CHAPTER 10"Babe? Saan ka ba galing kahapon?" nakasimangot na tanong ni Hattie nan pinuntahan si Kean sa tambayan nila.
"May iniutos lang si Daddy," sagot ni Kean at napasulyap sa kakambal para ipahiwatig na manahimik ito.
"Bakit hapon ka na nang nag-reply sa akin?"
"Naiwan ko ang cellphone ko, sorry talaga, babe. Nag-reply naman ako, 'di ba?" malambing na sabi ni Kean at hinila si Hattie paupo sa tabi niya. Hindi na natuloy ang date nila dahil masyado siyang nawili sa party ng anak.
"Hmmm? Hindi ka nagsisinungaling?" tanong ng dalaga at napasulyap sa guwapong kasintahan. Matagal na niyang crush si Kean pero akala niya, hanggang pantasya lang siya rito pero hindi niya akalaing isang araw, hiningi nito ang number niya.
"Oo, tanungin mo pa si Keana," sabi ni Kean kaya tumaas ang kilay ng kakambal. Alam kasi nito na wala sa bahay ang mokong buong araw.
"Totoo ba, sis?" tanong ni Hattie na humarap kay Keana.
"Ewan ko. Basta ang alam ko, may iniutos si Daddy sa kaniya," sagot ni Keana. Iyon lang ang maitulong niya sa kapatid dahil may mga times na pinagtatakpan din siya nito.
"Okay, pinapatawad na kita, babe," nakangiting sabi ni Hattie at niyakap ang braso ni Kean.
"Salamat, babe. Kaya nga mahal kita e," pasalamat ni Kean at niyakap si Hattie pero ang totoo, gusto lang niyang maramdaman ang umbok na dibdib nito. Ang lambot e.
"Mahal din kita, babe. Basta ayaw ko nang may kahati! Alam mo na, madamot ako!" sabi ni Hattie. Lahat naman ng tao, ayaw ng may kahati sa mahal nila sa buhay.
"Wala ka namang kahati maliban sa pamilya ko," sagot ni Kean at hinalikan ito sa mga labi kaya napatalikod si Keana. Ang dugyot lang tingnan ng kakambal niya. Siya ang nasusuka!
"Sure ka?" masayang tanong ni Hattie.
"Oo naman, pamilya ko lang naman ang kalaban mo sa puso ko," sagot ni Kean. Sa isip niya, hindi naman siya nagkakasala. Totoo naman, pamilya naman niya si Ariana. Ang ina ng anak niya? Siguro pamilya naman. At least they're good friends ni Irene. Huwag lang talaga siyang ibuko ng dalaga. As of now, mukhang marunong naman tumupad sa kasunduan ang huli.
"Thank you, babe!" sabi ni Hattie at hinalikan ito sa lips bago tumayo, "may pasok pa ako, babe, alis na muna ako."
"Sure!" sagot ni Kean na nakangiti.
Pagkasara ng pinto, tumayo si Keana at binatukan ang kakambal.
"Ano ba?" reklamo ng binata.
"Sa susunod, gumawa ka na lang ng raso, huwag mo nang ipasa sa akin! Tinuturuan mo akong maging sinungaling e!" galit na sabi ni Keana.
"Haist! Ayaw naman niyang maniwala kung walang comfirmation sa 'yo kaya um-oo ka na lang!" ani Kean.
"Manloloko ka talaga! Seryoso ka na ba sa kaniya? Baka mamaya, kukuyugin ka na naman ng mga babae mo!" tanong ni Keana.
"Oo, medyo seryoso naman. Siya ang pinakamalapit sa akin sa ngayon pero malay natin? Baka maghiwalay rin kami, pero marami pa akong time para i-enjoy ang buhay," sagot ng binata.
"Bakit nagustuhan mo siya?" usisa ni Keana.
"Siya ang nagpapasaya kay Junior kaya hayaan mo na ako," nakangising sabi ni Kean kaya sinamaan siya ng tingin ng kakambal.
"Ang bastos talaga ninyong mga lalaki!" sabi ni Keana pero agad na umayos sa pagkakaupo nang pumasok si Alwyn.
"Nandito na ang mahangin!" bulong ni Keana at pinakiramdaman ang ginagawa ni Alwyn."Alwyn? Sumuko ka na ba sa panliligaw kay Keana?" nakangising tanong ni Kean kaya naging blangko ang mukha ni Alwyn.
"Hindi ko ugaling mamilit ng taong ayaw sa 'kin. Ayaw ko rin makasama ang taong walang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko dahil sa pagiging isip bata niya!" seryosong sagot ni Alwyn.
"Mas nagpapasalamat ako dahil ayaw ko ring mahalin ng lalaking mayabang, presko at higit sa lahat, sira-ulo!' sabat ni Keana. Napakaseryoso ni Alwyn na puro na lang mali ang ginagawa ni Keana sa mga mata nito.
Walang pasabing tumungo si Alwyn sa kusina para tingnan kung ano ang makakain.
"Ang hard mo rin sa manliligaw mo. Alam mong may gusto si Alwyn sa 'yo tapos ganiyan ang iasal mo," ani Kean.
"Pakialam mo? E, hindi ko nga siya gusto. Masyado siyang boring kasama!" giit ni Keana. Ang tahimik nito, ne hindi man lang marunong ngumiti at ang seryoso sa buhay.
"Kung ganiyan din kaya ang turing ni Jerome sa 'yo!" ani Kean kaya sumalubong ang kilay ng kakambal. Crush na crush nito si Jerome pero mukhang walang pag-asa sa binata dahil mukhang sa iba ito nahuhumaling. Sa kasintahan pa ng pinsan nilang si Aron, kay Julie.
"Hindi ako nanliligaw kay Jerome at hindi ako maghahabol sa kaniya. Oo, crush ko lang naman siya pero hanggang doon lang 'yon!' giit ni Keana at napatingala kay Alwyn na kakalabas lang sa kusina na salubong na ang kilay. So what kung narinig nito ang sinabi niya? Totoo naman.
"Pinsan!" nakangiting bati ni Sky na kakapasok lang kasama si Black.
"Nasaan si Blue?" tanong ni Keana.
"Sa trabaho pa," sagot ni Black na mukhang pinilit lang ang bibig para magsalita. Wala ka talagang masasagap na tsismis sa isang tanong isang sagot na binata. Ganiyan si Black. Nagiging madaldal lang kapag si Nathalie ang kausap.
"Uy, Kean, bayaran mo ang inutang mo sa akin noong isang araw, ha," paalala ni Sky sa pinsan. Kung hindi lang magkapatid ang mga ama nila, hindi niya ito pauutangin.
"Wala pang isang linggo kaya maghintay ka!" naiinis na sagot ni Kean, "para kang tatakasan!"
"Naninigurado lang. Ang tindi na nga ninyong kambal magpalibre e," depensa ni Sky.
"Alis na nga ako! May pasok pa ako," paalam ni Kean.
"Sunod na kami, may pasok na rin kami," wika rin ni Sky at sumunod kay Kean kasama sina Black at Alwyn.
"Alwyn? Hindi ka pa rin ba sinasagot ni Keana?" tanong ni Sky habang naglalakad silang apat.
"Hindi ko na itinuloy ang panliligaw," walang ganang sagot ni Alwyn. Sino ba ang may ganang manligaw e, ang tindi ng ugali ni Keana.
"Tama 'yan, maghanap ka na lang ng iba, marami pa naman diyan. Malulugi ka kay Keana," pagsang-ayon ni Sky.
Napatigil sila nang may nagkumpulan na estudyante sa daraanan nila.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni Kean dahil naririnig niya ang sigawan. Binilisan niya ang paglalakad dahil familiar ang dalawang boses na nagsasagutan.
"Tabi kayong lahat!" malakas na sigaw ni Sky kaya nagbigay ng daan ang mga estudyante nang mapalingon sa kanila.
"Bitiwan mo ako!" galit na sabi ni Hattie na basa ang pang itaas na damit habang tinutulak si Irene.
"Hindi kita bibitiwan kapag hindi ka marunong humingi ng tawad!" nanggigigil na sabi ni Irene habang ipinulupot ang buhok ni Hattie sa kanang kamay niya. Pagkamatayan na pero walang bibitaw. Nakasalubong niya ito kanina at pinatid siya kaya nang mapikon ay itinapon niya ang buko juice na hawak kay Hattie.
"Ang kapal mong hayop ka! Let me go!" naiiyak na sabi ni Hattie habang sinusuntok si Irene pero nasasalo ng dalaga ang mga kamay niya.
"Hala! Ang saya naman nila!" natatawang sabi ni Sky habang nanonood sa dalawang estudyante na nagsasabunutan.
"Tumigil na kayo!" ma awtoridad na sabi ni Kean kaya natigilan ang dalawang babae.
Napatingin si Irene sa binatang hindi na maipinta ang mukha habang nakatayo sa harapan nila habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa.
"Bitiwan mo siya, Irene!" Utos ni Kean kaya natahimik ang lahat ng nasa paligid at dumistansiya dahil sa takot.
Nakipagtitigan ang dalaga pero sa bandang huli ay sumuko na siya saka pinakawalan si Hattie.
"K-Kean!" umiiyak na sabi ni Hattie at patakbong niyakap ang kasintahan, "Kean? T-Tinapunan niya ako ng buko juice!" parang batang sumbong ni Hattie.
"Ikaw ang nauna!" giit ni Irene na naikuyom ang kamao. Subukan lang ni Kean na maniwala kay Hattie at malilintikan ito sa kaniya. Alam naman niyang wala siyang laban kay Hattie dahil walang pakialam si Kean sa kaniya pero alam niyang nasa tama talaga siya. Si Hattie ang nauna kaya gumanti lang siya.
"Ikaw! Kasalanan ko ba kung tanga ka?" singhal ni Hattie at tinaasan siya ng kilay. Kumukulo talaga ang dugo niya rito magmula nang makita niyang magkasama sila ni Kean sa canteen noong nakaraang linggo.
"Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahiya?" dumadagundong ang boses na saway ni Kean. Naramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ni Hattie kaya napabuntonghininga siya. Sa dami pa naman bang magkabanggaan, itong dalawa pa?
"S-Siya kasi e," naiiyak na sabi ni Hattie at mas lalong isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata.
Napatingin si Kean kay Irene na napanganga nang buhusan ng isang baldeng tubig ng dalawang kaibigan ni Hattie kaya pinagtawanan ito ng mga nasa paligid. Puti pa naman ang manipis na damit ni Irene kaya nakikita na hubog ng katawan nito.
"Shit!" ani Kean at tinulak si Hattie para lapitan si Irene pero bago pa man siya makalapit, may lalaki nang tumakip sa katawan ni Irene ng jacket nito.
"A-Alwyn," sambit ni Irene nang nilingon ang binata. Namumula na ang mukha niya dahil sa pagkapahiya pero nawala rin nang makita niya ang guwapo at may pagkasupladong mukha ni Alwyn.
Ngumiti si Alwyn, "Para hindi ka lamigin. Halika, may extra damit si Nathalie sa tambayan, magpalit ka dahil baka lamigin ka."
Hindi na nakatanggi si Irene nang hinawakan ni Alwyn ang kanang kamay niya para hilain patungo sa tambayan nila.
"Babe? S-Sorry kung--"
"Magpalit ka na ng damit sa locker room ninyo, nilalamig ka na!" Utos ni Kean.
"H-Hindi mo ba ako sasamahan, babe?" nakalabing tanong ni Hattie.
"Magpasama ka sa mga kaibigan mo, may pasok pa ako," walang ganang sagot ni Kean at tinalikuran ang kasintahan saka naglakad palayo.
"Hmm? Kaya ba hindi na ipinagpatuloy ni Alwyn ang panliligaw kay Keana dahil sa babaeng 'yon? Akalain mo iyon? Nginitian siya ni Alwyn?" tanong ni Sky kay Black habang nakasunod kay Kean dahil magkalapit lang ang classroom nila.
"Baka..." tipid na sagot ni Black. Napatigil ang dalawa nang huminto si Kean at hinarap sila.
"Puwede bang lumayo kayong dalawa sa akin? Kanina pa kayo daldal nang daldal e!" pagsisinuplado ni Kean at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Black? Ano ang nangyari kay Kean?" bulong ni Sky.
"Ewan," tinatamad na sagot ni Black.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...