kong hindi ka na titingin sa ibang lalaki at ako na lang. Hindi ko alam kung paano at kung bakit pero kung pagmamahal na nga ito, sige, mahal na kita, Irene. Mahal na mahal," pahinang pag-amin ni Kean. Kahit mahirap bigkasin, nakakagaan naman sa pakiramdam.
"T-Totoo ba? Mahal mo ako, Kean?" nauutal na tanong ni Irene. Nanlalamig siya. Matagal na niyang gustong marinig ito mula sa binata pero ngayong narinig na niya, hindi siya makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat at gusto niyang manatili sa panaginip na ito.
"Totoo ba kapag iyon ang sinasabi ng puso ko?" balik-tanong ni Kean at umangat ng mukha saka nakipag-eye to eye kay Irene, "kung hindi nagsisinungaling ang puso ng tao, e di totoo ngang mahal kita."
Napatutop sa bibig si Irene. Hindi niya alam ang sasabihin. Naramdaman niya ang paglapad ng mainit na mga palad ni Kean sa mga palad niya at pinisil ito.
"P-Pero may Alwyn ka na. Sabihin mo sa akin kung paano kita mababawi sa kaniya, Irene?"
"K-Kean, wala naman kaming relasyon ni Alwyn," kinakabahang pag-amin ni Irene.
Si Kean naman ang tumahimik at natigilan.
"W-Wala kayong relasyon ni Alwyn?" tanong niya.
"O-Oo, wala kaming relasyon ni Alwyn," pag-amin ni Irene sabay tango.
Nabitiwan ni Kean ang mga kamay ni Irene at tumalikod sa dalaga saka kinagat ng hinlalaki niya saka napapikit. Eh? Ang lakas ng tibok ng puso niya. Para siyang nasa cloud 9.
"K-Kean? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Irene sa binatang nakatalikod sa kaniya. May nasabi ba siyang mali? Galit ba ito sa kaniya.
"Huwag kang humarap sa akin!" seryosong sagot ni Kean at diniinan ang pagkagat sa kanang hinlalaking daliri habang nakangiti. Shit! Ayaw niyang humarap kay Irene. Baka pagtawanan siya nito.
"Kean, kung galit ka, harapin mo ako!" naiinis na sabi ni Irene kaya mabilis na humarap si Kean sa kaniya na naka-poker face.
"Walang kayo ni Alwyn, 'di ba?" nakakatakot na tanong ni Kean kaya umiwas ng tingin si Irene.
"W-Wala. Hindi naman naging kami," sagot niya.
Tumikhim si Kean pero seryoso pa rin ang mukha pero napansin niyang ang pula ng magkabilang pisngi nito.
"Aalis na ako, may klase pa ako," paalam ni Irene saka tumayo pero wala pa ring reaksiyon mula kay Kean. Malapit na siya sa pintuan nnag tawagin siya ni Kean.
"Irene, wala kayong relasyon ni Alwyn, 'di ba?" seryosong tanong ulit ni Kean, "sure ka?"
"Oo, wala," sagot ni Irene at tuluyan nang lumabas.
Agad na tumayo si Kean at dumungaw sa baba at napasuntok sa hangin saka sumigaw.
"Yes! Wala raw silang relasyon! Wala! Akin lang si Irene!"
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomansaMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...