Finale

8.5K 276 43
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited...
"Irene? Ikaw na nga ang bahala kay Kean. Alam mo namang sa 'yo lang sumusunod ang lalaking 'yon!" pakiusap ni Yna. Gusto nilang magbakasyon sa Batangas pero ayaw ni Kean dahil tinatamad daw ito.
"Alam mo, Irene, pektusan mo 'yang kakambal ko at sumipag naman sa outing ng pamilya!" sabat ni Keana na inaayos ang sapatos. Aalis na naman ito. Sem break na nila kaya may two weeks silang bakasyon bago magpasukan.
"Kakausapin ko po si Kean," sagot ni Irene. Tamad lang talaga itong magmaneho kaya ayaw sumama. Gusto rin naman niyang pumunta sa Batangas para makita ang family resort nina Kean. Okay na rin naman sila ng mommy ni Kean. Kahit paano, nakakausap na niya ito. Nakakailang lang minsan dahil sobrang daldal nila. Si Keana naman, walang pakialam sa kanila. Kinakausapan lang siya kapag kinakailangan talaga. Pero wala naman itong ibang babae na gusto para kay Kean.
"Hindi pa rin ba kayo bati ni Irene?" prangkang tanong ni Yna sa anak kaya napayuko si Irene.
"Hindi naman kami nag-aaway!" pagtataray ni Keana at hinarap si Irene, "Lahat ng babae ni Kean, itinuturing kong kaaway. Pero kapag may mabalitaan akong kaagaw ka kay Kean, ako mismo ang kakalbo sa kanila!"
Sapat nang si Irene lang ang kaagaw niya sa atensiyon ng kakambal niya. Huwag lang talagang dumagdag pa dahil malilintikan ang ibang babae.
"Pero huwag lang saktan ni Irene si Kean dahil hindi na talaga niya makikita ang pamangkin ko!" wika ni Keana saka tinalikuran sila. Hindi puwedeng may may manakit kay Kean. Siya lang dapat.
"Naku, pasensiya ka na kay Keana, bruha kasi 'yon minsan!" nakalabing sabi ni Yna kaya napangiti si Irene.
"Okay lang po, naiintindihan ko naman po siya," sagot niya. Ganoon nga siguro silang kambal. Sanay na rin naman siya kay Keana lalo na sa kagaspangan ng ugali nito. Mabait naman ito minsan. Kapag mag-bake, binibigyan siya. Minsan nga, ito pa ang pumipili ng damit niya kapag mag-shopping sila ni Kean.
"Basta Irene, sumama kayo ni Kean bukas," wika ni Yna.
"Opo, kukumbinsihin ko po," sagot ni Irene.
Nakapagtataka lang, dati gusto ni Kean na sumama sila sa family outing pero ngayong nandito na, bigla na lang itong umurong.
Nagpaalam si Yba na magpahinga muna kaya lumabas siya ng bahay dahil narinig niya ang tawanan nina Kean at Ariana sa pool.
"Magandang umaga po," bati niya kay Kyler nang makasalubong at nagmano.
"Magandang umaga rin. Irene, nasaan si Yna?" tanong ni Kyler. Paunti-unti ay kinakausap na sila nito kaya nabawasan ang dalahin ni Kean.
"Nasa kuwarto raw po," sagot ni Irene.
"Sige, pakibigay na lang nito kay Ariana," sabi ni Kyler at inabot ang paperbag sa kaniya.
"Salamat po," magalang na pasalamat niya bago talikuran ni Kyler.
"Mommy!" nakangiting tawag ni Kean nang makita siyang papalapit.
"Hindi pa ba kayo giniginimaw?" tanong niya. Alas nuwebe na ng umaga. Magdadalawang oras nang naliligo ang mag-ama.
"Hindi naman. Nag-ienjoy si Princess," sagot ni Kean. Tinuturuan kasi niya itong maglangoy para masanay.
"Tama na, magbanlaw na kayo dahil baka masobrahan si Ariana," wika ni Irene kaya napilitang umahon si Kean.
Nagpunas muna sila ng tuyong tuwalya at binuhat ni Kean si Ariana papasok sa mansion.
Nang makarating sa kuwarto, si Irene na ang nagpaligo kay Ariana at pinabihisan ito.
"Mommy? Paliguan mo rin ako," nakangiting sabi ni Kean kaya pinandilatan siya ng kasintahan.

"Daddy? Sama tayo bukas sa Batangas, ha," sabi ni Irene kaya sumimangot si Kean.
"Ayaw ko," sagot ni Kean.
"Daddy naman. Lahat ng kamag-anak mo nandoon pero ikaw lang ang wala," sabi ni Irene, "Sige na, please..."
"Ayaw ko," tanggi ni Kean.
"Kung ayaw mo, kami na lang ni Arian--"
"Hindi ka sasama!" ani Kean na tumaas na ang boses.
"Bahala ka. Basta sasama ako!" giit ni Irene at nakipagsukatan ng titig kay Kean.
"Fine! Sasama tayo!" pagpayag ni Kean. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Badtrip lang.
"Panira ka ng plano!" bulong ni Kean saka pumasok na sa shower room.
Nang matapos binihisan ni Irene si Ariana, saka naman kumatok si Yna at kinuha ang apo. May ibibigay raw itong laruan.
"Saan si Ariana?" tanong ni Kean. Nakaupo si Irene sa kama at nagsusuklay ng mahabang buhok.
"Hiniram ni Mommy," sagot ni Irene. Medyo sanay na siyang maki-mommy dahil sa tuwing tita ang itawag niya, hinahampas siya ni Yna sa balikat.
Inabot ni Irene ang paperbag na ibinigay ni Kyler kanina.
Nang buksan niya, napangiti siya. Isang pares ng puting sapatos na sa tingin niya ay kasyang-kasya sa anak nila.
"Saan galing 'yan?" tanong ni Kean. Unang tingin pa lang ay sigurado na siyang mamahalin ito.
"Sa daddy mo," tugon ni Irene.
"Si Daddy pasimple lang," napailing na sabi ni Kean.
"Ayaw kasi niyang mag-asawa ako nang maaga kaya masyado lang siyang nabigla. Alam mo na, ako ang inaasahan niya sa negosyo. Akala siguro niya, titigil na ako sa pag-aaral at maging pabaya."
Napangiti si Irene. Ramdam nga niya. Pero ngayon, kinakausap na siya ng ama niya. Pasasaan ba't magiging okay rin ang lahat.
"Kean?" Nanlaki ang mga mata niya nang pagtingin niya kay Kean ay nakaluhod na ito sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya.
"A-Ano ang ginagawa mo?"
"M-Mommy? M-Mahal kita at gusto ko sanang maging legal tayo," pinapawisang sabi ni Kean at may dinukot sa bulsa.
"A-Ano ang ibig sabihin nito?" kinakabahang tanong niya nang makita ang maliit na velvet box.
"M-Mommy? Alam kong hindi ako sweet. Hindi rin kagaya ng ibang ma-effort," naiiyak na sabi ni Kean at binuksan ang maliit na box.
Napatutop sa bibig si Irene nang makita ang mamahaling singsing sa loob ng velvet box na hawak ni Kean, "M-Mommy Irene? Are you willing to spend the rest of your life with me?" naluluhang tanong ni Kean, "Will you marry me, Irene?
"K-Kean..." naluluhang sabi ni Irene.
"Mommy, will you be my wife?"
"Y-Yes!" naiiyak na natatawang sagot ni Irene. Agad na tumayo si Kean at niyakap siya.
"I love you," bulong ni Kean at hinigpitan ang yakap kay Irene, "Thanks God, akala ko, t-tatanggihan mo na ako."
Umiling si Irene, "H-Hindi kita tatanggihan. Mahal kita, Kean. Mahal na mahal," humihikbing sagot ni Irene.
Kumalas si Kean at inilagay ang singsing sa daliri ni Irene, "Mula ngayon, engaged na tayo. Magpapakasal na tayo at magiging misis na kita."
----------------------------------
Nang mag-family outing sila, ipinaalam ng dalawa na-engaged na sila at balak na nilang magpakasal. Ipinakita pa nga ni Kean sa mga pinsan ang engagement ring nila kaya marami ang natuwa sa masayang balita.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon