Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 49
Unedited...
"Ariana? Come here," tawag ni Irene sa anak na nasa pintuan na. Napalingon si Kean sa kanila.
"Ang kulit mo na," natatawang sabi ni Irene at nilapitan ang anak saka binuhat.
"Waaah.. D-Da--di! Ayaw!" naluluhang sabi ni Ariana habang nagpupumiglas sa ina.
"Hindi ka nga puwedeng lumabas, baby," wika ni Irene.
"Da-di!" pagmamakaawa ni Ariana habang nanlulumong nakatingin sa ama.
"Baby? Dito ka lang sa sala. Bawal kang lumabas," saway ni Irene.
"Dadi!" muling tawag ni Ariana habang kumakampay ang mga paa, "La--bas."
"Baby, nagluluto pa si Daddy, later na lang, okay?" malumanay na pakiusap ni Irene kaya tumahimik na si Ariana nang mapansing hindi siya tutulungan ng ama.
Dinala ni Irene si Ariana sa sala at nakipaglaro dito ng barbie doll.
Napabuntonghininga si Kean habang panaka-nakang napapasulyap sa mag-ina niya. Malungkot na ipinagpatuloy niya ang ginagawang pagluluto. Mahal niya ang mag-ina niya pero natatakot siya na baka anumang oras, iiwan siya ni Irene para kay Angelo. Kitang-kita niya kung paano nito nag-alala sa binata at kung paano hindi nakakilos nang halikan ni Angelo. Ang sakit nu'n para sa kaniya. Para siyang tinapak-tapakan pagkatapos ihian sa ulo. Sa harap pa talaga niya.
Tumunog ang cellphone ni Irene sa ibabaw ng mesa kaya napasulyap siya. Napahigpit ang hawak niya sa kutsilyo nang makita kung sino ang caller.
"Wait, baby," sabi ni Ariana saka tumayo para tingnan ang tumatawag.
Ilang segundong tinitigan ni Irene ang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi? Napasulyap siya kay Kean na naka-concentrate sa paghiwa ng ampalaya.
"H-Hello, Kuya?" sabi niya at naupo sa silya habang nakatingin kay Kean.
Hinugasan ni Kean ang kamay at pinuntahan si Ariana na kinakagat ang buhok ng barbie na nilalaro.
"Baby? Huwag 'yan. Hindi naman 'yan pagkain," saway ni Kean saka binuhat ang anak na umiyak nang agawin niya ang nilalaro nito.
"See? Nakain mo na ang buhok ni Barbie," nakangiting sabi niya saka kinuha ang nasa bibig, "Say aaah!"
Bumuka naman ang bibig ni Ariana habang ang mga mata ay nasa kaniya. Wala nang buhok.
"Akin na si Baby," sabi ni Irene na agad nagpaalam kay Angelo.
"Sige lang, ako na," tanggi ni Kean, "Puwede bang pakihugas na lang ng amplaya?"
"Sige," sagot ni Irene saka tumungo sa kusina at hinugasan ang ampalaya. Request niya ito kay Kean. Lagyan niya ng kamatis at itlog. Ang sarap kasing magluto ni Kean, hindi masyadong mapait kaya napaparami ang kain niya.
"Okay na? Hawakan mo si Baby, lulutuin ko lang 'yan," sabi ni Kean at ibinigay sa kaniya ang bata.
Bumalik si Irene sa sala at inilapag si Ariana sa crib.
"Dumede ka at mag-sleep na," sabi ng dalaga sa anak na kinuha ang biberon saka nahiga sa unan.
Bumalik si Irene kay Kean at niyakap ito mula sa likuran.
"Salamat sa pagluto ng mga paborito ko," wika ni Irene at inamoy si Kean.
"Basta ikaw, sisilbihan kita habambuhay," sagot ni Kean at humarap sa kasintahan, "Huwag mo lang akong iwan, mommy."
"D-Daddy? Hindi naman kita iiwan. Mahal kita," sabi ni Irene.
"Mahal din kita," sagot ni Kean pero bakit parang may bigat sa dibdib niya? Iyong sigurado naman niya sa sarili niyang mahal niya si Irene pero naroon na ang pagdududa.------------------------
Kakarating lang nila sa condo. Wala si Ariana dahil hiniram nina Yna at Keana.
"Mommy? Puwede ba tayong mamalengke mamaya?" tanong ni Kean. Alas singko pa lang naman at may malapit na grocery store sa condo nila.
"Sige. Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Irene nang mailapag ang shoulder bag sa sofa.
"Hindi naman. Gusto kong mamasyal din kasama ka. Minsan lang kasi kitang masolo," sagot ni Kean. Ilang araw na silang hindi nagsama sa pamamalengke dahil naging busy sa paaralan at malapit na rin ang final exam nila.
"Sige, bihis lang ako," nakangiting pagsang-ayon ni Irene. Na-miss na niya ang pamamalengke nila ni Kean. Pumasok siya sa kuwarto at si Kean ay sa kabilang silid dahil nandoon ang mga gamit nito.
Matapos niyang magpalit ng damit at maglagay ng kaunting pulbo, lumabas na siya. Sakto namang kakalabas lang din ni Kean sa kuwarto.
"Mommy? Ang ganda mo," puri ni Kean. Ang sexy ni Irene sa suot na jumpsuit na may mahabang manggas.
"Ikaw rin naman, ang guwapo mo," puri ni Irene sa binata. Ang presko nito tingnan sa suot na maong shorts at white tshirt at puting tsinelas ng Ipanema. Simple lang pero agaw-pansin ang kaguwapuhan.
"Let's go?" tanong ni Kean at inakbayan siya.
"O-Okay," ani Irene saka lumabas na sila sa unit.
Sampung minuto lang ang layo kaya nagmotor na lang ang dalawa. Pagdating sa mall, nag-ikot-ikot muna ang dalawa.
"Magkano ho ang singsing na 'yan?" tanong ni Kean sa saleslady nang pumasok sila sa isang jewelry shop.
"Fifty five thousand po ang isa," sagot ng babaeng manghang nakatitig kay Kean.
"Gusto mo, mommy?" malambing na tanong ni Kean.
"H-Huwag na. Saka na lang," sagot ni Irene. Malaking halaga na sa kaniya ang 50k. Isa pa, baka mawala lang niya.
"Sure ka?" tanong ni Kean. Tumango si Irene kaya hindi na siya nagpumilit pa. Puwede niyang magamit ang credit account dahil okay na rin sa parents niya.
"Halika, lipat tayo," yaya ni Kean na nakaakbay pa rin sa dalaga. Sa ilang araw na nakalipas, humupa na ang poot na nararamdaman niya.
"Sir? Ano ho ang gusto ninyo?" nakangiting tanong ng saleslady na nang-aakit pa na nakatingin kay Kean.
"Itong asawa ko lang," pabirong sagot ng binata at mabilis na hinalikan sa pisngi si Irene.
"Ang sweet naman po ninyo," naiilang na wika ng saleslady kaya palihim na napangiti si Irene. Ang lakas nitong mang-akit kay Kean kanina e.
"Mommy? Kain muna tayo tapos bibili tayo ng pagkain bago umuwi," yaya ni Kean at hinila ang dalaga sa mamahaling seafoods restaurant.
Habang kumakain, kung anu-ano ang pinag-uusapan nila ni Kean.
"Sama makapagpatayo ako ng bahay para maitira ko na kayo ni Ariana," puno ng pag-asang sabi ni Kean. Gusto talaga niyanh bumukod ng tirahan sa mga magulang. Iyong matatawag nilang tahanan. May playground at may mga puno sa labas ng bahay kagaya ng sa bahay nila.
"Makakamit mo rin 'yan," sabi ni Irene. Sa sipag nito, hindi malabong matupad nga ang mga pangarap ng binata.
"Sana nga. Para sa inyo," ani Kean at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hey, nandito pala kayo."
Napalingon sila kay Angelo na kakapasok lang kasama ang dalawang kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...