CHAPTER 14Unedited...
"Sabi mo, mahal mo ako?" sumbat ni Yna.
"Mahal kita pero sumusobra ka na!" sagot ni Kyler. Kanina pa niya gustong pumasok sa opisina pero ayaw siyang payagan ni Yna dahil kabit daw niya ang bago niyang secretary.
"Ang aga naman ninyong mag-away!" reklamo ni Kean na kakababa lang ng hagdan. Si Keana ay kanina pa raw umalis dahil natutuleleng na sa mga magulang.
"Kung ganito na lang parati, ako na lang ang aalis sa bahay na ito!" sabi nu Kyler.
"Aalis ka? Para magsama kayo ng kerida mo? Matapos mo akong anakan, iiwan mo na lang ako na ganito ang kalagayan ko? Sige! Umalis ka at huwag ka nang bumalik pa!" pagtatalak ni Yna at hinampas si Kyler sa balikat.
"Tigilan mo na 'to!" saway ni Kyler at hinuli ang mga kamay ng asawa saka tinulak ito paupo sa mahabang sofa, "huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Yna!"
"Kung gusto mong umalis, umalis ka na! Sa akin ang mga bata at sustentuhan mo na lang sila!" matapang na sagot ni Yna.
"Kahit kailan, hindi ko 'yan sila pinabayaan!" singhal ni Kyler. Lupa niya 'to, siya pa ang nagpatayo ng bahay tapos siya pa ngayon ang lalayas. Great!
"Utang na loob naman! Tama na!" sigaw ni Kean nang hindi na niya kaya pang marinig ang dalawa.
Pagalit na umalis si Kyler sa bahay kaya naiwan ang mag-ina.
"Mommy naman! Hindi ka ba nagsasawa sa pag-away kay Daddy? Ang tatanda na ninyo, ngayon ka pa magseselos?"
"Wala kasi siyang kuwentang asawa! Ikaw Kean, dapat huwag kang matulad sa kaniya. Kapag magkaanak ka na, huwag mong awayin ang asawa mo at huwag mong pabayaan ang anak mo! Huwag kang gumaya sa ama mong puro kalokohan ang trabaho! Kapag sino ang nanay ng panganay mo, dapat siya na talaga! Huwag mong ipagkalat ang lahi ng mga Villafuerte!" naiinis na payo ni Yna sa anak.
"P-Paano kung aksidente lang ang pagkabuntis ko sa babaeng iyon?" tanong ni Kean.
"Huwag mong buntisin kung hindi ka sigurado!" singhal ni Yna. Isa pa 'tong anak niya, "ikaw Kean kapag makabuntis ka ng babaeng sa tabi-tabi lang, puputulan talaga kita!"
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Kean, "Mom? Puwede bang buksan ko na ang ipinasara ninyong resto bar ko?"
"Bakit na naman?"
"Mommy naman! Ang tanda ko na, wala pa akong extra income? Ang mga pinsan ko, may sariling business na! Nakakahiya naman na pati load ko, kayo pa ang bibili!"
"Kakausapin ko ang ama mo," sabi ni Yna pero biglang sumimangot, "huwag na lang pala. Hindi pa pala kami bati ng walang kuwenta mong ama!"
"Mom? Masyado kang mahigpit kay Daddy. Mahal ka naman niya kaso nakakasakal na ang pagmamahal mo. Control lang, mom. Naiintindihan naman niya na kasama 'to sa pagme-menopause mo pero maawa ka naman," pakiusap niya. Masyadong maaga ang menopausal ng ina kaya ganito ang resulto.
"Kapag makatagpo ka ng babaeng walang pakialam sa 'yo, masasabi mo rin sa sarili mong sana katulad na lang siya ng Mommy Diana mo!" pagsisinuplada ni Yna. Sinusubukan naman niya kaso nakakainis lang talaga ang mga babae sa paligid ni Kyler. Sigurado naman siyang wala itong iba kaso madaling uminit lang ang ulo niya.
"A-Alis na 'ko, mom, late na ako," paalam ni Kean at mabilis na pumunta sa garahe at ducati ang ginamit. Ang gulo ng mga magulang niya ngayon at ang gulo rin ng buhay niya. Isa pa 'tong problema kapag malaman ng ama na may anak na siya. Panigurado, papalayasin talaga siya.Pagdating niya sa paaralan, agad na sinalubong siya ni Hattie.
"Babe? Good morning!" nakangiting bati ng kasintahan at ipinulupot ang mga kamay niya at hinalikan sa mga labi.
Napangiti si Kean, kung ganito ba naman ang sasalubong sa 'yo, hindi gaganda ang umaga mo?"
"Morning, babe!" malapad ang ngiting bati rin niya at hinapit ito sa bewang. Alam niyang maraming lalaki ang naiinggit sa kaniya. Maliban sa maganda at seksi, may kaya rin ang pamilya nito kaya hindi na siya lugi. May malaking oil company sa loob at labas ng bansa ang pamilya nito kaya mas magiging matibay ang kompanya nila kapag magsanib puwersa ang pamilya nila.
"Ang saya yata ng babe ko?" tanong ni Hattie at hinaplos ang pisngi ni Kean. Ang guwapo nito lalo na ang lips, masarap halikan.
"Masyado yata kayong PDA?" naka-poker face na tanong ni Erika kaya humiwalay ang dalawa.
"Nadala lang," sagot ni Kean na napakamot sa ulo.
"Dukha ka talaga, Kean! Walang pambayad ng hotel?" nakataas ang kilay na tanong ng pinsan.
"May condo naman po ako Ate Erika," pabirong sabat ni Hattie. Ilang beses na niyang nadala si Kean doon para makapagsolo silang dalawa. Nagpapasalamat siya dahil hindi big deal kay Kean kung hindi man ito ang nakauna sa kaniya.
"Iuwi mo na 'yan si Kean, pabigat lang 'yan sa pamilya!" pagtataray ni Erika at pinandilatan ang pinsan.
"Ate Erika, huwag magpahalata na ayaw mo talaga sa akin bilang pinsan," natatawang sabi ni Kean.
"Aware ka rin pala?" mainit ang ulo ni Erika dahil sobrang nainis siya sa fiancé niya. Ang kuripot kasi ni Drei Bautista. Ewan lang niya kung ano ang pinaggagastusan ng mokong.
"Sige na po, ihahatid ko lang si Hattie sa classroom nila," sabi ni Kean at inakbayan si Hattie habang naglalakad patungo sa classroom nila.
"Aminin mo na kasi, kayo na ba ni Alwyn?"
Napakunot ang noo ni Kean nang makita si Irene na hinarangan ng isang estudyante.
"Magkano ang bayad kapag sagutin ko ang tanong mo?" pagtataray ni Irene na napipikon na.
"Ang taray mo! Lumalaki na yata ang ulo mo dahil nanliligaw sa 'yo si Alwyn!" pagsisinuplada ng isang estudyante.
"Bakit ka ba mahilig makialam sa buhay ng ibang tao?" napipikon na wika ni Irene.
"Huwag nga kayong humarang sa daan!" malakas na sabi ni Kean at sinamaan ng tingin si Irene. Kakausapin niya itong lumipat ng ibang paaralan next semester. Sinasadya talaga nitong dito sa Westbridge mag-aral para sirain ang buhay niya e.
"Alam mo, babe? Ang yabang talaga bg babaeng 'yan!" panggatol ni Hattie.
Sa sobrang inis, tumalikod na lang si Irene at lumayo sa mga ito. Siya lang ang talo kapag patulan niya ang mga ito.
"Hayaan mo siya," sabi ni Kean at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pagdating sa classroom, naghiyawan ang ibang babaeng kaklase ni Hattie at tinutukso sila.
"Tama na nga ninyo 'yan, nakakahiya na kay Babe," saway ni Hattie pero hindi maitago ang kilig.
"Guys? Babe raw o!" tukso ng isang bakla.
"Ayieeeee..." sabay-sabay na tukso ng mga kaklase.
"Alis na 'ko, babe," nakangiting paalam ni Kean at hinalikan sa kanang pisngi ang kasintahan.
"Ang suwerte mo naman, boyfriend mo na si Kean," naiingit na sabi ng isa niyang kaklase.
"Walang forever!" sabat ng kaklase nilang kakahiwalay lang sa jowa kahapon."Oo naman! Gano'n talaga kapag pretty ka!" pabirong sabi ni Hattie. Oo, masaya siya pero sa guwapong mukha ng kasintahan, alam niyang darating ang araw na may magiging kaagaw siya. Pero siyempre, hindi siya makakapayag na aagawin lang si Kean sa kaniya nang basta-basta. Lalaban siya.
-------------
"Ba't ganiyan ang mukha ninyo? Para kayong namatayan," puna ni Kean nang pagpasok niya sa tambayan ay nakaupo ang dalawa sa sofa na walang imikan.
"Walang magawa," sagot ni Jerome na hinihintay si Julie.
"Kaya inaagaw mo ang kasintahan ni Aron?" seryosong wika ni Alwyn kaya hindi nakapagsalita si Jerome.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Kean, "may gusto ka kay Julie?"
Si Julie ang first girlfriend ni Aron at masasabi nilang perpekto ang relasyon ng dalawa mula nang maging sila. Saksi sila kung paano naghirap si Aron para lang mapasagot si Julie.
"Bakit ba ninyo naisip 'yan?" natatawang tanong ni Jerome.
"Kasi totoo naman. Dumidiskarte ka kay Julie habang wala si Aron, aminin mo!" sabi ni Alwyn. Observant siya at nahahalata na niya. Ang pinakaayaw niya ay tinatalo ang syota ng barkada nila.
"Kailan ka pa natutong makialam sa buhay ng may buhay?" nakangising tanong ni Jerome at hinarap si Alwyn.
"Ayaw mo pa kasing aminin!" sabat ni Kean dahil nahahalata rin niya lalo na ang mga labis na pag-alala ni Jerome kay Julie.
"C'mon, sa ating lahat, ako lang ang walang girlfriend kaya wala naman sigurong masama, 'di ba?" ani Jerome.
"Masama dahil syota 'yon ng tropa!" giit ni Alwyn.
"Kung ako ang gusto ni Julie, wala tayong magagawa," pang-aasar ni Jerome at humarap kay Alwyn, "may syota ka lang, nagkakaganiyan ka na, Jerome?"
"Syota? Pinagsasabi mo?" pagsisinuplado ni Alwyn.
"May syota ka na?" tanong ni Jerome.
"Wala. Saan naman ako kukuha ng babae?" tanggi ni Alwyn.
"Kalat na, dude! Huwag mo nang ilihim pa, kayo na nung freshman, noh?" tukso ni Jerome.
"Sino?" nakakunot ang noong tanong ni Alwyn.
"Basta 'yong nakasama mo sa labas na kumain ng isaw. Balita ko, may date kayo kahapon sa tree park!"
Biglang tumayo at humaba ang tainga ni Kean sa narinig. Si Irene lang naman ang naalala niyang babae na kasama nitong kumain kay Manong sa isawan.
"Ah, si Irene..." wika ni Alwyn na para bang alam na kung sino ang tinutukoy ni Jerome.
"Girlfriend mo na si Irene?" salubong ang kilay na tanong ni Kean habang titig na titig ang mga mata kay Alwyn na para bang may malaki itong kasalanan sa gobyerno na kailangang patawan ng parusang kamatayan.
"Huwag na nga ninyong bigyan ng kahulugan ang pagiging magkaibigan namin ni Irene. Kawawa naman 'yong tao kung huhusgahan lang ng ibang malisyosang estudyante," sagot ni Alwyn. Ito ang pinakaayaw niya, ang maging isyu sa pakikipaglapit sa ibang babae.
Hindi naman sa pagmamayabang pero aware siyang guwapo siya. Alam niyang marami rin ang sumusubok na makipaglapit sa kaniya pero hindi lang niya ugaling makipag-usap sa kahit na sino. Siguro dahil na rin sa mga naging karanasan niya. Dagdagan pa't napalapit siya sa mga Vilalfuerte at Bautista.
"Concern ka yata sa sasabihin ng ibang tao sa kaniya? Pagmamahal na 'yan, dude!" makahulugang sabi ni Jerome habang tumatawa.
"Ano ang dapat na ikatuwa mo?" tanong ni Kean kay Jerome. Para itong tanga dahil wala talaga siyang makitang nakakatawa.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya kung magka-syota itong si Alwyn? Mahiral magtiis kay Maria Palad, Kean."
"So? Ginawa lang pala niyang kasintahan si Irene para parausan?" seryosong tanong ni Kean. He doesn't like the idea.
"Wala akong sinabing ganiyan," depensa ni Alwyn, "ano ba ang pinagsasabi ninyo? Kaibigan ko lang si Irene kaya huwag na ninyong bigyan ng ibang kahulugan ang ugnayan namin."
"Diyan nagsisimula ang lahat, sa pagkakaibigan," wika ni Jerome. Gusto lang niyang mang-asar kay Alwyn dahil napakaseryoso nito sa buhay. Sayang lang ang ka-pogi-an kung tatandang binata lang ito.
"Wala talaga, totoo," napipikon na sabi ni Alwyn.
"Huwag ka ngang magsinungaling!" singhal ni Kean na kulang na lang ay tirisin niya ang kaharap.
"Ba't ka galit?" nakataas ang kilay na tanong ni Alwyn. Ang lakas makasigaw ni Kean e.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Jerome, "ba't ka galit, Kean?"
Natigilan si Kean pero mabilis namang nakabawi, "Nanliligaw ka sa kakambal ko tapos may iba ka naman palang pino-pormahan? Ano 'to, Alwyn, lokohan?"
"Matagal na akong tumigil sa panliligaw sa kapatid mo," ani Alwyn.
"Mabuti naman para wala tayong problema," tugon ni Kean at lumabas sa tambayan bago pa sila magkasagutan ni Alwyn.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...