Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
Unedited...
"Kung ganiyan ka na lang parati, maghiwalay na tayo!"
"Haist! Ano na naman ba itong nadatnan ko!" naiinis na bulong ni Kean nang papasok pa lang siya ay iyon na ang bumungad sa kaniya.
"A gano'n? Madali lang sa iyong sabihin 'yan dahil may babae ka!" nakapamewang na sabi ni Yna. Nakaupo si Kyler sa mahabang sofa at siya naman ay nakatayo sa harapan nito.
"Umalis ka nga! Nanonood ako ng TV!" napipikong sabi ni Kyler dahil nakaharang si Yna sa pinapanood niya.
"Sagutin mo ang tanong ko! Saan ka galing at bakit hindi ka nakauwi kagabi?"
"Kina Kevin nga!" sigaw ni Kyler, "Putsa, Yna! Kanina ka pa paulit-ulit a! Nakakarindi na!"
"Hindi ako titigil hanggat hindi mo aminin ang totoo! Saan ka galing?"
"Kina Kevin nga! Nasabi na sa 'yo ni Ella na nandoon ako, hindi ka pa rin naniniwala?"
"Pero hindi iyon ang unang sinabi ni Ella!"
"Paano niya malalaman na nandoon ako, e nasa kuwarto pa siya nang tumawag ka! May sakit nga siya kaya hindi siya nakababa kaagad!" Buong araw na siyang nagpapaliwanag dito pero ayaw pa rin talagang maniwala ni Yna.
"Kinuntyaba mo sila para pagtakpan ka! Huwag mo na akong lokohin!" Nanggigigil na sinipa niya si Kyler kaya napatayo ang asawa.
"Kanina ka pa, Yna! Kung ayaw mong maniwala, maghiwalay na lang tayo! Sawang-sawa na ako!"
Ganito na lang sila parati. Konting kibot lang, may babae na raw siya. Paulit-ulit lang.
"Fine! Aayusin ko lang ang mga gamit mo!" taas noong sabi ni Yna.
"Bahay ko 'to kaya ikaw ang umalis!" paalala ni Kyler.
"Tama na nga ninyo 'yan!" saway ni Kean. Badtrip na nga siya, ito pa ang madadatnan niya, "para kayong mga bata! Nasaan na ba si Keana at hinayaan lang niyang magsigawan kayo? Mahiya naman kayo sa mga katulong!"
"Yang ina mo ang pagsabihan mo!" naiinis na sabi ni Kyler saka tinalikuran ang dalawa.
"Ikaw ang pagsabihan nila dahil hanggang ngayon, babaero ka pa rin!" pahabol ni Yna sa asawang palabas na ng bahay.
"Wala akong babae!' sigaw ni Kyler.
"Sinungaling ka, Kyler!"
"Mom? Tama na ninyo, please lang!" saway ni Kean.
"Please lang? Ako pa ang pagsabihan mo? Yung ama mo ang sawayin mo!Kita mo, pupunta na naman 'yon sa babae niya!" nanginginig ang buong katawan na sabi ni Yna.
"Mommy naman! Kina Tito Kevin lang 'yon magdamag, nag-iinuman sila!" depensa ni Kean sa ama.
"Kinakampihan mo siya?" nagbabaga ang mga mata na tanong ni Yna.
"Hindi," naka-poker face na sabi ni Kean, "Dumaan ako kaninang umaga, nakatulog sa sofa si Daddy dahil nag-inuman sila kagabi kaya hindi na nakauwi."
"N-Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Tamang hinala ka rin e!" naiinis na sagot ni Kean. Ganito ang mommy niya, lahat na lang ng ginagawa ng ama nila ay binibigyan nito ng kahulugan.
"E k-kasi... Tawagan mo ang daddy mo, dali!" parang batang sabi ni Yna sa anak.
"Bahala ka!"
"Tawagan mo na kasi! Dadagdagan ko ang baon mo ngayong buwan," pangungumbinse ni Yna sa anak. Gagawin niya itong 300 araw-araw."Sure ka?" nagdududang tanong ni Kean.
"Oo!" sagot ng ina.
"Sige," sagot ni Kean at kinuha ang cellphone sa bulsa.
"Sabihin mong umalis na ako."
"Ako na ang bahala. Pumunta ka na nga lang sa kuwarto mo at magpahinga na!" naiinis na sabi ni Kean.
Nang makaalis ang ina, tinawagan niya ang ama.
"Dad? Umuwi ka na," seryosong sabi niya nang sagutin ng ama ang tawag.
"Magkano na naman dinagdag ng ina mo sa allowance mo?" bungad ni Kyler sa kabilang linya.
"Isang daan kaya umuwi ka na," sagot niya. Narinig niya ang pagbuntonghininga ng ama.
"Pagod na ako, Kean. Kayo na lang muna ang bahala sa mommy ninyo," sabi ng ama.
"Alam mo namang nagme-menopause na siya kaya intindihin mo na lang," pakiusap niya sa ama.
Hindi nagsasalita ang ama pero alam niyang nakikinig ito sa kaniya, "Kung ayaw mong umuwi, okay lang. Iinom naman daw 'yon ng Valium kaya makakatulog din 'yon mamaya."
"A-Anong Valium? Wala kaming Valium," sabi ni Kyler.
"Nagpabili siya sa akin kanina bago ako umuwi dahil pagod na raw siya sa 'yo," sagot ni Kean.
"N-Nasaan na siya?" natarantang tanong ni Kyler.
"Umakyat na sa kuwarto ninyo. Tatahan din 'yon mamaya kapag makainom na ng gamot."
"Kean? P-Pakipuntahan naman siya. P-Parang awa mo na, pabalik na 'ko. Shit! Pakiusap naman, bantayan mo mommy mo!"
"Bakit ho? May gamot naman siya kaya--"
"Puntahan mo siya! Papatayin kita kapag ano ang mangyari sa mommy mo!" sigaw ni Kyler bago tinapos ang tawag ng anak.
Umakyat si Kean at kumatok sa ina bago binuksan ang pinto.
"Maligo ka na, pauwi na ang mahal mong asawa," sabi niya sa ina kaya umaliwalas ang mukha nito.
Nang maisara niya ang pinto, napailing na lang si Kean. Kung siya siguro ang ama, magsasawa na rin siya sa ugali ng ina. Pero wala e, ang ama niya ang palaging sumusuko.
Hindi naman ganito ang mga magulang. Nag-aaway pero hindi umabot sa puntong maghiwalay. Ngayon lang dahil nagme-menopause na ang mommy nila kaya kailangan ng mahabang pasensiya ng kanilang ama. Ilang buwan lang naman daw sabi ng doctor pero baka abutin ng 4 years, depende sa babae.
Pagpasok niya sa kuwarto, agad na naghubad siya ng damit at pumasok sa shower room para maligo. Nang matapos ang ritwal, lumabas na siyang nakahubad habang pinupunasan ng tuwalya ang basang katawan.
Nang makabihis, tinawagan niya si Irene.
"Nakuwi na mga magulang mo?" tanong niya.
"Wala pa," sagot ni Irene.
"Si Ariana?"
"Tulog pa."
"Picture-an mo, gusto ko siyang makita."
"3310 cellphone ko, 'di ba?"
"Haist! Sige na, bye na!" Tinapos niya ang tawag. Wala rin palang silbi ang cellphone ni Irene.
Mayamaya pa'y nag-ring ito. Si Hattie ang tumatawag kaya sinagot niya.
-----------------------
"Uy, nanliligaw ba sa 'yo si Alwyn?" tanong ni Maura nang umupo si Irene sa tabi niya. Sila ang usap-usapan ngayon sa buong campus dahil maliban sa away nila ni Hattie, nakita pa sila ng mga estudyanteng kumakain sa labas ng isaw kahapon habang nagtatawanan."Hindi a," tanggi ni Irene, "saan mo na naman nahagilap ang balitang 'yan?"
"Alam mo naman, may tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Hindi mo man lang sinabi na may date pa pala kayo after natin sa Library."
"Wala kaming date! Nag-usap lang kami at nilibre niya ako."
"Nilibre ka niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Maura.
"O? Ba't parang gulat na gulat ka? Alangan naman ako ang lilibre sa kaniya? 'Di kaya ng budget ko," sagot ni Irene. Ang ilibre niya sa iba para magpasikat, ibili na lang niya ng diaper ng anak.
"Di ba, single mom ka? Ano na lang ang sasabihin ng tatay ng anak mo kapag may manligaw sa 'yong iba?" bulong ni Maura.
"Ano ka ba! Wala ngang kami at hindi nanliligaw si Alwyn sa akin, friends lang kami," giit ni Irene. Ginawan na naman siya ng isyu. Parang mga celebrities sina Alwyn sa campus na ito na kung sino ang makadikit sa mga ito, gagawan na naman ng isyu.
"Sabi mo 'yan ha. Basta kapag manligaw sa 'yo si Alwyn, ipaalam mo sa akin para hindi na ako magulat kapag marinig ko sa iba," sabi ni Maura.
"Oo na. Wala naman talaga at impossibleng mangyari iyon. Baka ikaw pa, may chance na manligaw sa 'yo si Alwyn," sabi ni Irene.
"Talaga? Ipakilala mo ako," excited na sabi ni Maura.
"Kung makapag-usap pa kami ulit. Alam mo naman, hindi kami close e."
"Hindi? E, nilibre ka na nga niya," ani Maura.
"Irene, pinapatawag ka sa Dean's office," sabi ni Charlyn nang makapasok kasama sina Sofia at Isabela.
"Bakit daw?" nagtatakang tanong niya. Wala naman siyang nagawang kasalanan.
"Malay ko! Baka patalsikin ka na sa Wetbridge!" pagsisinuplada ni Charlyn kaya hindi na kumibo pa si Irene at tumayo saka naglakad patungo sa Dean's office.
" Ano kaya ang kasalanan ko?" bulong niya at biglang kinabahan. Baka tungkol sa away nila ni Hattie noong isang araw. Patay talaga siya sa mga magulang kapag pinatawag siya.
Huminga muna siya nang malalim bago kumatok. Nang walang bumukas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Muntik na siyang mapatalon nang makitang naiinip na nakaupo si Kean.
"Ang tagal mong dumating!" reklamo nito.
"N-Nasaan ang dean? May nagawa ba akong kasalanan?" Mas lalo lang siyang kinabahan dahil nandito si Kean. Baka magiging witness ito sa away nila ni Hattie. Sigurado siyang siya ang ididiin nito.
"Kung sa kasalanan lang, marami!" sagot ni Kean na hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito.
"Kapal ng mukha mo! Mas makasalanan ka!" sagot ni Irene at pinandilatan ito. Kinakabahan na nga siya tapos ito pa ang sabihin ng mokong.
"Dami mong satsat!"
"Bakit ba ako pinatawag ng dean?" tanong ng dalaga dahil hindi sila matapos-tapos kapag patulan pa niya si Kean.
"Ako ang nagpatawag sa 'yo!" sagot ni Kean.
"Ikaw lang pala," wika ni Irene na nakahinga na nang maluwag. At least okay na siya, "o, ano ang ang kailangan mo at dito mo pa ako pinapunta?"
"Alangan naman sa classroom ko? Gusto mo talagang pagpiyestahan tayo, ano?" pagsisinuplado niya na may dinudukot sa bulsa.
"Kapal mo! Para ano?"
"O!" wika ni Kean at inabot sa kaniya ang iPhone 7.
"Ano 'to?"
"Ignorante lang? Malamang cellphone!" pagsisinuplado ni Kean. Nakita na nga, magtatanong pa.
"Alam kong cellphone 'to! Ano ang gagawin ko rito?" nagtatakang tanong niya. Baka mamaya, mapagkamalan pa siyang ninakaw ang hawak.
"Kainin mo ang logo ng apple kung kaya mo!" galit na sagot ni Kean na nilingon si Irene. Ang hina ng utak ng kaharap. Tumataas ang presyon ng dugo niya kay Irene.
"Hindi ka ba makausap ng matino?" Naha-highblood na siya kay Kean. Hindi na lang siya nito diretsuhin.
"Gamitin mo! Send mo sa akin picture ni Ariana kung kailangan ko! Huwag mo ring isangla kapag naghihirap ka na!" sagot ng binata.
"S-Sa akin ba talaga, 'to?" tanong ni Irene. Bago pa ito tingnan at mukhang hindi pa nabubuksan.
"Para kay Ariana!" pagtatama ni Kean. Regalo ito ng kaibigan ng mommy niya noong kaarawan niya. Marami siyang extra cellphone pero tinatamad lang siyang gamitin.
"Okay, salamat pa rin," sagot ni Irene saka tumayo na.
"Irene?" tawag ni Kean kaya humarap ang dalaga rito.
"Para sa anak natin 'yan kaya dapat ako lang ang nakakaalam ng number niyan, maliwanag?"
"Huwag kang mag-alala, pang-picture at video ko lang 'to kay Ariana," sagot ni Irene. Para ano na magpataas siya ng pride? Kasalanan naman nito kung bakit nasira ang cellphone niya kaya dapat lang na palitan ni Kean.
"Mabuti at nagkaliwanagan tayo! Kapag may makita akong ibang picture riyan, babawiin ko 'yan!"
"Paano kapag sina Mama at Papa? Ako? Bawal ba?"
"Kahit sino basta huwag lang lalaki mo!" sagot ni Kean at nauna pang lumabas sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...