41

4.6K 122 1
                                    

Got A baby With School Heartthrob
CHAPTER 41
Unedited...
"Hindi mo sinabing kayo na pala ni Kean at siya pala ang ama ng baby mo," nagtatampong sabi ni Maura. Nasa hallway na sila nang maisipang kausapin si Irene. Naiinis siya kay Irene. Pakiramdam niya, nilinlang siya nito. Nahuli na tuloy siya sa balita.
"Hindi ka naman nagtatanong," sagot ni Irene.
"Pero ilang beses kong tinanong kung sino ang ama ng anak mo," ani Maura.
"Hindi pa ako handang ipaalam noon," sagot ni Irene. Kapal ng mukha ni Maura. Matapos siya nitong saksakin patalikod, magdadrama ito na para bang bestfriend niya na nilihiman?
"Wala ka talagang tiwala sa akin, noh? Hindi mo ba ako itinuring na kaibigan?" tanong ni Maura kaya hinarap siya ni Irene.
"Ako ba, Maura, itinuring mong kaibigan?"
Natigilan si Maura sa tanong ni Irene.
"Sa tingin mo, dapat pa ba kitang pagkatiwalaan, Maura?" tanong ni Irene. Wala siyang panahong makipagplastikan pa rito. Mas mainam nang magkaalaman na sila.
"A-Ano ba ang ibig mong sabihin?" nauutal na tanong ni Maura.
"Ikaw ang nagpakalat na sa bar ako nagtatrabaho, 'di ba?"
"Pinaparatangan mo ba ako, Irene?" tumaas ang boses nito na hindi makapaniwalang masasabi iyon ni Irene sa kaniya.
"Tinatanong lang kita, Mau. Nasa iyo na kung sagutin mo ako ng totoo o hindi," sagot ni Irene, "Ikaw lang naman ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko, 'di ba?"
"Bakit? Wala naman sigurong masama kapag malaman nilang sa bar ka magtatrabaho, hindi ba? Sa tingin mo, ako lang ba ang may kakayahang gawin iyon sa 'yo, Irene?"
"Ayaw ko nang makipagtalo sa 'yo, Mau. Sapat nang malaman mo na alam kong hindi tunay na kaibigan ang turing mo sa 'kin."
"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako, Irene. Bakit? Dahil na kasintahan mo na si Kean at anumang oras ay handa mo siyang mabola?" nakakasuyang tanong ni Maura.
"Hindi ko binobola si Kean at labas siya sa usapang ito! Huwag mong idamay si Kean sa pagiging inggitera mo!" pagtanggol ni Irene sa sarili.
"Darating ang araw, pagsawaan ka ni Kean at iiwan ka rin niya!" galit na sabi ni Maura. Ang laki na yata ng ulo ni Irene? Porket boyfriend na nito si Kean at malapit ito sa mga Villafuerte, matapang na itong sagot-sagutin siya?
"Wala ka na bang sasabihin?" tanong ni Irene.
"Wala na! Hindi naman talaga kita itinuring na kaibigan dahil isa kang hamak na pobre lang!" pag-amin ni Maura. Ang tagal din niyang tiniis ang pakipagsama kay Irene kahit na surang-sura na siya.
"Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko sa 'yo, Maura. Tandaan mo, ikaw ang unang lumapit at hindi ako!" paalala ni Irene. Ayaw naman talaga niyang makipagkaibigan dito noon pero ito ang lapit nang lapit sa kaniya lalo na noong malaman nitong kasintahan 'kuno' niya si Alwyn.
Umurong ang dila ni Maura nang makita niyang palapit si Kean sa kanila.
"Mommy!" masiglang bati ni Kean at humalik sa pisngi ni Irene na para bang walang tao sa paligid. E ano ngayon kung maghalikan sila? Mahal naman nila ang isa't isa. Si Irene lang talaga ang ayaw ng PDA.
"Wala ka na bang pasok?" tanong ni Irene. Umiling si Kean at inakbayan siya. Walang pasabi namang iniwan sila ni Maura.
"Mommy? Pasyal tayo mamaya," bulong ni Kean.
"Saan?"
"Basta," sagot ni Kean. Naglakad na ang dalawa patungo sa tambayan nila, "Mommy? Nag-away ba kayo ng babaeng iyon?" tanong ni Kean na ang tinutukoy ay ang babaeng kausap ng kasintahan bago siya dumating. Hindi niya matandaan ang pangalan nito dahil wala siyang pakialam sa babae.
"Si Maura? Kinumpronta ko lang," sagot ni Irene na naiilang sa pagkakaakbay ni Kean. Paano, sila na lang ang pinagtitinginan ng mga ito. Hindi lang makapagsalita dahil kasama niya si Kean.
"Ano ang gusto mo? Ipapa-kickout ko siya?" seryosong tanong ni Kean. May CCTV ang Westbridge at nakita nilang ang tatlong kaklase ni Irene ang nagpadikit ng poster sa pangunguna ni Maura.
"Hindi natatapos ang pambu-bully nila sa pagpapatanggal sa kanila sa paaralang ito. Hayaan mo na sila. Hindi tayo makakabili ng gatas ni Ariana kapag patulan natin sila," sabi ni Irene.
Pumasok sila sa tambayan. Sina Alwyn lang ang tao rito. Magkaharap na nakaupo sila sa sala.
"Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo?" tanong ni Kean pero hindi sumasagot si Keana. Mukhang galit pa ang kakambal niya sa kaniya. Dinala ni Kean si Irene sa kusina. Naupo sila sa harapan ng triplets na kumakain.
Kumuha si Kean ng plato at binigyan ng pagkain si Irene.
"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Keana!" pagbabanta ni Alwyn at tumayo.
"Kapal ng mukha mo!" ani Keana pero tinalikuran na siya ni Alwyn at pabagsak na isinara ang pinto.
"Hoy!" tawag ni Keana nang lumapit sa kanila, "Boyfriend mo si Alwyn, 'di ba?"
"Tigilan mo nga ang paratang mo kay Irene!" saway ni Kean sa kakambal.
"Galit pa ako sa 'yo, Kean!" singhal ni Keana.
"Tigilan mo na nga ang pagiging isip bata mo! Pati si Mommy, dinadamay mo!"
"Bakit? Mula nang makasama mo 'yang babae na 'yan, nawalan ka na ng oras sa amin! Ne hindi mo na nga ako kinakamusta! Mag-isang classroom lang tayo pero hindi mo na ako pinapansin! Gusto kong makipag-usap sa 'yo, tinataboy mo ako. Palagi na lang akong mag-isang kumain! Mag-isang umuwi at kahit kausapin ako sa telepono, ayaw mo. Palagi mong minamadale ang usapan! Ne hindi mo na nga kinakasama kasi busy ka na riyan kay Irene mo!" sumbat ni Keana at pinahidan ang mga luha.
"Pero mali pa rin ang sinumbong mo kay Mommy," giit ni Kean na naaawa kay Keana. Ayaw niyang makita itong umiiyak, hindi siya sanay. Sanay siyang nakikita itong nakangiti at tumatawa.
"N-Nang may anak ka, hindi mo ipinaalam sa akin. S-Samantalang noong bata pa tayo, ako palaging nagtatakip ng mga kalokohan mo! A-Ako pa nga ang palaging pinapagalitan k-kahit na ikaw naman ang may kasalanan tapos dahil lang may Irene ka na, h-hindi mo na ako naaalala. Balewala na ako sa 'yo! Hindi mo na ako mahal!"
"Hindi 'yan totoo!" giit ni Kean. Sina Irene at Mommy pa rin niya ang first love niya, "Keana naman, unawain mo naman ako. Mahal ko kayo ni Mommy-- Keana!"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tinalikuran sila ng kakambal at lumabas ito.
"Kean?" malungkot na hinawakan ni Irene ang balikat ni Kean.
"H-Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Keana," naiiyak na sabi ni Kean at napahimalos sa mukha.
"Kakambal mo siya, nahihirapan lang siyang tanggapin ang lahat," malumanay na sabi ni Irene. Noong una niyang pagkakita sa dalawa sa canteen, akala niya, finaceè nga nito si Keana dahil kung makayakap sa braso ni Kean, wagas. Ang sweet pa nilang dalawa sa tuwing makakasalubong niya.
"Pero mali naman ang mga ipinaparatang niya."
Nakisabat na si Ate Yana na kanina pa nakikinig sa kanila, "Hayaan mo lang si Keana, nahihirapan lang siyang tanggapin dahil masyado siyang sanay na sa kaniya mo binubuhos ang atensiyon mo."
"Pero marami naman akong naging babae noon, hindi naman siya ganiyan," depensa ni Kean.
Ngumiti si Ate Yana kay Kean na para bang siya lang ang nakakaalam.
"Tanga!" sabat ni Sky na kanina pa gustong sumabat sa kanila, "Kakambal mo 'yon! Natural lang na magtatampo 'yon sa 'yo. Sa lahat ba naman ng kalokohan, ikaw ang kasama nun tapos biglang mawalan siya ng kalaro? Pati pa nga sa pagpangutang at pagmamakaawang ilibre, partner in crime mo 'yon."
"Pero magkakapamilya na--"
"Intindihin mo na lang muna si Keana, balang araw, maiintindihan ka rin niya," sabat ni Blue.
Tahimik na ipinagpatuloy ni Black ang pagkain. Bahala silang mag-usap dahil tinatamad siya.
"Hindi naman kasi kayo pareho sa aming triplets," ani Sky, "Bata pa lang kami, alam na ng parents namin na jinajakolan namin ang ina ng mga anak namin kaya hindi na sila nabigla."
"Ulol! Ikaw lang 'yon!" salubong ang kilay na sabat ni Black sabay sapak kay Sky.
"Aray! Putsa! Ba't ka ba mananapak?" reklamo ni Sky na napakamot sa ulo.
"Ikaw lang ang nagjajakol sa harap ni Taira mula noong bata pa tayo! Mandamay ka pa!" wika ni Blue. Sa lahat ng makapal ang mukhang manliligaw, si Sky iyon. Walang hiya talaga. Lahat yata ng kamanyakan ginagawa sa harap ni Taira kaya palaging nagsasapakan ang ama nila at ama ni Taira.
"Tama na nga! Hindi na kayo nahiya kay Irene!" saway ni Kean kaya parang tinahi na ang bibig ng tatlo. Ang lakas maka-throwback ng triplets. Ipinagpatuloy niya ang pagkain pero hindi mawaglit sa isip niya ang kakambal. Nag-aalala siya kay Keana. Hindi naman niya sinasadyang saktan ito.
Pagkatapos nilang kumain, hinatid niya si Irene sa classroom.
"Kapag may mang-api sa 'yo, isumbong mo sa akin," bilin ni Kean kaya ngumiti si Irene.
"Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko kaya umalis ka na."
"Tinataboy mo na ako, Mommy?" pagtatampo ni Kean.
"Hindi a. Sige na, pumasok ka na," sagot ni Irene.
"Sige, date tayo mamamaya. Last week, hindi kayo pumunta sa condo ko," ani Kean. Nagkasakit kasi ang ama nito kaya hindi nakapunta ang mag-ina niya. Excited pa naman siya.
"Sige," sagot ni Irene. Hinalikan siya ni Kean bago umalis. Napabuntonghininga siya habang nakatingin sa papalayong kasintahan. Nang dahil sa kaniya, nagkakaproblema si Kean sa pamilya.
Pagpasok ni Kean sa classroom, tahimik na nakaupo si Keana sa isang tabi. Kaunti pa lang ang mga kaklase nila at busy sa kani-kanilang gawain.
Nang magtama ang paningin nila ni Keana, tumayo ito at kinuha ang bag. Lalagapasan na sana siya nito pero mabilis na nahawakan niya ang braso ng dalaga.
"Keana, mag-usap muna tayo," sabi ni Kean pero nagpupumiglas ang dalaga.
"Bitiwan mo ako, Kean!" mahina pero puno ng galit na sabi ni Keana at tinulak ang kakambal saka mabilis na lumabas. Napansin niyang sinusundan siya ni Kean kaya binilisan niya ang paglalakad.
"Keana!" wika ni Kean nang maabutan ang kakambal. Hinila niya ito papasok sa walang taong classroom para makausap nang masinsinan.
"Ano ba! Bakit ka ba nanghihila?" singhal ni Keana.
"Gusto ko lang makausap ang kakambal ko," mahinahong sagot ni Kean.
"Wala na akong kakambal!" singhal ni Keana na lalabas na sana pero maagap na hinatak siya ni Kean at niyakap.
"K-Keana, s-sorry kung m-may pagkukulang ako sa 'yo nitong mga nakaraang araw. S-Sorry kung hindi na kita pinapansin at k-kung sa tingin mo, w-wala ka nang halaga sa akin," umiiyak na sabi ni Kean at hinigpitan ang pagkakayakap sa kakambal, "M-Mahal kita. M-Mahal ko kayo ni Mommy p-pero intindihin muna ninyo ako. K-Kailangan kong bumawi sa mag-ina ko."
"A-Ang daya mo, Kean..." sumbat ni Keana at pinagsusuntok ang likod ng kakambal, "A-Ang daya mo! H-Hindi mo na ako mahal!"
"Mahal kita," sagot ni Kean at sinusubukang pakalmahin ang dalaga.
"I-Iiwan mo na ba kami ni Mommy kasi mas mahal mo na sila? K-Kaya ba umalis ka sa bahay kasi ayaw mo na sa amin?" humihikbing tanong ni Keana. Mula noon, hindi pa sila naghiwalay ni Kean. Kahit lalaki ito at babae siya, sa kanilang magpinsan, sila lang ang kambal na hindi naghihiwalay. Si Kean lang ang hindi kaagad binigyan ng condo. Minsan, nakikitulog pa ito sa kuwarto niya pero ngayon, pakiramdam niya, inagawan siya.
"Hindi totoo iyan. M-Mahal ko kayo at mahal ko rin sina Ariana at Irene. Intindihin mo naman ako, o."
"M-Mahal mo na kasi si Irene. A-Alam kong seryoso ka na sa kaniya," humihikbing sabi ni Keana at pinahidan ang mga luha. Kumalas si Kean at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"Kakambal kita, Keana. Kaya walang makapaghiwalay sa atin. Tama nang pagtatampo, nandito pa rin ako para sa 'yo. Ako pa rin ang kuya na tagapagtanggol mo. Ako pa rin 'to," pagpaintindi ni Kean at siya na mismo ang pumunas sa mga luha ng kakambal, "Huwag mong isiping pinapabayaan na kita. Iiwan ka man ng lalaking mamahalin mo, pero kami ni Daddy, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal namin sa 'yo, tandaan mo 'yan."
Medyo kumalma si Keana at niyakap ang kakambal. Hindi pa talaga siya handang magkapamilya ito. Masyadong biglaan ang mga nangyari. Parang kailan lang, naghahabulan pa sila sa hardin nila. Kahit lalaki ito, sinisikap nitong maglaro ng barbie para may kasama siya at kahit babae siya, sinusubukan niyang maglaro ng bola at baril-barilan para din sa kakambal.
"Darating ang araw, maintindihan mo rin ako," bulong ni Kean at humiwalay sa kakambal, "Marami lang akong iniisip kaya nawalan ako ng time sa 'yo."
"Hindi na kasi ako ang priority mo!" nakalabing sagot ni Keana.
"Halika na nga, baka nandoon na ang teacher natin. Hayaan mo't babawi ako sa 'yo," yaya ni Kean at hinila palabas ang kakambal.
"Keana?" tawag ni Kean habang naglalakad sila, naka-holding hands.
"Hmm?"
"Huwag mo nang awayin si Irene, wala silang relasyon ni Alwyn. Ako lang talaga ang nakagalaw kay Irene kaya nasisigurado ko sa 'yong hindi siya katulad ng iniisip mo."
"Pag-isipan ko," labas sa ilong na sagot ni Keana.
"Gawin mo," ani Kean at ginulo ang buhok ng kakambal, "Bati na tayo?"
"Bahala ka. Basta ang limang milyon ko, ibigay mo."
"Wala na--" Kean.
"Boyfriend ko na si Alwyn!" naiinis na wika ni Keana kaya si Kean naman ang napanganga.

"Boyfriend ko na si Alwyn!" naiinis na wika ni Keana kaya si Kean naman ang napanganga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon