CHAPTER 28Unedited...
Naging okay naman ang dalawang araw na pagtira ng mag-ina sa condo ni Kean. Sa katunayan, mas nakapagpahinga pa nga si Irene dahil si Kean ang nagbabantay kay Ariana.
"Friend!" tili ni Maura nang papasok na siya.
"Hi," bati ni Irene sa kaibigan.
"Kumusta ang weekends?" tanong ni Maura.
"Okay lang, ikaw?"
"Okay lang naman. Umuwi kami sa province tapos nangabayo sa hacienda," masayang sagot ni Maura. Dalawang buwan na rin namang hindi siya nakauwi kaya sobrang nag-enjoy talaga siya.
"Talaga? Marunong kang mangabayo?" manghang tanong ni Irene. Siyempre gusto rin niyang makasakay sa kabayo kahit paano. Lahat naman yata ng dalagang kagaya niya, gustong ma-experience ang ganoon.
"Yes, bata pa lang ako, tinuruan na ako ng dad ko. Gusto mo, punta ka sa hacienda namin kapag may time ka?" tanong ni Maura at ipinulupot ang kamay sa kaliwang braso ni Irene.
"Sige, kung may time," masayang sagot ni Irene. Siguro ang yaman talaga ni Maura. Halata naman sa mga gamit at kilos e. May pagkakikay rin ito.
"Sure. Ipapasyal kita sa amin. Sigurado akong matutuwa ka sa place namin," pagmamalaki ni Maura.
Napansin ni Irene na lahat ng estudyanteng nadadaanan nila, napapatingin sa kaniya.
"Anong meron?" nagkakunot ang noong tanong ni Maura, "bakit pinagtitinginan tayo ng mga estudyante?"
"Hindi ko alam," pabulong na sagot ni Irene.
"Siya ba 'yan?" tanong ng babaeng nadaanan nila.
"Oo, siya talaga 'yon. Grabe!" sagot ng isa.
"Mau? Tayo ba ang tinutukoy nila?" tanong ni Irene sa kaibigan dahil mukhang sila nga talaga.
"Hindi ko alam," sagot ni Maura na nakakunot ang noo, "hayaan mo sila! Mga inggitera kasi maganda tayo!"
Ngumiti si Irene. Kung may isa siyang kaibigan na karamay, si Maura iyon. Kahit na mayaman ito, hindi ito nahihiyang makasama siya.
"Paano siya pinatulan ni Alwyn kung ganiyang klaseng babae siya? Ganiyan na ba kababa ang standard ni Alwyn? Okay lang ba sa kaniya na iba't ibang lalaki ang tumitira sa kaniya?"
Napatigil si Irene. Sa pangalan pa lang ni Alwyn, alam na niyang siya nga ang tinutukoy ng mga ito. Babalikan na sana niya ang narinig pero pinigilan siya ni Maura.
"Wala kang mapapala sa mga taong panghuhusga sa kapwa ang alam," saad ni Maura, "mag-aral na lang tayo, may matutunan pa tayong kaalaman."
"Pero sumusobra na sila!" mahina pero puno ng galit na sagot ni Irene. Kahit kalamnan niya, nanginginig na rin sa galit.
"Huwag mo nang patulan, ikaw lang ang talo riyan," wika ni Maura at hinila na ang kaibigan nang makitang makakasalubong nila si Hattie.
Wala sa mood si Irene na makabanggaan si Hattie kaya binilisan niya ang paglalakad para lagpasan ito nang magtapat sila, saka naman hinatak ni Hattie ang braso ni Irene pabalik at hinarangan ito.
"Hindi ko alam kung ba't sa dinami-dami ng babae, ikaw pa! Sa dami ng lalaki, siya pa!" galit na sabi ni Hattie na ang tinutukoy niya ay si Kean.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" tinatamad na sagot ni Irene.
"Hindi mo alam? O nagmamaang-maangan ka lang?" taas noong sagot ni Hattie at diniinan ang pagkahawak sa braso ni Irene.
"Bitiwan mo ako!" ani Irene at hinila ang braso saka matapang na sinalubong ang mga mata ni Hattie."Huwag mong pakialaman ang buhay ko kung ayaw mong galawin ko ang sa 'yo!" pagbabanta ni Irene. Oo nga't siya ang girlfriend ni Kean pero labas na siya roon. Para ano pa't makialam siya? May sariling buhay siya at meron din si Kean kaya nirerespeto niya iyon.
"Tinatakot mo ba ako?" taas noong tanong ni Hattie.
"Oo! Dahil wala naman akong pakialam sa buhay ninyo pero ang buhay ko ang pinapasok ninyo!" matapang na sagot ni Irene.
"Disgrasyada!" singhal ni Hattie, "hindi ka na nahiya? Nagpabuntis ka sa taong hindi naman kayo kasal? Nasaan ang pagiging edukada mo? Do you think, maganda kang ehemplo sa mga estudyante rito? Isa kang malaking tinik sa daan ng Westbrinians!"
"Oo, dalagang ina ako! Pero kung huhusgahan ninyo ako dahil lang sa hindi kami kasal ng ama ng anak ko, sa tingin mo, ako nga ba ang tinik sa paaralang ito? o kayong mga may pinag-aralan na ginagamit ang natutunan para husgahan ang pagkatao ko?" balik-tanong ni Irene.
"Bakit?" sabat ng isang estudyanteng may mahabang buhok. Okay, maganda ito at sopistikada pero kilay pa lang, mataray na, "ano ang gusto mong gawin namin? Hangaan ang pagiging disgrasyada mo? Iyon ba ang gusto mong ipakita sa amin ngayon? Na okay lang na walang ama ang magiging anak namin? Oh, c'mon, ito na ba ang mundo? Makisunod sa uso?" Virgin pa siya kaya may karapatan siyang makisawsaw sa isyu. Kahit maganda at manliligaw, pero wala pang naging kasintahan. Hindi lang siya sang-ayon sa premarital sex.
"Tama na!" singhal ni Maura sa mga nasa paligid, "walang ginagawa ang kaibigan ko sa inyo kaya tigilan na ninyo siya!"
"Walang ginawa pero may ipinakita!" sabat ng isang estudyante.
"Mind your own business!" sagot ni Maura at nakopagtagisan sa mga ito.
"Halika na," sabi ni Irene at hinila ang kaibigan palayo.
"Pasensiya ka na, Mau, nadamay ka pa," paumanhin ni Irene.
"Wala iyon, basta ikaw," nakangiting sagot ng kaibigan at pumasok na sila sa classroom. Saktong dumating ang guro nila kaya hindi na sila nakapag-usap pa.
Habang nasa klase, may mga kaklase siyang napapasulyap sa kaniya kaya hinayaan na lang ni Irene. Alam niyang may kakaibang nangyayari sa paligid na hindi niya alam.
Pagkatapos ng klase, agad na tumayo si Irene pero nang mapadaan siya kay Sofia, nasagi siya nito kaya nahulog ang bitbit nitong mga libro. Sakto kasing palabas na ito sa row nang dumaan siya.
"Sorry," paumanhin niya at tinulungan itong pulutin ang mga aklat.
"Kaya ko na! Hindi ko kailangan ang tulong mo!" galit na sabi ni Sofia at tinulak siya kaya naiinis na tumayo si Irene.
"Ikaw na nga ang tinutulungan ko!" ani Irene, "na ikaw ang sumagi sa akin! Para kang bulag! Alam mo namang dadaan na ako, lalabas ka pa!"
"Umalis ka sa harapan ko, bago pa kita masampal!" pagtataboy ni Sofia na nanginginig ang boses dahil sa galit kaya tinalikuran na siya ni Irene at diretso sa pinto para lumabas.
Lahat ng estudyante, siya na naman ang tinitingnan. Sanay na siya pero parang may kakaiba talaga ngayon.
"Hey, Miss stripper, how much is your price?" nakangising tanong ng lalaking humarang sa kaniya.
"Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Irene.
"C'mon, babe, pakipot pa? Magkano ka?" tanong nito na ayaw siyang padaanin.
"Umalis ka sa tabi ko!" singhal niya at tinulak ito saka mabilis na naglakad nang makalusot na siya.
Saka niya napansin ang mga nakapaskil sa wall na madadaanan niya. Ang ibang estudyante ay nakatingin dito at kinikilala kung sino ang nasa litrato.Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang tinitingnan nila.
"Tumabi kayo!" sigaw niya kaya napalayo ang mga estudyante.
Nanggigigil na tinatanggal niya ang nakadikit na xerox copy ng litrato niya habang may bitbit na tray na may beer at nakangiti sa mga parokyanong nasa bar at may caption na, "The Single Mom Stripper".
Naiiyak na pinagpatuloy niya ang pagkuha sa mga nakadikit dahil ang dami. Kaya pala panlalait ang mga tingin nila dahil dito.
"Tulungan na kita," sabi ni Maura at tinatanggal din ang ibang poster.
"A-Ang sama nila!" umiiyak na sabi ni Irene habang pinupunit ang hawak na poster, "ang sama, s-sama nila!"
"Hindi na nahiya! Pinapakain ang anak mula sa pagpapatira sa kahit sino?"
"Oo nga! Kaya afford mag-aral dito dahil gabi-gabi, may libong perang income!"
"Pumapatol pala si Alwyn sa babaeng bayaran!"
"Sinabi n'yo pa! Nadala yata sa performance."
"Sa dami pa namang experience niyan!" natatawang sabat ng bakla.
Sabay-sabay silang kumanta ng "Magdalena".
"Tama naaaaa!" naiiyak na sigaw ni Irene at hinarap ang mga ito saka pinagtatapon ang nilukot na papel.
"Wala kayong pakialam sa buhay ko! K-Kung nagtatrabaho ako sa bar, hindi ninyo alam kung bakit ko ginawa iyon! W-Wala kayo sa kalagayan ko kaya b-bakit ninyo ako huhusgahan na parang bang n-nakapatay ako ng tao?" galit na sabi niya at pinahidan ang mga luha. Ilang beses niyang sinusubukang bumangon mula sa pagkakalugmok sa putik pero kahit anong gawin niya, may mga umaapak pa rin sa kaniya lalo na sa pagkatao niya.
"Hindi ka na ba nahiya? Na ang pinapakain mo sa anak mo--"
"Marangal na trabaho ang pagiging waitress sa bar! Kahit kailan, h-hindi ko ikinakahiya na g-ganoon ang trabaho ko dahil w-wala akong inaapakang tao!" depensa ni Irene na naikuyom ang kamao sa sobrang galit.
"Pero nagkukunwari ka lang para makuha ang mga lalaking gusto mo!" sabi ng babaeng estudyante at pinulot ang papel na para ibato kay Irene pero may kamay na pumigil sa kanang kamay niya.
"Ibato mo 'yan sa kaniya at sisiguraduhin kong mauna pang mawala ang buhay mo kaysa sa paglubog ng araw!" nanginginig ang boses na pagbabanta ni Kean saka malakas na itinulak ito sa basurahan.
Nagsihakbang paatras ang mga estudyante dahil sa nakikitang galit sa mga mata ng binata habang palapit kay Irene.
"Kean? Bakit mo siya kinakampihan?" matapang na tanong ng isang estudyante kaya hinarap si Kean.
"Bakit hindi?" balik-tanong ng binata na nagtagis ang bagang at isa-isang hinarap ang mga nasa palibot, "lahat kayo, kunin ninyo ang nakapaskil na poster sa wall dahil kung hindi, lahat ng nandito malalagot sa akin!"
"Pati ba naman ikaw, nabiktima na rin ng paawa effect ng babaeng 'yan? Huwag mong sabihing ipagpalit mo rin si Hattie para lang sa isang kagaya niya?" tanong ng isang lalaki na suyang-suya kay Kean, "kung ako ikaw, Kean, layuan mo na siya! Sapat ng si Alwyn lang ang makakatira sa kaniya sa inyong magbarkada!"
Tumawa ang nasa paligid pero napasinghap sila nang mabilis na binalibag ito ni Kean at sinakal sa leeg.
"Ang problema, hindi ako ikaw!" nagbabaga ang mga matang sabi ni Kean at idiniin ang nanginginig kamay sa leeg nito.
"H-Hindi a-ako m-makahinga..." nahihirapang sabi ng binata at sinusubukang tanggalin ang kamay ni Kean pero mukhang wala itonv balak na pakawalan siya. Sa halip, dalawang kamay na nito ang sumasakal sa leeg niya.
"Ulitin mo ang sinabi mo, at ulo mo na ang wawasakin ko!" nanggigigil na pagbabanta ni Kean na hinahabol ang hininga. Ang init ng katawan at pakiramdam niya dahil sa galit. Para siyang bomba na pasabog na.
"K-Kean... t-tama na," kinakabahang pagpigil ni Irene sa binata at hinihila ang braso nito pero mas lalong hinigpitan ang pagkasakal sa leeg ng lalaki. Nataranta na si Irene nang makitang nangingitim na ang mga labi ng schoolmate at nahulog ang kamay na nakahawak sa kamay ni Kean.
"Tama na, dude!" saway ni Alwyn at hinila si Kean palayo sa sinasakal kaya nabitiwan nito ang lalaking wala nang malay.
Agad na sumaklolo ang napatulalang kaibigan ng lalaki at dinala ito sa clinic.
"Okay ka lang, Irene?" nag-aalalang tanong ni Alwyn kay Irene na humihikbi dahil sa takot. Nakapatay ba si Kean dahil sa kaniya?
"P-Patay na ba siya?" luhaang na tanong ng dalaga.
"Humihinga pa siya, nawalan lang ng malay," sagot ni Alwyn at pinahidan ang mga luha ni Irene. Awang-awa siya sa dalaga. Kailangan ba talagang ganito ang panghuhusgang maranasan niya?
"Gago! Muntik ka nang makapatay, 'insan!" sabi ni Sky at tinapik ang balikat ni Kean na nakatitig lang kina Irene at Alwyn.
Nakatingin lang sa kanila ang mga estudyante at napanganga sa nangyari. Parang hindi si Kean ang nakita nila kanina.
Sa halip na makipagtalo, tinalikuran sila ni Kean at walang imik na iniwan sila.
Napailing si Black habang pinulot ang isang poster at tiningnan ang nasa litrato.
"Lahat kayo," sabi ni Blue kaya nakinig sa kaniya ang mga nasa paligid.
"Linisin ninyo ang kalat sa paligid ng paaralan namin dahil kung hindi, ako mismo ang pagki-kickout sa inyo rito Westbridge! Hindi namin kailangan ng mga estudyanteng mapanghusga dahil lang single parent ang isang tao! Kung sino man ang may kagagawan nito, sisiguraduhin kong haharapin niya ang nararapat na parusa!" pagbabanta ni Blue kaya tumalima ang mga ito at mabilis na pinulot at tinanggal ang mga poster. Alam nilanh seryoso si Blue dahil isa rin itong single dad.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...