Title: Got A Baby With School Heartthrob
Chapter 3"Impossible!" wika ni Kean habang naglalakad sa sala.
"Problema mo?" tanong ni Kyler sa anak.
"W-Wala," sagot niya at naupo.
"Alam mo? Kanina pa kiya napupuna, e! Ano ba ang iniisip mo? May kalokohan ka na naman, 'no?" nagdududang tanong niya sa anak na nakasimangot.
"Wala!" pagsisinuplado niya. Gusto niyang manahimik pero heto ang ama at iniinis siya, "haist! Huwag na nga ninyo akong papansinin!"
"Paano kita hindi mapapansin? E, para kang asong nireregla na palakad-lakad dito sa sala? Ano ba ang problema?"
"Wala nga po!"
"Huwag mong sabihing mag-aasawa ka na? Aba, ang bata mo pa! Ne hindi mo pa nga kayang bumili ng sarili mong sapatos!"
"Grabe ka naman sa akin, dad, hindi ako mag-aasawa. Wala pa akong girlfriend!" sagot ni Kean. Wala pa sa ngayon dahil kaka-break lang nila ng secret girlfriend niya last month dahil lilipat na ang pamilya nito sa US. Wala namang problema sa babae at mas lalong walang problema sa kaniya. At least natikman na niya ito.
"Dapat lang! Oras na malaman kong mag-aasawa ka nang maaga, bahala ka sa buhay mo! At mas lalong bahal ka kapag makabuntis ka nang maaga!" pagbabanta ni Kyler kaya natigilan si Kean.
Natumbok ng ama ang pino-problema niya at alam niyang bawal pa talaga sa kanila ang magkaanak ng maaga.
"Hubby!" tawag ni Yna habang palapit sa kanila, "I missed you!" Humalik ito sa mga labi ng asawa at mahigpit na niyakap.
"Saan ka galing, Mom?" tanong ni Kean sa ina.
"Doon kasi ako natulog kina Ann kaya na-miss ko ang ama mo," sabi ni Yna kaya napabuga sa hangin si Kyler. Akala mo naman, isang taon itong nawala.
"Pakitali na lang si Daddy sa leeg na nakakonekta sa bewang mo para hindi na kayo maghiwalay!" suhestiyon ni Kean. Bata pa lang sila, ganito na ang ina niya. Napapraning kapag hindi makita ang kanilang ama. Iyong akala mo, hindi mabubuhay kapag iiwan ng ama.
"Iniinsulto mo ba ako?" pagalit na tanong ni Yna sa anak habang nakapamewang.
"Hindi po, biro lang po 'yon," depensa ni Kean na napasulyap sa amang masama ang titig sa kaniya.
Ewan lang niya pero minsan niyang narinig na ginahasa lang ito ng kaniyang ina. Ang Mommy Yna raw talaga nita ang humahabol dito noon pero kung ang ama naman ang tatanungin, mahal naman daw talaga nito ang ina niya noon.
"Kumusta ang pagtulog mo kina Ann, hindi ba awkward?" -Kyler.
Napatingin si Kean sa ama. Nakasalubong ang mga kilay nito kaya alam niyang naiinis na ito.
"Hindi naman. Wala naman doon si Dylan kaya nga natulog ako e," sagot ni Yna na hindi na pinansin ang asawa. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin ito kapag magkita-kita sila. Si Dylan ang first boyfriend niya na asawa na ngayon ng kaniyang kapatid na si Ann. Mabait si Dylan. Minahal siya nang sobra pero hindi talaga niya kayang turuan ang pusong mahalin ito ng higit pa sa isang kaibigan.
Masaya siya para sa dalawa. Alam niyang mahal na mahal ni Dylan ang kapatid niya. Masaya na rin naman sila ni Kyler. Mali man ang naging hakbang niya noon, at least masaya na silang nagsasama ngayon kasama ang kambal nilang sina Kean at Keana.
"Magbibihis lang ako, may pasok pa pala ako mamayang ala una," paalam ni Kean. May pasok siya kanina pero um-absent siya. Nabahala siya sa puwedeng mangyari kapag magkita sila ng babaeng iyon. 50-50 pa siya. May possibility na nagsasabi ito ng totoo at meron namang hindi. Pang-blackmail lang. But he has to know the truth. What if nagsasabi ito ng totoo at dumiretso sa parents niya? E di patay siyang bata siya!
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...