Got A baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 15
Unedited...
"O? Ano ang balak niyang ama ng anak mo? Kailan kayo magpapakasal?" tanong ni Jose sa anak.
"Malay ko sa kaniya. Basta ako, wala na akong balak na mag-asawa pa," sagot ni Irene habang hinuhugsan ang biberon ni Ariana.
"Ano ba 'yan! Huwag mong sabihin, nambabae siya? Aba, Irene, may anak na kayo tapos hayaan mo lang siyang maggaganiyan?" medyo tumaas na ang boses ni Jose. Sa nakikita niya kay Kean, wala pa itong balak na tumino at mahihirapan ang anak niya. Mukha pa lang, playboy na. Lalaki siya kaya alam niya ang takbo ng mga utak ng kagaya nito.
"Oo nga. Kawawa naman ang apo ko kung walang ama," sabat ni Elizabeth na kakapasok lang sa kusina at narinig ang usapan nila.
"Bahala siya. Basta ako, mag-aaral muna ako at magsumikap para kay Ariana. Ang mahalaga, tumutulong siya at sapat na sa akin iyon," sagot ni Irene. Mahirap pilitin ang ayaw lalo na si Kean. May girlfriend ito at marami ang babae kahit saan. Simple lang siya at walang laban sa mga ito kaya impossibleng pipiliin siya ni Kean. Dukha lang siya at basura kung ikumpara sa mga babae ng loko.
"Ano ba ang ipinaglalaban mo? May anak na kayo kaya subukan ninyong ayusin ang problema ninyo. Naiipit ang bata e!" sabi ng ama na pinipigilan lang ang galit.
"Magpasalamat na lang po tayo dahil nagbibigay siya. Ang iba nga riyan, kahit pambili ng isang pirasong diaper, wala," sagot ni Irene kaya namula sa galit ang ama.
"Napakabaluktot ng isip mo!" singhal ng ama, "nagpabuntis ka tapos ganiyan lang ang sasabihin mo?"
"Pa, mahirap kasi ang sitwasyon namin. Kilala si Kean sa paaralan dahil alam n'yo na, habuli talaga siya. Isa pa, hindi ko mapipilit ang tao kung ayaw. Ayaw kong magmukhang kawawa sa harapan niya. Ayaw kong gamitin ang bata para lang pakasalan niya ako," paliwanag ni Irene. Baka sabihin pa ng pamilya ni Kean, pinikot lang niya ito kaya siya pinakasalan. Hindi naman nito tinatalikuran si Ariana kaya okay lang sa kaniya.
"Bahala ka! Ang tigas ng ulo mo pero oras na magkapamilya ang lalaki na 'yon, mababalewala na kayo ni Ariana!" sabi ni Jose, "sa ngayon, okay pa 'yan dahil wala pang anak sa iba pero oras na magkaroon 'yon ng sariling pamilya, hindi na niya kayo maalala!"
"Hayaan mo na sila, bata pa naman sila," sabi ng ina ni Irene, "darating ang araw, matatauhan din sila. Kung para sila sa isa't isa, sila talaga."
"Kalokohan!" sabi ni Jose at nauna nang lumabas.
"Maiwan na namin kayo ni Ariana, magluto ka mamaya para may makain kayo," sabi ng ina kaya tumango si Irene.
Narinig niya ang pag-alis ng sasakyan ng mga magulang kaya binilisan niya ang ginagawa. Nilagyan niya ng mainit na tubig ang lahat ng gamit sa pagkain at pagdede ni Ariana.
Kinuha niya ang walis tambo at nagwalis sa sala at inayos ang nakakalat na mga gamit habang natutulog pa ang anak.
Pasado alas diyes na siya nang matapos kaya nagsalang muna siya ng sinaing at naupo sa sala para manood ng TV. Saktong nagising na ang anak.
"Nagugutom ka na, baby?" tanong niya kay Ariana na nakatayo na sa crib at humahawak sa gilid para hindi matumba.
"B-Baba!" wika nito na gusto nang bumaba.
"Diyan ka lang, ang likot mo e!" sabi niya. Kahit paano, nakakapagsalita na ang anak. Mabilis na rin itong maglakad.
"Sandali!" sabi niya nang may nag-doorbell. Tumayo siya para pagbuksan ang kung sino man sa labas.
"O? Ano ang kailangan mo?" tanong niya kay Niño.
"Itatanong ko lang sana kung dumating na ba ang bill ninyo. Sabi ng kapitbahay, dumating na raw sa kanila," tanong ni Niño at napasulyap sa makinis na legs ni Irene dahil ang iksi ng pambahay na puting shorts nito."Kahapon pa," sagot ni Irene.
"Gano'n ba?"
"Oo, may itatanong ka pa?" tanong ni Irene. Mahirap na dahil baka kung ano pa ang sasabihin ng mga tsismosa niyang kapitbahay.
"Pasensiya ka na pala sa inasal ng asawa ko," paumanhin ni Niño.
"Sanay na ako kay Lanie!" sagot niya at napasulyap sa sasakyang palapit sa kanila.
"Salamat sa pag-intindi," ani Niño.
"Wala iyon," sagot niya. Ayaw na niyang makipagsagutan pa. Humaba ang leeg niya para makita ang taong bumaba sa bagong sasakyan pero sumimangot siya nang si Kean ang bumaba. Bago na naman ang sasakyang gamit nito.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Kean na kay Niño nakatingin.
"May itinanong lang ako sa kaniya. Sino ka ba?" sagot ng lalaki.
"Tatay ng anak ni Irene, bakit? May reklamo ka ba?" maangas na sagot ni Kean at nakipagsukatan ng titig kay Niño. Tarantado rin ang kaharap niya e. Akala nito kung sino.
"Niño, umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni Lanie," sabi ni Irene para hindi na magsagutan ang dalawa.
"Salamat, Ren," sabi ni Niño at sinamaan muna ng tingin si Kean bago umalis.
"O? Ano ang kailangan mo?" tanong ni Irene kay Kean na hindi pa rin maipaliwanag ang mukha.
"Ang anak ko! Alangan naman ikaw!" pagsisinuplado ni Kean at binuksan ang backseat saka inilabas ang bagong walker ni Ariana. Combination ng kulay pink at skyblue pero mas nangingibabaw ang pink.
"Nasaan na ang parents mo?" tanong ni Kean habang buhat ang walker at pumasok sa gate. Isinara ni Irene ang gate at sumunod sa binata.
"Nagtrabaho na," sagot ni Irene at siya na ang bumukas ng pinto para rito.
"Kaya pala iniwan mo ang anak natin at nakipagharutan ka na sa labas?" tanong ni Kean at inilapag ang walker.
"Kapal mo! Kumatok lang siya sa gate kaya pinagbuksan ko!" naiinis na depensa ni Irene. Ang lakas nitong magparatang.
"Wala namang nagloloko na umaamin," sagot ng binata at nakangiting nilapitan si Arian, "good morning, princess ko!"
Tuwang-tuwa si Ariana at nagpapadyak pa saka inilahad ang kamay sa ama para magpabuhat.
"Kawawa naman ang baby ko, kinulong ka ng mommy mo?" tanong niya at binuhat ang anak, "kiss kay Daddy, dali."
Nang humalik si Ariana sa pisngi ni Kean, sobrang tuwa ng binata.
"Dito ka sumakay, may dala akong bagong walker para sa 'yo," sabi niya at inilagay si Ariana sa walker.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Ariana habang nakatitig sa mag-ama.
"Bilis mong maglakad a," puna ni Kean na ginagabayan ang anak.
"Kapag malaki ka na, sabay na tayiong gumala sa mall."
Pumunta si Irene sa kusina at naghanap sa ref ng maluluto. Saktong may kalahating kilong baboy kaya gawin niyang pochero ito.
Hinanda na niya ang hinog na saging, patatas, repolyo at iba pang ingredients sa pagluluto matapos niyang hugasan at hiwain ang karne ng baboy at pinakuluan.
Sa tuwing marinig niya ang halakhak ng dalaga sa sala, hindi niya mapigilang mapangiti.
"Ano kaya ang pumasok sa utak ng mokong at dumalaw siya?" tanong niya at inilagay ang bawang, luya at nilagyan ng kaunting asin ang kumukulong niluluto.Kumukulo pa lang din ang sinaing sa rice cooker kaya lumabas na muna siya para tingnan kung ano ang ginagawa ng dalawa dahil biglang tumahimik ang mga ito.
Naglalakad si Ariana sa sala habang nakaupo sa sahig Kean na nakasandal sa sofa na nakabantay sa anak nila. Ang pogi nito tingnan sa brown na shorts at kulay puting tshirt. Simple lang kung tutuusin ang porma nito pero magaling magdala. Isa pa, mamahalin din naman ang mga gamit nito, lahat branded. Bumagay rin ang short sides long top na buhok nito na mukhang matagal nang nagupitan kaya medyo mahaba na.
" Bawal ma-fall," paalala ni Irene sa sarili. Hindi puwede dahila alam niyang masasaktan lang siya sa huli.
Hindi siya dapat umasa sa mga paasang kagaya ni Kean. Sapat nang may anak sila.
"Luto na ba ang niluluto mo? Dito na ako kakain," tanong ni Kean habang nakatingala sa dalaga na naka-rest ang kanang kamay sa nakataas na kanang paa. Sarap picture-an.
Nabo-bother siya sa bumubukol na biceps ni Kean, sarap magpayakap. Inayos ni Irene ang sarili para hindi siya magmumukhang tanga sa harapan nito. Baka isipin ng mokong na pinagnanasaan niya ito.
"Hindi pa, mga thirty minutes pa dahil pinapakuluan ko pa ang baboy," sagot niya at nailang nang ibinaba ni Kean ang mga mata sa binti niya. Pinipigilan lang niya ang sariling tumakbo sa kuwarto para magpalit.
"Nice pair of legs," wika ni Kean at tumayo saka pumunta sa anak na malapit na sa TV stand.
"Manyak," bulong ni Irene. Ang daming pupunain, legs pa niya. Pero ang saya lang, at least napuna ng mokong ang legs niya. Nice raw.
"Dito ka lang, huwag kang lumapit dahil baka makabasag ka," sabi ni Kean sa anak at inilagay na naman ito sa gitna ng sala.
"Tulungan na kitang magluto?" tanong ni Kean nang lumapit sa kaniya. Nanliliit tuloy siya sa height niyang 5'4" dahil sa tangkad nito.
"Huwag na. Kaya ko namang magluto," sagot niya at yumuko. Napansin niya ang malinis na kuko nitong mas malinis pa yata kaysa sa kaniya. Ang laki ng mga daliri nito sa paa.
" Totoo ngang kapag malaki at malapad, malaki rin--" Pinagalitan na naman niya ang sarili. Kasalanan 'to i Kean e! Nawawala ang katinuan niya kapag nasa malapit lang ito.
"Ayaw mo? Masarap ako---" pambibitin nito at niyuko siya. Gusto sana niyang sumang-ayon do'n sa masarap kaso para siyang tanga kung magpapadala siya sa kalandian ni Kean, "masarap akong magluto, Irene. Gusto mong tikman ang luto ko?" makahulugang tanong ni Kean.
"Huwag na, saka na," sagot ni Irene at binalewala ang kakulitan nito, "bakit ka pala napadalaw rito? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"
Narinig ni Irene ang pagbuntonghininga ni Kean na para bang may problema ito.
"Napapagod na akong marinig ang kadramahan ng parents ko," sagot ng binata. Gusto sana niyang magpahinga at tumambay sa bahay pero ang lakas ng away ng mga magulang dahil bumalik na naman ang ama niya. Hindi raw nito kayang iwan ang Mommy Yna niya. Nakakasawa na rin dahil ang tatanda na nila. Wala silang magawa. Kailangan nilang intindihin ang mommy nila dahil da menopausal stage na ito. Si Keana naman ay maaga pang umalis.
"Bakit dito ka pumunta?"
"Saan ba dapat?" baliktanong ng binata.
"Sa kaibigan o kay Hattie," sagot ni Irene.
"Bago ang kasintahan, hindi ba't dapat pamilya?" seryosong tanong ni Kean kaya napatingala si Irene.
"Pero hindi naman tayo magkapamilya," pabulong na sabi niya pero narinig siya ni Kean.
"Hindi tayo kapamilya? E ano tayo? Ka--puso lang?" nakangising tanong ni Kean para asarin si Irene.
"Ayaw ko lang na magkagulo tayo oras na malaman nilang may anak ka sa akin," sagot niya. Mahihirapan sila sa mga babae nito. Okay lang sana kung maunawain ang mapapangasawa ni Kean. Wala namang problema sa side niya dahil open naman si Ariana sa pamilya ni Kean. Isa pa ang pinoproblema niya. Paano kung hindi nila matanggap si Ariana bilang pamilya?
"Ako ang bahala. Hindi ko kayo pababayaan," seryosong sagot ni Kean.
Tumahimik si Irene.
"May boyfriend ka naman kaya patas lang tayo," sabi ng binata kaya muling napatingin ang dalaga kay Kean.
"Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong niya. Wala naman siyang kasintahan.
"Deny ka pa! Pinakain ka lang ni Alwyn ng isaw, syota mo na kaagad? Bilis a!" sabi ni Kean na naniningkit ang mga mata. Hindi naman sa ayaw niya pero ang bilis lang bumigay ni Irene. Muling hinatak niya si Ariana pabalik sa gitna ng sala dahil malapit na ito sa pintuan.
"Walang kami! Mas mabilis ka! Pinainom mo lang, natuhog mo na!" nakasimangot na sabi ni Irene. Isang gabi lang, bumigay siya kaagad. Kasalanan naman niya, alam naman niyang iyon ang mangyayari kapag sumama siya kay Kean sa loob ng kuwartong iyon pero sumama pa rin siya.
"Irene?" malanding tawag ni Kean kaya napataas nag kanang kilay ng dalaga, "gusto mo ng alak?"
"Mukha mo!" singhal ni Irene at padabog na tumungo sa kusina para tapusin ang nilulutong pochero.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...