23

4.5K 145 3
                                    


Got A Baby with School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  23

Unedited...
"Irene?" tawag ni Maura na naupo sa tabi niya. Sa tree park dumiretso ang dalaga para umiyak. Kaunti lang ang mga estudyante dahil class hour.
"Bakit ka nandito?" mahinang tanong ni Irene at tumingala sa mga ibong maya na lumilipat-lipat sa sanga ng kahoy.
"Huwag mo na silang pansinin. Ganiyan talaga ang tao, may mababait at may mapanghusga," wika ni Maura at hinawakan ang kanang kamay ni Irene.
"I know, Mau, hindi ko lang maiwasan na patulan sila. Kahit na matapang ako at sanay na, may mga times naman na napupuno rin ako at higit sa lahat, nasasaktan. Tao lang ako, may pakiramdam."
"Kaya nga hanga ako sa tapang mo e, sana lahat ng nanay, kagaya sa 'yo," nakangiting sabi ni Maura at pinisil ang kamay ng kaibigan, "let's go back na sa classroom, tama na ang pagda-drama, nandoon na si Teacher."
"Bakit mo pa kasi sinundan?" napailing na tanong ni Irene saka tumayo. Medyo gumaan na ang pakiramdam niya.
"Kasi alam kong kailangan mo ang isang dyosang kaibigan," natatawang sagot ni Maura na sumunod kay Irene.
Pagdating nila sa classroom, nasa loob na ang guro nila at nagche-check pa lang ng attendance.
"Bustamante?"
"Present, Ma'am," sagot ni Irene at dumiretso sa likuran. Napasulyap pa siya kay Sofia na nakasimangot nang dumaan siya sa gilid nito. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Kean at sumadya pa talaga ang mokong dito sa classroom nila? Hmp, bahala sila.
Matapos ang klase, hinabol siya ni Maura.
"Friend, pasyal muna tayo," yaya ni Maura.
"Ikaw na lang, uuwi pa ako," tanggi ni Irene.
"May pasok ka pa mamaya sa bar?" pabulong na tanong ni Maura para hindi marinig ng nasa paligid.
"Oo, kailangan ng panggatas e," sagot ni Irene.
"Humingi ka kasi ng suporta sa tarantado niyang ama!" nakasimangot na wika ni Maura at sinabayan ang kaibigan sa paglalakad sa hallway.
"Sumusuporta naman siya pero iba pa rin ang galing sa akin. Ayoko namang isipin niya na iniaasa ko na lang ang lahat sa kaniya," sagot ng dalaga. Si Kean pa naman ang tipo ng taong binibilang ang tulong. Kahit nga gamot ni Ariana, hati pa sila. Saka niya naalalang may utang pa pala siya kay Kean. Limang daan din 'yon.
"Responsibilidad niya kayong mag-ina. Taga saan ba siya? May trabaho naman yata siya?" curious na tanong ni Maura. Ayaw talaga ni Irene ipaalam kung sino ang ama ng anak nito. Siguro matanda na kaya nahihiya itong ipaalam sa kaniya?
"Wala pa siyang trabaho," sagot ni Irene.
"Tambay? Palalamunin? E, saan siya kumukuha ng perang iniabot sa inyo? Sa parents din niya? Gosh! O baka ninanakaw niya?"
"Hindi a," depensa ni Irene, "huwag na nga natin siyang pag-usapan, nakakasira lang ng araw," sabi niya at napasulyap kina Kean at Hattie na patungo sa parking lot. Kapal ng mukha! Siya itong napapahiya tapos si Kean, wala lang. Playing safe ang mokong. Sasabihin lang naman ng fans nito, lalaki kasi siya, guwapo at kaya naman niyang suportahan ang anak ninyo. Gano'n lang 'yon.
"Hey!" tawag ni Hattie na palapit sa kanila kaya tumigil sina Irene.
"Kumusta na ang baby mo? Balita ko, maganda raw?" tanong ni Hattie pero may pangungutya sa boses.
"Oo, maganda naman dahil mana sa ama," sagot ni Irene at napasulyap kay Kean na nagulat sa sagot niya.
"Talaga? Ang suwerte mo naman, nagpalahi ka lang pala," ani Hattie na nakaarko ang kaliwang kilay.

"Maganda ang lahi, sino ako para tumanggi?" Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Irene kay Hattie na nakangisi. Kapag malaman nitong si Kean ang ama ng anak niya, ewan lang kung magawa pa nitong ngumiti.
"Hatti, halika na," yaya ni Kean na hinihila si Hattie.
"Later, babe. Kinakausap ko pa si Irene. Ayaw mo bang mapalapit ako sa syota ng kasintahan mo?" tanong ni Hattie na ikinainis ni Kean. Alam naman kasi ng binata na malabong magkasundo ang dalawa. Isa pa, naaasiwa siyang mag-usap ang dalawa na hindi man lang alam ni Hattie ang totoong relasyon nila ni Irene.
"Mauna na kami," paalam ni Irene at tinitigan sa mga mata si Hattie, "may sasabihin ka pa ba?"
"Wala na. Congrats sa magandang anak mo. Wait, alam na ba ito ni Alwyn?"
"Kanina, hindi pa. Pero baka mamaya, alam na niya. Alam mo naman, marami ang may bunganga sa paaralang ito," sagot ni Irene. Bakit ba si Alwyn kaagad ang naisip nila? Kahit na anong paliwanag niyang gawin, hindi naman sila maniniwala na wala silang relasyon ni Alwyn. Mabait lang talaga ang binata sa kaniya.
"O, ingat. Mabuti naman at may pambili ka ng gatas?"
"Actually, paubos na ang gatas at diaper ng baby ko," sagot niya. Napansin niya ang pagkakunot ng noo ni Kean na para bang may gusto itong itanong sa kaniya. Of course, noong isang araw lang nito inihatid ang dalawang kilong gatas ng anak.
"Wala ka nang pambili? Naku, baka wala rin pera si Alwyn," kunwaring naaawa na sabi ni Hattie kaya matamis na ngumiti si Irene.
"Huwag mong alalahanin ang anak ko, magpapadala ang ama niya mamaya."
"Pumupunta ang ama niya sa bahay ninyo? Okay pa kayo? Ano ang sabi ni Alwyn?" nagulat na tanong ni Hattie, "parang ang awkward naman yata ng ganoong sitwasyon? May chance pa na magkabalikan kayo."
"Really?" natatawang tanong ni Irene, "may ibang babae na 'yon kaya impossible. Mas mainam na hindi na kami magkabalikan pa."
Gusto niyang matawa. Parang tanga si Hattie. Kasalanan din naman ni Kean, ayaw pa nitong aminin sa kasintahan na may anak na ito.
"Hattie, nagmamadali ako!" sabat ni Kean, "kung ayaw mong sumama, maiwan na kita at mag-usap kayo ni Irene!"
Tumalikod na ang binata at naiinis na lumapit sa parking area. Malapit na sila kanina pero nakita pa nila si Irene. Akala niya kung ano ang sasabihin ni Hattie sa isa at nagmamadaling lumapit ito.
"Babe! Wait lang!" Patakbong hinabol siya ni Hattie hanggang sa parking lot.
Hindi na niya pinagbuksan ito kaya napilitang buksan ni Hattie ang pinto saka sumakay sa front seat.
"Alam mo, babe, nakakatawa si Irene," sabi ni Hattie habang palabas na sila ng gate.
"Ano ang nakakatawa?" seryosong tanong ni Kean.
"Kasi ang kapal niya. Sinagot niya si Alwyn tapos may anak na pala siya? O 'di ba, ang ambisyosa niya talaga. Baka ayaw niya lang makipagbalikan sa ama ng anak dahil mas mayaman si Alwyn."
"Mahirap lang si Alwyn!" saad ni Kean at pinabilisan ang pagpatakbo. Kailan pa naging mayaman ang mokong kaysa sa kaniya?
"E bakit, mas pinili siya ni Irene kaysa sa ama ng anak niya?" giit ni Hattie kaya napahampas si Kean sa manibela at hinarap ang kasintahan.
"Ano ba ang pakialam mo sa buhay niya kung naghiwalay sila ng ama ng bata? Mind your fuckin' business!"
"Ba't ka ba galit? Huwag mo akong sigawan!" singhal ni Hattie.
"Dahil nagiging tsismosa ka na! Buhay niya 'yan kaya kung ano man ang maging desisyon nila, hayaan mo na lang!" sagot ng binata. Pasalamat nga ito, may time pa siya para sa kaniya. Paano kung ibuhos niya ang lahat kay Ariana? Imbes na magpasalamat, nangutya pa.

"Malandi naman talaga siya! Siguro, ayaw niyang ipaalam kung sino ang ama ng anak niya dahil hindi siya sigurado dahil marami ang nakatira! Kawawa naman ang anak niya, lumaki na wala ang ama sa tabi dahil sa kalandian ng--"
"Shut up!" malakas na sigaw ni Kean at napatigil sa pagmaneho sa gilid ng daan, "huwag mong idamay ang anak niya dahil walang kasalanan ang bata!"
"Kinakampihan mo ba siya, Kean?"
"Dahil mali ka! Ang dumi ng isip mo!"
"Tama lang ang sinasabi ko!" giit ni Hattie. Nagsasabi lang siya ng totoo at kahit ano ang sasabihin niya, boyfriend naman niya si Kean. Ito ang nakakaalam ng kaartehan niya sa buhay.
"Hattie? P-Puwede bang maghiwalay muna tayo?" nahihirapang sabi ni Kean kaya napanganga si Hattie.
"U-Ulitin mo ang sinabi mo, Kean!"
"Maghiwalay na tayo," ulit ng binata.
"A-Are you insane?" tanong ni Hattie. Nanlalamig siya, "n-nagbibiro ka lang, 'di ba?"
"S-Sana nga nagbibiro lang ako," malungkot na sagot ni Kean. Oo, minahal din naman niya si Hattie. Sa lahat ng nakarelasyon niya, ito ang pinakamalapit sa kaniya. Kahit na may pagkamaldita, giver din naman si Hattie. Hindi ito nanghihingi ng mamahaling gamit sa kaniya. Ito pa nga ang nagbibigay ng ilang damit sa kaniya bilang regalo o pasalubong.
"B-Bawiin mo ang sinabi mo," naiiyak na sabi ni Hattie.
"I c-can't," sagot ni Kean. Naguguluhan na siya. Niloloko na niya si Hattie at mas masaktan pa ito kapag patagalin niya ang relasyon nilang walang patutunguhan. Hindi niya kayang pagsabayin ang lahat; business, pag-aaral, anak at relasyon. Kailangang may isakripisyo niya ang isa at si Hattie iyon. She's not his top priority.
"B-Bakit? Bigyan mo ako ng isang dahilan k-kung bakit?" nanginginig ang boses na tanong ni Hattie. Ang sakit! Masyadong biglaan.
Natahimik si Kean na nakatingin sa unahan. Damn, he cant hurt her. Naaawa siya kay Hattie.
Napalunok siya ng laway bago magsalita, "Y-You don't deserve to be treated like this. Y-You deserve someone who could love you more. Someone na puwede kang seryosohin at tratuhin na parang prinsesa. Someone na kaya kang gawing ina ng mga anak niya."
Napapikit si Kean nang humagulgol sa pag-iyak ang dalaga. Gusto niya itong yakapin pero alam niyang bibigay lang siya at baka bawiin ang sinabi kapag gawin niya iyon.
"H-Hindi mo ba kayang ibigay iyon? H-Hindi mo ba ako mahal? H-Hindi pa ba sapat ang ibinigay kong pag-alaga at pagmamahal sa 'yo?" luhaang tanong ni Hattie, "s-saan ako n-nagkulang, Kean? A-Ano ang mali ko? H-Hindi ba ako maganda? H-Hindi ba ako magaling sa k-kama? A-Ayaw mo ba ng ugali ko? Handa kong baguhin ang lahat para sa 'yo. J-Just don't leave me-- h-hindi ko k-kaya..." pagmamakaawa niya at pinahidan ang mga luha.
"Wala kang mali, w-wala kang pagkukulang. Ako ang may kasalanan," sagot ni Kean na pinigilan ang umiyak.
"Ano? A-Ano ang rason? Bigyan mo ako ng mabigat na rason para p-pakawalan kita. D-Dahil kung k-kaya ko pa, h-hindi kita papakawalan. Ipaliwanag mo at iintindihin ko, b-babe!"
Mag hikbi na lang ni Hattie ang naririnig nila nang hindi sumasagot si Kean at napapahimalos ng mukha.
"A-Ano na? Tatahimik ka na lang ba? I-Iiwan mo 'ko nang walang sapat na dahilan?" Hinarap ni Hattie si Kean na mahaba ang hiningang pinakawalan.
"May anak na ako!" seryosong pag-amin ni Kean kaya natigilan si Hattie.
"M-May a-anak ka na?" ulit ng dalaga na para bang sinabugan ng bomba pero sinisikap pa rin niyang gumapang para isalba ang buhay.
"S-Sorry pero ngayong pasukan ko lang nalaman," mahinang paumanhin ni Kean, "Hattie, hindi ako karapat-dapat sa 'yo. Sana maintindihan mo."
Ang hirap palang umamin ng isang sikreto sa taong alam mong masasaktan mo siya sa kahit anong paraan pa na pagsabi.
"M-Mahal kita, p-please, joke lang 'to, 'di ba? Nasa Wow Mali tayo, 'di ba? B-Babe? May c-camera ang sasakyang ito, 'di ba?" naiiyak na sabi ni Hattie at hinalungkat ang bawat sulok ng sasakyan para hanapin ang hidden camera. Ang lalaking mahal niya, may anak sa ibang babae? What a joke. Sino ang babaeng may gusto nito? Lahat ng babae ay naghahangad na sila lang. Pero siya? This is a big joke sa buhay niya.
Naaawang nakatitig lang si Kean dito. Masakit din para sa kaniya ang lahat dahil paunti-unti ay natatanggap na niya si Hattie sa buhay niya pero wala siyang choice. May mas matimbang lang talaga sa buhay niya.
Nang mapagod ay tumigil si Hattie at ipinagpatuloy ang pag-iyak. Bakit ganito ang nangyayari? Hindi naman siya nagkulang. Ginawa niya ang lahat para maging successful ang relasyon nila at para mapasaya si Kean pero ito ba ang kapalit ng pagmamahal niya?
"K-Kilala ko ba ang babae? N-Nasa Westbridge lang ba siya?" kinakabahang tanong ni Hattie. Hindi niya kaya kapag schoolmate lang nila. Sana nasa ibang bansa lang ito o ibang school.
"S-Si..." Parang may bikig sa lalamunan ng binata at hindi niya mabigkas ang pangalan ng ina ng anak niya.
"S-Sino siya, Kean?" Nakatitig siya sa mga mata ng binata.
"S-Si Irene..." pag-amin ni Kean. Sa wakas nabigkas din niya, "ako ang ama ng anak ng babaeng hinuhusgahan ninyo kani-kanila lang..."
Kitang-kita niya kung paano nagsibagsakan ang mga luha ni Hattie bago binuksan ang pinto at mabilis na ipinara ang dumaang taxi.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon