CHAPTER 36
Unedited...
"Good morning!" masiglang bati ni Kean nang lumabas si Irene sa kuwarto, "gising na si Ariana?"
"Tulog pa," sagot ni Irene.
"Coffee?" tanong ni Kean nang iniangat ang tasa na may kape.
"No, thanks. May hot choco ka?" tanong ni Irene. Hindi siya sanay sa kape.
"Oo, ipagtimpla na kita," sabi ng binata at agad na tumayo.
"Ako na," pagpigil ni Irene at pumunta sa kusina, "may pancake ka pala?" tanong niya nang makita ang pancake sa ibabaw ng mesa.
"Oo, baka nagugutom ka kaya nagluto na ako," sagot ni Kean at sinilip ito sa kusina.
"Gusto ko ng pancake," sabi ni Irene at tinikman ang ginawa ni Kean, "in fairness, masarap siya."
"Salamat naman at nagustuhan mo," masayang sabi ni Kean. Firstime niyang gumawa ng pancake at sinunod lang niya ang instruction. Akala niya, hindi magustuhan ni Irene.
Lumabas si Irene sa kusina bitbit ang hot choco at pancake. Tumabi ito kay Kean kaya umusod nang kaunti ang binata.
"Ang sarap mong magluto, sino ba ang natuturo sa 'yo?" puri ni Irene.
"Ako lang," sagot ni Kean at sumeryoso ang mukha, "kumain ka na nga. Huwag mo na akong kausapin, nagco-concentrate ako sa balita, e!"
"Sorry, hindi kasi ako masarap magtimpla ng mga niluluto ko," paumanhin ni Irene. Kahapon lang, ang sweet-sweet ng mokong tapos ngayon, ang suplado na nito. Baka ibang Kean ang nakilala niya?
"Masarap ba talaga?"
"Oo, gusto ko ang mga niluluto mo para sa amin ni Ariana, masarap," pag-amin ni Irene.
"Salamat naman at nagustuhan mo. Huwag ka na sanang tumikim ng ibang pagkain, dapat ako lang ang cook ninyo ni Ariana," sabi ni Kean.
"Oo naman. Basta huwag kang magsawang magluto para sa aming mag-ina."
Napasulyap si Irene sa binatang kinakagat ang kanang hinlalaki. Nang magtama ang mukha nila, umiwas ito ng mga mata.
Tinanggal ni Kean ang daliri at hinarap ang dalaga. "Hindi ako magsasawa, Irene. Mahal ko kayo e," anito. Kagabi, hindi siya nakatulog sa kakaisip sa dalaga. Kahit patay na nga ang ilaw, mukha pa rin ni Irene ang nakikita niya.
"M-Mahal din kita," nauutal na sagot ni Irene. Hindi pala siya nananaginip lang kagabi. Mahal nga siya ni Kean dahil inulit na naman nito ang mga salitang iyon.
Nagtataka siya nang tumayo bigla si Kean, "Titingnan ko lang ang anak natin, baka mahulog siya sa kama."
Binilisan ni Kean ang paghakbang hanggang sa nakapasok na sa kuwarto. Isinara niya ang pinto at mabilis na nahiga sa tabi ni Ariana na mahimbing pa ring natutulogm. Niyakap niya ang anak.
"Princess? Gising na, mahal din daw ako ng mama mo," bulong niya kay Ariana saka maingat na hinalikan ang mamula-mulang pisngi ng natutulog na anak.
"Shit, nagmamahalan kami," hindi makapaniwalang sabi niya at tumihaya saka nakatitig lang sa kisame. Hihimatayin siya kay Irene. Simple lang kasi na salita pero natutuwa talaga siya.
"Kean?"
Napabangon kaagad ang binata nang pumasok si Irene sa kuwarto.
"May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Irene at lumapit kay Kean na nakaupo na sa kama.
"Wala," tanggi ni Kean na nakatingala sa babaeng nasa harapan niya.
"Inaantok ka pa? Gusto mong matulog?" tanong ni Irene. Baka pagod pa ito sa gala nila kahapon tapos ang aga pa nitong nagising para magluto ng pancake."Huwag na," tanggi ni Kean, "Mas masaya kapag dilat kitang nakakausap kaysa sa panaginip lang kitang napagmasdan."
Lately, si Irene at Ariana na lang parati ang laman ng panaginip niya. Paano, bago at matapos siyang magising, ang mag-ina niya ang laman ng isip. Okay, ang OA na niya para sa isang lalaki at ang arte na niya dahil sa mga ikinikilos niya sa tuwing kaharap at kausap si Irene.
" Mas maarte pa ako sa baklang may jowa!" bulong ni Kean. Lalaki naman siya pero bakit ganito? Ang OA talaga niya. Dapat kasi, normal lang siya. Dapat ang mga babae ang kinikilig sa kaguwapuhan niya. Kapag may makaalam nito, tiyak pagtatawanan lang siya at sabihing exaggerated siya masyado.
"Ah, si Ariana, gising na yata," wika ni Irene nang dumilat ng mga mata ang anak. Paiyak na sana ito nang mapatingin sa ama kaya umurong ang mga luha.
"Da--di!" wika nito.
"Morning, Princess ko," bati ni Kean at binuhat ang anak.
"De--de!" humihikbing wika ng anak nila.
"Dedede ka na? Wait lang, magtitimpla ako," sabi ni Kean at ibinigay kay Irene ang anak saka mabilis na tumakbo patungo sa kusina para magtimpla ng gatas.
Lumabas sina Irene. Naupo sila sa mahabang sofa habang sinusuklay ang buhok ni Ariana. Mamaya na niya ito papaliguan kapag matapos nang dumede.
"Here..." wika ni Kean at ibinigay kay Ariana ang biberon, "sanayin na natin siya sa baso, Mommy."
Napatigil si Irene sa pagsuklay sa buhok ng anak. Heto na naman ang pagtawag sa kaniya ni Kean ng
Mommy.
"Bakit?" inosenteng tanong ni Kean, "tayo naman kaya okay lang na mommy ang itawag ko sa 'yo at Daddy ang itawag mo sa akin."
"T-Tayo na ba?" nuutal na tanong ni Irene. Nagpalitan lang naman sila ng "Mahal kita" kagabi.
"Mahal kita at mahal mo ako kaya tayo na. Pamilya na tayo," sagot ni Kean.
"T-Tayo na," pabulong na ulit ni Irene. Dati, iniisip lang niya kung saan hagilapin ang lalaking ama ng anak niya pero ngayon, nandito na sa harapan niya, at nagsasabing mahal siya.
"Oo, tayo na," pagkumpira ni Kean. Sila na talaga at nangangako siya sa sariling hindi na niya papakawalan pa si Irene.
Nagkailangan pa ang dalawa kaya wala nang nagsalita. Mas lalong nahihiya si Irene na kausapin si Kean ngayong sila na. Hindi kasi niya alam ang gagawin o sasabihin.
"Mommy? Daddy na lang ang itawag mo sa akin." Si Kean na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanila.
"H-Hindi ba puwedeng Kean na lang?"
"Ayaw ko. Gusto ko, daddy para alam nilang ako ang ama ng anak mo," giit ni Kean.
"Hindi ba dapat itago muna natin ang relasyon natin?" tanong ni Irene.
"Oo, pero kapag tayong dalawa lang, daddy na itawag mo sa akin, maliwanag?"
Napaisip si Irene. Medyo naaasiwa siya sa endearment nila pero nakakadala rin naman si Kean.
"O-Okay, dhie," pagpayag na lang niya.
"Salamat, mommy," nakangiting pasalamat ni Kean at iniwas ang mga mata kay Irene. Gusto niyang tumalon dahil pumayag na si Irene pero baka isipin nito, nababaliw na siya. Ang corny na niya talaga.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
Любовные романыMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...