CHAPTER 39Unedited...
"Kean? Salamat," sabi ni Irene nang pumasok sila sa tambayan.
"Wala iyon. Dapat lang talaga na ipagtanggol kita laban sa kanila. Dahil kung hindi dahil sa akin, hindi dapat nagkakaganiyan ang buhay mo," sagot ni Kean.
"M-May mali rin naman ako," sagot ni Irene. Kung hindi siya nagpahila kay Kean, e di sana, hindi nangyari ito sa kaniya. Pero nangyari na nga ang nangyari at wala na siyang magagawa pa.
"Tapos na iyon. Wala akong pinagsisisihan sa maling nangyari noon," sagot ni Kean, "ikaw? Nagsisisi ka ba na nagkaroon tayo ng isang Ariana?"
"Hindi," sagot ng dalaga sabay iling, "Sa lahat ng pagkakamali ko, si Ariana lang ang naging tama. Ang buhayin ang isang sanggol mula sa pagkakamali ay ang pinakatamang naging desisyon ko sa buhay."
Naiiyak siya. Ang hirap noon, nandiyan ang panghuhusga at ilang beses na niyang naisipang sumuko pero ngayon, proud siya sa sarili. Na kahit wala noon si Kean, nakaya niyang buhayin ang anak nila.
"At sa lahat ng katarantaduha ko, ikaw lang ang naging tama sa mga kalokohan ko," pabulong na sabi ni Kean.
Tsup!
Nanlaki ang mga mata ni Kean nang bigyan siya ng smack kiss ni Irene.
"H-Hinalikan mo ako?" wala sa sariling tanong niya.
"S-Smack lang naman," nahihiyang sagot ni Irene.
Hinapit ni Kean si Irene sa bewang at walang paalam na hinalikan sa mga labi. Biglang tumigil ang pag-inog ng mundo para sa kanila ng dalaga. Basta nakapikit siya habang ninanamnam ang malambot at matamis na mga labi ni Irene. Hindi bingi ang tainga niya. Rinig na rinig niya ang malakas na pagtibok ng puso niya.
Lab dub. Lab dub. Lab dub.
Niyakap pa niya lalo ang dalaga. Ayaw na niya itong pakawalan. Kung puwede nga lang na itali niya ito sa bewang para hindi na maagaw ng iba, gagawin niya.
Hindi naglaon, bumuka ang bibig ni Irene kaya nagkaroon ng pagkakataong makapasok ang dila ni Kean. Kaunti na lang ay mawalan na siya ng hangin sa madiin na halik ng binata.
"Kean--uh uh!" -Erika.
Mabilis na napahiwalay ang dalawa nang pumasok sina Erika at Lyn. Parehong napatulala ang kambal at palipat-lipat ang mga mata sa kanila.
Napayuko si Irene. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang mukhang ihaharap sa mga pinsan ni Kean.
"Labas na kami, pasensiya na, may manok palang nagtutukaan dito!" pagtataray ni Erika at hinila na ang kakambal saka pabagsak na isinara ang pinto.
"K-Kean..." namumula ang pisnging sambit ni Irene habang nakatingala sa binata.
"Okay lang. Hayaan mo sila," nakangiting sabi ni Kean kaya napasimangot si Irene. Siya itong mamatay sa hiya, tapos si Kean, balewala lang.
"Paano mo nakayang maging kampante samantalang ako, hiyang-hiya na?" naiinis na sumbat ni Irene.
"E, sa wala naman akong pakialam sa kanila," depensa ni Kean, "basta nag-kiss tayo." May mas mahalaga pa ba kaysa sa halikan nila ni Irene? Wala.
"Hindi ka na makakaulit!" naiinis na sabi ni Irene.
"Mommy naman!" reklamo ni Kean at hinawakan si Irene sa mga kamay, "Gutom lang 'yan. Bihis ka muna, puno pa ng kanin ang ulo mo. Halika, paliguan kita," excited na sabi ni Kean. Napangiti siya. Damn, sasabayan niya si Irene sa paliligo tapos siya ang magsha-shampoo at magsasabon sa katawan nito."A-Ano ang n-nasa isip mo?" atubiling tanong ni Irene. Ang lapad ng ngiti nito na para bang may ini-imagine na kung anong kalokohan.
"W-Wala, paliguan na kita, mommy," bulong ni Kean pero tinaasan ng kilay ni Irene.
"Marunong akong maligong mag-isa!" ani Irene at pinandilatan ito.
"Ayaw mong sabunan kita?" pilyong tanong ni Kean.
"Ikaw ang sasabunin ko, gusto mo?" Ang daming gumugulo sa isip niya pero si Kean, kung anu-ano ang iniisip.
Hinila siya ng binata papasok sa silid nito.
"Ligo na tayo, mommy?" excited na tanong ni Kean.
"Ako lang ang maliligo," walang ganang sagot ni Irene.
"Suplada mo naman, pasalamat ka--"
"Ano?" agad na sabat ni Irene.
"Mahal kita," sagot ni Kean, "I love you!" seryosong saad ng binata.
Naupo si Kean sa kama habang nakatingin sa dalaga. Kung gahasain kaya niya ito? Tutal, wala namang ibang tao rito.
"I l-love you too," naasiwang na sagot ni Irene at napasulyap kay Kean dahil hindi ito nagsasalita. Nakatingin ang mokong sa kaniya. Seryoso ang mukha nito at kinakagat ang hinlalaki ng kaliwang daliri.
Medyo na-disappoint siya. Bakit ba wala man lang dito kapag sumagot siya ng I love you too? Ne hindi man lang ngumiti ang mokong pero nakakatunaw ang mga titig nito. Iyong tinging nanghihigop ng kaniyang kaluluwa.
"Pumasok ka na sa bathroom at maligo, hanapan kita ng damit na hindi pa nasuot ni Mommy," sabi ni Kean at agad na tumayo patungo sa silid ni Keana para kumuha ng damit na hindi pa nasuot ng ina nila.
--------------------
"Okay na ba itong suot ni Ariana?" nag-aalalang tanong ni Irene. Sabado ngayon at kailangan nilang pumunta sa bahay nina Kean dahil nakiusap ang mga magulang nito.
"Oo, kahit ano naman ang suot niya, maganda siya," sagot ni Kean.
"Seryoso ako, Kean," natarantang sabi ni Irene.
"Mommy?" tawag ni Kean at hinawakan si Irene sa magkabilang balikat, "relax lang, okay?"
"K-Kinakabahan kasi ako," pag-amin ni Irene. Haharapin niya ang buong pamilya nito? Natatakot siya. Paano kung hindi siya magustuhan ng mga magulang nito? Mukhang strikto pa naman ang ama nito.
"Kaya mo 'yan. Magpakatotoo ka lang mamaya. Nandito lang ako, okay?"
"P-Pero--"
Tsup!
Nabigla siya sa smack kiss ni Kean. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at sinipat ang kaniyang mukha.
"Huwag kang matakot, nasa tabi mo lang ako," natatawang sabi ni Kean. Ang cute kasi ni Irene kapag natataranta.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomansaMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...